TIBAY NG RELASYON
Sa isang relasyon, mahalaga ang respeto, unawamalasakit at awa. Mga importanteng bahagi ng pagmamahal.Hindi narin siguro lingid sa atin ang mga bagay na yan, alamkong alam na nating lahat, basta sinabing pagmamahal andiyanna ang lahat ng sangkap, ngunit... bakit marami parin anghindi nakakagawa ng mga bagay na yan? Alam lang ba nating sabihin pero hindi natin kayang gawin?!Paano nga ba titibay ang isang relasyon?!Sa tagal na ng pagsasama namin ng aking may bahay ni minsanhindi pa kami nag away, ni minsan hindi pa kami nagsigawanat ni minsan hindi pa kami nagkasakitan, sa salita man o sa gawa.Pero yung tampuhan hindi maiiwasan natural na sa bawat tao yan.Unang lingo o buwan naming nagsama ng aking may bahay tinanong akong aking may bahay kung paano ba titibay ang aming pagsasamayun bang hindi kami magkakagalit o mag aaway. Alam naman natinna ang isang ugat ng paghihiwalay ay ang "KASALANAN". Iyan angdahilan ng pag aaway ng magkasintahan o ng mag asawa. Iyan din angmagiging dahilan para mawala ang tiwala, paggalang, hanggang mawalana ng lubusan ang pagmamahalan.!Isang bagay lang ang sinabi ko sa kanya para tumibay ang pagmamahal ko sa kanya at titibay din ang pagmamahal niyasa akin. "LAHAT NG AYAW KO HUWAG MONG GAGAWIN""LAHAT NG AYAW MO HINDI KO GAGAWIN"Hangang ngayon, sa tagal ng aming pagsasamasa bawat naisin naming gawin ipapaalam namin sa isat-isa.!Sa pagmamahal...Huwag mong gawin ang isang bagay na ikagagalit niya.Ikaw ang unang rumespeto sa kanyaIkaw ang unang umunawa sa kanyaIkaw ang unang magmalasakit sa kanyaIkaw ang unang mag pakita ng awa sa kanyaHuwag mong hintaying ibigay niya ang mga bagay na kaya mong ibigay sa kanya. Yang mga bagay na yan ang mahirapniyang makita sa iba asahan mo hindi ka niya ipagpapalit.Minsan nagtampo siya sa akin, sinabi ko lang sa kanya naayaw ko ng nagtatampuhan tayo ng matagal, yon lang hindina muling naulit.!Isang bagay lang ang kahit ayaw ko pero wala akongmagawa, pag kumalabit, kahit ayaw ko wala akong magawa.Sigurado wala akong almusal, walang sinangag, ''MAGSANGAG KA MAG ISA MO!!''!Pero.. pag napagbigyan mo naman pati mga manok maagapa krooookotokotok may almusal agad.!Yan din ang kabilin-bilinan ko sa tatlo kong anakdala-dala nila sa kanilang isipan ang mga bagay na ayaw kokaya lumaki silang dala nila kung anong pagkatao meron kaming mag asawa.!Ang panganay kong anak na babae na ngayoy Assistant Manager sa isang pwesto sa aming bayan,at ang pangalawa kong anak na lalaki na magtataposna sa darating na marso ng kursong Criminologyat ang bunso kong anak na nagmana sa akin ng mga katarantaduhan at nasa kanya na lahat ng katigasan ng ulo at kapilyuhan buwisit!
hanga ako sa tatag ng relasyon niyo..pinanindigan niyo talaga ang sumpaan niyo ng kayo ay ikinasal na habang buhay ay magsasama..madami na ring kasi ang ikinasal tapos ay naghiwalay pagtagal..
ReplyDeletehuwaw! salamat sa payo jettro, paniguradong magagamit ko to para tumatag pa ang relasyon namin ng gf ko.. salamat ulit
ReplyDeletesana ganito kami.dati oo, walong taon din na ganito.pero ngayon may pinagdadaanan na...may nakasira ng tiwala... haaayy.
ReplyDeleteThanks for this meaningful advice kuya..how nice to read na ang inyong relasyon ni ate eh almost perfect...at least now i have an idea kung pano nga ba maging successful ang isang relasyon....ipapabasa ko ito sa mga nakakarami..
ReplyDeletesalamat sa inyo sa pagbisita at sa pag comment god bless sa inyong lahat.
ReplyDelete@roshane salamat din ha balik ka uli dito.
naka relate ako sa sulat na ito dahil kaming mag asawa malayo sa isat isa, pero may tiwala at respeto sa isat-isa.mahal na mahal namin ang isat-isa may dalawa kaming anak.mabuhay ang bawat familya!na may paninindigan sa buhay.
ReplyDeletehi cha salamat sa pagbisita at sa pag comment mo tc/gb cha
ReplyDeletewhew nahirapan akong hanapin itong comment mo hihihi buti nakita ko dito thanks cha.