Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Friday, 21 January 2011

ANO ANG KAHULUGAN NG LOVE OR PAGMAMAHAL


Karamihan sa atin ang naniniwala na ang trust ay bahagi ng pag-ibig or pagmamahal. Kung minsan ang salitang trust ay kadalasang ikinakabit sa pag-ibig or pagmamahal
ng isang taong may ibang motibong gawin. Isang guy ang nagsabi sa kanyang kasintahan na... Kung talagang mahal mo ako dapat may tiwala ka ibibigay mo hinihiling ko sa iyo. Ibinigay nung gurl ang kanyang sarili sa lalaki ng dahil ba sa tiwala? or Ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaki ng dahil sa pagmamahal kahit alanganin siyang magtiwala sa lalaki.

Ano nga ba ang love?
Ano - ano ba ang mga kasing-kahulugan ng love?
Saan ba nagmumula ang love or pag-ibig or pagmamahal?
At.. Saan ba nanggagaling ang trust?

Ang love or pag-ibig or pagmamahal ay nangagaling sa isip hindi isang desisyon.
Ang trust ay hindi emotion. Ang trust ay isang bahagi lang ng decision ng isang tao na maari niyang ibigay o hindi sa isang tao. Ang trust para sa akin ay hindi bahagi ng pag-ibig or pagmamahal ang trust ay hindi nangagaling sa damdamin ng isang tao.

Ano ba ang love?
Para sa akin ang love ay ''awa'' wala ng iba.
Ang awa ay isang pagmamahal at hindi desisyon ng isang tao.

Kung likas sa sarili mo ang awa likas din sa iyo ang mapagmahal, magkakaroon ka ng pagkakataong magmalasakit sa isang tao, magkakaroon ka ng pagkakataong umunawa, hindi mo magagawang pagsalitan ng masakit ang isang tao, hindi mo magagawang manakit or manakit ng damdamin ng isang tao, magkakaroon ka ng pagkakataong tumulong, hindi mo magagawang magpaluha ng tao, hindi mo magagawang saktan ang asawa mo, hindi mo magagawang saktan ang mga anak mo, hindi mo magagawang iwan ang asawa mo at hindi mo magagawang pabayaan ang pamilya mo ng dahil sa awa or pag mamahal.

Habang nananatili sa isip mo ang awa kaylan man hindi mawawala sa damdamin mo ang pag-ibig.

Huwag mong hayaang mawala sa isip mo ang awa daan iyan para mawala din sa isip mo ang magmahal.

Kung wala kang awa sa isang tao.. Wala karing puwang para magmamahal.
At.. Kung hindi mo magawang magmahal wala ka ring puwang para maawa.



40 comments:

Anonymous said...

You mean awa lang ang pagmamahal ng Diyos satin ? He died on the cross dahil naawa lang ? Will you explain ? :)

ROM CALPITO said...

pakiramdaman mo nalang po ang sarili ninyo kung paano kayo magmahal sa tao.. kaya nyo po bang saktan ang taong mahal ninyo?

kaya po ba ninyong iwan ang mga mahal na anak ninyo?

kaya po ba ninyong pabayaan ang mga anak ninyo?

kaya po ba ninyong pabayaan mga nanay at tatay mo na walang makain?

bakit po hindi ninyo kaya? dahil po saan at hindi ninyo kaya?

ROM CALPITO said...

ayon po sa tanong ninyo kaibigang anonymous.. HE DIED ON THE CROSS DAHIL NAAWA LANG?""

kayo po ano po paniniwala ninyo kung bakit nagpapako si jesus sa krus? meron po ba kayong basehan na pagpapatunay ng inyong paniniwala kung bakit siya nagpapako sa krus?

