Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 3 March 2013

NASA DUGO


Bakit kung kailangan nating mag reklamo sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno kadalasan sa mga media pa tayo lumalapit? Kadalasan mas makabubuti pang sa media tayo mag sumbong para maaksyonan ang problema natin. Bakit sa pulis kadalasan ayaw nating lumapit? Iisa naman ang sumasagi sa isip ng tao ang kapangitan ng imahe ng ating kapulisan ang tumatak na sa ating mga pilipino. Huwag na nating sabihing "hindi naman lahat ng pulis ay masasama" lumang tugtugin na iyan.. ang point ko ay ang masamang imahe ng kapulisan natin ang siyang tumatak na sa isipan ng mamamayan. Kahit na sinong pilipino pare - parehas ng iniisip sa kapulisan o sa kahit saang ahensya ng gobyerno isama na natin ang mga empleyado pa ng gobyerno mula sa barangay tanod hanggang sa presidente. Ang laging sumasagi sa isipan na ng tao sa media mo nalang ilapit mas sigurado pang aaksyunan. Karamihan kasi sa ahensya ng gobyerno kikilos lang kung may medya, kikilos lang kung may kamera ng kumukuha, kikilos lang kung may namamatay na. Kadalasan kung pangkaraniwang tao kalang paasahin ka lang kung hindi man pagtuturu-turuan ka lang nila hanggang sa ikaw ay mag sawa, kung misan naman ikaw pa ang malalagay sa alanganin lalo na kung ang kalaban mo ay maimpluwensyang tao. Kung pangkaraniwang tao na magsusumbong ikaw pa minsan ang magagatasan dahil sa ugaling pagiging mukhang pera ng ilan.

Mga kapulisan ba or tayong mga pilipino ay may ugali lang talagang katamaran? at may ugali lang talaga tayong mukhang pera. Tayong mga pilipino ay mahilig sa porsyentuhan kailangan may porsyento ako bago ako lumakad. Tingnan ninyo sa mga ahensya ng gobyerno di ba sala-salabat ang nakawan, sala-salabat ang korapsyon, sala-salabat ang porsyentuhan, sala-salabat ang mga mukhang pera. Maliwanag pa sa sikat ng araw na may ugali lang talaga tayong mukhang pera. Kahit anong dami ng mga pulis ang nakakasuhan ng mga katiwalian meron at meron paring mga umuusbong na parang kabuti na mga magnanakaw. Kahit may mga bagong pulis ang umuusbong pagdating ng araw may mga magnanakaw at mga tiwaling pulis parin ang uusbong. Kahit na saan mang sangay ng ahensya ng gobyerno meron at meron kang makikitang katiwalian at katamaran na mga empleyado. Kahit pa nga mga presedente mga nagnanakaw. Kahit alam na nga nilang matatangal sila sa serbisyo eto at patuloy paring gumagawa ang mga tao ng lagayan at nakawan. Paano natin mapapatino ang mga ahensya ng gobyerno? Paano natin mapapatino ang pilipinas kung patuloy at patuloy na palaging may mga ganyang tao?

Mawawala pa ba talaga ang mga magnanakaw?
Mawawala pa ba ang mga tamad?

Palagay ko hindi na dahil nananalantay na talaga sa dugo nating mga pilipino ang pagiging tamad, pagiging magnanakaw at pagiging kawalan na ng desiplina. Tingnan mo sa mga bangketa ng divisoria makikita mo ang kabulukan at katamaran talaga ng tao at ng mga namumuno. Napakaraming basura, napakaraming magnanakaw, napakaraming isnatser. Dahil sa katamaran ng tao at ng namumuno at dahil sa kawalan ng desiplina makikita mo ang resulta pag nagsamasama ang mga hunghang. Lalo na kung mga taong lumaki sa yaman ano pa ang aasahan nating sipag sa kanila gayong sila nga lumaking tamad, hindi komo mayaman sila hindi na magnanakaw, kadalasan pinalaki silang addik sa pera kaya hindi mo maasahan na hindi sila magnanakaw. Kadalasan makikita mo rin sa mga pilipino na magagaling silang umalma at manita ng mga tiwaling tao pero kung sila na ang nasa pwesto at may pagkakataong mag nakaw gagawa at gagawa parin sila dahil nasa dugo na talaga natin ang pagiging tamad , walang desiplina at ugaling magnanakaw.
Isang napakasakit na katibayan at katotohan na may mga sinusuweldo na nga humihingi pa ng lagay, mayayaman na nga nagnanakaw pa, may trabaho na nga hindi pa magtrabaho ng tama.

Ang laht ng kabulukan ay nasa dugo na talaga ng tao

No comments:

Photobucket