Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Monday, 18 July 2011

WALANG KWENTANG PAYO SA IBANG TAO


Kadalasan ito ang mga naririnig ko at nababasa kong ipinapayo lalo na dito sa net sa mga forum , facebook , at kung saan - saan pa. Kadalasan pa sa mga kababayan kong mga pilipino ko ito madalas mabasa ang bukang bibig na kauna-unahan laging ipinapayo ''BE YOUSELF'' , ''LOVE YOUSELF'' , kung minsan pa ito ang madalas na dialoge ng mga magagaling na magpayo ''MAGING TOTOO KA SA SARILI MO''.

Ikaw... madalas mo ba itong ipinapayo sa mga taong bigo? sa mga taong bigo sa pag - ibig? or sa mga taong nahaharap sa anumang suliranin?

Kung madalas mo itong ipinapayo sa ibang tao... Kaya mo naman kaya gawin iyan mismo sa sarili mo? Paano mo magagawa mismo sa sarili mo ang mga ganyang payo? Alam mo ba ang kahulugan ng mga salitang.. ''be yourself'' or ''love yourself''? Natural.. oo ang isasagot mo.. alam naman talaga natin ang kahulugan ng mga salitang iyan, ganyan naman tayong mga pilipino kadalasan alam natin ang kahulugan ng mga salita pero sa realidad ng buhay hindi mo na alam gawin. Be yourself... Paano? Love yourself... Paano? sigurado tameme na tayo diyan.

Para sa aking pananaw iyan ang walang ka-kwenta - kwentang advise sa isang tao. Bakit?
Paano mo i-aaply iyang advise sa sarili mo? Kung ikaw mismo hindi mo magawa sa sarili mo.. bakit mo pa i-aadvise iyan sa isang tao? Hindi muna pag isipan mabuti kung tama or mali ang mga sinasabi. Kadalasan ang bukang bibig ng ibang pilipino ''Maging totoo ka sa sarili mo'' Bakit kailangan pa ba nating maging totoo tayo sa sarili natin? Kailangan pa bang patunayan natin sa sarili na totoo ka? Hindi mo ba kilala sarili mo? Kangino mo ba dapat ipakita na totoo kang tao? sa sarili mo or sa ibang tao? Dapat sa ibang tao ka magpakatotoo hindi sa sarili mo.

Meron akong sariling kasabihan na dito lang ninyo unang mababasa...

Kadalasan ang tao..
''Ang simpleng payo mo sa ibang tao iyon naman ang hindi mo magawa sa sarili mo.''


2 comments:

=supergulaman= said...

yeah...right... :).. kelan nga ba tayo naging fake sa sarili natin... meron pa ngang isa eh..yun yung "Wag mong lokohin ang sarili mo"... yan ang medyo mahirap gawin...parang baliw-baliwan ang dating sa akin nyan... :D

ROM CALPITO said...

haha oo bro super G madalas ko rin naririnig mga salitang yan nakaka-stress haha salamat bro sa pagbisita tc/gb

Photobucket