Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Thursday, 14 January 2010

ANG BIRD KO



Noon meron akong alagang ibon apat sila, mahilig din akong mag alaga ng ibon lalo na ng kalapati pero nagkahiwalay kami dahil sa pagharap ko sa obligasyon ko sa aking pamilya. Masakit man sa akin ang magkalayo kami walang magawa mas kailangan kong pakainin ang pamilya ko. Matagal ng panahon ang lumipas ngayon sumasagi sa aking isipan ang alaga kong ibon. Buti pa ang ibon malaya, madaling maghanap ng pagkain kahit walang mga kamay. Hindi kailangan ng pera upang makakain, hindi kailangan ng pera upang makarating sa patutunguhan, may kakayahang palakihin ng maayos ang kanyang mga anak.

Sa aking pag-iisa hindi ko na halos maisip ang aking ibon dahil wala naman akong dapat ipag-alala sa isang ibon dahil kahit hindi ko bigyan ng kalinga kayang harapin ang kanyang buhay. Kaya niyang mabuhay ng malaya, kaya niyang mag-isa.

Sa aking pag-iisa ang madalas na iniisip ko ngayon paano na kaya ang iba kong mga kababayan na naghihikahos at salat sa pamumuhay. Walang trabaho, wala halos makain, habang patuloy ang pagtaas ng bilihin. Mga pilipinong pilit naghahanap ng mapapasukan ngunit wala ng kompanyang mapasukan gasino lang ba ang dami ng kompanya natin kung ikukumpara sa mahigit kumulang sa dalawang bilyong mga kababayan natin ang walang trabaho. Mga pilipinong may mga pamilyang pinapakain, may mga anak na gustong pag aralin, mga anak na gustong bilhan ng mga kasuotan sa katawan. Paano na nga ba ang isang pilipino na nasa edad trenta pataas gayong merong sinusunod na patakaran ang mga kompanya at gobyerno natin na kung nasa edad trenta ka na pataas wala ng magnanais na tumangap sa iyo. Kung ganyan ang edad mo paano mo na pakakainin ang sarili mong pamilya dahil hindi ka na ibinibilang ng mga kompanya ganon din ng ating gobyerno na mabuhay. Wala ka ng karapatang mabuhay, wala ka naring karapatang buhayin ang pamilya mo. Samantalang noong nasa tamang edad ka pa hindi ka na nga nakakahanap ng trabaho ngayon nasa ganyang edad ka di mas lalong wala ka ng pagkakataon upang magtrabaho.

Paano pa kaya kung medyo pilay ka pa? Paano kung medyo may kapansanan ka sa kamay? Lalong anong silbi mo na? Paano na ang pamilya mo? Paano na kayo mabubuhay? Habang lumilipas ang bawat araw na wala kang hanapbuhay siya namang pagtaas ng mga bilihin lalong ka pang nababaon sa hirap dahil wala ka ng halos kakayahang bilhin ang mga bagay na kakailanganin ng inyong sikmura. Habang lumilipas ang taon siya namang pag sibol ng mga bagong graduate na mas bata sa iyo at may natapos na pag-aaral na siya ding nanganga-ilangan ng hanap buhay. Nakatira ka sa probinsiya paano ka maghahanap ng mapapasukan mo sa maynila samantalang bilyong kabataan din ang walang hanapbuhay sa maynila na mas bata sa iyong tingnan.

Ang ating gobyerno ay isang napakasamang bangungot para sa ating mga pilipino. Hindi ko magawang ngumiti kapag gobyerno na ng pilipinas ang pag-uusapan. Wala kang halos makitang patakaran ng gobyerno na para sa tao. Ang lahat ng ginagawa ng gobyerno natin ay para lang pagkaperahan tayong maliliit ngunit ayaw naman tayong suportahan ng gobyerno. Pinipiga tayo ng husto ng mga walang kuwenta at mga walang pusong mga nanunungkulan sa ating gobyerno.

