Friday, 1 August 2014
PULUBI SA PUSO AT ISIPAN KO
Isang araw kalalabas ko lang galing sa aking pinapasukang trabaho naisipan kong tumingin ng mga bagay na hindi naman masyadong mahalaga sa buhay ko ngunit kailangan ko sa pang araw-araw kong gagamitin. habang naglalakad ako hindi kalayuan sa akin meron akong natanaw na pulubi naka upo sa tabi ng daanan ng mga tao mag asawang matanda na namamalimos. Napatigil ako sandali sa di kalayuan at dinukot ko ang bulsa ko at binilang ang baryang hawak-hawak ko saka ako nagpasyang maglakad palayo sa dalawang matanda. Sa abot ng aking makakayang bilhin basta may matira lang akong pamasahe nagpasya akong bumili ng dalawang pineapple jiuce at dalawang pirasong pritong bananaque saka ako bumalik sa dalawang matanda at iniabot ko ang binili ko sa kanila saka ako nag lakad pauwi sa aking tinutuluyan.
Nakakawa ang mga taong nagpapakahirap para lang mabuhay, nagtitiis sa lamig ng patak ng ulan at nakakapasong init ng araw habang tinitiis ang nararamdamang gutom sa gitna ng lansangan. Sumasagi lagi sa isipan ko "kahit kokonti ang aking yaman mapalad pa rin ako dahil hindi ko dinaranas ang dinaranas ngayon ng mga pulubi" hindi biro-biro ang kanilang kalagayan, hindi biro-biro ang tinitiis nilang gutom dahil sa kawalan ng kayaman alam ko kung gaano kahirap ang makaranas ng gutom kaya sa tuwing may makikita akong pulubi hindi ako nagdadalawang isip para bahaginan sila ng sobra kong yaman.
Mula pa noon hanggang ngayon sa tuwing may nakikita akong pulubi na namamalimos hindi pwedeng lalampasan ko sila ng hindi ako mag aabot kahit konting halaga basta makakaya ko magbibigay ako, hindi na ako nag iisip kung ano at sino pa sila o saan nila dadalhin ang binigay kong halaga nasa kanila na iyon ang mahalaga gusto ko silang tulungan, gusto ko silang makaramdam kahit ng konting kaligayahan dahil alam ko tao din sila na kailangan nilang mabuhay.. sa ginagawa ko alam kong sinusuklian din ng panginoon ang kabutihang ginagawa ko sa kanila dahil binibigyan din ako ng kaligayahan ng nasa itaas nagkakaroon ng kasagutan ang mga pangunahin kong problema sa buhay.
Nangangalit lang ang aking kalooban hindi lang sa ating gobyerno pati narin sa mga taong bulag sa kanilang mga nakikita sa kanilang mga dinaraanan na kahit man lang sa konting halaga hindi manlang nila kayang mag abot kahit sa halagang limang piso bakit hindi nila makuhang abutan ang mga pulubi kahit man lang sabihin na nating kaplastikan ang kanilang pag tulong hindi pa magawa, kahit man lang sabihin na nating pakitang tao man lang ang mahalaga nakadagdag ang halagang limang piso sa kakainin ng mga pulubi.
Ang kadalasang naririnig ko sa mga tao..
"Kaya daw hindi sila nagbibigay ng limos sa mga pulubi ay lalo daw mamimihasa ang mga pulubi".
"Kaya daw hindi sila hindi nagbibigay ng limos ay baka pakawala daw sila ng mga sindikato".
"Kaya daw sila hindi nagbibigay ng limos ay ipang susugal lang naman daw".
Ang daming dahilan, mga taong mapanghusga ang totoo niyan.. wala lang talaga kayong awa, hindi kayo marunong umunawa sa mga taong tulad nila, hindi kayo marunong umintindi ng kanilang kalagayan at hindi lang talaga kayo marunong magmahal ng inyong kapwa, iyan kasi ang mga nakatagong bulok sa inyong pagkatao, mga nakatagong bulok sa inyong puso't-isipan. Ayaw nyo lang talagang tumulong, ayaw nyo lang talagang magbigay ng limos, ayaw nyo lang talagang ibahagi sa iba ang sobra ninyong kayamanan at kaligayahan.
Hindi ko hinahadlangan ano man ang nais ninyong isipin sa inyong kapwa o ano man ang nais ninyong desisyon sa buhay ang akin lang naman sana lawakan natin ang ating pang uunawa sa mga tulad nila tulad din natin sila na may damdamin at marunong lumuha.
