Nung sabado dahil walang pasok nagkainuman nanaman kamingmagkakapitbahay, kainuman ko taga dagupan yung isa, tagaalaminos yung isa, general santos yung isa, at cavite yung isa.!Pinasyalan nila ako dito sa kuwarto ko, Pare! dito na naman kami! eto, may dala kaming maiinom,Anong pulutan natin diyan? (tanong nung taga GENSAN)Meron akong ulam doon, kinuha ko sa kusina yung ulam nungkasama ko sa kabilang kuwarto, palibhasa tamad maghugas ngmga pinagkainan kinuha ko yung natirang ulam niya na inaamag nasa tagal na hindi nahuhugasan, ang bagsik nga ng amoy pag binuksanmo yung takip. Ang ginawa ko hinalo ko yung ulam na apat na beses ng panis. Hinalo ko para hindi mahalata yung amag, tapos kinuha koPare!Paki-amoy mo nga ito kung hindi pa panis?Lumapit yung taga gensan, sabay bukas nung kaserola sabay yuko at inamoy, sabay singhot.Sus! talsik yung ulo sa pagkakaatras nung maamoy yung ulam, ha ha ha
Sabay tanong ko.. Ano pare pwede pa ba?Ta***na ka pre, ang bagsik ng amoy. !Nung minsan nag inuman nanaman kami, tag-yelo dito noonumuulan ng yelo, kaya masarap uminom. Meron akong natirangdinuguan sa ref. kung magluto kasi ako maramihan pang tatlong arawpara hindi luto ng luto, painit na lang. Eh, umabot ng isang lingo nakalimutan kong itapon pero walang amoy dahil nasa ref. Pagdating ko sa room ko andon na yung mga sunog baga sa room koat inuumpisahan ng mag inom, pinainit nila yung dinuguan.Hindi nalang ako umimik, sa madaling salita, naubos yung dinuguan,maya-maya umalis yung isa, comfort room ang destinasyon ha ha hamaya-maya nagpaalam naman yung isa pa, comfort room din ang destinasyon wha ha ha! Sabi naman nung isa pa...Pare, may tisyu ka ba diyan? Andon pare sa cr!kaso naubos na, maya-maya tumatakbo yung isa pa na taga dagupanha ha ha ha unahan sila ngayon sa cr kahit wala ng tisyu bastamakaraos kasi nga hindi na maka-utot may sasabay, yung isa naman wala ng mapuwestohan sa tabo nalang umupo.Nakaraos yung isa kaso wala ng tisyu,Pare!!!! pengeng tubigggg!!Binigyan ko ng tubig na malamig galing sa ref.Ta***na ka pre!! wala na bang ibang tubig? Wala na!!Pagbuhos sa puwet... Waaaaaaaa Ang hapdiiiiii!!Buhos uli.... Ahhhhhhhhhh jusko poooo!!!Buhos uli... Ahhhhhh, woooh hirapppp!!!!Yung isa pa na umupo sa tabo kailangan din ng tubig,Binigyan ko din ng malamig na tubig... Pagbuhos...Ahhhhhhh!! Buhos uli.. Ahhhhhhhh!! Brrrrrrrrr!!Buhos uli... ahhhhhh!!! hirap namaaaaannn!!! brrrrrrr!!!Ha ha ha ha ha ha haHirap pala ng malamig na tubig ang gamitin sa puwet noh?Parang nanganganak ha ha ha ha!Isang chapter pa lang yan..Di ba pag nagtatae ka maraming chapter yan?Eh.. wala ng tisyu.
Kahapon naguusap kami nitong kaututan ko ng dila, dahil parehaskaming panggabi sa trabaho, madalas ko siyang nakikitang tulog nanakatayo. Nakakita na ba kayo ng taong tulog pero nakadilat?Eto ngang kasama ko kinakausap ko nakatingin sa akin pero walangulirat, hirap talaga ng katayuan natin dito sa malayo, lahat na ng hirapnararanasan natin dito, biro nyo ngayon lang ako nakakita ng taongtulog pero nakadilat.Pinayuhan ko siya para mawala yung antok niya habang nagtatrabaho.!UNAKapag nagtatrabaho ka kailangan paganahin mo yung isip mo, lahat ngimposibleng mangyari kailangan sa isip mo magawa mo lahat.Pare halimbawa ano? (tanong niya sa akin)Halimbawa driver ka ni rica paralejo, hinatid mo siya sa malayong lugar dahil mag shu-shooting siya. Siyempre malayo, dalawa lang kayosa kotse at don pa siya naka upo sa harap tapos naka mini-skirtpa, maigsi yung palda niya, kita yung legs niya, dahil malayo, nakitamong uminom siya ng sleeping pills para makatulog.Mga ilang minuto pa tulog na tulogna siya, wala ng kamalay-malay.Ngayon.. anong gagawin ko pare? (tanong na naman ng kasama ko)Ang tang-tanga mo naman! Alangan namang matulog karin?Wala ng kamalay-malay yung tao, Kita mo ng lahat! Di halikan mo nglahat! Dahan-dahan lang baka magising haha huwag mo lang papasukin baka mabuntis.
