Yesss!! Its friday again Oras nanaman para ituloy ko itong ginagawa kong blog. Kahit may hang over pa deadma lang.. ang mahalaga naibahagi ko sa inyo ang mga bagay na nasaksihan ko kung anong buhay meron ang isang ofw sa ibang bansa.
BUHAY OFW
Noong araw.. pag may nakikita akong dumarating galing ng ibang bansa na namamasukan bilang ofw, talagang maiingit ka. Bakit kamo...biro mo, ang dami kong nakikitang pasalubong sa mga anak, asawa, at kung kangino-kangino pa.. basta mahal sa buhay may pasalubong. Ang sarap noh!
Ang madalas na makatawag ng pansin sa akin yung tao na nagbalikbayan. Ang laki ng alahas sa leeg, ang laki ng singsing, inom dito inom doon. Parang hindi nauubos yung pera nila. Sabi ko sa sarili ko.. sana.. ako din. Sana.. makaalis din ako balang araw.. at makapagtrabaho sa ibang bansa. Tinupad ng nasa itaas ang matagal ko ng minimithi. Ang maging OFW ding matatawag.
Unang destino ko...
JEDDAH , KINGDOM OF SAUDI ARABIA
Ganito pala ang pakiramdam.. " May yabang ng konti ". (lol) Paalis pa lang ako, talagang hindi mo maunawaan ang nararamdaman ko noon. May halong kaba at saya dahil masusubukan ko din ang maging OFW. Pagdating ko sa JEDDAH, may mga pilipino na akong nakikita iniisip ko.. " mayayaman na siguro itong mga pinoy dito ".Nakatawag ng pansin sa akin.. isang pinay nakita kong umiiyak sa isang tabi ng upuan. Hindi ko alam kung lalapitan ko siya o hindi, wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kasama kong pinoy na sumundo sa akin sa King abdulassis International Airport.
Makalipas ang isang buwan.. muling sumagi sa isip ko.. yung pinay na nakita kong umiiyak. Awang-awa ako sa kanya. Iniisip ko.. paano na kaya siya? Ano kaya ang problema niya? Sa konting panahon na nilalagi ko sa aking pinapasukan.. talagang matatawa ka na maiiyak. " Ganito pala ang buhay dito sa abroad".
Lahat ng pagtitiis dadanasin mo.., titiisin mo lahat ng hirap kakayanin mo, lahat ng kalungkutan dadanasin mo ang gutom, tibay ng sikmura, tibay ng isip, tibay ng katawan, lahat na! sus! " hirap din pala.
Pero... masaya din minsan, dahil, makakain mo ang mga hindi mo natitikman sa pinas. Tsk! tsk! tsk! ( Ang pinas talaga.. ) Ang buong akala ko noon.. Maraming pera ang mga ofw. Pagkasahod, ipapadala ko sa mga mahal sa buhay.. pagkatapos.. wala nanaman akong pera. Utang dito, utang doon. Minsan.. nagtsa-tsaga nalang sa mga ukay-ukay sa haraj, mga second hand na damit, sapatos, pantalon, at kung ano-ano pa. Para lang makatipid. Kung minsan sa breaktime namin.. kung nais mong humiga, karton ang higaan at dos por kuatro ang tanging unan. Makapahinga man lang kahit konti.
Kung tinatamad kang magluto.. kakalam talaga sikmura mo... hindi naman lahat ng araw maganda ang pakiramdam mo. Kung oras ng sahod.. mae enganyo kang sumama sa mga kasama mo na mag shopping din ng konti. Kokonti nanaman ang matitira sa sahod mo. Wala ka nanamang alawans sa isang buwan. Minsan.. pinipilit kong mag tipid.. pero.. tinatalo ang isipan ko ng mga nag gagandahang damit,sapatos, bukod pa yung para sa mga mahal ko sa buhay.('' bakit ka nga naman magtitipid.. ngayon mo lang mabibili ang bagay na pinapangarap mo noon. )
Yung isang kasamahan ko... makapal ang buhok niya.. nung umuwi kalbo na (ha ha ha).
