UNANG PAG-IBIG
Sa aking pagiisa.. puro na lang buntong hininga ang nagagawa ko.. kadalasan nanghuhuli ng lamok at nagbibilang kung ilan na ang napapabagsak ko "hayyy hirap talaga ang nagiisa ka lang noh? Ang daming pumapasok ng kung anik-anik sa iyong isipan. naisipan ko tuloy magbasa ng mga diary..
hmmmm... medyo interesting pala magbasa.. na-Inspired tuloy akong magbasa ng mga diary ng ibat-ibang tao.
Sa bawat araw na lumilipas.. nagkakaroon ng konting ngiti sa aking mga labi..
dahil unti-unti bumabalik sa aking isipan ang araw na nakaramdam din ako ng pag-ibig.
Napakahirap pala magsulat pag maramdaman mong may kirot parin
habang nirerefresh ko sa memory ko yun mga araw na iyon...
ANG UNANG PAGIBIG KO
Unang buwan ko sa pinapasukan kong paaralan.. isang klasmeyt ko ang nakapagsabi sa akin na.. crush daw ako ng isa sa mga studyante sa pangbabaeng paaralan. Wow naman.. medyo pumapalakpak ang tenga ko ng marinig ko ang balitang iyon. Civil Engineer ang kurso na sinasabing may crush sa akin. Si Grace, Mary grace Matawaran ang pangalan niya.
Sa araw-araw na nagdadaan.. syempre, nagdudulot din sa akin ng konting kasiyahan, dahil ngayon lang din ako nakakadama ng ganito.Sarap pala ng ganitong pakiramdam noh.
Minsan.. nakakaramdamdin ako ng kalungkutan lalo na kung naiisip ko ang stado ng buhay ko... madalas iniisip ko...
Paano kaya kung dumating ang araw na magtagpo ang landas namin?
Ano kaya sasabihin ko sa kanya?
Pakakainin ko kaya sa isang restawran?
Saan kayang restawran?
Ano kayang pwede kong ibigay sa kanya kung magkita kami?
"( Haayyy Bubwelo muna ako ng konti para maituloy ko ang kwento ng unang pag-ibig ko dito sa sinusulat ko... Habang pinapakingan ko itong awit ni Martin Nievera na... "Kahit isang saglit")"
Di nga pala ganun kasimple maghayag lalo kung totoong buhay ang isinasalarawan mo.
If this is just a simple love story na produkto lang ng imahinasyon ko.
baka mas madadalian akong maghayag. Lalo pa alam ko na maraming posibleng makabasa nito. Pero.. I don't care naman kung ano kahinatnan nito.
Maaring may dahilan kaya ginagawa ko ito...nung una para lamang maglabas ng kalungkutan...pero ngayon ko nalaman na possible nga pala ang first love never dies...
Habang lumilipas ang araw.. naisip ko na parang ayaw ko ng makita ang babaing iyon.. pero minsan hinahanap ko siya.. "Sino kaya iyon"?
Lunch break namin.. habang nanonood ako sa mga studyante na naglalaro ng basketball.. may umupo sa bandang harapan ko na dalawang studyante na babae.. nakauniporme, malilinis ang mga kasuotan. Mapapansin mong mga studyante sa mga class na paaralan. Parang lumalakas ang kabog ng dibdib ko na para bang akoy naiihi.(Lol)
Nagdadasal ako.. abot-abot ang dasal ko na sana hindi siya yon. Patay malisya nalang ako.. unang una hindi ko naman kaya ang makipagusap sa mga babae noon. Nagkatinginan kami nung isang babae..hindi ko malaman kung ngingiti ako o hindi. Hindi na lang ako ngumiti.. bahala sila kung anong isipin nila..hindi ko naman sila kilala. Mabuti nga iyon.. mas gusto ko na lang yung wala akong kilala. Pero... parang ang lakas ng kutob ko na siya nayung babae na sinasabi sa akin.
Ang ganda-ganda niya, ang puti niya.
Lalong nagkakulay ang bawat araw ko.. ganito pala ang pakiramdam ng unang pag-ibig. Talo pa ang kahit anong vitamin na iniinom. Samantalang iyon.. isang sulyap lang.. gagana ang lahat ng dugo mo sa katawan.
Isang araw sa paglalakad ko pauwi.. sumabay sa akin yung dalawang babae na nakita ko nung minsan. tumigil ako, na kunwaring maghihintay ng sasakyan pauwi, tumigil din sila sa aking tabi.
Ikaw ba si Ron Ron?
Opo este oo.. nagpakilala yung dalawang babae iyon na si Mary grace Matawaran.