Yan hindi ka aantukin diyan.!PANGALAWADi ba sabi mo.. yung sales lady na kapitbahay mo ang ganda-gandaniya? crush na crush mo di ba?Sa bakasyon mo.. subukan mong alukin baka sakali pumayag.Anong sasabihin ko naman? (tanong uli niya)Ganito yon... Sa bakasyon mo sabihin mo sa kanya na bibigyan mosiya ng sampung libong piso.Siyempre matutuwa iyon.Sabihin mo sa kanya, bibigyan kita ng sampung libo, pero pa kiss.Ha! Ang mahal naman! (sigaw ng kasama ko)TOINK!! Ange-ange ka talaga! kwentuhan lang naman ito!Para hindi ka antukin! Wala namang bayad mangarap di ba?Siyempre papayag yon kiss lang naman hindi naman siya mabubuntisdi ba? may pang load na siya sa cellphone niya.Sabihin mo sa kanya bibigyan mo siya ng sampung libo peroki-kissan mo siya sa lahat, kiss lang naman eh.Papayag kaya yon?!PANGATLODi ba sabi mo yung biyenan mo bata pa at may itsura pa?Oo (sagot niya sa akin)Paano kung kasama mo siya dito sa abroad at kasamamo pa siya dito sa kompanya ninyo, at dalawa lang kayongpinoy dito sa kompanya nyo.. Ano kaya mangyayari?Napa-isip yung kasama ko ngayon, nakatulala, ha haAt ngising aso pa ang loko!Ano itutuloy ko pa ba yung kuwento?!O.. Yung mga nagbabasa diyan kayo na magtuloy ng kuwento!
Hindi ka makagawa ng mabutiDahil ayaw mong gumawa ng kabutihan.Nakakagawa ka ng kasalananDahil sinasadya mong gumawa ng kasalanan.!Nais ko lang ibahagi ang aking mga nakaraan, alam kongkahit konti may makapulutan ng aral.Noong kasalukuyan pa lang akong namamasukan bilang security guardhindi ko kinakahiya ano man ang maging trabaho ko, ang mahalagamaitawid ko sa gutom ang aking pamilya, hindi ko iniisip ang kahihiyanko hindi yan ang kailangan ko kundi ang lakas ng loob ko para harapinang hamon ng buhay.!Sa panahon ng aking patatrabaho bilang security gauard isangpagsubok ang aking naranasan. Nakakuha ako ng humigitkumulang sa dalawang milliong halaga kasama ang mga pirmadongpeso at dollar cheque at mga bankbook na ang isang bankbook langnaglalaman na ng unang deposito na one million agad, kasama ang mgadollar cheque na pinakamababa ay five thousand dollar cheque.Bagamat hindi ko na tiningnan ang iba pang laman ng malaking plasticbag dahil dali-dali kong ibinigay sa mga katulong ang halagangnapulot ko mismo doon sa pinagbabantayan kong appliance center.Dahil araw ng lingo sarado ang appliance center na binabantayanko tanging ako lang at mga katulong lang ang tao sa bahay ng may-arina nasa itaas ng building. Napakalaking halaga na kahit ang amo ko namay ari ng appliance center ang hindi mapigilang humanga sa aking ginawa, naisauli sa tunay na may-ari ang halaga, abot-abot ang iyakng may-ari at pasasalamat dahil naisauli sa kanila ang napakalakinghalaga, na kahit ang amo ko na may ari ng appliance center sa sobrangpaghanga at proud niya dahil security guard niya ang nakagawa ngkabutihan sa kapwa, isang pahayag ang sinabi niya sa akin,!"Jett, Dahil sa ginawa mo.. naibuhos ko na sa iyo lahat ng aking pagtitiwala.Bilang gantimpala.. Pumili ka ng kahit anong appliances diyansa loob akong bahalang magbayad. Shock ako, napakaraming appliancessa loob na pwede kong pagpilian. Pero... tinangihan ko ang alok saakin ng may ari, shock din siya ha ha, ang sinabi ko lang sa kanya"Sir, Basta may trabaho lang ako para may makain lang pamilya komasaya na ako'' Titig na titig sa akin ang mag asawang may ari, hindi makapaniwala sa aking sinabi. ''Jett hindi ka aalis dito sa akin''.Salamat sir!!ANG PRINSIPALIsang mag asawang magsasaka ang narinig kong nag uusap tungkolsa anak nilang high school narinig ko na patitigilin na nila sa pag aaralang kanilang anak, hirap na sila sa kanilang pamumuhay.dahil hindi na nila kaya ang mga halagang binabayaran sa publicschool. Matagal ko naring naririnig ang tungkol sa prinsipal sa aming paaralan. Sumabat ako..''Huwag ninyong patitigilin ang anak ninyo!yung prinsipal ang patitigilin ko!''Dahil alam