Bakit ang inuuna nating mahalin ang bayan? Tanong ko sa aking kausap.. Hindi ba ang dapat tao muna bago ang bayan?
Bayan muna dahil tao rin ang unang makikinabang. Kung gumanda at umasenso ang bayan sabay naring aasenso ang tao. Kung bayan muna ang uunahing pagandahin, bayan muna ang kailangang unang ayusin kasama nang pagyabungin ang ating mga kabundukan punuin ng puno , linisin ang kapaligiran itama ang pagtatapon ng mga basura dahil yan ang mga pangunahing dahilan ng pagbaha hanggang sa maging dahilan ng kamatayan ng tao. Sabi nga ng iba kailangang mahalin muna natin ang bayan para umasenso na ang pilipinas.
Mukhang may katwiran siya dahil iyan naman talaga ang kailangan ng ating bayan, iyan ang isinisigaw ng ating bayan bihisan ninyo ako ng hindi tayo kahiya - hiya sa mga karatig nating bansa.
Tama! kailangan din naman talaga at obligasyon naman talaga ng gobyerno ang mga bagay na iyan. Gobyerno ang kailangang kumilos kung tungkol sa bayan ang pag uusapan.
Matalino din naman itong kausap ko.. kaya lang walang puso.
Paano naman ang tao?
Di baleng may mamatay muna sa gutom? Unahin muna ang pagyabong ng mga puno kaysa pagyabong ng mga batang may pinag aralan? Unahin muna ang pagtangap ng papuri mula sa karatig bansa kaysa bigyan ng tahanan ang mga walang tahanan?
Kailangan ba mahalin muna ang bayan bago ang tao? Sino ba ang dapat unahing mahalin? Kung mahalin ko ba ang bayan may makakain na si juan? Kung mahalin ko ba ang bayan magkakaroon na ng trabaho ang libo - libong ama na nangangailangan ng trabaho? Kung mahalin ko ba ang bayan mawawala na ang mga magbabasura, magkakaroon na ng maayos na tulugan ang pamilyang natutulog sa lansangan?
Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran.. Pagmasdan mo ang mga taong natutulog sa lansangan, pagmasdan mo ang mga batang natutulog sa mga lansangan, pagmasdan mo ang mga taong namumulot ng basura, pagmasdan mo ang mga batang nagiging mang - mang dahil sa wala ng kakayahang pagaralin pa ng kanyang mga magulang. habang lumalakad ang araw at patuloy sa paglubog at paglitaw ng haring araw dumarami lalo ang mga pilipinong nagiging mang - mang, mga pilipinong tumatanda na hindi na nabibigyan ng pagkakataong makapag aral na ang tanging ipapamana nalang nila sa kanilang mga anak kundi ang kahirapang kanilang nasimulan. Dahil habang patuloy sa pag ikot ang mundo patuloy silang lumalaban sa hamon ng buhay nakikipag agawan sa gutom at kamatayan ang mga tao. Aanhin ng tao ang maraming puno kung kumakalam na ang kanilang sikmura, aanhin ng tao ang magandang nilalakaran nila kung kailangang ibili ng gamot ang kanilang anak, aanhin ng mga tao ang ganda ng kapaligiran kung wala naman silang makain, makakain ba ng anak ko ang papuri ng mga banyaga dahil sa kagandahan ng ating bayan, matitigil na ba sa pagbabasura ang tao kung gumanda ang ating bayan? May makakain na ba ang mga magbabasura kung gumanda ang ating bayan kahit wala silang mahanap na magandang hanapbuhay? May matutulugan na bang maayos na tahanan kung wala na ang mga pagbaha?
Ngayon sino ba ang dapat na unahing mahalin.. ang tao ba o ang bayan? Sino ang dapat na unahing ayusin ang bayan ba o ang buhay ng mga tao? Sino ang dapat unahing pagyamanin ang mga puno sa kabundukan o ang buhay ng bawat pilipino?
Lumingon ka sa iyong paligid makikita mo.. Ang tao umiiyak unti - unting nauupos.. di tulad ng ating watawat ano mang unos ang dumating mananatiling nakatayo.
Ikaw kaya ang mamulot ng basura, ikaw kaya ang matulog sa lansangan kasama ng mga bata, ikaw kaya ang walang makain at subukang kumain ng mga tira - tira ng jollibee, saka mo sabihing ang bayan muna bago kami saka nalang kami kung mayaman na ang bayan.
No comments:
Post a Comment