Marami sa atin ang hindi nakaka-alam kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang ''pagsubok''. Ang tinutukoy ko dito sa sulat kong ito ay ang tinatawag nating pagsubok sa atin ng diyos hindi pagsubok sa pagsusulit o sa ano mang bagay. Kadalasan at bukang bibig nating lahat na ang paniniwala nating pagsubok sa atin ng diyos ay kung dumarating sa buhay natin ang isang problemang kinakaharap natin sa ating buhay. Kadalasang naririnig ko sa tao... ''Tibayan mong loob mo pagsubok lang iyan sa iyo ng ating panginoon kung gaano ka katatag sa problema. Sinusubukan lang kung hanggang saan ang tatag mo''.
Iyan ba ang pagsubok sa atin ng diyos?
Halos 90% or 95% na mga pilipino ang naniniwala na ang problemang kinakaharap ng tao ay binigay ng diyos upang subukan kung gaano ka katatag. Hindi po.
Ang tunay na pagsubok sa atin ng diyos ay kung paano ka gagawa ng mabuti or masama sa kanya sa pamamagitan ng kapwa kung paano ka niya bibigyan ng gantimpala at kung paano ka niya bibigyan ng parusa ayon sa ginagawa mo sa kapwa at ayon sa kung ano ang iniisip mo sa kapwa sa araw-araw. Kaya nga tayo binigyan ng isip upang maisip natin kung ano ang tama at mali at kung ano ang masama at mabuti. Binigyan tayo ng layang mag-isip upang isipin natin kung tama nga ba nating gawin o hindi ang isang bagay na nais nating gawin. Binigay ng diyos sa atin ang lahat ng laya sa ating sarili.
Marami ang naniniwala na ang diyos ang gumagawa ng lahat ng nais nating gawin. Hindi rin po, di wala na sanang gumagawa ng masama, wala na sanang magnanakaw at mga killer, wala na sanang mga pintasero at abusado. Lahat ng ginagawa mo ayon sa sarili mo, ayon sa isipan mo at ayon lahat sa kagustuhan mo. Ikaw mismo ang gumagawa ng lahat hindi diyos. Nakamasid lang sa atin ang diyos.
Ang tunay na pagsubok sa atin ng diyos ay kung paano ka gagawa ng mabuti or ng masama sa kapwa. Makikita mo ang ibibigay niyang pagsubok sa iyo sa pamamagitan ng mga taong nakakasalamuha mo or nakakaharap mo sa oras-oras. Kung gagawa ka ba ng mabuti or masama sa kapwa mo upang maigawad niya ang gantimpala sa iyo ayon sa kabutihan mo at parusa ayon sa kasalanan mo. Ang iyong kapwa ang nagsisilbing pagsubok mo sa araw-araw kung gagawa ka ng mabuti o masama, hindi kung anong problema ang kinakaharap natin.
Ano ba ang gantimpala sa kabutihan mo at parusa sa kasalanan mo?
(Mababasa ninyo ito sa isang entry ko na may pamagat na ''Gantimpala or Parusa''.
Kadalasan halos lahat tayo alam lang sa salita na magpakita ka ng kabutihan mo sa diyos pero... hindi alam kung sa paanong paraan maipapakita ang kabutihan at kasamaan sa diyos. Hindi po nakikita ang kabutihan sa pagsisimba or pagbabasa ng bibliya. Makikita ang kabutihan mo sa diyos sa pamamagitan ng pagtrato mo sa kapwa, pakikitungo mo sa kapwa. Kaya ang tunay na pag subok ng diyos sa atin ay ang mga taong nakakaharap natin, nadadaanan natin, nakikita natin. Sa pamamagitan nila makikita ang kabutihan at kasalanan mo sa diyos.
No comments:
Post a Comment