Sa tuwing magbabakasyon ang mga kasama ko... isang buwan pa lang, nangungutang na sa kapitbahay. Ang alam ng mga nasa pinas... namumulot ka lang ng pera dito sa ibang bansa. Pabili dito.. pabili doon ''hayyy kung alam nyo lang kung gaano kahirap ang kumita ng pera sa abraod.
Oo may pera sa abroad.. may pera dahil may trabaho ka. Ang katumbas ng lahat ng perang ginagastos ninyo dito sa pinas ay ang kalungkutan at pangungulila namin sa inyo. Dugo at pawis ng mga ofw ang tanging puhunan namin upang mabigyan lang kayo ng kaligayahan.
Ngayon.. nakabalik na ako ng pinas.Tumanda ng konti, walang hanap buhay, wala narin yung kade-kadenang nakasabit sa katawan, wala na rin yung araw-araw na inuman, wala narin yung mga kaibigan na madalas kong pinapainom, naisanla na rin ang mga alahas hangang ngayon.. hindi na makayang tubusin, naiwasan na rin ang araw-araw na pagsasabong, wala na rin ang hiram na kaputian, wala na ang mga ngiti sa labi, sa madaling sabi... wala ng lahat! ang naiwan na lang sa akin... ay ang mga ala-alang minsan namuhay din kaming maginhawa.
Ngayon... nagising na lang ang aking mga mata, andito sa ilalim ng araw naglalakad, naghahanap ng mapapasukan. Sino pa kaya ang tatangap sa akin?
Sa mga makakabasa nito... salamat!
Wala lang pong magawa!
Kung may pagkakamali akong naisulat...
I accept corrections and insults!
2 comments:
ewan ko nga rin ba bro.. ako din madalas nag-iisip kung bakit ba ganyan na lang ang kadalasang nangyayari sa ating mga pinoy.. masarap nga namang isipin na minsan ay nasubukan nating mamuhay maginhawa, makatikim ng masasarap na pagkain, mabihisan ng maganda, magkaroon ng mga magagandang bagay, ngunit hindi natin naisip na sa maling paghawak o paggastos ng perang pinaghirapan natin ay mauuwi lahat ng hirap natin sa wala.. ilang libong pamilya na ang nasira dahil sa pagnanais na makatikim ng ginhawa.. ilang libong mga anak ang lalong nasira ang buhay dahil sa kakulangan ng pangangalaga ng magulang na nasa ibang bansa.. hindi natin naisip na mas mahalagang lumaki ang mga bata na nasa tabi ng mga magulang upang gabayan sila at pakitaan ng tamang pagmamahal.. sa ating mga anak.. hindi nila naisip na kaya natin sila iniwan ay para sa maganda nilang kinabukasan, hindi nila naisip na narito tayo sa ibayong bansa naghihirap para sa kanila.. kung mauunawaan lang sana ng ating mga anak ang ating tunay na layunin kung bakit tayo nangibang-bansa.. kung magagawa lang din sana natin na pahalagahan ang bawat sentimo na ating pinaghirapan.. kung alam lang din sana ng lahat ng ating pamilya, kaibigan, kapit-bahay na hindi natin pinupulot ang perang naiuuwi natin.. kung magkakaisa lang sana tayo tungo sa tamang pag-unlad ay wala sanang uuwing OFW na bigo.
ito lang naman po ay pansarili kong pananaw kaya kung may mali man ay hinihingi ko po ang inyong kapatawaran.. tao lang po!
SALAMAT SIS LV SORRY NGAYON KO LANG NAPANSIN ITO.. SALAMAT SA PAGBISITA HA.. AT SALAMAT DIN SA MAKATOTOHANAN MONG OPINION NA NAIBAHAGI. TAKE CARE ALWAYS SIS LV AND GOD BLESS YOU
Post a Comment