Sana lagi nating iisipin...
Ang pagbibigay ng limos ay tanda ng pag akay mo sa kanila para mawala ang nararamdaman nilang gutom at pagpapasaya ng kanilang damdamin kahit sa konting halaga man lamang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
na-encourage ako! :D
salamat miss or mister anonymous sa pagbabasa at sa pagbisita at sa comment sana magawa din natin ang mga bagay na inaasahan sa atin ng mga pulubi kahit sa konting halaga lang malaking bagay na sa kanila. salamat
khit kunting barya lang ang maibgay natin sa kanila npa kalaking bagay na sa kanila un..my mga pulubi lang na iba na umaasa lang sila sa iba..minsan nag ppanggp pa silang my kapansan..kung nanloloko man sila nang kapwa nila prblema na nila un..basta tau khit papa ano nkatulong sa kanila.sa bwat pag tulong natin sa mga kababayan nating mahihirap pera man o khit na anong bagay si lord na rin ang tinutulongan natin.sabi nga sa bible mag mahalan tayo..para skin mas gusto ko pang ako ang nag bbgay kesa ako ang bnbgyan..kahit katulong lang work ko dto sa ibang bansa nag papasalamat ako sa panginoon hirap man ako mas mapalad prin ako sa iba..hindi sa laki nang halaga pag gusto mong tumulong ang importnte bukal to sa pusot isipn mo hindi pkitang tao..at d mo na kylangn ipakita pa sa ibng tao na tumulong ka..ang panginoon nakikita kaya at sya nang bahalang gumanti sayo..pag minamahal mo ang mga taong mahihirap ibig sabhin minamahal mo rin ang ating panginoon..
salamat miss anonymous agree ako sa sinabi mo para sa akin pinipili ako din binibigyan ko kung lalaki na may kakayahang magtrabaho hindi ko binibigyan pero kng babae lalo na kung matanda sila ang binibigyan ko kahit pa sabihin na nila o isipin nila na kaplastikan ang ginagawa o pamimigay ko bahala silang mag isip kaplastikan man o hindi ang mahalaga nakakatulong ako madali kasi ako maawa alam ko naman na may kapalit na kaligayahan ang ginagawa ko mula sa itaas...
Sana masolusyonan ng gobyerno ang mga pulubi sa daan.
Sana lahat lahat ng pulubi solve na ng pamahalaan.
Hindi naman sa gobyerno lang ang tinitira e, sa kanila ang malakas na kapangyarihan at may alam din sila riyan kaya nga binigyan sila ng authoridad e
Tapos ang mga adik rin sana ipunin nila.
Mga bata na musmus din.
Ang basura, kawatan at lahat paulit ulit lang mga krimin e mga trabahador at nag seserve sa gobyerno lang din naman ang problema. Sila mismo hay! Naku!
Salamat kabayan miss phobhie sa pagbisita at sa pagbabasa at sa makahulugan mong comment.. yan talaga ang pangunahing problema ng gobyerno ang totoo niyan hindi naman problema ang mga taong nabangit mo miis phobhie ang problema talaga ay ang mga taong nanunungkulan sa gobyerno hindi nila alam kung paano nila sosolusyunan kung paano mawawala ang mga iyan. masakit mang sabihin mga inutil silang mga nasa gobyerno.
MARAMI HONG SALAMAT SA MAGA2NDANG MENSAHE AT COMMENTS NYO... KUNG MINSAN KAHIT ALAM MO NA AY MAS NADADAGDAGAN ANG PAGMA2HAL SA MGA PULUBI PAG NAKA2BASA NG MGA GANITONG MENSAHE MULA SA MGA TAONG MARUNONG MAGMAHAL AT MAGPAHALAGA SA KAPWA... ��❤️��
MARAMI PONG SALAMAT KABAYANG SFFSMGT SA PAGBISITA AT PAGBABASA DITO.. TAMA PO DIN YUNG MGA SINABI MO AT NAKAKATABA PO NG PUSO. ANG TOTOO WALA NAMAN TALAGA MAHIRAP GAWIN BASTA GINUSTO NATING GAWIN DI PO BA? MASAKIT LANG TALAGANG ISIPIN NA MAY MGA MANGILAN-NGILAN NA MARAMI PANG DINADAHILAN PARA LANG HINDI MAKAPAGBIGAY KAHIT MAN LANG SA MALIIT NA HALAGA. KASI NGA AYAW TALAGA MAGBIGAY KAYA MARAMING SINASABING DAHILAN.
Post a Comment