kong ang mga anak lang ang tanging pag-asa ng mga magulang.Ayaw kong may mga batang hindi makatapos kahit high school lang.Kahit maging delikado ang magiging buhay ko,Nag buo ako ng grupo ko at pinamunuan ko ang gagawin naming rallysa harap ng paaralan hindi ko na papasukin sa loob ng paaralan anghayop na prinsipal namin na matagal ng panahong nagpapahirapsa mga magsasaka. Sa aking pamumuno kasama ng matatapangkong mga kasama at sa tulong ng pagkakaisa ng lahat ng mga magulang,kabataan, tanod, mga kagawad at kapitan. Inilabas ko ang lahatng istudyante sa loob ng paaralan. Isa-isa kong sinigawan ang mga gurona kasabwat ng prinsipal at kahit mismo ang superentendent ngDIVISION DECS sa aming bayan nasigawan ko dahil bulag din ang matasa mga nangyayari sa paaralan. At dahil sa aming pagkakaisanapagtagumpayan naming patalsikin ang prinsipal ng aming paaralan.Bagamat naharap kami sa kaso kasama ng matatapang kong kasamahindi namin inatrasan ang demandang inilaan sa amin, sa tulongng mga panalangin ng mga magulang nalampasan namin ang asuntongipinataw sa amin. Ngayon.. Maraming magsasaka ang nagdiwang dahilsa konting halaga na dapat sanay ibibigay nila sa paaralan, naibibili na langnila ng pang ulam sa araw-araw at marami naring mga batang malayangmakapagtapos ng high school.!Nakakatuwang isipin ang mga bagay na nagawa mong kabayanihansa kapwa at sa mahihirap. Ano mang oras ka nila masalubongmaramdaman mo ang abot langit na paghanga at paggalang na makikitamo sa mga taong saksi sa kabayanihang nagawa mo. Ano mang liit nakabutihang nagawa mo sa kapwa, tutumbasan nila ng paggalang.Sa katunayan.. Ako ang itinutulak nilang tumakbong kapitan ng barangay. AYAW KO!^_^!Sa aking nagawa, higit ang paghangang ibibigay sa iyo ng sarilimong pamilya, dahil ama nila ang nakagawa ng mga bagay naminsan hindi magagawa ng iba. Sa mga mga kabutihan kong nagawa sa kapwa, bilang regalosiguro sa akin ng panginoon, isa akong pinalad na makapunta ditosa korea, at.. isa ang may ari na nakatulong sa akin upang makapuntadito sa kinalalagyan ko ngayon. Ang halagang aking naisauli, unti-unti ko ring natitikman at ng aking pamilya. Ang halagang aking naisa uli, kasinghalaga ng mgapangarap ng aking mga anak na unti-unti narin nilang nakakamit.!Hindi ko inaalis sa aking isipan ang isang pangungusap na...!HUWAG MAGING BAYANI SA SALITA
KUNDI SA GAWA!Nais ko lang pong ipalala..Ang blog kong ito ay open to publicilan ang mga kapitbahay ko ang narito din sa korea,kamag-anak at mga kaibiganang nagbabasa dito sa aking hangout, sila ang magpapatunay sa aking mga nagawa.
Minsan pag nag-iisa ka maraming bagay ang pumapasok sa isipan natinmga buhay-buhay natin sa pinas, nakakainis, nakakatuwa lahat na ngklase ng pamumuhay mararanasan natin.Minsan nasa pinas ako naalala ko yung isang lalaki naghihintay ng sasakyang jeep, dahil sa dami ng pasahero kanya-kanyang diskartenais lang makarating sa pupuntahan. Minsan... isang lalaki angnagmamadali pumara ng jeep,Isang jeep na dumarating sumisigaw naman ang konduktor sa likod ngjeep. Pinara nung lalaki yung jeep. "Pare libertad!!''Sumigaw yung konduktor sa likod "Oo maluwag pa".Tumakbo ngayon yung lalaki, sabay pasok sa jeep.Kasabay din yung ibang pasahero na sumabit nalang sa puwitan ng jeep.Sabi ng konduktor, "Pasok po kayo sa loob"Palibhasa nauna yung lalaki na sumakay dumiretso siya sa loobsabay arangkada na ng jeep dahil marami naring sumabit sa likod.Yung lalaki na naunang sumakay napansin niya na puno na pala!wala ng upuan, kaso hindi na siya maka-atras dahil sarado na ng tao yungpuwitan ng jeep. Ang ginawa nung lalaki na nasa loob umupo nalang sagitna, siya lang mag isa na walang upuan, para siyang sawsawan sa gitnadahil lahat nakaupo, hindi naman siya makatayo sa loob dahil baluktot na yung katawan niya, kung naka upo siya hindi namanniya abot yung bakal na hawakan sa loob ng jeep, tumingin siya