Saturday, 10 October 2009

KORAPSIYON

Nalalapit nanaman ang eleksiyon, malapit nanaman ang karapatan
nating pumili ng mamumuno sa ating bansa. Umpisa na naman
upang maloko ang marami nating mga kababayan sa tamis ng
mga dila nitong mga manlolokong kandidato.
!
Ano ba ang batayan natin sa pagpili ng magiging leader ng ating
bansa. Kadalasan ang madalas nating naririnig yung may talino
sino ba yung hindi matalino? Basta kumandidato may talino yan!
Minsan ang ginagawa nating batayan ay dami ng nahawakan na pwesto
sa gobyerno, yan ba ang pupuksa sa mga magnanakaw sa gobyerno?
Maraming hinawakang pwesto
may taglay na kayang katapangan yan? Kaya na kaya niyang
ipakulong ang mga mayayamang katulad din niya?
!
Ilan na bang presedente natin ang inakala nating matalino?
Mga talinong ginamit sa paglimas ng pera ng bayan, may talino
na lalong hindi mapabagsak dahil sa taglay na talino. Yan lang ba
ang tanging batayan natin? Ano ba ang dahilan ng paghihirap
ng mga pilipino? di ba korapsiyon? Tingnan natin ang katauhan
ng mga kandidato kung mababanaag mo ba sa kanila ang
katapangan, Ikumpara mo ang mga tatakbong presedente ngayon
sa mukha ni arroyo, mas matapang pa ang mukha ni arroyo pero
walang nagawa sa mga buwaya, ni hindi nga niya napigilan
ang asawa niyat anak na magsamantala sa pagnanakaw.
!
Halos saang panig ka ng pilipinas korapsiyon ang pangunahing
idinadaing at isinisigaw nating lahat. Halos 95 porsiyento ng mga
pilipino ang sumisigaw na sugpuin ang korapsiyon, parusahan ang
mga magnanakaw sa ating pamahalaan, bakit hindi muna tayo
mag konsentrasyon dito? Bakit hindi ito ang unahin natin.
Sino nga ba ang talagang may kakayahan na ipakita ang katapangan?
upang mautusan niya ang batas, sino ba ang may kakayahang
gumamit ng kamay na bakal?
Sana tingnan natin yung mga nagawa niya nuong mga nakaraang
panunungkulan nila kung sino ba ang sumusugpo sa mga
sindikato sa gobyerno yan ang tunay na may katapangan.
Subukan naman natin yung tapang hindi yung talino.
Ang pulitiko basta komandidato siguradong may taglay na talino yan!
hindi tatakbong presedente yan kung walang talino lahat yan
may talino, ang kulang sa kanila yung tapang, Sa klase na ng bansa
natin talamak na ang nakawan, kanya-kanyang raket, kanya
kanyang hakot sa pera ng pilipinas.
!
Pagkatapos na naman ng eleksiyon puro nanaman tayo
angal dahil sa korapsiyon, puro nanaman tayo hinaing
bukang bibig nanaman natin nakawan sa gobyerno
bukang bibig nanaman natin maluwag ang batas,
bukang bibig nanaman natin mga buwaya sa gobyerno.
Sa bandang huli puro nanaman sisihan.
!
Subukan naman natin yung tapang
hindi talino.

5 comments:

  1. aba pwede nga naman noh? pero pareng jettro, hindi kaya na baka mas lalong lumaganap ang kurapsyon nyan dahil matapang sya at hindi sya natatakot mahuli? baka sila mismo ang maging korap.

    napakaimposible naman kasing malaman natin kung sino sa mga tatakbo ang hindi korap, mga nakamaskara pa yang mga yan sa ngayon.. sana lang mga totoo ang sinasabi nilang lahat

    ReplyDelete
  2. korek!
    ang pinaka ayoko yung sisihan factor sa lahat ng gawain!
    kasi bilang tao, kailangan may sarili kang konsyensya kasi alam mo yung mga bagay na ginawa mong tama at mali... kulang o sapat o sobra...

    VOTE FOR OUR COUNTRY'S FUTURE!


    ngayun na lang ulit nakabisita!!!

    :P

    ReplyDelete
  3. pwede..

    pero pwede rin natin subukan ang mga pinunong may takot sa Diyos.. kung titingnan natin ang Bibliya, ang mga epektibong mga pinuno ay may malapit na relasyon sa Diyos.. si Moses, Abraham, David, Joseph the dreamer at marami pang iba.. ang tapang ding taglay nila ay nagmumula sa Diyos..

    Bat di natin subukan.. ?

    ReplyDelete
  4. salamat sa mga comment at pagbisita

    mag comment din ako ha
    tama din yung mga sinabi ninyo kay pareng kheed cguro kung ang mamumuna ang unang gagawa ng hakbang im sure mahihiya siyang gumawa ng kalokohan para walang isumbat ang mga pina-iimbistigahan niyang mga kawatan.
    hinahambing ko sa mga naunang at kasalukuyang nkaupo hindi nila pinaiimbistigahan ang mga buwaya dahil isa silang buwaya.

    sa ngayon hindi pa natin nlalaman kung sinong gagawa kaya dapat kung sinong plaring uupo sana tingnan ng mga kababayan natin kung sino ang talagang may tapang na magpaimbistiga sa mga mayayamang buwaya. kaya sana kilatisin silang mabuti huwag gawing batayan ang talino at dami ng nahawakang posisyon sa gobyerno. dapat sa tapang na nagawa nuong nanunungkulan pa sa mababang posisyon. salamat pareng kheed

    @ate gege minsan mkatutulong din yung sisi sa nagkamali para matuto.
    basta minsan lang sisihin huwag nman plagi. salamat ate ge

    @pareng goryo tama ka sana yung tapang na may takot sa diyos at tapang na nasa katwiran para sa mamamayan, para sa mga naapi.
    para makagamit na tayo ng kalderong puti
    salamat pareng goryo

    salamat sa magaganda ninyong pananaw at pagiging maunawain sa lahat ng oras.

    ReplyDelete
  5. sana kung sino man ang maupo sana naman maging maayos na ang lahat....sana di na lumaganap pa ang patuloy na kurapsyon...

    ReplyDelete