NAGPAPAKO nga ba o talagang IPAPAKO siya sa ayaw at sa gusto jesus dahil hinatulan talaga siya at hindi siya KUSA na nagpapako ayon sa istorya...

kaya ang post ko ay hindi po natin maaring ibatay sa diyos o sa bibliya dahil tayong lahat ay walang tunay na basehan ng PAGPAPATUNAY kung paano mo patutunayan ang lahat ng paniniwala natin.

marami pa po ako sinulat dito sa blog ko tungkol po sa lahat ng maling paniniwala ng tao.. sana po mabasa din po natin salamat po sa pagbisita at pagbabasa dito... open po at welcome lahat inyong opinion dito

Anonymous said...

Masyado na pong nalalayo ang topic nyo. Kukopyahin ko pa.naman.sana to. Haha nagbgo tuloy ang isip ko

ROM CALPITO said...

miss or mister anonymous salamat naman sa pag bisita at pagbabasa... ayon sa sinabi ninyo.. MASYADO NA PONG NALALAYO ANG TOPIC NINYO.... ibig po bang sabihin ninyo na may alam kayo ng tunay na kahulugan ng sinulat ko? bakit pa po ninyo kokopyahin itong sinulat ko kung meron naman pala kayong alam sa kahulugan ng sinulat ko?... dapat po huwag na po kayong mag attemp na kokopyahin ninyo dapat po isulat nalang ninyo kung talagang may sarili kayong alam di po ba?.... makikisuyo na lang ako sa inyo maari po bang i-share ninyo ang nalalaman ninyo dito at pag sumang ayon ako sa paniniwala ninyo ako nalang ang kokopya sa kaalaman ninyo salamat po

ROM CALPITO said...

di ba dapat miss or mister anonimous kayo nalng ang mag sulat ng sarili ninyo kung saan man ninyo gustong i-share ang kaalaman ninyo para malaman ng tao kung may tama ang paniniwala ninyo then try nyo ako i-invite para mabasa ko din ang alam ninyo sa sinulat ko salamat po kasi di ba dapat kung hindi kayo sang ayon sa isang bagay kasunod ang sariling pagpapaliwanag para mapatunayan ninyo sa tao na may katotohanan ang paniniwala ninyo di po ba?

ROM CALPITO said...

Binasa kong muli ang aking sinulat sa pagkakaintindi ko maikli at hindi ako nalalayo sa topic ang isang halimbawa na sinulat ko sa itaas na TRUST ay isang halimbawa lamang na laging ikinakabit ng tao sa pagmamahal... sa pag kakaintindi ko miss or mister anonymous parang wala po yata kayong naintindihan sa sinulat ko sorry po

MySTery mist said...

PO kung hindi po kayo naniniwala sa Diyos eh wag po niyo idamay ang iba.
Sabi niyo po "NAGPAPAKO nga ba o talagang IPAPAKO siya sa ayaw at sa gusto jesus dahil hinatulan talaga siya at hindi siya KUSA na nagpapako ayon sa istorya." Hindi po yun totoo
John 3:16 said "For God so love the world that he gave his only begotten son and who ever believeth in him should not perish but have everlasting life" Patunay po yon na dumating siya dahil sa Pagmamahal. Yung verse nayon po ang pinaka komon sa lahat ng verse sa bibliya kung hindi niyo po alam yon ay patunay lang na manhid kayo sa kung ano talaga ang pagmamahal.
Faith, Hope, and LOVE, ito po ang pundasyon ng mundo ngunit ano ang pinakamatindi? Ito po ang pag ibig. Ayun nga sa 2 commandment ni hesus o ang shorter version sa 10 commandments na "Love God" "Love the people". So sa huli po matagal na pong nasagot kung ano ang pagmamahal kahit hindi po natin i sali ang bibliya.

Ang pagmamahal po ay ang pagbukas ng inyong puso hindi lang sa isang tao kung di sa lahat. "AWA" po sabi niyo hindi naman po yan pagmamahal natural lang yan na instinct ng tao ngunit ano ba talaga ang pagmamahal?

Nsubukan niyo na po bang siraan, abosohin, idiscriminate, asarin atb. ano pong ginawa niyo? nagalit po ba kayo nalungkot? Pero kung Minahal mo sila at natoto at pinayuhan mo pa sila matatawag pa po ba natin yong awa? Hindi po diba.