sa mga naka-upo, sa kanya lahat nakatingin, nakaporma pa naman,Sabay preno ng jeep, tinukod nalang niya yung kamay sa flooring ngjeep, wala naman siyang mahawakan dahil puro chicks yung naka-upo.Puro alikabok yung palad niya. Biglang arangkada naman nung jeep napahiga siya, dahil wala ngang mahawakan, sumigaw siya,Mama bababa nalang ako! Bawal po dito! sabi nung driver.Dahan-dahanin mo nalang magpatakbo! Pick-up kayo ng pick-up ng pasahero puno na nga itong jeep ninyo!Tumingin yung lalaki doon sa dalawang chicks na naka-upohalos hindi magkanda ugaga sa pagtawa yung dalawang chicks,kasi nga nakikita siya sa gitna.Pagbaba nung lalaki sa jeep, sabi ng konduktor..Bosing! bayad po ninyo.Buwisit ka! sabi mo maluwag! Eh.. bosing kailangan lang.bayad po ninyo.hindi na nga ako naka-upo magbabayad pa ako!!eh.. nakarating naman kayo sa pupuntahan ninyo (sabi ng konduktor)O! etong bayad ko! bumili ka narin ng lason ha! para di na kita makita!!Sumakay naman siya ng traysikel, inunat niya katawan niya dahilsolo niya upuan sa traysikel, meron narin umupo sa likod ng driver,Maya-maya may dumating na isang matandang babae at isangdalaga yung crush niya. Obligado, lipat siya don sa squater sit, yungbakal sa harap na maliit para sa mga bata. kasi nga pauupuin niyayung dumating. Sabay takbo na ng traysikel, napansin niya mababapala yung bubong ng traysikel dahil nakayuko siya dikit na yungbaba at leeg niya sa pagkakaupo. Hindi niya ngayon makita yung mukha nung crush niya. kaso kinakausap siya nung dalaga,sumasagot siya kaso nakayuko kung gusto niyang tingnan yungdalaga tirik yung mata niya para maabot niya ng tingin yung crushniya no chioce hindi niya mai-angat yung mukha niya.!Kinausap niya yung driver, "Pare! ano ba naman itong traysikel mo!para lang ata sa mga pandak ito! Lubak-lubak paDahan-dahan naman! para ng pop corn yung ulo ko!Pagdating sa pupuntahan,Naunang bumaba yung dalawang babae, pwede narin siyang bumaba dahil mga pitong habang nalang bahay na niya, gusto lang din niyang matikmanang umupo ng maayos kaso mga five seconds baba narin siya.Sa layo ng biniyahe niya five seconds lang siya nakatikim ng upuan.!Ngayon.. nasa abroad na yung lalaki at korea pa!may computer pa siya ngayon at may blog pa!Ang blog niya..jettroshangout blogspot dat com ^_^!SALAMAT SA PAGBABASA
!Hirap din ng lagi ka nalang pasahero noh?Ngayon hindi na.. he he he
Noong kasalukuyan pa akong nag uumpisang mangarap, ang isa sapinapangarap ko ay ang magkaroon ako ng trabaho kahit maliit langang kikitain basta may hanapbuhay lang. Alam ko at alam nating lahat naisa ito sa inaasam-asam nating lahat ang magkaroon ng hanapbuhay.Kahit alam nating mahirap at nakakapagod ang magtrabaho pero kailangang nating mag trabaho.!
Nag karoon ng katuparan ang pangarap ko, nagkaroon ako ng trabahosa loob ng halos labing limang taon ibinuhos ko ang buong buhay kosa paghahanapbuhay, kung saang-saang lupalop ako nakarating dahillang sa pinangarap kong trabaho. Hangang ngayon narito at nagtatrabahopa rin. Parang... walang katapusan itong trabaho, minsan... iniisip konakakapagod din, dito nalang ba iikot ang mundo natin?!Ang dami kong pinagdaanan dito, ang daming hirap, ang damingpagod, puyat, gutom, sakit ng katawan, minsan pa...ang daming luha narin ang tumulo ng dahil sa pinangarap kong ito.Ang daming panahon na dito umiikot ang aking mundo, haloslabing apat na taon naibuhos ko ang buhay ko dito sa ibayong dagat,halos lahat na ng pagtitiis, pangungulila at kalungkutan ang naranasanko dito sa malayo. Nang dahil sa kaligayahan ng mga mahal sa buhay at ngdahil sa hirap ng buhay inilaan ko ng napakaraming taon ang buhay at isipanko dito kapalit ang kaligayahan ng mga mahal ko sa buhay.Kaligayahan ng aking maybahay, kaligayahan ng ating mga anakkaligayahang dugo't-pawis ang ipinuhunan natin.!Hindi ko din maiaalis na minsan tinatanong ko din ang akingsarili.
