Sunday, 11 October 2009

SALUDO AKO SA INYO


Matagal narin ako dito sa pagsusulat ko nais ko namang bigyan ng
panahon ang mga taong nais kong pasalamatan bukod sa mga madalas
na nag ko-comment dito sa walang kuwenta kong blog maraming salamat
sa walang sawa ninyong pagbibigay oras na basahin at pagbibigay ninyo
ng makahulugan ninyong pananaw salamat sa inyong lahat. Hindi ko na
iisa-isahin dami narin kasi, alam naman ninyo kung sino kayo.
!
Nais ko ding pasalamatan ang mga nagbigay sa blog ko ng award
Hindi lang ninyo nakikita, pero sa kaibuturan ng aking puso labis-labis
ako nasiyahan sa mga binigay ninyo, sa maniwala po kayo o sa hindi
madalas akong napapangiti pag nakikita ko mga ipinagkaloob ninyong
award sa akin. Salamat ng marami sa inyo!
!
At...
Nais kong ring iparating sa inyo ang mga taong labis kong hinahangaan
kahit hindi ko kayo kilala ng personal pero hinahangaan ko ang
mga tulad ninyo dahil sa pagiging malawak ang inyong pang uunawa
sa mga bagay na nababasa ninyo at sa mga bagay na sinusulat ninyo.
Kahit anong dating ng mga nababasa
ninyo nananatili parin ang pagiging cool ninyo sa inyong pagsasalita.
Hinangaan ko ang pagiging husay ninyo sa pagtangap ano man ang
inyong nababasa at yung way ninyo sa pagsusulat sa inyong mga hangout,
binibigyan ninyo ng tamang pananaw kahit hindi ayon sa
inyong paniniwala nanatili parin ang galing ninyo sa pakikipagusap.
Sa pamamagitan ng pinapakita ninyo pinupulot ko ang mga bagay na
ikinatutuwa ko galing sa inyo, " inaamin ko" ginagaya ko ang
ibang bagay na nakikita ko sa inyo. Ang ugali't pagkatao ko galing sa
mga taong tulad ninyo.
Marami akong hinahangaan dito, Pero itong mga kaibigan nating ito
nais ko munang bangitin dito dahil kukulangin ang oras ko sa dami
ninyo matutulog pa ako. Ang mga tulad ninyo ang madaling
maging kaibigan ng kahit sino.
!
Kina..
Pareng Kheed
Pareng Hari ng Sablay
Pareng Goryo Dimagiba
Pareng Ching
!
SALUDO AKO SA INYO!

8 comments:

  1. Saludo din ako sa iyo jettro...ang bait mo talaga. salamat din sa pag visit sa blog ko...^_^ merry christmas nga pala...may nangangaroling din ba dyan sa korea tulad sa atin sa pinas? matanong lang...

    ReplyDelete
  2. salamat mher mabait karin nman
    walang nangangaroling dito sa korea ni hindi nga mramdaman yung spiritu ng pasko dito. basta masaya lang dahil walang pasok yun ganon lang ang maramdaman kung pasko dito, di tulad sa atin malayo pa ramdam na ang kasiyahan.
    salamat mher sa laging pagbisita mo
    god bless u always mher

    ReplyDelete
  3. saludo rin ako sa mga binanggit mong tao..pero kung ako ang tatanungin mo kung sino ang una kong sasaludohan ay walang iba kundi ikaw..

    ReplyDelete
  4. salamat nman arvin salamat din sa laging pagbisita mo kahit ikaw galing mo rin gumawa ng poem god bless arvin.

    ReplyDelete
  5. Jettro, pare! salamat ng madaming madami.. hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko dahil sa nabanggit mo ang pangalan ko haha.. nahihiya tuloy ako. madaming madaming salamat!

    Jettro, dude! kakaiba ang mga sinusulat mo dahil talagang merong pinupuntahan at meron talagang aral, para bang sa huli ay meron ka pang iniiwang tips sa mga mambabasa mo kahit wala naman,parang kami na mismo ang magsasabing "oo nga noh?"

    salamat din sa laging pagbisita sa madilim kong hang out ",) ingat lagi, gb!

    ReplyDelete
  6. pare salamat saludo din ako sayo, astig ang mga likha mo ang bagsik kasi ng kukote mo,hehe ang taba ng utak mo,sana marami pang kagaya ko mainspire mo,salamat pare tuloy mo lang yan...ingat!

    ReplyDelete
  7. salamat din sa inyo pareng kheed at pareng sablay ganito lang talaga ako kung anong pumasok sa isip ko sinasabi ko talaga kaya nga pati paghanga ko sa inyo sinulat ko, minsan prangka rin kasi ako. wala narin tuloy ako masabi haha basta salamat dahil may napupulot din ako sa inyo.

    ReplyDelete
  8. huwaw naman....its so nice of u...saludo ako sau kac appreciate mo ung mga taong naging kaibigan mo d2 sa blogospiya....

    ingats lagi....

    ReplyDelete