Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Saturday, 31 January 2009

USAPANG RELIHIYON

Kadalasan tayong mga pilipino ang hilig nating makipag argumento o kaya maki pagdebate.. Human nature narin kc ng tao ang magpagalingan. Ano man ang maging topic palaging andiyan ang pagtatalo-talo. Lalo na sa inuman.. pangit naman yung nag iinuman kayo ng walang napag uusapan. ha ha ha
Kapag inopen mo sa isang umpukan ang salitang '' religion '' yan.. dito natin masasabi na magagaling tayong mga pinoy. Sabagay ano nga naman ang masama sa opinion di bah! Meron tayong kanya kanyang pananaw o paniniwala tungkol sa usaping relihiyon o biblia. Minsan.. nag iisip din ako, Sino ba ang magsasabi o masasabi nating tama ka o tama siya kapag biblia na ang pag uusapan? Lahat tayo maari nating sabihin na tama ka sa sarili mong paniniwala dahil iyan ang paniniwala mo. Masasabi ko din na tama ako sa aking opinion dahil iyan din ang aking paniniwala. Kahit magkaiba tayo ng paliwanag sa usapin. Sino naman kaya ang mali?
Sabagay pagdating sa relihiyong usapin hindi talaga ako nakikipagtalo dahil ako mismo sa sarili ko paano ko nga naman masasabing tama ako kung ang pagbabasihan ko lang ay yung mga nakasulat sa biblia. Tinatanong ko rin ang sarili ko kung... Meron nga bang katotohanan ang mga nakasulat sa bibliya. Lalo na kung naririnig ko sa isang pastor o pari na '' totoo '' ang mga nakasulat sa bibliya.Tinatanong ko sila kung bakit at paano nila nasabing totoo nga ang mga nakasulat sa bibliya na iyon daw ang mga salita ng diyos. Ano ang batayan nila na iyon nga ang mga salita ng diyos? Derekta ba nilang nakita ''mismo'' ng kanilang mga mata habang sinusulat ni kristo sa bibliya? Kung talagang nakita ng kanilang dalawang mata na sinusulat mismo ni kristo o nag susulat si kristo sa bibliya... Diyan ako maniniwala sa sinasabi ninyong totoo nga ang mga nakasulat sa bibliya na ang mga nakasulat ay ang mga salita ng diyos. Sabi nga sa ating kasabihan..TO SEE IS TO BELIEVE di bah! Kailangan yung pagpapatunay na totoo nga.
Sa usapin tungkol sa relihiyon o bibliya marami ang nag aaway o nagkakagalit dahil hindi magkasundo, dahil parehas na ayaw magpatalo sa isat-isa, dahil mag kaiba ng paniniwala. Sa dami na ng henerasyong dumaan.. pang ilang henerasyon na ba tayo mula ng meron si kristo?Ang dami ng pagbabago di bah?

Iisa lang ang sinisigurado kong totoo.. MERONG DIYOS!

Hindi ko man tuwirang nakikita.. Pero nararamdaman ko na narito lang siya sa ating paligid.

MASARAP ANG BUHAY

Lingo nanaman.. dumating nanaman ang oras ng aking pag iisa,ang oras ng aking pag iisip. Para akong dagang hilong talilong dito sa munti kong silid. Masasabi kong maganda narin itong aking silid ngayon, kompleto sa gamit.. merong cable tv, meron akong ref, meron ding aircon , meron ding electric fan, at meron din akong computer na malaking naiitulong sa tulad kong nangungulila dito sa malayong lugar. Kung ating titingnan o iisipin wala narin akong hahanapin pa sa buhay dahil kompleto eka nga.
Pero.. bakit ako nakakaramdam parin ng kalungkutan?

