Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 6 June 2010

ASK YOUR SELF


Napakahalaga para sa isang tao ang marunong mag tanong sa kanyang sarili. Maraming mga mahahalagang bagay ang maari mong itanong sa iyong sarili na magiging inspirasyon mo sa buhay na pwede mong magawa sa araw-araw. Kung madalas mong tinatanong ang iyong sarili malalaman mo ang lahat ng bagay na dapat at hindi mo dapat gawin. Isang paraan din upang makamit mo or maiwasan mo ang mga bagay na sisira sa lahat ng iyong mga plano at sa lahat ng iyong mga ginagawa, sa ating buhay at sa ating pakikipagkapwa. Isang paraan upang tayo ay matuto at mag patuloy sa magandang tinatahak.

Mga katanungan mula sa iyong mga nakaraan at mga katanungang maari mong masagutan tungo sa hinaharap. Ano-ano pa kaya ang maari nating itanong sa ating sarili kung saan maari tayong matuto mula sa pagkakamaling nagawa. Sa bawat araw may mga katanungan ka na maari mong itanong sa iyong sarili. Lahat tayo may malawak na kaisipan, may malawak na imahinasyon, Minsan maraming bagay ang kung ano-anong pumapasok sa ating isipan na nagiging dahilan minsan ng pag kalimot natin kung paano ba ang mabuting paraan ng pakikipag kaibigan or maayos na pakikitungo. Paano ba ang maging malapit sa mga kakilala o sa mga kapitbahay or paano ba ang maging friendly sa tuwing nagkikita kayo ng mga kakilala mo? ask your self.

Maraming mga katanungan na maari mong itanong sa iyong sarili na masasabi mong nakaka-inspiradong mga katanungang. Kung madalas tayong nagtatanong sa ating sarili mas madali kang makagawa ng kabutihan, naka-plano ang lahat ng ideas sa iyong imahinasyon. Marami tayong matutunan sa pagtatanong natin sa ating sarili mga katanungang mula sa iyong nakaraan kung paano tayo magpapatuloy sa magandang hinaharap. Magkakaroon tayo ng disiplina sa ating sarili. Ask yourself first bago mo gawin ang isang bagay. Ang taong naka-pokus sa mga katanungan alam kung ano ang tinatahak. Malalaman mo rin kung ano ang purpose mo sa buhay. Malalaman mo kung ano ang mga dahilan ng iyong mga ginagawa. Ilarawan mo ang iyong sarili sa iyong imahinasyon at subukan mong hanapan ng katanungan kung ano ang iyong tinatahak, kung ano ang iyong ginagawa, kung para saan, kung para kangino.
Ano ba ang kahinaan ko?
Ano ba ang inaasahan kong marating?
Ano ba ang dahilan ng lahat sa buhay?
Ano ang pagkakaiba ko sa kanila?
Ano ang pwede kong baguhin sa sarili ko?

Maari nating isipin ang nakaraan, mga bagay na ginagawa mo na hindi kanais-nais sa paningin ng iba or sabihin na nating hindi kanais-nais sa paningin mo. Alam mo kung sino ka sa pamamagitan ng iyong mga ginawa, may mga bagay kang matutunan sa mga tanong na magagawa mo ukol sa iyong sarili. Sa pamamagitan ng pagtatanong natin sa ating sarili mababago mo ang ikot ng mundo mo mula sa mga bagay na hindi magagandang nagawa tungo sa magagandang patutunguhan mo. Tulad sa pakikipag usap mo sa mga kaibigan or kakilala. Paano mo ba sila mailalapit sa iyong sarili at kung paano mo ba sila mailalayo sa iyong sarili? Isang katanungan na mag sisilbing inspirasyon mo sa araw-araw. Isang katanungan kung paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa kausap at kung paano mo makukuha para pahalagahan ka rin nilang kausap.
Paano ako magkakaroon ng halaga sa kanila?
Ano ba ang mabuting gawin upang mabago ko ang aking sarili?
Ano ba ang purpose ko sa buhay?
Madali ba akong manghusga ng tao?
Ano ba ang kinakatakutan ko sa buhay?
Successful na ba ako ngayon?
Ano ba ang estado ng buhay ko ngayon?
Gaano katagal upang gawin ko ang isang bagay?

