Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang attitude?
Palagay ko alam na natin ang tunay na kahulugan ng attitude.
Meron tayong tinatawag na klase nang attitude ng tao ang good at bad attitude.
Kadalasan tulad ng madalas na isinusulat ko sa mga naunan kong post dito sa aking blog na maraming mga salita na alam natin ang mga kahulugan, mga salitang alam natin ang ibig sabihin pero kadalasan nagagawa pa natin ang mga hindi tama, kadalasan kung ano pa yung bad ang sya pang madalas nating nagagawa sa ating kapwa.
Hindi ko alam kung naniniwala kayo na minsan lumalabas ang bad attitude ng isang tao dahil dala ng kanilang kayabangan.. Mahilig magpakitang gilas sa iba.. sa konting kibot naka-alsa agad ang boses para lang mapansin ng ibang tao na parang ipinakikita natin sa iba na kaya nating pagtaasan ng boses ang isang tao. Sa aking paniniwala kung talagang likas sa atin ang panatilihin ang magandang attitude kaylan man hindi dapat natin napagtataasan ng boses ang isang tao na para bang handa kang makipag away sa kanila.
Meron akong sinulat na dito sa aking blog na "Ang attitude ko ay nakadepende kung paano mo ako tratuhin".
Ayon sa mga nakikita ko, minsan lumalabas ang bad attitude ng isang tao kadalasan kung may kinaiinisan siyang tao o kaya ay may kinikimkim siyang galit sa isang tao, pilit niyang hahanapan ng mali at doon niya mailalabas ang tinatago niyang bad attitude para saktan niya ang damdamin ng isang tao lalo na karamihan dito sa internet.. Kadalasan may mga taong nakatago sa ibang larawan o sa ibang pangalan at kadalasan naman nakatago siya sa pangalang anonymous para maisakatuparan niya na magamit ang bad attitude yan siguro ang pagkakaalam nila na walang nakamasid sa lahat ng ginagawa natin. Malaya siyang nakakagawa o nakakapagsalita ng hindi maganda sa tao, lalo na kung hindi sila sang ayon sa sinasabi o sinusulat ng isang tao lumalabas din ang kanilang pangit na attitude ng dahil lang hindi sila sang ayon sa sinasabi ng iba at nakakapagsalita na sila ng hindi maganda sa tao. nagagawa niya ang mga pangit na attitude niya sa iba sa pag aakalang hindi siya nakikita o hindi siya kilala ng tao, wala siyang pakialam kahit masaktan niya ang damdamin ng iba ang mahalaga lang naman ay masiyahan siya sa kanyang ginagawa kahit may nasasaktan siya, kahit pa walang ginagawa sa kanyang masama.
Minsan naman lumalabas din ang bad attitude ng isang tao lalo na kung ayaw niyang tumangap ng pagkatalo sa kausap, yun bang minsan ayaw nating magpatalo o ayaw nating napapahiya tayo dahil sa mga maling pananaw natin natatalo tayo ng katotohanang sinasabi ng ibang tao dahilan para lumabas ang galit natin sa ibang tao at nakakapagsalita na tayo ng hindi maganda sa kanila.
May mga tao din lalo na kung mayaman at may pera ganon nalang niya tratuhin ang taong mas mababa sa kanya dala narin siguro yan ng kayabangan ng tao lalo na kung may pera at kung alam niyang kayang-kaya niya ang isang tao hindi na niya kayang kontrolin ang kanilang emosyon o galit sa tao hanggang makapagsalita na rin sila ng hindi maganda sa iba.
Marami pang ibang mga dahilan, mga bagay na hindi kayang kontrolin ng kanilang isip para hindi mailabas ang kanilang mga pangit na attitude.
Paano nga ba natin maalis ang bad attitude?
Sa aking paraan kung paano ko naalis ang aking bad attitude.. Itinuturing ko muna silang kaibigan, iniisip ko na kaibigan ang lahat ng taong aking nakaka-usap kahit sino pa siya o kahit ano pa ang kanilang itsura o kahit ano pa ang estado ng kanyang pamumuhay. Kung ituturing mo na kaibigan ang taong nagsasalita hindi mo magagawang saktan ang kanyang damdamin, matututunan mo kung paano mag kontrol ng iyong damdamin o emosyon o galit sa tao at kapag nagawa mo ng kontrolin ang iyong sariling emosyon kasabay na ring matutunan mo kung paano manahimik sa lahat ng bagay, matutunan mong manahimik kahit may mga mali silang sinasabi na hindi angkop sa iyong panlasa o paniniwala, sa pananahimik nagkakaroon ka ng panahon para makapag-isip kung sino sa inyo ang tama at mali o kung ano ang tama at mali sa kanilang ginagawa o sinasabi at sa pananahimik nagkakaroon tayo ng pagkakataong makapag isip muna bago gumawa o magsalita at malaman kung makakasakit tayo ng damdamin ng kapwa mula sa ating mga sinasabi.
Pinagaaralan at pinag iisipan ko muna ang aking mga sinasabi at pagsasalita kung makakasakit ba ang aking mg sinasabi.
Pinag aaralan ko rin kung paano mag salita ng mahinahon.
Pinag aaralan ko din paano tumangap ng pagkakamali dahil sa aking paniniwala kung marunong kang tumangap ng pagkakamali sigurado matutunan mo rin kung paano tumangap ng pagkatalo, kung paano tumangap ng katotohanan o tama mula sa iba.
Ang alam siguro natin walang epekto sa iba ang anumang attitude na pinapakita natin sa iba..
Siguro karamihan sa atin hindi nakakakalam na ang lahat ng ating ginagawa sa iba tayo ang unang-unang tumatangap ng resulta. At.. lagi kong inilalagay sa isipan ko ""ang attitude ko nakadepende kung paano mo ako tratuhin"".
No comments:
Post a Comment