Kaya sa pangkalahatang kunklosyon walang pong tunay na pagamamahal na dulot ng awa. Kung ganon ano ba ito? Simple lang po ito poy pag ibig at wala ng iba hindi ito instinct o natural sa tao. Ito poy hinahanap Hindi sa libro sa ibat ibang emosyon oh sa isang tao kundi ito poy mahahanap lang sa sarili niyo.

Wag niyo pong sabihin na "NAGPAPAKO nga ba o talagang IPAPAKO siya sa ayaw at sa gusto jesus dahil hinatulan talaga siya at hindi siya KUSA na nagpapako ayon sa istorya.." Yon po ang pinakamasakit na insulto na maririnig ng isang tunay na Kirstyano. Nabubuhay pa kami dahil alam namin NA WALANG PAGMAMAHAL ANG DIOS DAHIL SIYA MISMO ANG PAGMAMAHAL. Kaya kung mag base naman tayo sa relihiyo na mukha pong ininsulto niyo "God is Love, therefore we must love not the sins, personality, state, social status and etc. but by loving every part of the people arround you"

Ipagpaumanhin niyo lang po ako sa mga nasabi ko ngunit sinabi ko po yon dahil mahal ko kayo at nangangailangan kayo ng tulong dahil mukhang manhid kayo sa pagmamahal ng Diyos.

Sa huli po ay akoy masaya dahil meron naman po kayong punto sa kung ano ang pag ibig ngunit gusto ko lang pang malaman niyo kung ano naman talaga ang kaibahan ng awa at Pagmamahal. "In every Day people lose hope and Faith but Love will always be there, it is not tha same as any emotion because love is holy because Love is God."

Kung mababasa niyo po ang bibliya malalaman niyo po kung ano ang mga milagro na nagawa ng pag ibig.

Tandaan niyo po "God has wisdom and mercy but he himself is love" "Love gives wisdom and mercy"
Kaya kabaliktaran po ang punto niyo. Ang tutuo pag mahal mo ang isang tao maaawa ka talaga sa kaniya dahil hindi mo tinitingnan kung ano siya kundi ang lahat ng kanyang pagkatao.

Kung nagtataka po kayo kung sino ako isa lang po akong highschool student, ngunit sa agang edad ko ay namulat na ako sa mundo dahil mahal na mahal ko ang Diyos kung mamahalin niyo po siya ay maiintindihan niyo po ang sinabi ko.

ROM CALPITO said...

haha ok nsige mystery mist hindi na ako magsasalita dahil wala ng katapusan ang usapan pag bibliya na ang pag uusapan dahil nakita ko nakabase kayo sa bibliya na hindi naman natin mapatunayang totoo. salamat

ang sabi mo...""Nsubukan niyo na po bang siraan, abosohin, idiscriminate, asarin atb. ano pong ginawa niyo? .... totoo nakakawa ang mga ganyang tao kaya bakit ko papatulan? kung hindi ko papatulan ang mga ganyang tao ibig sabihin may awa ako sa kanila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa AWA bahagi ng pagmamahal ko sa tao. kaylan ba natutong mag away ang taong marunong maawa? kung may awa ka sa kapwa hindikaylan man hahantong sa hindi maganda. yan ang ibig kong sabihin hindi yung nakabase lagi sa bibliya ang bawat sasabihin ko. sana ganon ka rin kaibigan

ROM CALPITO said...

puro kayo bibliya patunayan nyo muna kung totoo nga yang bibliya na salita ng diyos bago kayo bumase sa bibliya.. nagsasabi pa kayong bobo samantalang hindi nyo nkikita sarili ninyo naniniwala sa hindi napapatunayan maliwanag pa sa sikat ng araw puro kayo bibliya... sinabi ko na nga sa unang comment ko na ayokong pag usapan ang bibliya dito hindi rin kayo makulit kaibigan... mag comment kayo yung nakikita sa realidad huwag yung puro bibliya ok po ba walang patutunguhan kung puro diyos ang pag uusapan. yung mga mahilig sa bibliya nalang ang kausapin ninyo para makakita kayo ng katapat na mahilig magbasa ng bibliya.

