Wednesday, 21 October 2009

HABANG PANAHON NA LANG BA?


Noong kasalukuyan pa akong nag uumpisang mangarap, ang isa sa
pinapangarap ko ay ang magkaroon ako ng trabaho kahit maliit lang
ang kikitain basta may hanapbuhay lang. Alam ko at alam nating lahat na
isa ito sa inaasam-asam nating lahat ang magkaroon ng hanapbuhay.
Kahit alam nating mahirap at nakakapagod ang magtrabaho
pero kailangang nating mag trabaho.
!
Nag karoon ng katuparan ang pangarap ko, nagkaroon ako ng trabaho
sa loob ng halos labing limang taon ibinuhos ko ang buong buhay ko
sa paghahanapbuhay, kung saang-saang lupalop ako nakarating dahil
lang sa pinangarap kong trabaho. Hangang ngayon narito at nagtatrabaho
pa rin. Parang... walang katapusan itong trabaho, minsan... iniisip ko
nakakapagod din, dito nalang ba iikot ang mundo natin?
!
Ang dami kong pinagdaanan dito, ang daming hirap, ang daming
pagod, puyat, gutom, sakit ng katawan, minsan pa...
ang daming luha narin ang tumulo ng dahil sa pinangarap kong ito.
Ang daming panahon na dito umiikot ang aking mundo, halos
labing apat na taon naibuhos ko ang buhay ko dito sa ibayong dagat,
halos lahat na ng pagtitiis, pangungulila at kalungkutan ang naranasan
ko dito sa malayo. Nang dahil sa kaligayahan ng mga mahal sa buhay at ng
dahil sa hirap ng buhay inilaan ko ng napakaraming taon ang buhay at isipan
ko dito kapalit ang kaligayahan ng mga mahal ko sa buhay.
Kaligayahan ng aking maybahay, kaligayahan ng ating mga anak
kaligayahang dugo't-pawis ang ipinuhunan natin.
!
Hindi ko din maiaalis na minsan tinatanong ko din ang aking
sarili.
!
HABANG PANAHON NALANG BA TAYONG MAGTATRABAHO?
HABANG PANAHON NALANG BA TAYONG MAGPAPA-ALILA?
KAYLAN NAMAN KAYA NATIN MALALASAP ANG MAY
MAKAIN KAHIT HINDI NAGTATRABAHO?
!
Di ba ang hirap hanapan ng sagot yan?
Kung alam mo ang kasagutan diyan..
Di ba.. ang hirap namang gawin lalo pat wala pa tayong sapat na naipon?
Kung tinitingnan natin ang kalagayan natin ngayon...
Malalaman natin kung hangang kaylan ka pa magtatrabaho.
Iisipin natin na matagal pa... matagal pa ang aking pagtitiis,
matagal pa ang aking bubunuing taon, matagal pa...
hanggat kaya ng katawan at lakas ng panalangin kakayanin pa natin
kahit ilang libong taon pa ang dumaan.
!
PAANO KUNG HINDI NA KAYA NG KATAWAN NATIN?
!
Minsan.. nakakalungkot ding isipin
kahit nakakaranas rin tayo ng kaligayahan sa araw-araw pero..
narito parin ang kirot sa aking puso, kaylan ko rin naman kaya
mararanasan yung.. kahit hindi tayo nagtatrabaho meron tayong
makakain. Ang sarap din siguro yung nasa bahay na tayo at
nagpapahinga na. Yun bang.. ikaw naman ang pagsisilbihan ng iyong
pamilya sa likod ng mahabang panahong hirap na ginawa mo
alang-alang sa kanila, kaylan kaya natin matitikman ang araw ng
pagpapahinga natin?
!
HANGGANG KAYLAN PA KAYA KAIBIGAN?

9 comments:

  1. bro sa tingin ko dapat iayos mo na ang mga priorities mo at tingnan kung anong mga financial difficulties mo, kase meron namang paraan kung pano mo babaligtarin ang sitwasyon mo from someone who work for money to money works for you...invest po...

