Pero sa totoo lang hindi ko pa narinig na nag da-dialog ng ganito ang mga lalaki karamihan sa babae ko naririnig ito at nababasa. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng plastik? Kahit ako naguguluhan sa kahulugan ng salitang plastik. Kung ikaw naiisip mo ang tunay na kahulugan ng salitang plastik tanungin mo ang sarili mo kung hindi karin kaya plastik? Di ba magaling karin sa harapan? Kung ako ang tatanungin mo oo magaling din ako sa harapan pero hindi ako kaaway sa talikuran eh kahit ikaw naman or kahit sino naman hindi tayo kaaway sa talikuran. Bakit naman tayo magiging kaaway ng talikuran kung wala namang ginagawang masama ang ibang tao sa atin? Siguro nagagalit tayo kung may nababalitaan tayong sinasabi ng iba tungkol sa atin. Kung wala naman sigurong katotohanan bakit naman tayo ikukuwento ng masama sa ibang tao minsan kasi tayo rin gumagawa ng ikasisira natin tapos kung mapag usapan ka nagagalit ka. Di ba natural lang naman na mag usap ang mga tao at natural din ang kalayaan ng bawat tao na piliin kung sino ang gusto nilang mapag usapan. Bakit nagagalit tayo at tinatawag nating plastik dahil pag kaharap ka magaling silang kausap eh anong gusto mo pangit silang kausap? Gusto mo yung inaaway ka pag kaharap ka kahit wala kang kasalanan? Dahil iyon ang gusto mo iyon ang inaakala mong totoo? iyon ba ang hindi plastik? Nakasanayan na kasi ng tao ang pangit na kahulugan ng plastik kaya iyan ang ibinabato natin sa mga taong kaaway natin. Iyon lang naman ang pantira natin sa mga kaaway natin eh yung salitang plastik. Yung mga kaaway or kagalit lang naman ang pwedeng tumira sa atin ng talikuran at sila lang naman ang nakagagawang manira sa atin.
Pero sa totoo lang hindi naman sila plastik dahil hindi naman sila nakikipag usap ng matino sa ating harapan dahil nga sa silay kaaway natin. Sigurado sa talikuran sila titira sa atin dahil maaring may kinikimkim silang galit sa atin pero hindi nangangahulugang silay plastik. Sino naman ang masasabi mong plastik sa mga taong pinatutunguhan mo ng maganda iyon ba ang inaakala mong sisira sa iyo ng talikuran palagay ko imposibleng mangyari iyon. Kaya sa totoo lang wala naman talagang plastik na tao.
No comments:
Post a Comment