Thursday, 8 October 2009

SABI NILA

SABI NILA
Kadalasan may mga napupuna tayong mga kamalian ng isang tao sa mga politiko man o sa pangkaraniwang tao madalas merong nagsasabi na...
BAKIT ANG LAGING PINUPUNA YUNG KAMALIAN,
PERO YUNG KABUTIHAN HINDI NAPAPANSIN.
!
Meron naman nagsasabi na... Sa isang buong papel na puti yung tuldok
ang nakikita pero yung kaputian hindi napapansin?
Pag may mga taong nagsasalita ng ganito madalas iniisip ko,
sinasabi niya ang salitang iyan nangangahulugan na hindi niya kayang
ipaliwanag sa sarili niya kung ano nga ba ang tunay na paliwanag
ng mga salitang yan.
!
Ano pa ba ang pwede mong baguhin sa kabutihan?
Ano pa ba ang dapat na itama sa tama?
Bakit pa natin pupunahin yung tama gayong ang dapat nating baguhin
ay yung kamalian, mga kamaliang dapat itama, mga pagkukulang ang
dapat nating pansinin para maiwasto nila ang kanilang ginagawa
tungo sa kabutihan. Sa isang buong papel na sinasabing bakit yung tuldok
ang kadalasang nakikita?
Dahil yung tuldok ang kamalian ng isang tao, yan ang dapat na
talagang punahin para maging mabuti ang lahat ng ginagawa,
para maging puti lahat, yung tuldok ang dapat alisin.
Maihahalintulad ko uli ito sa isang pulitiko, bakit yung mali ang laging
nakikita pero yung nagawang kabutihan hindi nakikita,
kaya nga natin pinupuna mga ginagawa nilang mali para ayusin
nila mga mali nilang ginagawa.
!
Sana sa konting paliwanag kong ito makatulong para madagdagan ang ating
kaalaman, kadalasan tayong mga pinoy may mga salitang alam natin
ang kahulugan pero hindi natin alam kung paano natin mahanapan
ng paliwanag. Sa mga nakakabasa nito, darating ang araw na
makakarinig kayong muli ng mga ganitong pangungusap,
sasagi sa isipan ninyo at maalala ninyo ang pangalang jettro,
kay jettro calpito ko nakuha ang tunay na paliwanag ng salitang iyan. (joke)
!
Dagdag kaalaman lang naman ito.
Para sa hindi nakakaalam
Palagay ko ngayon wala ng aamin (Lol)
!
Kung meron pa kayong alam na ibang paliwanag
may laya po tayong ibahagi dito.
!
Maraming salamat kay Miss Pinknote
sa napakagandang award na pinagkaloob sa
akin.
ONE LOVELY BLOG AWARD
At sa bagong nagbigay ng award kina..
Miss Jetnah
Miss Superjaid
Miss Egat
Miss Trisha
GOD BLESS SA INYO

4 comments:

  1. para sa akin, kailangan pa ring punahin yung mga nagawang tama at magagandang bagay ng isang tao para malaman niyang naappreciate siya para ipagpatuloy niya yung nasimulan niya..minsan kasi kailangan din natin ng mga papuri para ganahan tayo..^__^

    ReplyDelete
  2. super sangayon kay superjaid. mahirap din maging taong hindi nakakatanggap ng appreciation at puro pamumuna na lang ang maririnig nya.. pwede mong sabihin na magaling sya dyan o tama yang ginagawa nya para ganun ang madalas nyang gawin, dahil masarap sa pandinig nya yung mga sinasabi sa kanya. at tama din na punahin na yung mali nya kasabay din ng pagpuna ng tama nya.. gaya ng mali tong ginawa mo ngayon, mas maganda yung ginawa mo nung nakaraan at mas mabenta yun, sana ganun pa din gawin mo.. diba mas masarap sa tenga yun? :)

    ReplyDelete
  3. korek wow hanga naman ako sa sinabi nyo kheed at ate jaid tingnan nyo nga naman dito natin nakikita ang pagkatao ng isang tao ayon sa kanyang mga sinasabi. at sa paliwanag ninyo nasasalamin ko na ganyan kayo sa personal kasi alam ninyo kung ano ang dapat tingnan.alam nyo kung paano nyo pasisiyahn ang isang tao. totoo yang sinabi ninyo.
    salamat may napupulot din ang mga nagbabasa sa mga opinyon natin di ba.

    para sa akin naman pinapaliwanag ko lang kasi yung kasabihan na..
    bakit yung mali ang laging nakikita at yung tama hindi napapansin.
    at yung...
    sa isang buong papel bakit yung tuldok ang nakikita pero yung kaputian hindi napapansin.
    minsan... alam ng iba ang kahulugan pero hindi mahanapan ng paliwanag. sabi ko nga dagdag lang ng kaalaman. madalas kasi yang mga salitang yan ang madalas na binabato sa mga nakakakita ng mali. siyempre may mga taong nakakakita ng tama at meron ding mga taong nakakakita ng mali.
    hayyy nagutom tuloy ako don ah
    salamat uli kheed & ate jaid

    ReplyDelete
  4. korek mga kapatid! ^_^ dapat punahin ang tama at punahin din ang mali...
    ipagpatuloy ang tama at matututo naman sa pagkakamali para ito ay maituwid.

    ReplyDelete