May mga nagsasabi na ang talento daw ng tao ay nakukuha sa praktis at may nagsasabi na ang talento daw ng tao ay inborn, hindi ako naniniwala na ang talento ng isang tao ay nakukuha or nagmumula sa ensayo, para sa aking paniniwala ipinanganak ang tao na may kaakibat ng talento nahahasa lang kung sasamahan mo ng ensayo. Ang talento ng tao ay inilaan na para sa iyo buhat ng ikaw ay ipinanganak, kahit anong gawin mo sa kakapraktis kung hindi talaga iyan ang talent mo hindi mo magagawa ang magandang hinahanap ng tao kahit nakahiligan mong gawin ang isang bagay kung hindi talaga iyan ang talent mo walang mangyayari kahit ilang libong praktis pa ang gawin mo. Ang talento ng isang tao ay kung saan mas angat ang ginagawa mong magaling na minsan hindi nagagawa ng iba. Halimbawa sa pagsusulat may mga taong ang talent nila ay nasa pagsusulat, may mga bagay ka na mas magaling kang magsulat kaysa sa ibang nagsusulat. Nabibigyan mo ng buhay ang mga kataga na iyong sinusulat, nabibigyan mo ng magandang daloy ang mga salita upang mas kaaya - ayang basahin ng mga nagbabasa. Maraming talento ang isang tao minsan may mga araw na napapansin mo nag iiba ka ng hilig lumalabas at lumalabas ang mga bagay na nakakahiligan mong gawin iyon ang talento mong matatawag basta mapag uukulan mo lang ng panahon para maensayo mo ng husto kadalasan lang na nangyayari nawawalan tayo ng panahon dahil sa may mga bagay na dapat tayong unahin lalo na kung kapos tayo sa pangangailangan ng pamilya mas nauuna pa nating gawin ang pangangailangan ng pamilya kaya nawawalan na tayo ng panahong mapagukulan ng panahon ang ating mga sariling talento. Habang lumalaki ang tao unti - unti niya nalalaman kung saang bagay siya magaling. May mga tao din na bata palang ay nakikitaan na ng talento na siyang sinusoportahan kaagad ng mga magulang dahil may kakayahan silang tustusan ang mga pangangailangan ng bata para maging ganap na dalubhasa sa kanyang talento. Kadalasan ang nagiging dahilan kaya hindi natin napagtutunan ng husto ang ating talento ay dahil sa kakapusan natin ng pinansyal kaya ang nagiging resulta kulang na ang kaalaman natin upang mas mapabuti pa natin ng husto ang ating talento, kahit gustohin mo na maging dalubhasa ka sa iyong talento hindi mo makuhang sanayin ng husto dahil mas binibigyan mo ng panahon ang mga pangangailangan natin sa buhay. Kung ating ikukumpara ang pilipino laban sa mga mayayamang bansa kung saan may kakayahan ang kanilang mga taong mabigyan nila ng kaukulang panahon ang kani-kanilang mga talento dahil meron silang inaasahan na trabaho, panahon at oras at meron silang inaasahang pera na pangtustus sa kanilang pangangailangan para lalo nilang mapagbuti ang kanilang kaalaman. Hindi lingid sa ating kaalaman na mas marami ang nakikita nating magagaling at talentadong tao sa ibat - ibang larangan ang mga nakatira sa mayayamang bansa at hindi lingid sa ating kaalaman na mas maraming nahahakot na gintong medalya ang mga mayayamang bansa sa larangan ng sports. Dahil meron silang kakayahang maghanap ng mga talentadong tao na tinutustusan pa ng gobyerno para mas lalo pang maging bihasa ang tao. Dito sa atin maraming mga talentadong tao na hindi na gaanong nangangailangan ng maraming pera para maging dalubhasa tulad ng pag awit. Pero may mga mang aawit tayo na hindi naman bihasa sa pag compose ng isang awitin. Ang pag gawa or pag buo ng isang awitin ay isang talento rin ng tao kung saan nakakagawa or nakakabuo sila ng isang awit na hindi naman nila kayang awitin ang sarili nilang katha dahil ang talento nila ay wala sa pag awit kundi nasa pag gawa ng isang awit. Masuwerte na lang ang tao kung ang talento mo ay nakakagawa ka na ng isang awitin nakakanta mo pa ang ginawa mong awitin dahil sa ginintuan mong tinig makikita natin iyan sa katauhan nina freddie aguilar at Rey valera.
Kung ang ibang mayayaman ay may inaasahang kayamanan at may kakayahang mag ensayo ng kahit na anong talent ngunit hindi nila magawang maging dalubhasa dahil hindi iyon ang talento nila.
Kaya para sa aking paniniwala ang talento ay hindi nagmula sa ensayo, ang talento ng tao ay inborn instrumento lang ang kakaensayo para lalong maging dalubhasa sa kanyang talento.
No comments:
Post a Comment