!HABANG PANAHON NALANG BA TAYONG MAGTATRABAHO?HABANG PANAHON NALANG BA TAYONG MAGPAPA-ALILA?KAYLAN NAMAN KAYA NATIN MALALASAP ANG MAYMAKAIN KAHIT HINDI NAGTATRABAHO?!Di ba ang hirap hanapan ng sagot yan?Kung alam mo ang kasagutan diyan..Di ba.. ang hirap namang gawin lalo pat wala pa tayong sapat na naipon?Kung tinitingnan natin ang kalagayan natin ngayon...Malalaman natin kung hangang kaylan ka pa magtatrabaho.Iisipin natin na matagal pa... matagal pa ang aking pagtitiis,matagal pa ang aking bubunuing taon, matagal pa...hanggat kaya ng katawan at lakas ng panalangin kakayanin pa natinkahit ilang libong taon pa ang dumaan. !PAANO KUNG HINDI NA KAYA NG KATAWAN NATIN?!Minsan.. nakakalungkot ding isipinkahit nakakaranas rin tayo ng kaligayahan sa araw-araw pero..narito parin ang kirot sa aking puso, kaylan ko rin naman kayamararanasan yung.. kahit hindi tayo nagtatrabaho meron tayongmakakain. Ang sarap din siguro yung nasa bahay na tayo atnagpapahinga na. Yun bang.. ikaw naman ang pagsisilbihan ng iyongpamilya sa likod ng mahabang panahong hirap na ginawa mo alang-alang sa kanila, kaylan kaya natin matitikman ang araw ng pagpapahinga natin?!HANGGANG KAYLAN PA KAYA KAIBIGAN?
!HUWAG MONG IKAGALIT KUNG MAY KUMOKONTRA SA OPINION MODAPAT IKATUWA MO DAHIL YAN ANG DAAN PARA MAILABAS MO ANG KAALAMAN MO!Nais ko lang ibahagi sa inyo ang konti kong nalalaman tungkol sa madalas kong naririnig, napapanood, nababasa kung minsan pa sa inuman madalas tayong nakaka kita ng pagtatalo maliit man o malaking bagay minsan na nauuwi sa hindi magandang pagkakaunawaan. Kadalasan lalo na sa mag asawa o magkasintahan hindi maiiwasan ang laging may pinagtatalunan hindi lang hundreds of arguments kundi argument of hundreds times, dahil parehas ayaw tumangap ng pagkatalo.!
Minsan may mga bagay na hindi natin nalalaman ang tunay na kahulugan kung hindi natin inihahambing sa sinasabi ng iba. Hindi natin malalaman kung tama ang mga sinasabi natin kung hindi natin pinapakingan ang sinasabi nila. Hindi mo malalaman ang tama kung walang mali buhat sa sinasabi ng iba. Minsan kailangan din nating pakingan ang opinion ng iba, sabihin na nating may sarili tayong paniniwala. Kadalasan ito ang naririnig ko "huwag mong baguhin ang aking paniniwala" . Mahirap talagang baguhin ang paniniwala ng bawat isa kung nakasarado ka lang sa iyong paniniwala. Hindi mo malalaman ang maling paniniwala mo kung hindi ka marunong tumanggap ng paniniwala ng iba. Ikumpara mo ang sarili mo sa isang sayaw, hindi ka mapapasayaw kung wala kang naririnig na awit, ihambing mo ang opinion mo sa isang kasuotan, hindi mo malalaman kung ano ang magandang isuot kung wala ang isa pa na pagpipilian. ganyan din sa opinion natin hindi mo makikita ang mali at tama kung nakasarado lang ang isip natin sa iisang paniniwala. Kung inaakala mong nasa tama ang iyong paniniwalamas lalo mong ikatuwa dahil lamang ka sa pinag-uusapang bagay bastahuwag ka lang mauubusan ng paliwanag.
Lahat ng mga bagay na pinagtatalunan natin ay may kahulugan ngunit may kanya-kanya tayong mga paliwanag. Sadyang may mga tao lang na ayaw tumangap ng pagkakamali o ayaw tumangap ng pagkatalo yon yung mga taong ayaw tumangap ng paliwanag ng iba, yan yung taong nakasarado ang isip sa sarili niyang paniniwala. Lagi nating isa-isip na may mga bagay rin tayo na hindi natin nalalaman ngunit nalalaman ng iba, may hanganan din ang ating talino. Minsan.. may nakakasalamuha tayo na kapag sinasalungat natin ang opinion ng isang tao nagiging dahilan na ng hindi pag-uusap, nagiging dahilan na ng hindi pagkakaunawaan dahil may mga tao ding ayaw tumangap ng pagkatalo o ayaw tumangap ng pagkakamali o ayaw tumangap ng paliwanag ng iba. !
Para sa akin mas gusto ko yung may taong sumasalungat sa opinion ko dahil dito tayo nakikilala ng mga nakakarinig o nakakabasa. Dito nila masusukat ang lalim ng ating pag-iisip. Dito nila masusukat ang lawak ng ating nalalaman. Dito nila makikita ang husay nating sa pakikipag-usap.Dito din natin malalaman kung saan tayo nagkakamali at dito din nadadagdagan ang ating nalalaman sa pagtangap natin sa opinion ng iba. Hindi masama ang pakikipagtalo basta gagamitan lang ng maayos na mga salita bagkus makakatulong pa ito para makapulutan din natin ng aral para sa susunod pang mga araw. Sa aking pakikipagtaloiniisip kong mabuti ang aking sinasabi at iniisip kong mabuti ang kanilang sinasabi isang daan ito para malamanko kung saan ako nagkakamali at daan din ito para sa pagtangap ko ng pagkatalo, at ito din ang daan para masubukan mo kung hangang saan mo masusukat ang habang iyong pasensiya sa pakikipagtalo.!
