Sunday, 18 October 2009

OPINYON

!
HUWAG MONG IKAGALIT KUNG MAY KUMOKONTRA
SA OPINION MO
DAPAT IKATUWA MO DAHIL YAN ANG DAAN
PARA MAILABAS MO ANG KAALAMAN MO
!
Nais ko lang ibahagi sa inyo ang konti kong nalalaman tungkol sa madalas kong
naririnig, napapanood, nababasa kung minsan pa sa inuman madalas tayong
nakaka kita ng pagtatalo maliit man o malaking bagay minsan na nauuwi sa
hindi magandang pagkakaunawaan. Kadalasan lalo na sa mag asawa o
magkasintahan hindi maiiwasan ang laging may pinagtatalunan hindi
lang hundreds of arguments kundi argument of hundreds times,
dahil parehas ayaw tumangap ng pagkatalo.
!
Minsan may mga bagay na hindi natin nalalaman ang tunay na kahulugan
kung hindi natin inihahambing sa sinasabi ng iba. Hindi natin malalaman kung
tama ang mga sinasabi natin kung hindi natin pinapakingan ang sinasabi nila.
Hindi mo malalaman ang tama kung walang mali buhat sa sinasabi ng iba.
Minsan kailangan din nating pakingan ang opinion ng iba, sabihin na nating
may sarili tayong paniniwala. Kadalasan ito ang naririnig ko
"huwag mong baguhin ang aking paniniwala" . Mahirap talagang baguhin
ang paniniwala ng bawat isa kung nakasarado ka lang sa iyong paniniwala.
Hindi mo malalaman ang maling paniniwala mo kung hindi ka marunong
tumanggap ng paniniwala ng iba. Ikumpara mo ang sarili mo sa isang sayaw,
hindi ka mapapasayaw kung wala kang naririnig na awit, ihambing mo ang
opinion mo sa isang kasuotan, hindi mo malalaman kung ano ang magandang
isuot kung wala ang isa pa na pagpipilian. ganyan din sa opinion natin hindi mo
makikita ang mali at tama kung nakasarado lang ang isip natin sa
iisang paniniwala. Kung inaakala mong nasa tama ang iyong paniniwala
mas lalo mong ikatuwa dahil lamang ka sa pinag-uusapang bagay basta
huwag ka lang mauubusan ng paliwanag.
Lahat ng mga bagay na pinagtatalunan natin ay may kahulugan ngunit
may kanya-kanya tayong mga paliwanag. Sadyang may mga tao lang na
ayaw tumangap ng pagkakamali o ayaw tumangap ng pagkatalo yon
yung mga taong ayaw tumangap ng paliwanag ng iba, yan yung taong
nakasarado ang isip sa sarili niyang paniniwala. Lagi nating isa-isip na
may mga bagay rin tayo na hindi natin nalalaman ngunit
nalalaman ng iba, may hanganan din ang ating talino.
Minsan.. may nakakasalamuha tayo na kapag sinasalungat natin ang
opinion ng isang tao nagiging dahilan na ng hindi pag-uusap,
nagiging dahilan na ng hindi pagkakaunawaan dahil may mga tao
ding ayaw tumangap ng pagkatalo o ayaw tumangap ng
pagkakamali o ayaw tumangap ng paliwanag ng iba.
!
Para sa akin mas gusto ko yung may taong sumasalungat sa opinion
ko dahil dito tayo nakikilala ng mga nakakarinig o nakakabasa.
Dito nila masusukat ang lalim ng ating pag-iisip.
Dito nila masusukat ang lawak ng ating nalalaman.
Dito nila makikita ang husay nating sa pakikipag-usap.
Dito din natin malalaman kung saan tayo nagkakamali at dito din
nadadagdagan ang ating nalalaman sa pagtangap natin sa opinion ng iba.
Hindi masama ang pakikipagtalo basta gagamitan lang ng maayos
na mga salita bagkus makakatulong pa ito para makapulutan din natin
ng aral para sa susunod pang mga araw. Sa aking pakikipagtalo
iniisip kong mabuti ang aking sinasabi at iniisip kong
mabuti ang kanilang sinasabi isang daan ito para malaman
ko kung saan ako nagkakamali at daan din ito para
sa pagtangap ko ng pagkatalo, at ito din ang daan para
masubukan mo kung hangang saan mo masusukat ang haba
ng iyong pasensiya sa pakikipagtalo.
!
Ang pagtangap ng pagkatalo o ng pagkakamali ay hindi
kabawasan ng ating pagkatao.

11 comments:

  1. Korek ka dyan.. Gusto ko tong opinion mo. Tama nga naman , pag walang pagtataluhan hindi natin malalaman kung aling ang nararapat at hindi.. Bravo..

