Wednesday, 30 September 2009

GOD BLESS PHILIPPINES


ONDOY
Ang isang mapinsalang kalamidad na tumama sa ating bayan na
nagpahirap at puminsala sa ating mga kababayan huwag ka na
sanang bumalik sa aming bayan, hindi ka namin kailangan
marami kang pinaluhang mga kababayan namin masyado kang
mapaminsala, masyadong nakakaiyak ang ginawa mo sa naghihirap
naming bansa, masyado mong pinaluha ang mga kapatid naming
naghihirap, huwag ka ng babalik sa aming bansa.
!
Sa mga kababayan ko masyadong nakakaiyak ang sinapit ng mga
kapatid natin, masyado akong nanlumo at napaluha sa aking mga
napanood, halos hindi ko makuhang panoorin ang mga batang
nag iiyakan, mga magulang na nagiiyakan halos madurog ang
damdamin ko sa sinapit ng ating mga kababayan, masyado akong
napaluha kung bakit sa naghihirap pa nating kababayan nangyari ito.
Dalangin ko sa maykapal at ng iba pa nating mga kapatid dito sa malayo
ang kaligtasan ninyong lahat, sana gabayan kayong lahat na nasa
pilipinas, ilayo sana ang pilipinas sa mga ganyang pangyayari
sa susunod pang mga taon.
!
Tanging lakas ng ating panalangin ang magliligatas sa ating mga
kapatid, sana.. sa mga ganitong pangyayari sama sama tayong
lahat, magbuklod ang ating mga kamay at panalangin para sa
ating mga kapatid at mga mahal sa buhay na nasa pilipinas.
Sa mga ganitong pangyayari maging bukas sana ang ating mga
puso sa pagtulong sa mga nangangailangan ng tulong.
Sa mga kapatid nating nakakaluwag sana... sa pagkakataong ganito
buksan ninyo ang inyong puso, palawakin ninyo ang inyong awa
mga kapatid natin sila na humihingi ng ating awa, huwag nating
ipagkait ang ating awa sa mga kaawa-awa nating mga kababayan.
Buksan po natin ang ating mga puso sa mga mahihirap.
!
Dalangin ko sa maykapal ang agaran ninyong kaligtasan
sa mga pamilyang naapektuhan at lalong-lalo na sa mga
batang naging biktima ng kalamidad na ito, at sa mga taong
nagpakita ng katapatan na nagliligtas ng mga buhay
dalangin ko na sana pagpalain kayo ng poong maykapal
kasama ng inyong mga mahal sa buhay at sana...
umasenso ang inyong pamumuhay.
!
GOD BLESS PHILIPPINES

9 comments:

  1. katulong nyo rin po akong nagdadasal para sa ating bayan..nawa'y malampasan po natin ang pag-subok na ito sa tulong na rin ng Poong may Kapal...

    ReplyDelete
  2. sama sama tayong magdasal..kailangan ito ngayon ng ating mahal na sinilangan..

    ReplyDelete
  3. si PEPENG naman ang susunod :(

    ReplyDelete
  4. bangon pinoy! kaya natn yan :)

    ReplyDelete
  5. kahit madami kang inutang sa amin ondoy, wag na wag ka ng babalik.. dahil kukuyugin ka talaga namin.

    ReplyDelete
  6. Repaps zencya na sobrang naging hectic ang schedule ng lolo Goryo.. tumakbo, lumangoy, nagpa-spah, nagtanggal ng tinga, etzetera etzetera.. salamat at di kayo nagsawang dumalaw at bumisita sa aking mumunting tambayan.

    diko maipapangako na hindi ako magiging busy sa mga darating na araw subalit pipilitin kong bumisita sa mga tambayan once in a while.. paki Pray wag akong maging busy..

    mabuhay kayo!!! =)

    ReplyDelete
  7. salamat sa inyo
    sana malayo kayo sa mga bagyong dumarating ingat kayo lagi jan.

    ReplyDelete
  8. you're such a great fellow countrymen good job for always focusing your blog how to uplift the values and spirit of a Filipino and for tackling the social issues with sensitivity ... great job

    ReplyDelete
  9. Hello there Kuya Jettro, got here from Meryl's place. Nasa South Korea ka rin pala.. We're in Chinhae, kaw ba?

    We are schedule to leave though in December, sayang di tayo magkakaeyeball hehehe.. Dop by sometimes okay?

    ReplyDelete