SAAN KA NGA BA MAGALING?
Magaling ka nga ba? bakit hanggang ngayon andiyan ka parin sa malayo na nagtitiis na hindi makita ang pamilya.
Magaling ka nga ba? dahil marami kang kaibigan dahil wala ding oras para tangihan mo sila.
Magaling ka nga ba? bakit nakuha mo paring mag TNT.
Magaling ka nga ba? Sa tingin mo ba kahit hindi ka magtrabaho mabubuhay mo na ang pamilya mo.
Saan ka nga ba magaling?
Sa pagtaguyod ba ng pamilya? Sa paghawak ng pera ba o sa kayabangan lang?
Anim na taon ako dito sa south korea natapos ang kontrata ko ng 2011 pinili kong umuwi nalang at huwag ng mag TNT dahil alam ko na sapat na ang naipon ko para makapagpatayo ng negosyo.
JANUARY 28
Opening ng dalawa kong negosyo na naka-pwesto sa 168 mall building urdaneta city pangasinan. Ang isa ay sa food court at yung isa ko na negosyo ay SCHOOL SUPPLIES & MERCHANDIZE / BOUTIQUE DRESS FOR MEN AND WOMEN.
Hindi biro ang mag umpisa at magplano ng negosyo lalo at ito palang ang kauna-unahan mong negosyo at hindi lang basta negosyo ng sari-sari store sa harap ng inyong tindahan. Dahil sa masasabi ko na ring angking kagalingan ko sa maraming bagay kaya naka-ipon ako at naitayo ko ang isang bahagi ng pangarap ko ang pagnenegosyo. Depende iyan kung saan ka magaling.. sa paghawak ba ng pera? sa pagtupad ba ng pangarap? Saan pa?
Kung ang negosyo mo ay sari - sari store napakadaling pasukin dahil wala ng cheche buretse sa konting pera meron ka agad sari sari store.. Pero paano kaya kung sa mga malls ka magnenegosyo? Alam nyo ba kailangan legal ang lahat, kailangan meron kang puhunan dahil ang upa ko sa isa kong pwesto na food court ay umabot lahat sa isang buwan ay 10,000 pesos/month. Ang upa ko naman sa pangalawa kong negosyo na school supplies & merchandize/Boutique dress for men and women 15,000 pesos/month. plus.. 2 months na advance sa bawat pwesto at 2 months na advance sa security ng kontrata sa bawat pwesto ko. plus... lahat ng kagamitan sa isang pwesto na merchandise at school supplies lahat lahat mula sa pagpapaganda ng pwesto hanggang sa mga gagamiting mga stante, hanger , maniquin bukod pa lahat din ng gamit sa isang kainan mula sa toothpick, basahan hangang sa lahat - lahat na gamit ipo-provide mo lahat. kasama na yung gastos sa gasolina at pag upa sa karpentero at labor. Kung susumahin lahat ang gagastusin bago mo maitayo ang isang pwesto sa isang mall aabot na sa 250,000 pesos bukod pa ang 100,000 na starting mo pambili ng mga items. Kilangan punuin mo ng items ang iyong pwesto nakakahiya sa mga katabing pwesto rin. Napakahirap.. Pero nakaya ko.
Kung marating mo lahat iyan.. alam mo na kung saan ka magaling.
Ikaw.. tingnan mo katayuan mo, dinala ka diyan ng kagalingan mo.
4 comments:
Maganda yang may business, may pumapasok na pera, hindi puro palabas na lang. Congrats sa negosyo and Goodluck na rin. Sana maging maayos at masagana ang kita.
jettro, bigyan mo naman ako ng idea. gusto kong mag open ng isang school supplies store may nakita na kase akong lugar at sigurado swak ito at maraming school. magkano ba ang dapat kong capital sa lahat lahat na. maliit lang naman yung store yung upa 7thou a month. sa produkto, permit pagpapalagay ng mga cabinets magkano pa kaya aabutin? pls naman paki sagot eto email add ko sabinianoginamagracia@yahoo.com antayin ko sagot mo ha. salamat ng maaga.
Interesting information is great, I love this blog, and I will continue to follow, # 83 #
I hope you also do not mind to follow the re-
greetings of my introduction
instructor
hi kaibigan anonymous salamat sa pagbisita alam mo sa negosyo maganda talaga pero sa tulad nating nangungupahan mahirap dahil unang una mapupunta lang sa upa yung tubo natin sabagay depende rin yan sa volume ng tao. basta siguruhin mo lang na talagang maraming tao lalo na ng mga mag aaral pero kung hindi gaano matao aor hindi daanan ng mga studyante mahihirapan kang tumubo ng malaki. sa permit may kalakihan din magagastos mo diyan depende sa mayor ninyo sa amin kc sa mayors permit halos 3 thousand na plus yung DTI 1000 din mahigit plus yung mga barangay clearance kung saang lugar ka mag titinda. sa pwesto gagastos karin diyan dahil mag papagawa ka ng mga patungan ng mga paninda mo plus yung labor na gagawa plus yung mga bibilhin mong mga tabla na pagpapatungan. plus upa sa pwesto 2 moths advance 1 month deposit plus yung upa siguro nasa 20,000 na magagastos mo preparasyon palang yan. plus yung mga items na ititinda mo sabihin mo ng mag umpisa ka sa 20,000 pesos na puhunan konti lang yang mabibili mo dahil sa mahal din ng mga gamit. kung sa divisoria ka bibili x2 mo yung presyo mo binili mo ng 10 pesos kung ititinda mo 20,00 pesos na. mas maganda kung ang puhunan mo 50,000 up to 100,000 para maraming items kang ititinda. kailangan makatubo ka ng kahit 1000 pesos sa isang araw x10 equals 10,000 kung 30 days kikita ka na ng 30,000 pesos a month. maganda na yan kahit 500 pesos a day ang kita mo ok na yan basta ibukod mo yung puhunan sa napagbentahan. baka yung 1000 mo or 500 a day kasama yung puhunan talo ka diyan kailangan malinis yung 1000 or 500 a day ang kita mo labas na yung mga xpenses mo koryente pamasahe pagkain at pagpapasweldo sa tao mo kung magkano isang araw nila. yung upa na 7000 pesos a month divide mo sa 30 days yan yung upa mo sa isang araw kailangan labas narin sa tubo yan.
Post a Comment