Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Saturday, 7 June 2014

OPEN ARMS

Re-post

Ayaw ko sanang mag kuwento dito ng mga bagay na
pumupukaw sa mga malalambot nyong damdamin,
hangat maari ayaw kong sirain ang masasaya ninyong
mga oras, ngunit lagi akong hinihikayat ng imahinasyon
ko na magsulat, stresstab kasi para sa akin ito.

Naalala ko nung minsan nanonood ako ng isang singing
contest sa television ang hinding hindi ko nakakalimutan
hangang sa ngayon. Isang batang nasa edad katorse ang
sumali sa isang patimpalak, Ang amature singing contest.
Bagamat may kaliitan at nasa edad pa na kung titingnan
mo ang kanyang mga katungali masasabi mong walang
kalaban-laban ang batang babae na ito.

Habang pinapanood ko ang mga naunang kontestant
humanga ako sa mga galing nilang kumanta, sa ganda
ng kanilang mga kasuotan lamang na sa puntos isama
pa ang kanilang kumikinang na kagandahan.
Matapos ang ilang mga kontestant sumunod ay ang
dalaginding na nasa edad katorse ang umakyat sa
intablado. Simpleng kasuotan, simpleng ayos ng mukha,
nag iisang sumali wala nino mang kasama kundi
ang lakas ng loob at determinasyon niyang sumali
ano man ang kahihinatnan ng kanyang pagsali.

Tumugtug ang mga instrumento, umpisa ng
kanyang pag awit, isang awit na may pamagat na

''OPEN ARMS''
Isang awit na tumatama sa klase ng kanilang
pamumuhay, isang awit na humihingi ng kalinga
ng mga taong nakakalimot sa kanila, isang awit
na nangangailangan ng atensyon.

Nag umpisa na siyang umawit
Wala pa sa kalahati ang kanyang inaawit,
nag umpisa na siyang lumuha, hindi na niya mapigilan
ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata, ayaw
nyang sirain ang kanyang awit, ngunit...
hindi na niya mapigilan ang kanyang pag iyak.
Habang patuloy na tumutugtug ang mga instrumento
lalong ayaw papigil ang mga luhang dumadaloy sa kanyang
mga mata, habang nakatayo patuloy na ang kanyang pagiyak
na tinakpan nalang niya ng dalawa niyang palad ang
kanyang mga mukha na tanging hagulhol nalang ang
naririnig sa mayk na kanyang hawak. Hindi na niya
makuhang umawit, ngunit nanatiling nakatayo, umiiyak.

Minarapat na ng mga emsi na lapitan nalang siya upang
mapawi ang kanyang pag iyak. May nagtanong sa dalagita
bakit ka umiiyak ineng? Bakit hindi mo itinuloy ang iyong
pagkanta?
Sumagot yung dalagita, "Hindi ko po makuhang tapusin
ang kinakanta ko"

Bakit?
( tanong ng isa pang emsi )

Naalala ko po nanay ko.

Asan ang nanay mo ineng?
(tanong ng isa pang emsi)

"Nakaburol po ngayon nanay ko"
Iniwan na po kami.
Sabay upo ng kaawa-awang bata na lalong
hindi mapigilan ang pagiyak sa sakit na
nararamdaman, sabay takip sa mukha upang
kahit papaano ayaw niyang ipakita sa tao ang
kanyang pag iyak. Isang batang babae na gustong
sumabay sa kasiyahang nagaganap,ngunit sa murang
edad hindi siya makawala sa sakit na nararamdaman
ang pagkawala ng kanyang ina.

Bakit andito ka?
Gusto ko pong magkapera para sa mga kapatid
ko kahit consolation prize lang po malaking
bagay napo sa amin, kahit hindi na po ako
manalo gusto ko ng umuwi wala pong
kasama mga kapatid ko ngayon sa amin.

Labis akong humanga sa ginawa ng batang
babae, sa murang edad taglay niya ang
determinasyon at lakas ng loob alang-alang
sa kanyang mga kapatid. Hindi alintana ang kahihiyan.
Alam ko, sa bawat batang katulad nila
may pasko ng kaligayahan ang naghihintay
sa kanila.

Lahat silang magkakapatid
kinalinga at pinag-aral ng isang
sponsor ng patimpalak.


2 comments:

Anonymous said...

Kuya, mawalang galang na po. Sana po ay nasa mabuting kalagayan kayo at ang inyong pamilya. Happy belated Father's Day! I came across your blog by searching "paano tuparin ang mga magagandang hangad sa sarili at sa mga mahal sa buhay" via Google. Medyo nakakarelate po ako sa inyo lalo na sa pagtrato nyo sa mga kapatid nyong babae. Lima din kaming magkakapatid at ako ang bunso sa babae. Ako din parati ang nagpapahiram ng pera at minsan nagigipit din pero walang makatulong pagdating sa akin. Gaya ngayon. 37 years old na ako, wala pang pamilya pero may boyfriend. Meron akong bahay na nabili at kasama kong katira ang sinundan kong kapatid na babae.

Naghahanap ako ng mga sagot sa tanong ko sa buhay dahil nasa point ako ng "embracing change" dahil gusto ko nang magumpisang magkapamilya. Nahihirapan ako dahil yung katira kong kapatid eh may mga issues...medyo burara sya sa mga gamit, very emotional dahil hindi sya ready sa pagdodonate ng mga gamit ng mama namin na sumakabilang buhay nung 12/26/2013. At isa sa mga malalaking issues nya din eh nagsusugal sya. Dahil wala syang partner sa buhay, para sa kanya, ang break nya from stress eh magsugal. Meron po ba kayong maipapayo?

I'm so glad to have found your website, Kuya Rom. Please don't publish this comment. I'll create another one so you can publish it and I'll share your blog link on my Facebook account :) Hanggang sa muli!

ROM CALPITO said...

Hi madam yung comment ko po dito nailipat ko sa isang post ko na may title na resume ng pagkatao ko salamat po sa pagbabasa

Photobucket