Mahalaga ang magkaroon ka ng mismong communication sa iyong sarili. May mga bagay na bago tayo kumilos o bago natin gawin ang isang bagay mahalagang tinatanong muna natin ang ating sarili sa mga nais nating gawin kahit sa ating pagsasalita importante ang tanungin muna natin ang ating sarili bago natin sabihin ang isang bagay kung makakasakit sa damdamin ng makakarinig. Ipokus natin ang ating isipan sa pagtatanong sa ating sarili. Matuto tayong magtanong sa ating sarili kung ano ba ang mas epektibo upang mabago ang landas na tinatahak ng ating buhay.





Photobucket

10 comments:

Anonymous said...

minsan, nakakalimutan nating tanungin ang ating sarili kung ano ba ang tama at mali, kung ano ba ang gusto natin at hindi dahil nasisilaw tayo sa mga pangyayaring dulot ng tadhana sa atin... kadalasan dahil maganda ang epekto ng isang bagay sa atin, nakakalimutan din natin kung saan tayo tatayo...

pero tama ang sinabi mong kailangan nating tanungin ang ating sarili... sa bawat desisyon, sa bawat paksa sa buhay natin... ng sa gayon, maiwasan natin ang matinding pagkadapa.. :)

dumadaan ulit sa bahay mo..:)

ROM CALPITO said...

hi leng salamat sa pagdaan dito
tama yang mga sinabi mo leng lalo sa mga desisyong nais nating gawin kailangang tanungin ang ating sarili kung tama or tama ang mga desisyon natin kahit sa kaliit-liitang bagay importante lalot sa mga desisyon natin nakasalalay ang lahat. salamat leng ganda ng sinabi mo ingat lagi god bless.

fiel-kun said...

Very well said sir Jettro :)

Sa buhay, dapat alam natin ang gusto natin. Know what you want in life. Know your priorities and you wont get lost.

Goryo said...

Magandang postito.. npapanahon lalu sa mundong puno ng kurapsyon.. Para maka-iwas tayo sa kurapsyon.. tanungin natin ang ating mga sarili kung tama ba ang desisyon na ting gagawin..

Ako nga madalas pag nakasakay ako ng bus madalas kong kinakausap ang aking sarili.. Ganito madalasang aming usapan:

Ako-1 : Saan ka bababa?
Ako-2 : SA Magallanes MRT
Ako-1 : Sa guadalupe nalang para mas mabilis
Ako-2: Sa magallanes na sabi!

Kaya yun natatakot sakin ung kondoktor di na nya ako tini-ticket-tan.. ahihi - jokelang!

ROM CALPITO said...

thanks fiel sa pagbisita at sa comment

@gors hehe kung di ako nagkakamali gors malapit na yan sa boni. salamat sa pagbisita gors. cge ask lang lalampasa ka na sa magna-nine yrs hihihi

Anonymous said...

waaaaa hnd po ako nagttnung sa self ko! aahha. mdalas c god ang ni aask ko! ahaha..

uyy tugma ang header mo sa post ko! ahahhaha.

ingtz plge :)

Unknown said...

it is sometimes hard to ask our selves about the things that we have done, lalo na kung ang ginawa mo ay mali, at kahit mali na'to, ayaw mo pang bitawan. It is sometimes hard to let things out of the way, kasi masasaktan tayo. but realization namkan ya importante at ang pag hingi ng kapatawaran. and start a new life

ROM CALPITO said...

hi kayedee thanks sa pagbisita ha tc/gb

@Tim korek yang sinabi mo bro salamat sa pagbisita bro

BatangGala said...

helow po kuya jettro, wala po kayong chat box, kaya dito na lang po ako babati ng HAPPY FATHER'S DAY. ayun lang naman po. :)

ROM CALPITO said...

hi ateng gala meron na akong chatbox ate nasa ibaba yung isa para sa akin lang yung green for public thanks ateng gala

Photobucket