Sunday, 4 October 2009

PANGULO NG PINAS BULAG KA BA

Ang post kong ito ay para sa mga pulitikong walang inisip kundi
ang magsamantala sa kaban ng bayan, sa mga nanunungkulan
sa ating bansa na walang ginawa kundi ang umupo lang sa
kanilang malambot na upuan at magpalamig sa nagyeyelo
nilang opisina, mahiya naman kayo sa mga pilipino na
nagpapasahod sa inyo, paganahin naman ninyo ang inyong
utak kung paano nyo ba tutulungan ang mga mahihirap nating
mga kababayan, puro manhid ba ang mga utak ninyo!!
Lumabas naman kayo sa mga opisina ninyo tingnan ninyo
kung ano ang mga kulang sa kapaligiran ninyo, tingnan
naman ninyo mga pilipino kung anong mga kalagayan
nila sa mga kalsada. Ikaw pangulong arroyo puro bilyon
ang nilulustay mo kalalabas ninyo ng bansa, konting pera
hindi mo maabutan mga walang makain mong kababayan
punyeta kayo!! Isakripisyo nyo isang buwang porkburrel
ninyo sa mga nasalanta ng bagyo!!
!
Hindi nyo ba nakikita kung ano ang mga kailangan ng mga
kababayan ninyong naghihirap. Pagbutihin naman ninyo
mga trabaho ninyo!1 Mahiya na kayo sa mga sarili ninyo!!
Hindi pagpapakita ng talino ninyo ang kailangan ng mga
kababayan ninyo kundi ang awa at tamang pagtatrabaho
ninyo!! Huwag ninyong idahilan lagi ang konting panahon pa,
konting panahon na lang ng pagtitiis. Ang dami ng mga
namamatay ninyong mga kababayan dahil sa hirap, ang
dami ng namamatay ng dahil sa mga kapabayaan ninyong lahat.
!
Kayo ang tunay na dapat naming sisihin dahil sa nangyayari
sa ating bayan, kung hindi nyo sana binubulsa yang mga
pork burrel ninyo dapat sana meron kayong mga taong
magtatrabaho para kumuha ng mga basura sa mga lansangan!
Meron sanang magamit para dagdagan ang mga gamit para
sa mga pagtulong sa mga nasasalanta ng kalamidad.
Para sa tao yang mga porkburrel ninyo ibigay ninyo sa tao!!
hindi yung umaasa nalang mga tao sa mga donasyon.
ikalat ninyo mga pera na para talaga sa tao, hindi pa kayo
ang mga nasalanta ng bagyo mga buwisit kayo!!
!
Alam na nga ninyong may bagyong darating nagtutulog-tulugan
lang kayo diyan. Sa pangulo ng pilipinas pulpul ba isip mo!
!
Ngayon ninyo inaamin na meron kayong pagkukulang puro
nalang kayo pagkukulang, puro kayo hingi ng pasensya sa
tao pag marami ng namatay, hindi pa kayo ang mga namatay!!
mga buwaya kayo!!
!
Ilang dekada na ang lumipas, ilang bagyo na ang dumaan,
ilang pilipino na ang namatay dahil sa mga kapabayaan ninyo!
Hangang ngayon kulang parin kayo sa gamit mga hinayupak kayo.
Ilang araw na ang lumipas mula ng masalanta ng bagyo
hangang ngayon marami parin ang hindi kumakain, ang dami
paring walang masilungan. PURO KAYO SATSAT!!
Puro lang kayo pakitang awa sa harap ng kamera
mga punyeta kayo, ipakita ninyo sa gawa yang awa ninyo
mag donate kayo hindi puro pagnanakaw ginagawa nyo!
!
PANGULONG ARROYO BULAG KA BA!!
KUNG WALA KANG MAITULONG
MAGBIGTI KA NALANG!
BUWISIT KA!

8 comments:

  1. puso mo kuya..hehe ganun talaga kaya dapat sa darating na eleksyon eh maging matalinong botante tayo..

    ReplyDelete
  2. Be cool parekoy, hayaan mo sa sunod na election tatakbo ako lolzz

    ReplyDelete
  3. salamat ate jaid sa pagbisita sana nga may maging pangulo tayo na titingin ng pangangailangan ng mahihirap.

    @ lord cm salamat pare sa pagbisita mabuti pa nga siguro ikaw nalang ang kumandidato mas malapit ang puso sa mahihirap kaysa yung mga mayayaman na puro pagpapayaman lang ginagawa.

    hindi ko talaga makalimutan yung napanood ko sa video nung kasagsagan ng baha. hayyy

    ReplyDelete
  4. chill lang...ahahaha

    hoy mga pulitiko, tingnan niyo nga ginagalit nyo si pareng jettro! magtino na kayo! ahahaha...

    ReplyDelete
  5. ang style ng mga hinayupak na yan...
    aarangkada ng pagta-trabaho pag patapos na ang termino....then sasabihin kailangan ng isa pang term para maipagpatuloy ang paglilingkod..dahil baka hindi ituloy ng papalit sa pwesto kung sila ay matatalo. Kulang daw sa panahon...!

    Ayan na kidlat..taaman sana..kahit haging lang!

    ReplyDelete
  6. deth haha natawa nman ako totoo talaga nkakabuwisit itong mga nasa gobyerno ntin hay juskopo. salamat deth

    @bizjoker salamat bizjoker totoo yang sinabi style talaga ng mga bulok na pulitiko sa atin yan.
    salamat pare sa pagbisita

    ReplyDelete
  7. marahil ay tama ka..ang isa ring dapat na sisihin diyan ay ang mga mayor ng bawat lugar na dapat ang mga ilog o dagat ay di gawing basurahan..at ang mga puno sa kagubatan ay itigil na ang pamumutol ng mga kahoy..mga bara na ang dapat dadaanan ng tubig kaya ayun madalas bumabaha..

    ang puso mo pare hinay hinay lang..wala na tayong magagawa diyan kasi nangyari na iyan..ang mabuti na lang gawin ay dapat magsilbing aral na iyon na dapat ay mayroong sapat na preparasyon kapag parating na ang bagyo..

    kahit sino pa ang maging pangulo ay ganun pa rin siguro ang pamamalakad kasi nakatatak na sa puso at isipan ng karamihan na politiko na pansariling kapakanan ang iniisip..

    ReplyDelete
  8. pusod mo jett..ooops i mean puso mo jett heheh..nakigaya lang me ke superjaid..
    sana kung sino man ang susunod na uupo ay maging maayos ang pamamalakad

    ReplyDelete