Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Tuesday, 22 February 2011

BABAE ANO KA SA BUHAY NG LALAKI

Babae ano ka sa buhay ng lalaki

Nais kong isulat ang isang pinaka-importante sa buhay nating lahat ang ina ng tahanan. Pero pinamagatan ko itong ''Babae ano ka sa buhay ng lalaki''.
Sana mabasa din ito ng mga kalalakihan na minsan ang turing natin sa mga kababaihan ay para bang isang laruan, kung minsan tinatrato pa nating parang hayup kung saktan nalang natin ganon-ganon nalang palibhasa alam nating hindi makakabawi ang lakas ng isang babae kung ikukumpara sa ating mga lalaki ang tanging panlaban nalang nila ay ang umiyak. Kung minsan ang turing natin sa kanila ay parang mga bata na kung sigawan mo ganon-ganon nalang na akala mo parang asong susunod sa iyo. Kung minsan kung pagsalitaan mo ng masasakit na salita ganon-ganon nalang na parang inaakala mo na rebulto sila na walang damdamin na tulad mo. Isauli mo nalang siya sa kanyang mga magulang dahil anak siya na pinalaki sa pagmamahal at inaruga ng kanyang amat ina kinuha mo para gawin mong hayup. Tao din sila na tulad mo may damdamin na marunong masaktan, marunong umiyak at nangangailangan din ng pagmamahal na tulad mo. Ang isang babae ay handang ilaan ang buhay para sa iyo sana ilaan mo rin ang buhay mo para sa kanya. Hindi madaling tangapin ng kanyang mga magulang na ang kanilang anak na pinalaki sa pagmamahal tinatrato mo lang na parang hayup. Hindi dahil ikaw ang bumubuhay sa kanya maari mo ng gawin ang lahat ng nais mong gawin sa kanya kahit alam mong nasasaktan na ang kanyang damdamin sa mga ginagawa mo, sa mga salita mo.
Karamihan sa mga lalaki magaling makitungo sa ibang tao, magaling makipag-usap sa ibang tao, mabait sa ibang tao, magaling mag bigay ng advice sa ibang tao.. pero pagdating sa sariling tahanan doon lumalabas ang kabulukan ng ugali, doon lumalabas ang kabulukan ng pag iisip, doon lumalabas ang mga masasakit na salita na hindi niya magawang sabihin sa ibang tao dahil baka isarado ang mukha niya.
Mapalad ka lalaki na kahit gaano kasakit ang ginagawa mo sa babae hindi ka parin iniiwan sa kabila ng lahat ng ginagawa mo sa kanya.

Pero... Huwag mong asahan na habang panahon siyang magtitiis sa ginagawa mo. Idalangin mo lang na wala siyang makilala na mas nakahihigit sa iyo.. hindi siya magdadalawang isip na iwan ka.





3 comments:

Anonymous said...

Nais kung ibahagi ang aking saloobin sa mga oras na ito. Gulong-gulo ang ang iisipan kung ano ba ang talagang mahalaga sa buhay ng tao. Kapag ikaw ay nasa trabaho at nasasaksihan ang bulok na sisitema ng mga taong walang hanggad ay maging angat sa kanyang kapwa...kahit na sa kabila ng lahat ay maaaring maskatan o di kaya ay matapakan ang kanyang pagkatao. Nakakainis isipin na sila ay nagpapanggap na mabait pero sa kabila nito ay ka demo-dmonyo naman tlga ang ugali. Kulang nalang ay sungay at buntot. Naniniwala ako na darating din ang panahon na sila ay makakarma rin sa ginagawa nila. Pero habang na dyan sila ay patuloy paring pabigat sila sa marami sa amin.

ROM CALPITO said...

Salamat kabayan anonymous sa pagbisita at paglalahad ng saloobin mo nais ko sanang sagutin bagamat hindi mo masyado naipaliwanag kung ano ang tunay na kasalanan ng tinutukoy mong kasamahan sa trabaho.

Kung mamarapatin mo para sa iyo nalang itong sasabihin ko... sa buhay nating lahat ay wala na sigurong pinkamhalaga kundi ang mabigyan ntin ng mgandang bukas ang ating pamilya. Kung iyan ang nais mong mkamit sana alisin mo lhat ang mgiging blakid sa tinatahak mo na mgiging hadlang sa kligyahan ng pamilya mo. Habaan mo ang pasensya mo, alisin mo sa srili mo ang pagiging bugnutin, huwag ka sumali sa problema ng iba kung hindi nman ikaw ang apektado ng gulo nila, magtrabaho ka ng tama para hindi k masilipan ng mali. may mga taong talagang ganyan pero hindi ntin hawak ang isipan nila para sumunod sa kagustuhan natin hawak mo ang sarili mo kya ikaw ang mag utos sa srili mo para gumawa ng tama. kung magpangap sila ng mbait or ng khit anong gusto nila huwag mo n silang pkialaman buhay nila iyon hanggat hindi ka nila ginagalaw gumawa ka ng nag iisa dahil hindi nman sila kailangan ng pamilya mo ikaw ang kailangan ng pamilya mo kya umiwas ka sa mga taong mkakasira sa iyo. Kung ang taong tinutukoy mo ay pabigat sa nakararami tanungin mo sarili mo kaibigan kung siya bay pabigat rin mismo sa sarili mo kung hindi bakit mo pa sila pakikialaman di ba? nagpunta tayo dito para magtrabaho para sa pamilya natin may trabaho ka na gampanan mo trabaho mo ng maayos bawat minuto binabayaran tayo kya sa bawat minuto magtrabaho din tayo. Minsan kc may mga taong mahilig magnakaw ng oras ng kompanya pero pag sinumbong nman sila pa ang galit gayong kasalanan din nman nila. magtrabaho tayo para walang isumbong. plagay mo sinong mali yung nagsumbong or yung naisumbong. kung nakakagawa tayo ng mali dapat marunong tayong tumangap ng pagkakamali para tapos agad wala ng problema alang-alang sa pamilya huwag nating gawin ang isang bagay na pagsisihan natin sa huli. nasa tamang pagiisip na tayo kaibigan dapat alam narin natin ang tama at mali. sana makatulong ito sa iyo kaibigan

balik ka lang uli dito welcome ka sa lahat ng saloobin mo isulat mo lang dito at handa akong mag bigay ng advice para sa iyo. salamat

Pakisulat mo narin kung ano ba ang naging kasalanan ng tinutukoy mong katrabaho mo ha

ROM CALPITO said...

meron akong isang entry dto tungkol din iyan sa ating sarili at sa trabaho at sa mga taong nkapaligid sa atin may title na... PAANO AANGAT ANG BUHAY NG OFW

Photobucket