ROM CALPITO said...

at naniniwala nga ako na high school graduate ka lang kasi makitid pa ang pananaw mo sa mga katotohanang dapat may patunay para malaman ang totoo sa hindi napapatunayan... kasi wala din kayong bukang bibig kungdi puro diyos, pagmamahal ng diyos, mahalin ang diyos sino ba ang hindi? parang ikaw ang lumalabas na bobo kasi hindi mo alam ang ibig sabihin ng pagpapatunay para maniwalang totoo..... baka sabihin mo nanaman na totoo ang pag ibig ng diyos? sige ang kausapin mo nalang yung katulad mo na walang bukang bibig kungdi diyos. ok ba? huindi ka nababagay dito dahil ang kailangan ko dito yung malalawak ang isip hindi makikitid para meron din akong matutunan sa kanila salamat

ROM CALPITO said...

at huwag mo na ituro sa akin dito ang mga salita ng diyos dahil hindi ko rin paniniwalaan di katulad mo kaibigan madaling maniwala sa sabi sabi lang na totoo naniniwala kaagad.

axle said...

talagang napahanga ako sa sinulat mo parang na alala ko dati ng may kasintahan ako nag hiwalay lang kasi kami dahil wala kaming trust sa isat isa at tama din yung sinulat mo na ang ibig sabihin ng pagmamahal ay awa kasi kung wala kang awa diva dapat hinde ka pwede mag mahal

ROM CALPITO said...

Salamat kabayang axie sa pagbabasa at pagbisita dito at salamat din sa iyo sa at madali mong naunawaan ang mga sinulat ko dito... realida naaayon sa realidad ang sinagot mo dahil iyan ang naramdaman mo... nakita ko kasi na galing sa realidad ang mga sinabi mo kung ano ang mga naranasan mo sa buhay mo yan naman talaga ang tunay salamat.... alam mo minsan may mga tao lang talaga na mahirap umintindi ng mga binabasa dahil nakasarado ang isip nila sa mga nababasa sa bibliya bakit kailangang bumase tayo sa bibliya o sa diyos lahat naman tayo nakakakilala sa diyos kung ano at sino siya kailangan pa ba magpaliwanag ng bibliya dito? lahat ng sinusulat ko dito ay realidad kung ano ang nasa puso natin kung bakit ipagsisiksikan dito ang salita ng diyos?

Salamat muli kabayang axie at naunawaan mo ang pinupunto ng sinulat ko.

Anonymous said...

maganda ang meaning ng love..

Anonymous said...

Poem time

Anonymous said...

tanong ko lng po . . .
bkt nmn po awa ang pagmamahal ?

Anonymous said...

tanong ko lng po . . .
bkt po awa ang pagmamahal ?

Anonymous said...

tanong ko lng po . . .
ang pagmamahal ay awa lng ??

Anonymous said...

Ang msasabi ko lng dapat pang unawa sa minamahal hindi awa.
Ksi AWA means napipilitan ka na gawin ang mga bagay na hindi bukal sa puso mo ksi nga NAAWA ka. So hindi pag ibig ang narardaman mo.
Salamat sa pang unawa.

Anonymous said...

Anu b meaning pra sau ng love

ROM CALPITO said...

Magandang araw sa iyo miss or mister anonymous tulad ng sinabi ko kung may pagmamahal ka sa tao sigurado magkakaroon ka ng awa dahil kung mahal mo hindi mo makukuhang saktan o paiyakin man lamang... ang pang uunawa ay isang desisiyon lang ng isang tao.. kung nais mong unawaain o hindi ang isang tao.. iba naman ang pinangagalingan ng pagmamahal o awa galing sa puso hindi galing sa isang desisiyon. sana maunawaan mo kaibigan.. ang pag unawa ay isang desisyon iba.. pero ang love o awa ay hindi desisyon ng tao.