Ang pagtangap ng pagkatalo o ng pagkakamali ay hindi kabawasan ng ating pagkatao.
Matagal narin ako dito sa pagsusulat ko nais ko namang bigyan ngpanahon ang mga taong nais kong pasalamatan bukod sa mga madalasna nag ko-comment dito sa walang kuwenta kong blog maraming salamat sa walang sawa ninyong pagbibigay oras na basahin at pagbibigay ninyong makahulugan ninyong pananaw salamat sa inyong lahat. Hindi ko naiisa-isahin dami narin kasi, alam naman ninyo kung sino kayo.!Nais ko ding pasalamatan ang mga nagbigay sa blog ko ng awardHindi lang ninyo nakikita, pero sa kaibuturan ng aking puso labis-labisako nasiyahan sa mga binigay ninyo, sa maniwala po kayo o sa hindimadalas akong napapangiti pag nakikita ko mga ipinagkaloob ninyongaward sa akin. Salamat ng marami sa inyo!!At...Nais kong ring iparating sa inyo ang mga taong labis kong hinahangaan kahit hindi ko kayo kilala ng personal pero hinahangaan ko ang mga tulad ninyo dahil sa pagiging malawak ang inyong pang uunawa sa mga bagay na nababasa ninyo at sa mga bagay na sinusulat ninyo.Kahit anong dating ng mga nababasaninyo nananatili parin ang pagiging cool ninyo sa inyong pagsasalita.Hinangaan ko ang pagiging husay ninyo sa pagtangap ano man anginyong nababasa at yung way ninyo sa pagsusulat sa inyong mga hangout, binibigyan ninyo ng tamang pananaw kahit hindi ayon sa inyong paniniwala nanatili parin ang galing ninyo sa pakikipagusap.
Sa pamamagitan ng pinapakita ninyo pinupulot ko ang mga bagay naikinatutuwa ko galing sa inyo, " inaamin ko" ginagaya ko ang ibang bagay na nakikita ko sa inyo. Ang ugali't pagkatao ko galing sa
mga taong tulad ninyo.Marami akong hinahangaan dito, Pero itong mga kaibigan nating itonais ko munang bangitin dito dahil kukulangin ang oras ko sa damininyo matutulog pa ako. Ang mga tulad ninyo ang madalingmaging kaibigan ng kahit sino.!Kina..Pareng KheedPareng Hari ng SablayPareng Goryo DimagibaPareng Ching!SALUDO AKO SA INYO!
Nalalapit nanaman ang eleksiyon, malapit nanaman ang karapatannating pumili ng mamumuno sa ating bansa. Umpisa na namanupang maloko ang marami nating mga kababayan sa tamis ngmga dila nitong mga manlolokong kandidato.!Ano ba ang batayan natin sa pagpili ng magiging leader ng atingbansa. Kadalasan ang madalas nating naririnig yung may talinosino ba yung hindi matalino? Basta kumandidato may talino yan!Minsan ang ginagawa nating batayan ay dami ng nahawakan na pwesto sa gobyerno, yan ba ang pupuksa sa mga magnanakaw sa gobyerno? Maraming hinawakang pwestomay taglay na kayang katapangan yan? Kaya na kaya niyangipakulong ang mga mayayamang katulad din niya?!Ilan na bang presedente natin ang inakala nating matalino?Mga talinong ginamit sa paglimas ng pera ng bayan, may talinona lalong hindi mapabagsak dahil sa taglay na talino. Yan lang baang tanging batayan natin? Ano ba ang dahilan ng paghihirapng mga pilipino? di ba korapsiyon? Tingnan natin ang katauhanng mga kandidato kung mababanaag mo ba sa kanila angkatapangan, Ikumpara mo ang mga tatakbong presedente ngayonsa mukha ni arroyo, mas matapang pa ang mukha ni arroyo perowalang nagawa sa mga buwaya, ni hindi nga niya napigilanang asawa niyat anak na magsamantala sa pagnanakaw.!Halos saang panig ka ng pilipinas korapsiyon ang pangunahingidinadaing at isinisigaw nating lahat. Halos 95 porsiyento ng mgapilipino ang sumisigaw na sugpuin ang korapsiyon, parusahan angmga magnanakaw sa ating pamahalaan, bakit hindi muna tayomag konsentrasyon dito? Bakit hindi ito ang unahin natin.Sino nga ba ang talagang may kakayahan na ipakita ang katapangan?upang mautusan niya ang batas, sino ba ang may kakayahanggumamit ng kamay na bakal?
