Kaya mo bang gawing kaibigan lang ang bago mong pag-ibig?
Hanggang kaylan magtatagal ang pagiging magkaibigan ninyo ng taong gusto mong ibigin? Hanggang kaylan magtatagal ang pagiging magkaibigan ninyo ng taong gusto kang ibigin? Sa pag gising mo sa umaga larawan agad niya ang unang pumapasok sa iyong isipan. Kahit pilitin mong alisin siya sa iyong isipan hindi mo magawa. Gustuhin mo mang iwasan siya ngunit ayaw mo naman siyang mawala. Sa bawat naisin mong gawin larawan niya lagi ang nagiging dahilan ng bawat nais mong gawin. Madali mo bang iwasan ang taong nagiging dahilan ng kasiyahan mo sa araw-araw? Paano mo sasabihin sa kanya na kaibigan nalang ang turingan ninyong dalawa gayon iyan ang magiging dahilan ng inyong pagkakalayo. Paano mo sasabihin sa kanya ang mga bagay na ayaw mong magiging dahilan ng kanyang paglayo. Paano mo sasabihin sa kanya gayong gusto ka niyang ibigin.
Sapat na kaya na kausap mo lang siya sa araw-araw? Matatanggap mo ba na sapat na ang paguusap ninyo kahit walang pag-ibig na mararamdaman ngunit may pagmamahal na magbubuklod sa isat isa. Pwede bang paghiwalayin ang pag-ibig at pagmamahal sa dalawang nagkakaunawaan?
Ayaw kong saktan ka ngunit ayaw ko namang mawala ka. Ayaw kong lalayo ka ngunit ayaw ko namang aasa ka. Masasaktan ako kung lalayo ka ngunit mas masasaktan ako kung luluha ka. Nais kong malaman mo kung gaano ka kahalaga ngunit mas mahalaga sa akin ang kaligayahan mo. Ayaw kong malaman mo ang isang bagay na nais kong ipaalam sa iyo. Ayaw kong dumating ang isang araw na magtatanong ka ng isang bagay na ayaw mo ring malaman. Maligaya ako sa isang tulad mo ngunit kailangan mo ring lumigaya. Sabi ko sa sarili ko na makakaya kong kalimutan ka ngunit parang lagi naman kitang hinahanap. Mahirap dayain ang damdamin, mula ng makilala kita hindi ko alam kung masaya ba ako o nalulungkot. Ano kayang gagawin ko, hirap isarado ang puso sa isang tulad mo. Paano ba tuturuan ang pusong huwag magmahal? Sabihin mo lang sa akin na hindi mo ako mahal, siguro... liligaya pa ako, hindi na baleng ako nalang ang magmahal, ayaw ko lang gawin ang isang bagay na ako ang magiging dahilan ng iyong pagluha.
PWEDE BANG PAGSAMAHIN ANG PAG-IBIG SA PAGKAKAIBIGAN LANG?
Dito muna kayo maghugas pa pala ako ng plnggan.
5 comments:
naks... pag-ibig.
ahaha!
aga aga kuya jettro!
january pa lang!
hehe.
maram,i akong masasabi dyan ee.
PAG-IBIG.
peo sa ngayon ito lang...
ANG BIGAT!
ahaha.
minsan imbis na nagpapagaan ng buhay, mas nakakabigat.
wag na lang umibig!
(bitter?)
jokeness.
nice kuya!
eksena ka...
:P
nabitin naman ako bigla dun. haha!
isa na namang makabagdamdaming ang akda mo. pag usapang pag-ibig na eh patay na tayo dyan. ganun talaga ang puso. parang sponge din. kuha ng kuha pag ndi na kaya nasisira. haha! anu daw?
parang naguluhan ako jettro, ahahaha...
ang tanong mahal mo ba? ahahaha
Meron na palang bumisita dito
Salamat ate gege Dami mong alam tungkol sa pag-ibig ha hehe tc/gb
@chikletz wow bumisita si madam chikletz miss you hehe wala pa naman eh
@Deth haha no comment weeeeee ayaw ko sumagot sa napakahirap mong tanong haha
long time no read...
tapos eto pa ang nabungaran ko... haaay... tats naman ako! ^_^
pero ang galing ha! ^_^ tagos-tagusan eh...
Post a Comment