Sunday, 20 July 2014
SIMPLENG BAGAY NA MAHIRAP GAWIN
Ano ang mga simpleng bagay na mahirap nating gawin ngunit kaya naman nating gawin na maari kang hangaan kung magagawa mo sa iba?
Kadalasan ang isang malaking kamalian natin ay ang mag isip lang ng isang napakalaking bagay o napaka-importanteng bagay na magagawa para makakuha ng attention ng ibang tao, kaya sa realidad ang mga maliliit na bagay na maari nating magawa ay hindi natin makuhang gawin.
Ilagay sana natin sa ating isipan na kahit ang mga maliliit lang na bagay ay napakalaki ring halaga para tapunan tayo ng attention ng ibang tao at pag isipan kung anong meron pagkatao at pag iisip meron tayo. Dito sa mundo ay may kanya - kanya tayong imahe na maari nating ipakita o ipakilala sa ibang tao.. Kung paano ka kumilos, kung paano ka mag salita, kung paano ka mag bigay ng mga comento sa mga napapanahong usapin, Kung paano ka mag-respeto sa komento ng ibang tao at kung paano ka mag pakita at mag hundle ng attitude mo sa ibang tao lahat yan ay mga simple bagay na maari nating ipakita o gawin sa ibang tao.
Ang pakikitungo sa tao sa realidad man o sa facebook sa pamamagitan ng ating pagsasalita makakakuha tayo ng puntos para ma-impress natin ang mga tao hindi lang sa kung paano ka magdala ng mamahaling alahas at nag gagandahang mga damit.
Ang isipan ng tao laging kaakibat ang paghuhusga depende sa kung ano ang nakikita nila sa ating sarili o sa ating ginagawa, ang mga simpleng bagay na magagawa mo na maaring makatawag ng attention ng ibang tao ay napakalaking impact sa kanilang isipan. Ang mag bigay ng respeto sa ibang tao ay isang bagay rin minsan na napakahirap gawin lalo na kung nasasapawan tayo ng kagalingan o ng talino ng ibang tao kadalasan dito nag babago ang attitude natin dahil minsan hindi tayo marunong tumangap ng pagkatalo. Binibigyan na natin minsan ng hindi magandang impression ang mga taong nakakahigit sa atin ng talino o sa anu pa mang bagay, isang simpleng bagay din iyan na mahirap nating gawin pero isang napakalaking impact naman iyan na makakamit mo mula sa isipan ng iba kung marunong kang tumangap ng katotohanan at pagkatalo na maari kang hangaan dahil sa magaganda mong pagsasalita kahit nasasapawan tayo ng talino ng ibang tao.
Kahit ang simpleng pagsasabi ng salamat ay isa ding napakahirap nating gawin o ibigay sa ibang tao, ang simpleng pagsasabi ng salamat ay isang bagay na pagpapakilala ng kabaitan ng ating pagkatao, simpleng pasasalamat para ipahatid sa iba na marunong tayong mag-appreciate kahit ng mga simpleng mga bagay na natatangap natin mula sa ibang tao.
Lagi rin nating gagamitin ang ating humor sa ibang tao para mas lalong mapalapit kayo sa isat - isa at lagi nating gagamitin ang smile kung nakaharap o nakikipag usap tayo sa ibang tao, pag papakita lang ng pagiging masayahin natin at pagpapakilala sa iba na friendly tayong tao.
Isang halimbawa na inaakala mong maliit na bagay ay ang pagtangap sa isang tao ano man ang katayuan niya sa buhay.
Kung minsan ang pag kilala at pag tangap sa ano mang talino meron ang ibang tao ay hindi natin matangap sa ating sarili na mas nakakahigit ang talino nila kaysa sa atin, nagkakaroon ng distansya ang pagitan ninyo ng taong nakakahigit sa iyo ng talino, nagkakaroon tuloy kayo ng pagkakataon para hindi mapalapit sa isa't - isa dahil meron balakid na nakaharang sa pagitan ninyong dalawa ang ugaling hindi natin matutunan o hindi natin magawa ang pag-appreciate kung ano meron sila na wala tayo. Hindi natin kayang makipag usap sa mga taong ayaw nating kausapin dahil alam nating mas nakakahigit siya sa ating talino dahil alam nating na sa pakikipag-bigayan ng kuro-kuro ay tiyak na matatabunan tayo isang bagay na ayaw nating mangyari at ayaw nating tangapin ang katotohanan na may mga batang nakakahigit ng talino sa nakakatanda. Kung magagawa natin at matatangap ang mga bagay na ganito mas hahangaan kayo dahil wala kayong pinipiling kausap at may pagkakataon na maibibigay at maipapahayag din ninyo ang mga bagay na hindi nalalaman ng ibang tao. Mawawala ang balakid para magkalapit kayong dalawa at magkaroon ng pagkakataong maging mag kaibigan kayo.