Sana tingnan natin yung mga nagawa niya nuong mga nakaraangpanunungkulan nila kung sino ba ang sumusugpo sa mgasindikato sa gobyerno yan ang tunay na may katapangan.Subukan naman natin yung tapang hindi yung talino.Ang pulitiko basta komandidato siguradong may taglay na talino yan!hindi tatakbong presedente yan kung walang talino lahat yanmay talino, ang kulang sa kanila yung tapang, Sa klase na ng bansanatin talamak na ang nakawan, kanya-kanyang raket, kanyakanyang hakot sa pera ng pilipinas.!Pagkatapos na naman ng eleksiyon puro nanaman tayoangal dahil sa korapsiyon, puro nanaman tayo hinaingbukang bibig nanaman natin nakawan sa gobyernobukang bibig nanaman natin maluwag ang batas, bukang bibig nanaman natin mga buwaya sa gobyerno.Sa bandang huli puro nanaman sisihan.!Subukan naman natin yung tapanghindi talino.
SABI NILA
Kadalasan may mga napupuna tayong mga kamalian ng isang tao sa mga politiko man o sa pangkaraniwang tao madalas merong nagsasabi na...BAKIT ANG LAGING PINUPUNA YUNG KAMALIAN,PERO YUNG KABUTIHAN HINDI NAPAPANSIN.!
Meron naman nagsasabi na... Sa isang buong papel na puti yung tuldok ang nakikita pero yung kaputian hindi napapansin?Pag may mga taong nagsasalita ng ganito madalas iniisip ko, sinasabi niya ang salitang iyan nangangahulugan na hindi niya kayang ipaliwanag sa sarili niya kung ano nga ba ang tunay na paliwanag ng mga salitang yan.!
Ano pa ba ang pwede mong baguhin sa kabutihan?Ano pa ba ang dapat na itama sa tama?Bakit pa natin pupunahin yung tama gayong ang dapat nating baguhin ay yung kamalian, mga kamaliang dapat itama, mga pagkukulang ang dapat nating pansinin para maiwasto nila ang kanilang ginagawa tungo sa kabutihan. Sa isang buong papel na sinasabing bakit yung tuldok ang kadalasang nakikita? Dahil yung tuldok ang kamalian ng isang tao, yan ang dapat na talagang punahin para maging mabuti ang lahat ng ginagawa, para maging puti lahat, yung tuldok ang dapat alisin.
Maihahalintulad ko uli ito sa isang pulitiko, bakit yung mali ang laging nakikita pero yung nagawang kabutihan hindi nakikita, kaya nga natin pinupuna mga ginagawa nilang mali para ayusin nila mga mali nilang ginagawa. !
Sana sa konting paliwanag kong ito makatulong para madagdagan ang ating kaalaman, kadalasan tayong mga pinoy may mga salitang alam natin ang kahulugan pero hindi natin alam kung paano natin mahanapan ng paliwanag. Sa mga nakakabasa nito, darating ang araw na makakarinig kayong muli ng mga ganitong pangungusap, sasagi sa isipan ninyo at maalala ninyo ang pangalang jettro, kay jettro calpito ko nakuha ang tunay na paliwanag ng salitang iyan. (joke)
!Dagdag kaalaman lang naman ito.Para sa hindi nakakaalam
Palagay ko ngayon wala ng aamin (Lol)!Kung meron pa kayong alam na ibang paliwanagmay laya po tayong ibahagi dito.!Maraming salamat kay Miss Pinknotesa napakagandang award na pinagkaloob saakin. ONE LOVELY BLOG AWARDAt sa bagong nagbigay ng award kina..Miss JetnahMiss SuperjaidMiss EgatMiss TrishaGOD BLESS SA INYO
Nakahiga ako sa mainit kong kama dahil sa lakas ng heater kosa flooring, habang pinapanood ko sa video ang mga taongnakakulong sa ating bansa, mga taong nabilango dahilsa mga pagkakasala o sa mga walang kabayarang kasalanangginawa, mga brutal na pagpatay, mga kasong pangagahasa.!Mga kasalanang karumal dumal na ginawa nila sa kapwa tao nila.Mga kasalanang pumatay ng mga kaawa-awang inosente.Mga kasalanang nagpaluha sa mga pamilya ng nabiktima.
