Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 3 March 2013

SA AKING PAGSUSULAT

    Noon iniisip ko madali lang magsulat, basta magsulat ka lang ng magsulat tapos i-post mo na sa blog mo ok na pero habang tumatagal ako sa pagsusulat unti-unti nalalaman ko hindi pala ganon kadali ang magsulat lalo na kung ang talagang sinusunod mo ay yung tunay na magpapasaya hindi lang sa iyo kundi pati na rin sa mga nagbabasa. Habang tumatagal akong nagsusulat nare-realized ko na kailangang bigyan mo ng kasiyahan ang nagbabasa at gawing interesante ang iyong mga sinusulat. Walang pinagkaiba sa isang libro na kung gusto mong mabili ang ginawa mong libro kailangan hatakin mo ang utak at damdamin ng nagbabasa, parang isang pelikula na kailangan tumabo sa takilya. Marami akong pwedeng isulat na maari kong pulutin kung saan-saan, marami akong pwedeng isulat na pwede kong pulutin sa idea ng iba ngunit bakit parang hindi ko magawa. Iisa kasi ang laging humaharang sa isipan ko na magsulat yung pumulot ng idea ng iba or manguha ng talino ng iba. Totoo may kanya-kanya tayong istilo sa pagsusulat at may kanya-kanya tayong paraan kung saan manggagaling ang ating sinusulat, kanya-kanya naman talaga tayo ng talino at istilo. Kung naniniwala ka na may kanya-kanya nga talaga tayong talino.. bakit hindi mo gamitin ang sarili mong talino? Bakit kailangang mamulot ka pa ng ibang talino kung may sarili ka namang talino.

Sa aking pagsusulat pwede akong magsulat ng isang bagay na pwede kong alamin muna sa net or sa google ang mga tunay na kahulugan upang mas malawak at mas marami akong maipapaliwanag na masasabi kong mas makatotohanan dahil dito sa net andito na lahat ang katotohanan, andito na halos lahat ng matatalino sa buong mundo, dito mo makikita ang makatotohanan depende iyan sa paniniwala ng tao. Maniniwala ka ba na karamihan din sa mga matatalinong tao na mas makatotohanan pa ang mga paniniwala mo kaysa sa kanila? Para sa akin may mga taong pinaniniwalaan nating matatalinong tao ngunit sa aking palagay marami sa mga pahayag ng mga pinaniniwalaan nating matatalinong tao na hindi ako sang ayon sa katotohanang pinapaliwanag nila. Hindi komo pinaniniwalaan nating matatalino silang mga tao isang daang porsyento tama na ang lahat ng kanilang mga paliwanag. Dapat nating tandaan tao rin sila na tulad mo at parehas lang ang laki ng utak ng tao.

Marami akong nababasa sa mga sinasabi ng mga matatalino at tanyag na tao na hindi ko sinasang ayunan na iyon na ang katotohanan. Kadalasan lang na nangyayari lalo na sa ating mga pilipino na kung kapwa pilipino hindi maniniwala sa iyo dahil minsan ang mga pilipino hindi nagpapadaig sa kapwa pilipino at kung maliit ka lang na tao mas maliit ang porsyento na sasang-ayunan ka nila, puwera lang talaga na may mga pilipino rin na napakalawak ng unawa at napakalalim ng isip sila lang ang talagang makakapaniwala sa isang maliit na taong nagsusulat, alam ko marami rin ang mga pilipinong mas madaling makaintindi ng katotohanan malaking tao man o maliit na tao, sikat man o hindi ang nagsusulat nalalaman nila kung sino ang tunay na paniniwalaan nila sa mga nagsusulat, isa rin kasi ako na malalim ang isip at madali kong hangaan ang taong nagpapahayag ng katotohanan maliit na tao man o hindi.

Sa aking pagsusulat minsan ayokong magsulat para lang ipakita sa tao na matalino kang tao dahil sa marami kang ipinapaliwanag na  katotohanan, pero sa kabila ng katotohanang pinaliwanag mo o sinulat mo napulot mo lang pala mula sa ibang tao. Para sa akin.. sigurado kung lalaban ka ng debate mauubusan ka ng paliwanag dahil ang sinulat mo ay hindi nagmula mismo sa iyong talino kundi pinulot mo lang sa talino ng ibang tao, sigurado kakain ka ng alikabok, lalabas lang katawa-tawa ka sa iyong mga paniniwala.
Sa maniwala kayo or sa hindi mas gusto kong magsulat na manggagaling mismo sa katas ng isipan ko, nanggaling mismo sa sarili kong paniniwala at obserbasyon, hindi ako nagbubuhat ng sarili kong bangko para lang ipagmalaki na ganito ako, sinasabi ko na ganito ako magsulat para ipaalam sa mga nagbabasa ang paraan ng pagsusulat. Para sa akin isinusulat ko ang lahat ng nalalaman kong katotohanan, kung may mga tao mang hindi sang-ayon sa mga sinusulat ko handa akong lumaban ng debate, paniniwala laban sa paniniwala.
Kung may mali man ako sa aking paniniwala ang mahalaga nakikita ko ang sarili kong pagkakamali, pero... kung makatotohanan naman ang mga paniniwala ko saka lang ako nakakaramdam ng kaligayahan dahil kaya ko palang makipagpalitan ng opinion at kuro - kuro sa ibang tao, kaya ko palang itaguyod ang katotohanang nagmula mismo sa aking mga paniniwala, mas nakakaramdam ako ng kasiyahan.

Kung ganito ang istilo mo sa pagsusulat dito mo makikita ang tunay na talento mo sa pagsusulat. Malaki ang aking paniniwala na kung may talento ka talaga sa pagsusulat kahit hindi ka umasa sa talino at idea ng ibang tao meron at meron ka talagang maisusulat. Maipagmamalaki mo na talagang galing mismo talaga sa isipan mo ang mga sinusulat, walang daya sa sarili, walang daya sa kaligayahang mararamdaman. Dito mo makikita na mas nakakaangat ka palang mag isip kaysa sa mga taong nakikipagdebate sa iyo dahil makikita mo na mali sila sa kanilang paniniwala. Magkakaroon ka pa ng sariling tagahanga dahil ang nagbabasa ang siyang makapagsasabi sa inyo kung sino ang talagang mas makatotohanan.

No comments:

Photobucket