Sa tagal kong pagtatrabaho dito sa abroad iisa ang nakikita kong dahilan kung bakit karamihan sa mga pilipino lalo na ang mga OFW na umuuwing bigo. Ito ay ayon sa pansarili kong obserbasyon. Dito sa abroad ang pangunahing nagpapahirap sa mga pilipino bukod sa mga ugali at kayabangan ay ang "SOBRANG KALAYAAN".
Hindi ko na babangitin dito kung anong ugali meron tayo, lahat ng ginagawa natin ay nakabatay talaga sa ugali ng tao. Andyan yung kayabangan, yun bang mahilig tayong magyabang bibili ka ng mga mamahaling gamit kahit meron ka ng mumurahing gamit pilit mo paring bibilhin ang mamahaling gamit para lang maipakita mo or maipagmalaki mo na meron kang ganong gamit. May CPU kana bibili ka pa ng laptop para maipakita mo sa iba na meron kang laptop na gamit parte yan ng kayabangan. Meron ka ng cellphone bibili ka pa ng mas hightech sa sellphone na gamit mo para maipakita mo na meron karing mamahaling cellphone, parte din yan ng kayabangan. Sa madaling salita.. sayang ang mga pera.
Bukod diyan ang pinaka dahilan kung bakit nagiging bigo ang isang ofw ay ang sobrang kalayaan.
Dito sa abroad.. nandito na ang lahat ng kalayaan nating mga pilipino. Malaya tayo sa lahat ng bagay kung ikukumpara natin nang nasa pinas tayo at katabi natin ang ating mga asawa't mga anak. Sa pilipinas kahit papaano merong magbabawal sa iyo. Kadalasan.. marami tayong hindi natin nagagawa kung nasa pinas tayo na malayang nagagawa natin dito sa abroad. Malaya tayong gumasta ng gumasta, malaya tayong uminom ng uminom, malaya tayong makipag jamming at makipag inuman kahit kangino ng magdamagan at makipagpartihan kung saan - saan ng walang nagbabawal or walang pumipigil at malaya tayong mamasyal ng mamasyal kung saan saan at malaya tayong makipagligawan kahit kangino. Sa madaling salita malaya nating gamitin kung saan - saan ang perang hinahawakan natin na sa bandang huli wala na palang nangyayari sa pagiging ofw natin, wala na palang natitira sa perang pinaghirapan natin, wala na pala tayong naiipon.
Sa huli saka natin maiisip na ang laki pala ng nalustay mong pera, sa huli saka mo idadahilan sa misis mo or sa mga magulang mo.. ang baba kasi ng sahod namin, idadahilan mo pa.. hindi nasunod ang talagang suweldo ko. pero.. nakatago sa isipan mo na hindi mo kayang isiwalat sa misis mo na ang dami mong nilulustay na pera kaysa pinapadala mo sa pamilya mo.
Yan kadalasang dahilan kaya maraming mga ofw ang umuuwing bigo.. ''ANG SOBRANG KALAYAAN".
No comments:
Post a Comment