Mga bilango na dapat sana ay pinaparusahan dahil sa mga makahayop na pag iisip, mga adik, at mamamatay tao at marami pang ibat-ibang klase na kaso. Sa mga mayayaman namanang pinakaparusa kwartong punong puno ng kasangkapanmay aircon pa, masarap pa ang pagkain, may tv pa.Habang pinapanood ko ang mga bilango na nagsasayawan habang tumutugtug ang musika, mga bilangong nagsasayawhabang pinapanood ng mga media at matataas na opisyalng bilibid. Maaring pinapanood din ng mga matataas na opisyalng bulok na gobyerno natin napapailing talaga ako.!Hindi na kailangang sabihin pa natin na...Hindi lahat ng nakakulong doon ay may kasalanan, lumangkasabihan na yan huwag na nating ulit-ulitin ang ganyangpaniniwala basta nakakulong sila may kasalanan sila.!Ano ba ang purpose ng kulungan?PARA MAGPARUSA BA O REHABILITATION LAMANG?!Paano ba napaparusahan ang mamamatay tao?Paano ba pinaparusahan ang mga rapist?Paano ba pinaparusahan mga magnanakaw?Yan lang ba ang pinakaparusa ng mga kriminal ang magsiksikan sa higaan? Yan lang ba ang parusa sa mga halang ang kaluluwa ang pumilasa oras ng pagkain?Yan lang ba ang parusa ng mga rapist ang turuang sumayaw?Tuwang-tuwa pa nga ang mga bilango dahil sa labas haloswala silang makain samantalang sa kulungan may tagalutopa sila. Kung ikukumpara natin sa bansang saudi arabia ang parusa sa mga nagkakasala, ang pinakamaliit mong kasalanan doon ay ang pagnanakaw putol agad ang kamay mo, habangbuhay na parusa mo na yan. Sa drugs naman pugot ulo ka na diyan. Yan ang talagang parusa, Pero sa pilipinas ayun panoorinmo sa youtube ang mga halang ang kaluluwa at tinuturuangsumayaw. Kung bakit pa kasi tinututulan ang death penalty sa atingbansa gayong buhay ang mga inutang ng mga kriminal na yan.Yan na nga lang ang magsisilbing parusa tinututulan pa.!Sino naman kaya ang tumututol sa death penalty? Sana... maramdaman din nila kung ano ang pakiramdamkapag isa sa kapatid nila ang ma chop-chop.
Ang post kong ito ay para sa mga pulitikong walang inisip kundiang magsamantala sa kaban ng bayan, sa mga nanunungkulansa ating bansa na walang ginawa kundi ang umupo lang sakanilang malambot na upuan at magpalamig sa nagyeyelonilang opisina, mahiya naman kayo sa mga pilipino nanagpapasahod sa inyo, paganahin naman ninyo ang inyongutak kung paano nyo ba tutulungan ang mga mahihirap natingmga kababayan, puro manhid ba ang mga utak ninyo!!Lumabas naman kayo sa mga opisina ninyo tingnan ninyokung ano ang mga kulang sa kapaligiran ninyo, tingnannaman ninyo mga pilipino kung anong mga kalagayannila sa mga kalsada. Ikaw pangulong arroyo puro bilyonang nilulustay mo kalalabas ninyo ng bansa, konting perahindi mo maabutan mga walang makain mong kababayanpunyeta kayo!! Isakripisyo nyo isang buwang porkburrelninyo sa mga nasalanta ng bagyo!!!Hindi nyo ba nakikita kung ano ang mga kailangan ng mga kababayan ninyong naghihirap. Pagbutihin naman ninyomga trabaho ninyo!1 Mahiya na kayo sa mga sarili ninyo!!Hindi pagpapakita ng talino ninyo ang kailangan ng mgakababayan ninyo kundi ang awa at tamang pagtatrabahoninyo!! Huwag ninyong idahilan lagi ang konting panahon pa,konting panahon na lang ng pagtitiis. Ang dami ng mga namamatay ninyong mga kababayan dahil sa hirap, angdami ng namamatay ng dahil sa mga kapabayaan ninyong lahat.!Kayo ang tunay na dapat naming sisihin dahil sa nangyayarisa ating bayan, kung hindi nyo sana binubulsa yang mgapork burrel ninyo dapat sana meron kayong mga taong magtatrabaho para kumuha ng mga basura sa mga lansangan!Meron sanang magamit para dagdagan ang mga gamit parasa mga pagtulong sa mga nasasalanta ng kalamidad.Para sa tao yang mga porkburrel ninyo ibigay ninyo sa tao!!hindi yung umaasa nalang mga tao sa mga donasyon.ikalat ninyo mga pera na para talaga sa tao, hindi pa kayo ang mga nasalanta ng bagyo mga buwisit kayo!!!Alam na nga ninyong may bagyong darating nagtutulog-tuluganlang kayo diyan. Sa pangulo ng pilipinas pulpul ba isip mo!!Ngayon ninyo inaamin na meron kayong pagkukulang puronalang kayo pagkukulang, puro kayo hingi ng pasensya satao pag marami ng namatay, hindi pa kayo ang mga namatay!!mga buwaya kayo!!!Ilang dekada na ang lumipas, ilang bagyo na ang dumaan,ilang pilipino na ang namatay dahil sa mga kapabayaan ninyo!Hangang ngayon kulang parin kayo sa gamit mga hinayupak kayo.Ilang araw na ang lumipas mula ng masalanta ng bagyohangang ngayon marami parin ang hindi kumakain, ang damiparing walang masilungan. PURO KAYO SATSAT!!Puro lang kayo pakitang awa sa harap ng kameramga punyeta kayo, ipakita ninyo sa gawa yang awa ninyomag donate kayo hindi puro pagnanakaw ginagawa nyo!!PANGULONG ARROYO BULAG KA BA!!KUNG WALA KANG MAITULONG MAGBIGTI KA NALANG!BUWISIT KA!