Friday, 30 October 2009

PANIS NA ULAM

Nung sabado dahil walang pasok nagkainuman nanaman kaming
magkakapitbahay, kainuman ko taga dagupan yung isa, taga
alaminos yung isa, general santos yung isa, at cavite yung isa.
!
Pinasyalan nila ako dito sa kuwarto ko,
Pare! dito na naman kami! eto, may dala kaming maiinom,
Anong pulutan natin diyan? (tanong nung taga GENSAN)
Meron akong ulam doon, kinuha ko sa kusina yung ulam nung
kasama ko sa kabilang kuwarto, palibhasa tamad maghugas ng
mga pinagkainan kinuha ko yung natirang ulam niya na inaamag na
sa tagal na hindi nahuhugasan, ang bagsik nga ng amoy pag binuksan
mo yung takip. Ang ginawa ko hinalo ko yung ulam na apat na beses
ng panis. Hinalo ko para hindi mahalata yung amag, tapos kinuha ko
Pare!
Paki-amoy mo nga ito kung hindi pa panis?
Lumapit yung taga gensan, sabay bukas nung kaserola sabay yuko at
inamoy, sabay singhot.
Sus! talsik yung ulo sa pagkakaatras nung maamoy yung ulam, ha ha ha
Sabay tanong ko.. Ano pare pwede pa ba?
Ta***na ka pre, ang bagsik ng amoy.
!
Nung minsan nag inuman nanaman kami, tag-yelo dito noon
umuulan ng yelo, kaya masarap uminom. Meron akong natirang
dinuguan sa ref. kung magluto kasi ako maramihan pang tatlong araw
para hindi luto ng luto, painit na lang. Eh, umabot ng isang lingo nakalimutan ko
ng itapon pero walang amoy dahil nasa ref.
Pagdating ko sa room ko andon na yung mga sunog baga sa room ko
at inuumpisahan ng mag inom, pinainit nila yung dinuguan.
Hindi nalang ako umimik, sa madaling salita, naubos yung dinuguan,
maya-maya umalis yung isa, comfort room ang destinasyon ha ha ha
maya-maya nagpaalam naman yung isa pa, comfort room din ang
destinasyon wha ha ha! Sabi naman nung isa pa...
Pare, may tisyu ka ba diyan? Andon pare sa cr!
kaso naubos na, maya-maya tumatakbo yung isa pa na taga dagupan
ha ha ha ha unahan sila ngayon sa cr kahit wala ng tisyu basta
makaraos kasi nga hindi na maka-utot may sasabay, yung isa
naman wala ng mapuwestohan sa tabo nalang umupo.
Nakaraos yung isa kaso wala ng tisyu,
Pare!!!! pengeng tubigggg!!
Binigyan ko ng tubig na malamig galing sa ref.
Ta***na ka pre!! wala na bang ibang tubig? Wala na!!
Pagbuhos sa puwet... Waaaaaaaa Ang hapdiiiiii!!
Buhos uli.... Ahhhhhhhhhh jusko poooo!!!
Buhos uli... Ahhhhhh, woooh hirapppp!!!
!
Yung isa pa na umupo sa tabo kailangan din ng tubig,
Binigyan ko din ng malamig na tubig... Pagbuhos...
Ahhhhhhh!! Buhos uli.. Ahhhhhhhh!! Brrrrrrrrr!!
Buhos uli... ahhhhhh!!! hirap namaaaaannn!!! brrrrrrr!!!
Ha ha ha ha ha ha ha
Hirap pala ng malamig na tubig ang gamitin sa puwet noh?
Parang nanganganak ha ha ha ha
!
Isang chapter pa lang yan..
Di ba pag nagtatae ka maraming chapter yan?
Eh.. wala ng tisyu.

5 comments:

  1. kawawa naman yung mga sunog baga ahahahaha...wala kaseng patawad sa pulutan eh, kahit ano na lang, nyahahaha,ayun tuloy

    ReplyDelete
  2. wow sarap ng dinuguan ahhahaa...kaso panis...
    ano kaya ang feeling ng super lamig na tubig na ipang hugas sa pwet ...hehehe ^_^ buti di nanigas un dumi nya nung ibinuhos sa pwet nya..di nagyelo hehee...ay ano ba yan ahhaha. ^_^

    ReplyDelete
  3. salamat deth at mher sa pagbisita
    lahat nga sila nagsisigawan mga takot sa tubig hahaha yung kamay nga maninigas sa lamig yung puwet pa kaya.

    ReplyDelete
  4. di siguro magandang idea na kainin ko tong dinuguan.. 2 weeks na nasa ref. buti nalang may record and ganitong scenario haha!

    ReplyDelete
  5. salamat kabayang shaider sa pagbisita at pagbabasa

    ReplyDelete