Sabi ng tatay ko...
Anak..
Kung dumating ang araw na nagtatrabaho ka na ipakita mo ang lahat ng kasipagan mo para panghinayangan ka nilang mawala.
Anak...
Sa pagtupad sa pangarap alisin mo ang lahat ng makakasira sa daan patungo sa iyong mga pangarap. Ituon mo ang iyong isipan sa iyong mga pangarap hindi sa mga galit na nararamdaman mo dahil isa iyan sa makakasira sa iyong mga plano.
Anak...
Huwag kang masyadong maluho sa buhay, makontento ka sa mga bagay na meron ka ang mahalaga meron ka.. na wala sila.
Anak...
Kung nagawa mo na ang isang bagay huwag mo ng gawin dahil nagawa mo na isang daan din yan sa pagtupad sa iyong mga pangarap.
Anak...
Ilagay mo ang sarili mo sa kapwa upang malaman mo ang mali at tama, malaman mo ang dapat at hindi dapat para maisip mo ang mga bagay na ayaw mong gawin sa iyo huwag mo ring gagawin sa iyong kapwa.
Anak...
Huwag kang umasa sa tulong ng iba, huwag kang umasa sa tulong ng mga kapatid mo dahil kung dumating ang araw na mawala sila maiiwan kang nakatunganga. Gawin mo ang lahat ng makakatulong sa buhay mo mawala man kami kaya mong tumayong mag-isa. Huwag kang umasa sa pangako dahil kung hindi mo makamit lalo ka lang masasaktan. Tulad ng sinasabi ng nanay mo na sa iyo itong bahay, magtayo ka ng sarili mo kung kaya mo at may pagkakataon kang gumawa ng sarili mo sa huli wala kang kaagaw dahil sarili mo.
Anak...
Kung kaya mong mag-ipon mag ipon ka di baleng sa una ka mag tiis sa huli ka naman liligaya. Mas mahirap ang sa una mag saya sa huli ka magtitiis kung kaylan matanda ka na. Ang langam ano mang liit ng kanilang utak.. Nagagawa nilang mag ipon para dumating man ang bagyo't-ulan meron silang makakain. Ikaw pa kaya, mas may kakayahang mag isip na di hamak mas malaki sa utak ng langgam. Huwag kang magtanong kung paano ba ang magtipid, kaya mong magtipid kung gagawin mo ang tanungin mo sa sarili mo kung ''kaya mo bang magtipid hindi yung kung paano magtipid''.
Anak...
Sa pag laki mo umpisahan mo na ang mga plano mo para meron kang alam na tatapusin. Tulad sa pagtatayo ng bahay umpisahan mo kahit hindi matapos ang mahalaga naumpisahan mo na para meron kang tatapusin at alam mo kung ano ang kulang.
Anak...
Kung magkaroon ka ng pamilya gawin mo ang mga bagay na magpapaligaya sa iyo at sa iyong pamilya dahil sa huli ikaw din ang gagawa dahil ikaw ang haligi ng tahanan.
Anak...
Mahalin mo ang magiging asawa mo huwag mong sasaktan dahil ilalaan niya ang buhay niya para sa iyo siya ang magiging karugtong ng dugo't laman mo. Kung nagagalit ang asawa mo huwag mo ng papatulan dahil hindi siya magagalit sa iyo kung wala kang kasalanan.
Anak...
Huwag kang mananakit ng damdamin ng kapwa mo, pilitin mo magpasaya ng kapwa ang panginoon ang magbibigay sa iyo ng iyong kaligayahan.
Anak...
Kung dumating ang araw na kapos ka sa pananalapi, hindi mahalaga ang regalong may katumbas na halaga, kung minsan ang regalong may katumbas na sentimo madaling mawala, madaling masira, mga regalong kayang kalimutan ng panahon.
Ang tunay na regalong walang sentimong katumbas ay ang...
Magbigay ka ng respeto sa mga taong nakaka-usap mo.
Palagian mong ngitian ang mga taong nakakaharap mo.
Makinig ka sa anumang pinahahayag ng taong kausap mo hayaan mo siya ang mag kuwento ano man ang nais niyang ikuwento.
Huwag kang makikipagtalo sa mga taong nakaka-usap mo.
Huwag kang laging mataas sa mga taong nakaka-usap mo.
Purihin mo ang mga taong nakaka-usap mo ano mang taglay niyang kasuotan.
Huwag mong sisihin ng sisihin ang taong nakakaharap mo ano man ang kamaliang nagagawa nila.
Huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa sinumang nakakagawa ng pagkakamali sa iyo.
Yan ang mga regalong tanging maibibigay mo sinuman ang mga taong nakaka-usap mo. Mga bagay na masasabi mong tanging maire-regalo mo sa kanila na walang katumbas kahit kaliit-liitang sentimo.
Ngayon wala na ang tatay ko
wala man siyang ipinamana sa aking kayamanan
Habang buhay ko naman nagagamit ang mga salitang iniwan niya sa aking isipan at naghubog ng aking pagkatao at naging sandata ko sa aking pamumuhay. Ang mga salitang itinanim niya sa aking isipan ang nagsisilbing gabay ko sa araw-araw. Mga salitang hindi kayang dalhin ng panahon. Mga salitang mag sasalin-salin sa mga susunod pang henerasyon at mga salitang tanging maipapamana at ma-itatanim ko sa isipan ng aking mga anak.
SALAMAT ITAY
PS, Idagdag ko lang... Tamang-tama pala itong post ko para sa nalalapit na fathers day nalaman ko lang nung nabasa ko reply na pagbati ni Miss Ayle at ni Bro Goryo Dimagiba na malapit ng pala ang fathers day. Para akong pinaramdaman ng tatay ko na i-post ko itong mga aral niya sa akin bilang pag-alala ko sa kanya. Jusko para akong kinilabutan na medyo napaluha ng konti dahil walang-wala sa isipan ko ng nai-post ko itong ''SABI NI ITAY'' na fathers day na pala.
HAPPY FATHERS DAY SA TATAY KO AT SA LAHAT NG AMA.
5 comments:
Advanced Happy Father's Day kay tatay! at sayo...
ampaders day...=)
Salamat ayle sa pagbisita at sa pagbati ganon din sa iyo at sa iyong itay.
salamat bro goryo sa pagbisita at sa pagbati happy fathers din sa itay mo at sa iyo bro gors.
Tamang-tama pala itong post ko para sa mga itay nakalimutan ko. para akong pinaramdaman ng tatay ko at naisipan kong i-post ito. pag alala sa kanya. thanks ayle at bro gors.
happy father's day sa u at sa tatay mo..:)
ang mga salitang yan ang tanging pamana ng ating mga magulang na priceless. :)
hi leng korek ka diyan leng hindi na mawawala sa isipan natin yan. salamat leng sa pagbisita tc/gb
Post a Comment