Sana hindi lang ang mga malalaking bagay na gusto nating gawin para hangaan tayo ng ibang tao
Kahit man lang sa mga simpleng bagay lang kung iyan lang ang kaya natin at hindi mahirap gawin para ma-impress natin ang ibang tao... Bakit hindi natin gawin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Mr. Rom Calpito, Tutoo ang iyong sinabe tunggkol sa mga pulubi. Na-mimigay ako, munit ako'y nami-mili. lalo na sa ibang Bansa, dahil sa ka-dalahinan na ang Gobierno nila ay kumukuha ng buwis Sa mga nag-tra-tra-baho at isa sa mga walang ma-kain at tirahan ang pinupuntahan ng parte ng kolektadong buwis. Mayroon mga gusaling pwede nilang puntahan para kumain at sumilong lalo na kapag masama ang panahon. Munit marami din namang abusado na nang-lilimos pa, para sa sigarilyo, alak at droga. Hindi naman siguro masama kung ikaw ay mamili sa ka-dahilanan nito. Totoo din iyan sa dahilan ng mga Tao sa Bayan natin kaya na-ka-ka-dala. Na-niniwala na sa na ako sa iyong mga sina-sabi hanggang ikaw ay nang-husga doon sa parte " kadalasan naririnig ko sa mga Tao at maraming dahilan" Malay mo kung may iba silang paraan at hindi nila pinag-ma-maingay ang kanilang ka-gandahang loob,at hindi katulad mo na iyong inilahad ang mga na-gawa mong mga kabutihan.
salamat po miss anonymous sa pagbisita at pag comment dito... magpaliwanag din po ako tungkol naman po sa sinabi ninyo na uunahin ko na po doon sa NANINIWALA NA SANA IKAW SA MGA SINABI KO HANGGANG DOON SA PARTE NA NANGHUSGA AKO... ibig po sabihin medyo napiling po siguro kayo kasi sa pag kakaintindi po ninyo na parang NANGHUSGA NA AKO NG TAO... totoo po hindi lang po ako nanghusga kaibigang anonymous totoo po na ilang mga tao ang madalas kong naririnig na nagsasabi po ng mga negative tungkol sa mga pulubi,,, maaring sabihin na po natin na maaring sa may iba silang paraan sa pag tulong pero malinaw po sa aking pag aanalisa ang ibang tao po hindi ako ang nanghuhusga sa kapwa nila... tulad po ng sabi ko ang ANG IBANG MGA TAO madalas nagsasabi na "BAKA IPANGSUGAL LANG NILA" o "BAKA KASABWAT NG SINDIKATO" di po ba sila ang maliwanag na nanghuhusga sa mga pulubi?
sir/mam anonymous tulad ng sabi ninyo ay namimigay din kayo pero kayoy namimili ng pulubing pagbigyan sa ganang akin mabuti naman po at isa rin kayo nakaka-unawa sa pulubi.. ang pino-point ko po dito ay yung ibang tao maaring katulad ko kayo na namimigay tulad ng sabi ko YUNG IBANG TAO... kung ating pag uusapan yung ibang tao tulad ng sabi ninyo na.. ""malay mo may iba silang paraan at hindi nila pinagmama-ingay ang kanilang kagandahang loob at hindi katulad ko etc etc... ang pag susulat ko po ay bahagi ng lahat ng aking pagkatao at bahagi ng tma ng aking pag susulat na ilahad ang lahat ng aking mga nagawa, paniniwala at ugali lahat po ng iyan ay maari ko pong ilahad dito sa aking blog dahil isa po akong blogger kaya hindi maiiwasan na isulat ko lahat ang tumatakbo sa isipan ko... kadalasan kapag ako ay nag sulat lagi kong ginagamit ang aking sarili sa aking isinusulat pero ang lahat ng aking mga ginagawa kabutihan man o hindi dito ko lahat inilalahad kaya wala pong masama kung ilahad ko man ang mga bagay na nagagawa ko bilang halimbawa sa iba.
sir/madam anonymous bale ang point ko po dito ay yung kung ano ang mga naririnig ko at nakikita sa tao tungkol sa mga pulubi at hindi tungkol sa ano mang lihim na kabutihan nilang ginagawa sa ibang paraan... sabihin na natin marami silang natutulungan sa ibang paraan hindi po iyon ang point ng isinulat ko..
magbibigay ako ng halimbawa sir/madam anonymous isang tao kompleto sa gadget kompleto sa gamit magaganda ang kasootan sabihin na natin marami siyang natutulungan sa ibang paraan at isang araw nadaanan niya isang pulubi nilampasan lang at hindi pinansin , sumunod na araw nilampasan niya uli , sumunod na araw nilampasan niya uli yung pulubi...""ano ba ang pulubi sa puso at isipan ng taong ginamit ko sa halimbawa ko?"" kaya nga nakakapag-react ang tao lalo na ako na sa halagang limang piso hindi makapag abot sa mga taong nagugutom samantalang sobra naman ang kanilang kaligayahan di ba? yan ang point ng sinulat ko po hindi yung mga bagay na naitutulong sa ibang paraan kungdi kung ano ba ang pulubi sa puso at isipan nila... salamat po sir/madam anonymous
Post a Comment