    ReplyDelete
  2. Jett,
    I totally agreed with Deth.

    You work for you dream but let the money serve you. Pag na-achieve na natin ang lahat na materyal, maintenance na lang para sa kanila, replacement kung kailangan pero di mo na need pagtrabahuan ang replacement kung naka-invest ang ibang pera mo.

    Hindi tayo dapat mag work forever, katulad nung iba. Kasi di nila na-realized ang future at aging process nila...

    Although mag wo-work pa rin tayo to keep the investment growing, but it will not be as a work per se, it will be a more of "past-time"

    Sa ngayun, tingnan na lang natin ang FRUITS ng hardworks natin through the years..

    Cheers!

    ReplyDelete
  3. medyo nalungkot ako sa kwento, parang gusto kong gisingin sa pagkakatulog ang tatay ko at magpasalamat sa mga ginawa nyang hirap dati noong nasa ibang bansa pa sya..

    sabi ko nga sa isinulat ko dating pangarap ko, sabi ko gusto ko sa edad kong trenta ay dapat retired na ako, ayoko din kasing habang buhay magtrabaho, gusto kong magtayo ng sariling negosyo.. sana matupad ko yun ahehe

    ReplyDelete
  4. wow sarap naman magbasa ng mga payo nyo ate at mga kuya.
    @deth salamat sa pagbisita sana maihabol sa lalong mdaling panahon na makapag ipon narin. salamat deth

    @bizjoker ganda ng sinabi mo pre
    sana umabot tayo diyan sinabi mo na maging past time nalang ang patatrabaho natin para hindi tayo pressured yan din pangarap ko galing naman pre. salamat.

    @khedd pre isama ko sa panalangin sana matupad mo yung dream mo,
    hirap din talaga role nating mga lalaki hirap talaga halos araw araw tayong pagod. ngayon ko din nararanasan ang mga hirap na pinagdadaanan ng mga parents natin. salamat pre lagi kang nandiyan at handang mag share ng mga nalalaman. gb

    ReplyDelete
  5. do what you love to do and get paid for it!

    if you love what you are doin'
    you will never get tired of it

    if you love what you are doin'
    you will never get bored in it

    Cheers!

    ReplyDelete
  6. we work for food..hindi puwede na ang lahat ng tao ay mayaman o may pera o di kaya ay may sapat na pera para siya ay hindi na magtrabaho..dahil kung ganun ay walang magtitinda, walang magpapautusan, walang mga sasakyan na pampasahero, walang mabibili sa mga tindihan kasi hindi na magtitinda dahil may pera, at kung ano-ano pa na puwede ang tao na kumita..kasi bakit pa magtratrabaho o maghahanapbuhay kong may pera ng sapat..hindi exciting ang mundo kung ganun ang buhay..isipin mo kaya kung ganun nga ang buhay sa mundo? sa tingin mo ba masaya ang mga tao na lahat ay nasa bahay lang..wala kang makikita na naghahanapbuhay dahil lahat ay may pera..wala kang mauutusan dahil ang tao ay ayaw magpa utos dahil siya ay may pera..hindi magpapaalipin..isipin mo nga kung ganun nga ang buhay..ano sa tingin mo..

    ReplyDelete
  7. sa aking palagay jett kailangan munang kumayod ang tao sa ngayon at ng makapagipon. mahirap din kasing mamahinga ng walang ipon. makakamit at makakamit din ang hinahangad sa ibayong pagsisikap ^_^

    ReplyDelete
  8. haaay kuya...
    ako nga tinitignan ko pa lang ang sarili ko na nagtratrabaho, napapagod na ko para sa sarili ko...

    pero isipin na lang natin kung bakit ba natin kailangan magtrabaho...
    hindi para sa iba.
    para sa atin.

    para someday!
    maramdaman natin na lahat ng effort, pagod...
    worth it.

    darating din yun!!!
    kailangan mo lang makita...
    :P

    ReplyDelete