Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 12 July 2009

BE THANKFUL


Dumarating sa buhay natin ang minsan na nababagot
tayo sa ating sarili, sa ating mga ginagawa sa araw-araw
at kung minsan nababagot tayo sa kung ano ang meron na sa atin.
Hindi na tayo nasisiyahan sa mga bagay na meron tayo.
Naghahanap tayo ng iba na mas bago sa ating paningin
bago sa ating panlasa, bago sa dati nating ginagawa.

Likas sa atin ang hindi makontento
kung ano ang meron na tayo
para bang hindi tayo nasisiyahan.

Sa tagal na ng aking paghahanap buhay
marami na akong naging kasama na lumagpak
dahil sa paghahangad ng mas malaki
Hindi makontento sa tinatangap niyang suweldo
naghanap ng mas malaki
hangang sa nagsisi sa huli dahil wala ng
tumangap na kompanya
nagsisi dahil sa paghahangad ng mas malaki
Matuto tayong tumangap kung ano ang nakamit natin
matuto tayong tumangap kung ano ang narating natin
Ipagpasalamat natin dahil meron ka ng hanapbuhay
samantalang yung iba,
naghahanap pa ng mapapasukan

Ipagpasalamat natin dahil nasa ibang bansa
ka naghahanap buhay,
samantalang yung iba
nangangarap pa lang mag abroad

Kumakain ka na ng masarap
samantalang yung iba halos walang makain

Ayaw mo ng kainin yung natirang pagkain
at itatapon mo dahil gusto mo yung bago sa panlasa mo
samantalang yung iba, namumulot na lang ng makakain.

May mga gamit ka na
mas gusto mo pa yung mas mahal na gamit
para lang masabi mo sa mga kaibigan mo
na mahal ang mga gamit mo
samantalang yung iba
nangangarap magkaroon kahit mura
lang basta may magamit

Hindi tayo magiging masaya kung
hindi mo pinapahalagahan kung anong
meron ka ngayon at kung ano ka ngayon

Lagi nating isaisip na hindi lahat ng bagay
na meron sila, kailangang meron ka rin
binibigyan mo lang nang pagkakataon ang sarili
mo na maging matampuhin at
maging maingitin.

Try to keep a good attitude

"BE CONTENTED"
sa lahat ng bagay na natatangap natin


"LEARN TO ENJOY WHAT YOU HAVE"

13 comments:

batang narS said...

tamang tama!

SEAQUEST said...

Theres is the difference between needs and like and most of the time yung mga taong bihirang makuntento eh yung mga taong mahilig lang sa likes which is goes to luxury...

night_end_light said...

Walang kakuntentuhan, walang satisfaction sa buhay...parang pareho lang ata sinabi ko ah...hehehe

Joel said...

minsan, ang pinakamahirap gawin ay yung maging kuntento tayo..

sabi nga ni ate bambee sa amin dati, nung minsan nag talk sya sa clp namin, sabi nya na makikita mo lang daw kung gano ka kaswerte kapag nakita mo yung kakulangan ng iba.. tama yung post mo jettro, bilib ako sayo.. apir!

Anonymous said...

tumpak! tayong mga tao hindi makuntento sa kung anu meron tayo. laging may gusto. hindi natin maintindihan ang concept na.. laging may nasa taas natin at lagi din meron sa ilalim. hindi tayo parating nangunguna.

Jepoy said...

'nuff said *clap Clap clap*

ROM CALPITO said...

salamat ng marami sa mga pagbisita ninyo at sa mga komento ninyo

sana nga makuntento na tayo maging praktikal nalang khit mura basta meron, kahit tuyo basta may ulam ano mang liit ng kinikita ang mhalaga maka ipon para makapahinga na sa paghahanapbuhay

salamat pong muli sa inyo mabuhay po kayo.

miss Gee said...

hindi masama ang mag hangad lalo na kung para sa ikabubuti ng lahat at hindi lang ng iilan pero dapat alam dn natin kung hangang saan lang tayo at kung kailan dapat makuntento ^^

Deth said...

mahirap pero ideally dapat talaga maging kuntento tayo...human nature na siguro kase natin ang maghangad pa, kaya hanga ako sa mga tao na masasaya dahil nakukuha nilang maging kuntento sa kung anuman ang meron sila.

Vivian said...

Tumpak ang iyong tinuran Jettro! Nature na yata ng tao ang di makuntento, pero nasa pananaw lang yan at isipan ng bawat isa. Dapat talaga nagsusumikap tayo para sa kaunlaran, pero makuntento tayo sa kung ano lang ang abot-kamay. Nakakabaliw din yang sobrang discontented sa buhay. Haha.

Arvin U. de la Peña said...

tama makuntento kung anuman ang nasa iyo..huwag mainggit..talagang ganun ang buhay di pareho ang bawat isa..

Ako ay isa ng muslim dahil sa kagustuhan kong maging asawa ang dalawang blogger na kilala mo. Nakapagsulat pa ako ng tula para sa kanilang dalawa at iyon ang new post ko..hope you read it..

Cryptomillions said...

nasa blogroll na kita ng una palang akong bumisita dito. :)
good day!

Hari ng sablay said...

ewan ko ba,gnyan na ata tlga ang tao walang cntentment sa buhay, pag may na-achieve na bagay ang gusto lampasan pa ito, mdalas din tayong maiinggit,

Photobucket