Ahhhhh! ang hirap din mag isip, isip ng isip.. wala naman akong tiyak na iniisip. Gustuhin ko mang lumabas ngunit.. nagtatalo ang isipan ko.. dahil kung lalabas ako.. tiyak, gagastos nanaman ako,andiyan kung makikita ko mga kaibigan ko. Kaya minamabuti ko nalang ubusin ang mga oras ko dito sa aking silid. Ang hirap din ng buhay natin dito sa malayo noh? Dito sa malayo makakain mong lahat ng gusto mo, magagawa mong lahat ng nais mong gawin, pero.. parang may kulang parin. Para bang hindi mo maabot ang kasiyahang hinahanap ng isipan mo.

Ano nga ba ang kulang?
Minsan nakakasama ko ang isa sa matalik kong kaibigan dito.. Hindi sa pinipintasan ang aking kaibigan.. nais ko lang bigyan ng halimbawa ang pinupunto ko dito sa sinusulat ko. Isang halimbawa na namumuhay na masaya dito sa malayong lugar. Isang tao na masasabi mong hindi iniisip kung ano ang bukas. Ang mahalaga sa kanya.. masaya siya, araw araw na nakakainom,nakakapasyal. Ang mahalaga sa kanya.. kahit konti makapagpadala siya ng konti sa kanyang pamilya. Nakikita ko sa kanya na wala
siyang nabubuong plano sa kanyang buhay at sa buhay ng kanyang pamilya.Parang siya ang masasabi kong isang halimbawa upang maikumpara ko ang aking sarili.

Sa tuwing kami ay nag uusap... Madalas kong naririnig sa kanya '' Pre.. apat na taon at kalahati na tayo dito sa korea, hangang ngayon.. wala pa akong naiipon ''. Hindi man ako umimik.. pero don ako nakakaramdam ng konting kasiyahan. Kasiyahang wala akong napagsisihan.. Kasiyahang wala akong nasayang na panahon, at kasiyahang wala akong nasayang na pagkakataon. Ayaw kong sirain ang araw ng aking kaibigan..
Naglalaro sa aking isip... kaylan pa nga naman siya mag uumpisang mag ipon. Makaisip man siyang mag ipon.. Huli na!Ilang panahon na lang at sabay din kaming uuwi ng pilipinas. Ang daming panahong nasayang, ang daming pagkakataong nawala. Kung ikaw.. Ano kaya ang maipagmamalaki mo sa iyong pamilya?
Ano kaya ang sasabihin mo sa iyong maybahay?
Sapat na ba iyong sabihin mo sa kanila na... Nagpapadala naman ako sa inyo.
Sapat na ba yung sabihin natin.. ang baba kasi ng palitan ng dollar.
Sapat na ba ang sabihin nating.. Ang liit kasi ng sahod namin.
Kung nakahiga ka na sa inyong tahanan... Hindi mo ba naiisip yung mga pinag gagawa mo nuong nasa ibang bansa ka pa?
Kung nakahiga ka na sa inyong tahanan... Hindi mo na ba susulyapan ang iyong asawa at ang iyong mga anak.
Kung nakahiga ka na sa inyong tahanan... Hindi mo ba maiisip na sana.. ibalik na muli ang nakaraan.
Kung nakahiga ka na sa inyong tahanan... Ano kaya ang naiisip mo?
Makatulog ka kaya ng mahimbing?Pag gising mo kinabukasan..
May ngiti ka kaya sa iyong mga labi?

Sa mga nakakabasa nito..
Ayaw ko sanang pag isipan ninyo ako ng galit. Hindi ito para sa mga taong walang pinagsisihan. Para ito sa mga taong katulad ng ginawa kong halimbawa sa itaas.
Alam ko papalakpak na may ngiti ang bawat taong makaka unawa dito sa aking sinulat. At alam ko din na.. makakasagasa ako ng damdamin ng mga taong ayaw tumangap ng pagkakamali.

Bahagi lang din po ito ng buhay nating mga pilipino na nandito sa malayong lugar. Sana lagi nating iisipin.. masarap ang mamuhay sa sarili nating bayan.

Pero mas masarap ang mamuhay kung ikaw ay may makakain.

Salamat sa inyong pagbabasa.
Photobucket