Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Thursday, 2 July 2009

BE PATIENT


Minsan nakakagawa tayo ng isang bagay na hindi natin napipigilan.
Mga kilos na padalos dalos, hindi muna nakakapag isip bago gumawa ng isang bagay na makakasakit
sa salita man o sa gawa lalo na kung umiiral na ang galit
hindi na nakakapag pasensya.
Isang lalaki ang bumili ng isang sasakyan,
giliw na giliw siyang pinagmamasdan ang nabili niyang sasakyan,
isang araw naglalaro ang anak niyang babae na anim na taong gulang,
may hawak na isang dipang kahoy ang anak niyang babae,
sa hindi inaasahang pangyayari dala ng kalikutan ng isang bata
nagasgas ng bahagya ang bagong sasakyan ng ama
agad na nilapitan ng ama ang kanyang anak
at ipinalo sa anak ang hawak na kahoy,
dahil bata... isinalag nung anak na babae ang kanyang kamay sa pamalo,
nahagip ng kahoy ang dalawang daliri ng bata,
nabali ang buto ng dalawang daliri ng bata,
iyak ng iyak yung bata dahil sa sobrang sakit na naramdaman,
agad namang isinugod ng ama sa hospital ang kanyang anak.
Agad na ginamot ng doctor ang nadurog na buto ng daliri nung bata,
nang magkamalay yung bata at nagising na may luhang tumutulo sa kanyang mata,
masuyong nagsalita yung bata...
"Papa im sorry nagalusan ko yung sasakyan mo"
"Papa... maibabalik pa po kaya yung daliri ko sa dati?"
Umiiyak na yung anak niyang babae
"Papa hindi ko na po maigalaw itong mga kamay ko"
Masuyong niyakap ng ama ang kanyang anak,
Ang kanyang anak na nasaktan na niya ang siya pang humingi ng sorry sa kanya.
Halos manghina ang ama sa sobrang pagsisisi.
Sana... Mag isip muna before you lose your patience with someone you love.
Think before you act, be patient, understand & love.
Ang bagay na nasira sa sasakyan madaling palitan.
Pero... ang bahagi ng katawan na nasira
habang buhay dadalhin ng kanyang anak.

13 comments:

jhengrey said...

huhuhu..kawawa naman ung bata..nabawasan tuloy cya ng mga daliri ng dahil lang sa galos ng kotse..
Hay naku sa totoo lang, ang hirap kasing hanapin ng pasencya kapag galit na galit tayo.. nagiging padalus dalos ang ating mga kilos dala marahil ng matinding galit... ung iba naman nagiging matalas ang dila at nakapagsasalita ng masasakit na tagos hanggang buto dahil lang sa sobrang galit..
Pero alalahanin sana lagi natin na ang pagsisisi ay laging nasa huli, wag tayong magpadala sa galit at hanngat maaari iwasan po nating magalit.. lawakan na lang natin ang ating pang-unawa sa mga mahal natin sa buhay na nakagawa ng pagkakamali sa atin... panatilihin nating magkaroon lagi ng pasencya sa bawat isa...

Joel said...

awwww! nung nabasa ko tong istorya na to, talagang kinurot ako sa puso..

nabasa ko to dati, kaso sa kwentong nabasa ko sinulatan talaga ng bata yung kotse, nilagyan nya ng "i love you daddy" kaya nung umuwi yung tatay sa bahay at tinignan yung kotse talagang sobrang nagsisi sya..

dapat kasi talagang pagisipan muna natin ang mga ginagawa natin. tsk!

miss Gee said...

sawimpalad! nako before tayo gumawa ng isang bagay ay pag isipan muna natin kung ano kakalabasan nito. hayyy

patience is a virtue :)

Jepoy said...

I like the moral of the post, being an adult should come with adult thinking too. And when we are emotional unstable it's better to take a deep deep breath and walk out. I think mas mabuti yun tapos pag humupa na ang galit saka na daanin sa maayos na usapin :-D

Have a nice day!

Hari ng sablay said...

ito ba yung istorya nung batang sinulatan yung kotse?

tsk!tsk! kakalungkot nga ng istoryang ito.malalaman mo talaga na mali ka kapag huli na ang lahat.

Anonymous said...

engerks naman kasi ung tatay. patulan ba ung anim na taong gulang. dapat pag matanda na mas makokotrol mo ang emotions mo. ay nako..

patience is a virtue (that he doesn't have).. naman..

2ngaw said...

Talagang ang pagsisisi eh nasa bandang huli...

Ng dahil lang sa galit, naging mas mahalaga pa ang sasakyan kaysa sa daliri ng sariling anak...

Salamat sa pagpapaalala pre..

SEAQUEST said...

PAtience with other is love, patience with self is hope. patience with God is faith...

Ching said...

hehehe oo nga mahirap talaga walang pasensiya sa huli ikaw parin ang magsisi....

nice post may aral na makuha... god blesss...

ching

ROM CALPITO said...

totoo talaga, sana sa mga may anak.. ang bata nakikinig naman sa mga sinasabi ng mga matatanda hindi na kailangan ang saktan pa sariling anak sasaktan natin kawawa naman yung murang katawan ng mga bata.

sana... makapag isip din yung mga parents diyan.

marami pong salamat sa mga reply ninyo kahit papaano pinipilit kung mag post ng mga ganitong entry para kahit papaano makapulutan ng aral ng mga nagbabasa. kahit mga simpleng bagay lang na kwento basta maka pulutan ng aral.

baka dumating ang araw nasa libro na itong blog ko hehe plano pa lang naman yan kasama mga link ninyong lahat sa gagawin kong pocket book.

lenz said...

na naawa ako sa bata ng dahil sa magarang bagay nabali ang mga daliri niya..pag hndi ka talaga naka pag pigil,ang mga nagyari hndi maganda ay hndi mo na maiibalik.

Meryl (proud pinay) said...

nakakaawa naman yung bata..sa sobrang galit ng ama eh..sobrang natodo ang pagkapalo..may mga pangyayari talaga minsan kapag galit na galit na ang isang tao di na nya naiisip na sobrang nasasaktan na ang anak...at nasa huli ang pagsisi kung sakali mang na aksidenteng di sinasadya.

Arvin U. de la Peña said...

ayos ang kuwento mo..bilib rin ako sa pagsulat mo ng kuwento..maganda po pagkakasulat mo..hinahangan ko ikaw..
maging inspirasyon sana sa iyo sa hamon ng buhay kapag mabasa mona ang new post kong May Bukas Pa at www.arvin95.blogspot.com

Photobucket