    Ung illusion, ako man din naduling din.. haha

    ReplyDelete
  2. tama ka jett..daan ito sa magandang pakikipagusap....ganda ang iyong post.

    ReplyDelete
  3. tama kuya.. dapat maging open minded tayo sa opinions ng iba para mag grow tayo.. hehe.. apir! hihi

    ReplyDelete
  4. mahirap kapag ang pinagtatalunan ay gusto mong ipagtanggol..oo nga bawat tao ay may kanya-kanyang opinyon...pero ang bawat tao ay may sagot o handang isabi para ipagtanggol anuman ang sinabi niya..di maiiwasan ang pakikipagtalo sa kahit anong bagay na may nais kumuntra..ang sa akin na lang para maiwasan ang pakikipagtalo ay huwag makialam sa anuman ang gawin ng isang tao..hayaan na lang anuman ang mga sabihin niya as long as na hindi pinipersonal..kung personalin man ay may dahilan bakit niya ginawa ang pamemersonal sa isang tao..kaya nga nagkaroon ng prosecutor at defense sa korte dahil sa mga ganito..ang mga ganito ay walang katapusan na pagtatanggol sa opinyon..okey ang post mong ito..

    ReplyDelete
  5. tama.. dapat lang na marunong tayong tumanggap ng ibat ibang opinyon.

    sa dami na ng nakasalamuha kong tao, madami na akong nakilalang magaling magsalita, pero ang iba sa kanila ay hindi magaling makinig, natatapos ang usapan na panalo pa din ang opinyon nila na hindi man lang pinakinggan ang opinyon ng kausap nya. Kung iisipin mo ay hindi maganda dahil isang side lang nakita nya, kumbaga ay hindi nya tinignan ang pananaw ng iba.. Para bang ayaw nyang magpatulong, ayaw nyang masabihan na meron pang mas maganda kesa sa mga sinasabi nya.. Pero opinyon nya yun, kaya tama sya at hindi ko na kokontrahin yun hehe

    ReplyDelete
  6. always learn how to listen to learn how to be a good speaker, giving opinions, beliefs...respect each other anuman ang binibigay na opinion o pinaniniwalaan, marapatlang naman na hindi pagtalunan pa ang isang bigay kasi iba ang pakikipagtalo sa pagbababhaginan ng opinyon natin bakit? kasi pag ang 2 inidibidwal eh nagtatalo meaning ayaw may magpatalo both they don't know how to respecct each other opinion...kasi yung bagay naman di dapat pagtalunan at pagbahaginan lamang at humanap sa bawat opiniong naibigay ng maaari niong maging mapagkasunduan...Nice post kuya

    ReplyDelete
  7. oppss dami na plang bumisita salamat sa pagbahagi ninyo
    @sweet shelo salamat sa comment
    tinititigan ko din yong image don sa hangout mo.
    @mher salamat ha sa pagbisita lagi
    @patz long time no see ah musta na rin diyan sa lugar nyo?
    @thanks arvin
    @kheed opps thanks pare korek ka diyan kaya nga itong post kong ito para talaga sa kinokontra ang opinion hindi sa komokontra hindi kc maiiwasan na merong mga komokontra sa opinion natin darating at darating talaga kaya sabi ko nga huwag nilang ikakagalit kung merong dumating. salamat parekoy sa magandang pliwanag.
    @ate seaquest korek karin diyan minsan hindi din naiiwasan yung opinion napupunta sa pagtatalo haha kc nga ayaw magpatalo sa isat isa. kaya ang advise nlang natin para doon sa mga komokontra iwasan nlang di ba?
    at doon sa mga kinokontra kailangan lagi silang handa hayyy
    salamat ate seaquest lumabas ka na diyan at hinihintay ka na don sa tahanan. thanks

    ReplyDelete
  8. hi jett. thanks din sa pag visit ^_^

    ReplyDelete
  9. korekek! dapat marunong tumanggap ng comments ng iba para matutong itama ang sa akala mo ay tama..dabah!?

    salamat pala sa komento!ok ok na ako...

    ReplyDelete
  10. Ang ganda ng discussion dito ah hehehe.. Salamat for visiting back Kuya jettro, you remind me of NCIS show hehehe.. I added you in my Nostalgic Blog list.. Tingnan mo na lang..

    Di ko alam kung san yung place mo eh.. Kami naman nasa loob kami ng navy base..

    ReplyDelete
  11. invite nga pala kita kuya to vote for my daughter in a smile contest.. andun sa blog ko yung link.. tsalamat!

    ReplyDelete