(Parang ayaw ko ng ituloy ang kwento ko)
Parang ayaw kong sirain ang araw ko ngayon.
Ngunit.. kailangang ituloy ko ito naumpisahan ko na.
Ayaw kong malaman na ang taong crush nila.. naglalakad lang pauwi. Nauna silang sumakay.. gustuhin ko mang sumabay sa kanila. Wala akong magawa.. sarili ko nga hindi ko mailibre (lol)
Dumalas ang pagkikita namin ni grace tuwing lunchbreak namin. naguusap kaming madalas, pero.. ni minsan hindi ako nakisabay sa kanila sa pagkain at sa uwian.
Umiiwas akong makasabay siya sa lunch or sa paguwi. Wala naman kasi akong kaya.. walang akong ibabayad.
Nais ko na siyang iwasan, ngunit.. ganito pala ang first love lagi ko na siyang hinahanap. Parang.. sa kanya na umiikot ang mundo ko... parang sa kanya nabuhay ang lahat ng pangarap ko.
Isang araw.. hindi ko namalayan sinundan pala nila ako kung saan ako umuuwi. Nakita ko silang bumaba sa harap ng bahay na tinutuluyan ko, shock ako ng husto.. hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Ayoko silang patuluyin, pero.. nagpilit sila na makita ang bahay ko. Kasubuan na.. pinatuloy ko sila sa isang maliit na kwarto ko alam ko shock din sila sa nakitang kalagayan ko.. Ang taong gusto niya isang katulong lang at walang sahod.. nalaman niya na working student lang ako. Alam ko.. kung anong iniisip nila nung nagpaalam na silang umuwi. Nung gabing iyon.. hindi ako nakatulog. Alam ko iyon na ang huling pag uusap namin.
Napakasakit pala ng ganito.. kung kaylan ka unang umibig.. iyon din ang unang kabiguan mo.
Dito din ako natutong magdasal.. na sana bilisan na ang takbo ng mga araw.. upang malampasan ko na ang ganitong buhay ko..
Gusto ko.. sana sa susunod na iibig ako, wala na ako sa ganitong kalagayan ng hindi ko na muling maranasan ang kaawaan ko ang sarili ko.Nalaman ni grace na ulila na akong lubos, nabubuhay ng mag isa, walang maipagmamalaki, nalaman din niya na naglalakad lang ako pauwi at papasok sa aking paaralan. Sinabi ko sa kanya na kaya hindi ko siya masabayan sa tuwing niyayaya niya akong kumain wala akong ibabayad..
(Hirap naman nito... nag uumpisa nanaman akong lumuha)"pang unawa sa diary.. huhugot muna ako ng isang malalim na paghinga"
Madalas na akong..nagiisa, nalulungkot, ganito na nga ang buhay ko nadagdagan
pa ng hirap ng kalooban.
Ron...
(May tumawag sa akin)
Lumingon ako.. si grace.. tumabi sa aking upuan.. isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Lumuluha na ako. Sinabi ko sa kanya... Grace.. ayaw ko man ang ganito kahirap na buhay wala naman akong magagawa, ni wala nga akong matatakbuhan na tutulong sa akin.
Kahit ako.. gusto kong mamuhay ng tulad mo.. gusto din kitang pasayahin sa araw-araw.
Sarili ko nga grace hindi ko makuhang maging masaya.
Si grace.. umiiyak ng mga oras na iyon.. ang sinabi niya sa akin..
Ron... kung makatapos ako.. ikaw ang gusto kong pakasalan.
Sa paglipas ng mga araw.. ako na ang kusang lumayo kay grace. Alam ko.. ayaw man niyang mawala ako sa kanya. pero..mas kailangan siguro niya ang isang tulad niya.
Dala na rin ng kahihiyan ko sa kanya dahil sa kalagayan ko.. humanap na lang ako ng ibang paaralan yung malayo sa kanilang paaralan. Ayoko ng dagdagan pa ang paghihirap ng kalooban ko sa tuwing ako ang kasama niya.
Siguro.. makakahanap na rin siya ng para sa kanya. Kahit wala na kami.. alam ko hindi niya ako makakalimutan. At kung mababasa niya ito. Nais kong malaman niya na hindi ko siya nakakalimutan.
Ang aking unang pag-ibig.
sana.. nagustuhan ninyo ang munti kong karanasan sa pag-ibig. Kung minsan... masakit ang lumayo ng kusa.. ngunit naisip ko hindi ako ang taong nababagay sa tulad niya.
Isarado ko na ang aking diary.
No comments:
Post a Comment