Maraming araw na sumasablay din kami ng pagkain, maraming araw na halos kamatis lang ang ulam namin, mahirap ang maging isang mahirap, lahat ng pagtitiis lahat ng paghihirap, lahat ng sakit ng kalooban dadanasin mong lahat. Lahat ng kahihiyan lahat ng kalungkutan, lahat ng gutom, lahat ng luha iluluha mong talaga. Pero ng dahil sa aming kahirapan dito nabuo ang tunay kong pagkatao, natuto ako kumilos ng maayos, dito ako natutong maging maunawain, dito lumawak ang aking isipan, dito ako natutong mag plano kung ano ba ang aking magiging bukas at dito ako natuto kung paano ang umunawa sa kapwa.
Sunday, 7 June 2009
KAHIRAPAN
Maraming araw na sumasablay din kami ng pagkain, maraming araw na halos kamatis lang ang ulam namin, mahirap ang maging isang mahirap, lahat ng pagtitiis lahat ng paghihirap, lahat ng sakit ng kalooban dadanasin mong lahat. Lahat ng kahihiyan lahat ng kalungkutan, lahat ng gutom, lahat ng luha iluluha mong talaga. Pero ng dahil sa aming kahirapan dito nabuo ang tunay kong pagkatao, natuto ako kumilos ng maayos, dito ako natutong maging maunawain, dito lumawak ang aking isipan, dito ako natutong mag plano kung ano ba ang aking magiging bukas at dito ako natuto kung paano ang umunawa sa kapwa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
unahan ko na parekoy!
naranasan ko rin mga naranasan mo, nakita ko rin lumuha ang aking ina dahil sa kapabayaan ng erpat ko (pero ano mang pagkukulang ni erpat nailibing ko na sa limot yun, kasamang nailibing noong sumakabilang buhay na sya -napatawad ko na sya.) mahirap kapag nakikita mong nahihirapan ang magulang, gusto mong tumulong pero dahil estuyante pa lang ako noon kaya gusto ko mang tumulong pinansyal pero wala akong magawa.
ganda ng poste mo parekoy...
hahaha cge lang parekoy salamat napanood mo ba yung video?
Korek ka parekoy mahirap makita nating umiiyak sa harapan natin ang ating ina, matitiis kong saktan ako sa katawan ang hindi natin matiis yung sila ang umiiyak.
wala na erpat ko nung time na yon.. kung may time ka parekoy meron pa akong post diyan ang title ANG AKING INA at SULAT NG ISANG INA (SA ANAK NA NASA ABROAD)
Baka madurog ang puso mo don parekoy. thanks
na-touch ako kc related sa pagkato ko eh, and totoo tumatatag tayo kapag nakaranas ng mga bagay na yan, anyway wag lang natin kakalimutan kung san ang aing pinagmulan upang mas lalo pa tayong umunlad..GODBLESS...and more perseverance,...
parepreho pala tayo nina mamy villar nanggaling sa hirap,lols
nransan ko din ang gnyang buhay. 18yrs old palang kasi erpats ko nung isinilang ako,walang wala kami nun. dhil sa pgtyatyaga napatapos niya ko ng pgaaral.
mswerte tayo nranasan natin pano ang mging mhirap.
nakarelate ako sa wento mo parekoy. naranasan ko rin kasi ang naranasan mo. mahirap ang buhay, pero dahil dun, natoto akong lumaban para malagpasan ang kahirapan.....
Maswerte pa rin tayong dumaan sa kahirapan dahil mas nauunawaan natin ang mga mahahalagang aspeto ng buhay na hindi kailanman mauunawaan ng mga taong lamang sa pera at pamumuhay. Itong mga hirap at pasakit na pinagdadaanan natin ang humubog, o' huhubog sa'ting pagkatao.
Mas kahiya-hiya ang mga taong lamang sana sa pinansyal na aspeto at ari-arian, kulang naman sa pagmamahal at pag-unawa sa kapwa. Mas "mayaman" pa rin tayo sa kanila.
Maswerte ka rin. Napakadakila ng iyong nanay :)
Totoo po lahat yang mga sinabi ninyo sa mga nbasa ko sa mga phayag ninyo medyo nata touch nnman damdamin ko tama yung cnabi ni seaquest huwag mkalimot sa pinagmulan para alam kung saan patungo. sabi nga ni parekoy hari ng sablay maswerte rin tyo dahil naranasan na natin ang naging mahirap totoo yan parekoy alam na ntin ang mging mhirap. sabi nga ni miss bing alam na natin ang mga mhahalagang bagay sa buhay alam na natin na ang bawat aspeto may kahulugan alam na nating pahalagahan.
Ang gagaling nyo naman may kanya-kanya kayong paliwanag na tumatama sa reyalidad ng buhay.
hirap din ng ganong kalagayan parekoy pogi totoo yung cnabi mo na matututo tyong lumaban matututo tayong tumayo sa sarili nating mga paa. salamat din sa iyo parekoy
ang masasabi ko lamang ay
"habang may buhay may pag-asa"
kita mo ngaun may work ka na at nagbibigay suporta sa iyong magulang ^_^
God is good..all the time!
Salamat sa pagbisita miss meryl totoo yan laking pasalamat natin sa itaas hindi nag papabaya. Sabi nga sa panaginip ko ng nasa itaas..
Huwag kang humingi ng tulong sa iba.. Ako ang tutulong sa iyo. Paano kita tutulungan kung may tumutulong sa iyo.
Mahirap kunin ang tunay na kahulugan niyan, mahirap paniwalaan pero... iisa ang kahulugan niyan, "MAGSIKAP KA, TUMAYO KANG MAG-ISA"
Thanks wala narin mother ko ulila na akong lubos. Kung paano namatay mother ko? mababasa po ninyo diyan may title na.. "ANG AKING INA"
Naramdaman ko talaga ang ibig mong iparating...Di alam ng mga magulang natin.. minsan itago man nila ang kahirapan nahahalata parin nating mga anak. Dahil sa mga experiences na ito.. Tinaga korin sa bato.. na never kame mag hihirap pa katulad din ng naranasan namen.
ITs nice na balikan ang mga ganitong memories.. Sarap hampasin ng kapitbahay... joke!!!!
Love,
Badet
hahaha natawa nman ako dito kay miss badet sarap ba hampasin hahaha thanks badet ha sa comment love you badet hehehe
Post a Comment