Paano na kaya kung wala ng bansang mangailangan ng mga manggagawang dayuhan saan na kaya pupulutin ang mga pilipino. Kaawa-awa na ang mga kababayan nating mga kababaihan ng dahil sa hirap ng buhay sa ating bansa napipilitang tumungo sa ibang bansa ng hindi alam ang patutunguhan. Hindi alam kung anong kahihinatnan ng buhay nila sa ibayong dagat. Isinusugal ang buhay ng dahil sa kahirapan. Kahit alam nilang mapapariwara lang ang buhay nila nagbabakasakaling mai-ahon lang sa hirap ang mga magulang at mga kapatid. Habang may mga pilipino namang sing itim ng kalawang ang budhi nila ng dahil sa pagnanasang kumita ng malaki sinasamantala ang mga naghihirap nating mga kababaihan na nangangarap kumita ng makakain, kumakapit na sa patalim ng dahil sa walang kuwentang gobyerno natin. Kung nais mong kumita ng konti dito pa sa ibang bansa natin makukuha hindi sa pinas at bago ka pumunta dito sa ibayong dagat sandamakmak pa ang aasikasuhin mo at sandamakmak din ang gagastusin mo saan ka kukuha ng gagastusin mo sa pamasahe palang hindi mo na kaya. Saan pa kaya kukuha ng pera para ipakain mo sa pamilya mo? Paano ka makakaalis kung nakabase uli sila sa edad. Ang ibang bansa willing silang tangapin ka kahit anong edad mo pero ang sariling bansa ang ayaw magpaalis sa iyo. Habang unti-unting tumataas ang mga bilihin unti-unti kang lalong nababaon sa hirap sa klase ng pamamalakad ng ating gobyerno. Habang patuloy ang bangayan nila sa gobyerno, patuloy ang nakawan sa kaban ng bayan ang mga kaawa-awa naman nating mga naghihirap na kababayan nag-iisip kung paano bubuhayin ang pamilya. Wala ng panahon ang gobyerno natin para pag-isipan kung paano tayo tutulungang mabuhay.

May pag-asa pa kaya ang mga pilipinong lumipad ng malaya at mabuhay ng maayos tulad ng isang ibon?
Mga ibong masayang lumilipad sa kalawakan malayang makarating saan man nais makarating. Walang mahirap walang mayaman.



Photobucket

7 comments:

MgaEpal.com said...

aba meron din kaming alagang ibon... apat din ito.

Dhianz said...

kuya jet! padaan lang po muan akoh... dehinz cmeeh makapagbasa.. hope 'ur doin' aight... ignatz po lagi... Godbless! -di

Anonymous said...

i try to always look at the positive side. i try to look for the inner good in a person. meron pa sigurong pag-asa..

Jam said...

Hi..i just past by here sa hang out mo maghahanap sana ako ng maiinom kya lang wala e hahaha..napansin ko lang prang may similarities entry natin..try mong i visit web page ko e2 ung link..
jg-complicatedlove.blogspot.com.
sna mapapasyal ka tnx...

ROM CALPITO said...

salamat sa pagbisita epal,

dhianz thanks same to you ingat lagi

chikletz salamat ha sana nga meron pa god bless chikletz

hi jam ako nlang makikiinom sa hangout mo haha thanks sa pagbisita dito, bumisita narin ako don galing ng mga post mo. god bless miss jam

The Pope said...

Napaisip ako sa iyong katanungang "may pag-asa pa kaya..."?

Sa kabila ng tila di matapos na pagsubok sa ating buhay at kahirapang sa buhay na nararanasan ng bawa't Pilipino, ang matibay na pananampalataya sa Panginoon ang tanging kinakapitan natin sa paghihintay ng bagong pag-asa.

Inaanyayahan kita kaibigan na mapabilang sa komunidad ng KABLOGS (http://www.ofwkablogs.com/) na kinabibilangan ng mga OFWs at Pinoy Expats mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Isang kagalakan sa amin na maihanay ang iyong mga panulat sa hanay ng aming mahuhusay na manunulat kapwa OFW mula sa ibang bansa, kung mamarapatin, nawa'y maari mong i-display ang aming KABLOGS logo sa iyong sidebar upang awtomatikong maitala ang iyong blog sa hanany ng manunulat mula sa Asya at pacific.

Maraming salamat at isang mapagpalang araw sa iyo at iyong pamilya.

ROM CALPITO said...

syensiya na ngayon lang uli nasilip dito.
Pope salamat sa pagbisita at sa paanyaya sige pag may time ilagay ko sa sidebar ko yung logo ng kablogs. thanks uli and god bless you also pope.

Photobucket