Tuesday, 27 October 2009

MAGING BAYANI SA GAWA HINDI SA SALITA

Hindi ka makagawa ng mabuti
Dahil ayaw mong gumawa ng kabutihan.
Nakakagawa ka ng kasalanan
Dahil sinasadya mong gumawa ng kasalanan.
!
Nais ko lang ibahagi ang aking mga nakaraan, alam kong
kahit konti may makapulutan ng aral.
Noong kasalukuyan pa lang akong namamasukan bilang security guard
hindi ko kinakahiya ano man ang maging trabaho ko, ang mahalaga
maitawid ko sa gutom ang aking pamilya, hindi ko iniisip ang kahihiyan
ko hindi yan ang kailangan ko kundi ang lakas ng loob ko para harapin
ang hamon ng buhay.
!
Sa panahon ng aking patatrabaho bilang security gauard isang
pagsubok ang aking naranasan. Nakakuha ako ng humigit
kumulang sa dalawang milliong halaga kasama ang mga pirmadong
peso at dollar cheque at mga bankbook na ang isang bankbook lang
naglalaman na ng unang deposito na one million agad, kasama ang mga
dollar cheque na pinakamababa ay five thousand dollar cheque.
Bagamat hindi ko na tiningnan ang iba pang laman ng malaking plastic
bag dahil dali-dali kong ibinigay sa mga katulong ang halagang
napulot ko mismo doon sa pinagbabantayan kong appliance center.
Dahil araw ng lingo sarado ang appliance center na binabantayan
ko tanging ako lang at mga katulong lang ang tao sa bahay ng may-ari
na nasa itaas ng building. Napakalaking halaga na kahit ang amo ko na
may ari ng appliance center ang hindi mapigilang humanga sa aking
ginawa, naisauli sa tunay na may-ari ang halaga, abot-abot ang iyak
ng may-ari at pasasalamat dahil naisauli sa kanila ang napakalaking
halaga, na kahit ang amo ko na may ari ng appliance center sa sobrang
paghanga at proud niya dahil security guard niya ang nakagawa ng
kabutihan sa kapwa, isang pahayag ang sinabi niya sa akin,
!
"Jett, Dahil sa ginawa mo.. naibuhos ko na sa iyo lahat ng aking pagtitiwala.
Bilang gantimpala.. Pumili ka ng kahit anong appliances diyan
sa loob akong bahalang magbayad. Shock ako, napakaraming appliances
sa loob na pwede kong pagpilian. Pero... tinangihan ko ang alok sa
akin ng may ari, shock din siya ha ha, ang sinabi ko lang sa kanya
"Sir, Basta may trabaho lang ako para may makain lang pamilya ko
masaya na ako'' Titig na titig sa akin ang mag asawang may ari,
hindi makapaniwala sa aking sinabi.
''Jett hindi ka aalis dito sa akin''.
Salamat sir!
!
ANG PRINSIPAL
Isang mag asawang magsasaka ang narinig kong nag uusap tungkol
sa anak nilang high school narinig ko na patitigilin na nila sa pag aaral
ang kanilang anak, hirap na sila sa kanilang pamumuhay.
dahil hindi na nila kaya ang mga halagang binabayaran sa public
school. Matagal ko naring naririnig ang tungkol sa prinsipal
sa aming paaralan. Sumabat ako..
''Huwag ninyong patitigilin ang anak ninyo!
yung prinsipal ang patitigilin ko!''
Dahil alam kong ang mga anak lang ang tanging pag-asa ng mga magulang.
Ayaw kong may mga batang hindi makatapos kahit high school lang.
Kahit maging delikado ang magiging buhay ko,
Nag buo ako ng grupo ko at pinamunuan ko ang gagawin naming rally
sa harap ng paaralan hindi ko na papasukin sa loob ng paaralan ang
hayop na prinsipal namin na matagal ng panahong nagpapahirap
sa mga magsasaka. Sa aking pamumuno kasama ng matatapang
kong mga kasama at sa tulong ng pagkakaisa ng lahat ng mga magulang,
kabataan, tanod, mga kagawad at kapitan. Inilabas ko ang lahat
ng istudyante sa loob ng paaralan. Isa-isa kong sinigawan ang mga guro
na kasabwat ng prinsipal at kahit mismo ang superentendent ng
DIVISION DECS sa aming bayan nasigawan ko dahil bulag din ang mata
sa mga nangyayari sa paaralan. At dahil sa aming pagkakaisa
napagtagumpayan naming patalsikin ang prinsipal ng aming paaralan.
Bagamat naharap kami sa kaso kasama ng matatapang kong kasama
hindi namin inatrasan ang demandang inilaan sa amin, sa tulong
ng mga panalangin ng mga magulang nalampasan namin ang asuntong
ipinataw sa amin. Ngayon.. Maraming magsasaka ang nagdiwang dahil
sa konting halaga na dapat sanay ibibigay nila sa paaralan, naibibili na lang
nila ng pang ulam sa araw-araw at marami naring mga batang malayang
makapagtapos ng high school.
!
Nakakatuwang isipin ang mga bagay na nagawa mong kabayanihan
sa kapwa at sa mahihirap. Ano mang oras ka nila masalubong
maramdaman mo ang abot langit na paghanga at paggalang na makikita
mo sa mga taong saksi sa kabayanihang nagawa mo. Ano mang liit na
kabutihang nagawa mo sa kapwa, tutumbasan nila ng paggalang.
Sa katunayan.. Ako ang itinutulak nilang tumakbong kapitan
ng barangay.
AYAW KO!
^_^
!
Sa aking nagawa, higit ang paghangang ibibigay sa iyo ng sarili
mong pamilya, dahil ama nila ang nakagawa ng mga bagay na
minsan hindi magagawa ng iba.
Sa mga mga kabutihan kong nagawa sa kapwa, bilang regalo
siguro sa akin ng panginoon, isa akong pinalad na makapunta dito
sa korea, at.. isa ang may ari na nakatulong sa akin upang makapunta
dito sa kinalalagyan ko ngayon.
Ang halagang aking naisauli, unti-unti
ko ring natitikman at ng aking pamilya.
Ang halagang aking naisa uli, kasinghalaga ng mga
pangarap ng aking mga anak na unti-unti narin nilang nakakamit.
!
Hindi ko inaalis sa aking isipan ang isang pangungusap na...
!
HUWAG MAGING BAYANI SA SALITA
KUNDI SA GAWA
!
Nais ko lang pong ipalala..
Ang blog kong ito ay open to public
ilan ang mga kapitbahay ko ang narito din sa korea,
kamag-anak at mga kaibigan
ang nagbabasa dito sa aking hangout, sila ang magpapatunay
sa aking mga nagawa.

3 comments:

  1. wow jett! pinahanga mo ako sa iyong kabutihan..talagang ang mga taong tulad mo ay dapat ginagantimpalaan ^_^ galing mo naman! ^_^ by the way, salamat sa link check ko un tomorrow pag gising ko ^_^

    ReplyDelete
  2. salamat mher sa pagbisitang muli.
    magagawa nman ng kahit sino yan basta desidido lang makatulong.
    salamat muli mher

    malilibang ka diyan sa mga link na yan. meron pa wait mo nlang yung iba.

    ReplyDelete
  3. tumakbo ka bilang kapitan..para malaman mo bakit nagkakaroon ng pangungurakot sa pulitika..

    ReplyDelete