Siguro panahon narin para isulat ko kung ano ang tunay na nararamdaman ko dito. Ang totoo noon ko pa ito gustong isulat at noon ko pa gustong mag-react at noon ko pa gustong mag bigay ng sarili kong opinion tungkol dito sa kasabihan nating mga pilipino ang malansang isda.
Alam nyo ba ang kahulugan ng malansang isda?
Mula pagkabata hanggang sa mga taong katulad natin alam ang kasabihang.. Ang hindi magmahal sa sariling wika, masahol pa sa malansang isda.
Nanood ako ng isang ginanap na program dito sa amin awarding ng mga nanalong hindi ko alam kung ano na iyon, unang nagsalita ng pambungad na bati ng emcee..., good evening every one, first of all etcetera, etcetera... namputsa!
Sa isang liblib na lugar ng aming bayan kung saan naninirahan ang halos ninety five porsyento ay mga magsasaka ang aming barangay na halos mahigit kalahati ng papolasyon ng aming barangay ay mga pawang magsasaka ang ikinabubuhay, sa tingin nyo ba ang mga nanonood ng program ay mga titulado na gustong-gusto at naiintindihan ang kanyang mga sinasabi? Ilang porsyento kaya ng mga nanonood ang nakakaintindi ng kanyang english sa tulad ng mga tao sa kanayunan?
Pinakilala ang susunod na magsasalita, bumanat nanaman ng sandamakmak na english.
Alam nyo ba kung gaano na kakitid ang utak ng mga kababayan nating mga pilipino? Ilan sila sa mga pilipinong singkitid ng walis tingting ang utak, bakit kamo? bakit ka ba english ng english? Bakit ba ayaw mong magsalita ng tagalog? Bakit ayaw mong mag ilokano nalang? Anong tingin mo sa sarili mo amerikano ka ba? Ano tingin mo sa mga kausap mo amerikano ba?
Ayoko sanang makasakit ng damdamin ng aking mga mambabasa, siguro naman kung hindi ka isa sa mga taong sinasabi ko hindi para sa iyo itong sinulat ko. Pero kung isa karin sa mga taong sinabi kong makitid ang utak palagay ko para sa iyo ito.
Makinig ka, isipin mong mabuti.. ikaw ay isang pilipino hindi masama ang mag english kung gusto mong magsalita ng english pero.. alam mo ba kung saan ka dapat magsalita ng english, dapat alamin mo kung sino ang mga nakakausap mo, dapat alamin mo kung sino-sino ang mga taong nakikinig sa iyo, dapat sa edad nating ito dapat alam mo narin kung ano ang tama at mali, kung pilipino ba ang kausap mo dapat ka bang mag english? Kung tagalog ang kausap mo dapat ka bang mag english?
Napakasakit tangapin ang katotohanan na ganito na tayo ngayon, ganito na kababa ang ating sentido komon. Kung pagdugtung - dugtungin ko kung ano ang nakikita ko sa mga ganitong tao babagsak ka sa tinatawag na "ang laki mong tanga". Kung aalamin mo ang tunay na kahulugan ng tanga yan ay ang mga taong walang common sense o mababa ang sentido komon yan ang kahulugan ng tanga. Kung tatanungin mo bakit nga ba naging tanga? Maliwanag pa sa sikat ng araw na isa kang pilipino bakit ayaw mong magsalita ng tagalog? Alam mong mga pilipino ang nakikinig sa iyo bakit ka pa english ng english? Alam mong halos wala na ngang nakikinig sa talumpati mong english patuloy at patuloy ka paring nag e-english. Sa isang liblib na lugar hindi mo ba naiisip na kung naiintindihan ba ng mga tao ang english mo?
Naniniwala ka ba na minsan ang tao may pagkatanga din yaman lang at ayaw nilang tangapin sa sarili na tanga sila dahil ang tao ayaw gamitin ang isip. Tulad ng madalas kong sinasabi sa blog ko.. ang mga pilipino kadalasan alam ang kahulugan ng mga salita ngunit hindi nila magawa sa gawa.
Tulad ng... ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa sa malansa at mabahong isda.
4 comments:
tama ka nga naman.. sa tamang pag gamit lang ang pagsasalita ng ingles. haha pag alam mo na hindi o nahihirapan bakit mo nga naman i-inglisin.
(*peace*)
salamat kaibigan napakaraming mga pilipinong ganyan kabayan, minsan dala narin ng kayabangan ng mga pilipino.. habang pinapanood ko napapa-iling nalang ako hehe salamat sa comment at pagbisita kabayan.
lahat naman ng tao may karapatan
karapatang pumili ng sarili nilang wikang gagamitin
pero yong tawagin silang tanga its very pathetic para sayo na di sila maintindihan
hindi naman purke pilipino di na pwede magsalita ng english
kasi sa mga sinasabi mo parang pinutulan mo na ng karapatan ang mga pilipino na magsalita ayon sa kalayaan nila
salamat miss anonymous sana binasa muna nating mabuti ang post ko... alam ko naman na meron tayong kalayaan o karapatang gamitin ang ating kalayaan lalo sa pagsasalita pero nabasa ba natin yung halimbawa ko sa sinulat ko o sa post ko? palagay ko depende naman di ba kung saan natin gagamitin ang salitang english... nasubukan na ba nating gawin na kausapin ka ng tagalog ano ang isasagot natin? o may nakita ka na bang nagtatanong sa isang tao na tagalog ang salita sasagutin niya ng sandamakmak na english ano kaya nararamdaman natin? bakit kaya ang mga china o japan pag kinakausap sila ng kapawa nila ano kadalasang sinasagot nila? gayung parehas din natin sila na may kalayaang gamitin ang kanilang karapatan.
Post a Comment