Anonymous said...

Nang dahil sa pagmàmahal may nag.a away dahil dI cla NAGKAUUNAWAAN. PERU minsan din kasi kailangan Mo ng AWA para wala kang MASAKTAN O MADISAPPOINT.
just "saying"

Anonymous said...

ang bitter mo kuya 😂 iba ang awa sa pagmamahal
kaya nga awa eh naawa ka lang
pagmamahal yun ung hindi ka makakaramdam ng awa kahit konti kasi nga mahl mo yung tao at d un dahil sa awa
emegeed katamad magtype 😂
enjoy

ROM CALPITO said...

kung magkaiba ang awa sa pagmamahal kaya po ba nating paghiwalayin ang awa sa nararamdaman? kung wala ang awa 100% makakasakit ka ng tao at kung nakasakit ka ng damdamin ng tao sigurado hindi mo mahal yung tao dahil sinasaktan mo.

Anonymous said...

parang ang laki naman ng galit mo sa diyos..tss

ROM CALPITO said...

hindi po kabayang anonymous galit lang ako sa mga taong bumabase ng mga sagot sa biblia na sa kanilang paniniwala na iyon ang totoo.. isipin natin paano niya napatunayang totoo at doon nalang lagi siya nakasunod? dahil sabi nila na totoo.. naniwala na rin sila na totoo nga kaya bawat salita nakabase sa biblia.

Unknown said...

sir rom nalilibang ako at interesado sa pagbabasa ng mga sinulat mo me nagustuhan ako na una kung binasa about attitude gusto ko basahin ulit ng ilamg beses....mejo naguguluhan lang ako ng konti about sa love na un pala eh isang awa,me question po sana ako pag ang isang tao na sinasaktan physical at emotional ang asawa wala na dun ang pagmamahal...pero ung taong cnasaktan nagtitiis kaze mahal nya andun ung awa na di nya maiwan kaze iniisip baka mas mcra buhay nung lalaki kung iiwan ,,,tnk u kung magrereply kau

Unknown said...

sir di po ba kaya nakakapanakit ang isa tao lalo na sa asawa kaze ginagawa nya ang isang bagay na di nya na iniisip ung maawa cya sa gagawin nya physical at emotional na pananakit?pag ganun po ba wala na talagang natitira awa or love ang lalaki sa asawa?

Anonymous said...

sir ron kung ang pagsasama ng mag asawa me kasama ng physical at emotional na pananakit ng lalaki ibig sabihin na wala na talaga ung love o ung awa na syempre kawawa naman ung asawa na nagkakapasa gawa ng mga pananakit ....agree po ako dun sa cnasabi nyo na love eh awa,,,kze pumapasok dun ung pagmamahal na di mo kayang saktan o iwan ang isang tao kung m,ahal mo talaga kze kawawa .....w?c is minsan macoconfused ka din na bakit di ka maiwan kahit cnasaktan ng lalaki ang asawa nya ayaw naman na mawawala ka sa kanya...

ROM CALPITO said...

maraming salamat kabayang JAF LANE sa pagbisita at pagbabasa at maraming salamat sa mahinahon mong pagsasalita.. tungkol doon sa nauna mong comment na nagustuhan mo pala yung sinulat ko tungkol sa attitude salamat naman ng marami.. para naman doon sa sinulat ko na LOVE totoo medyo masalimuot ang kahulugan ng love tungkol sa lalaki na sinasaktan ang kanyang asawa ibig sabihin wala na siyang nararamdamang love sa babae sabihin na nating wala narin ang awa dahil nagagawa na niyang saktan ang kanyang asawa. Kung ating iisiping mabuti di ba kapag nanakit ang isang tao ano ang nawala sa kanya diba love o awa? at ang babae naman hi9ndi niya magawang iwan yumng lalaki maaring maraming dahilan yan.. maaring takot ang babae na mag isa sino ang bubuhay sa kanila ng mga bata? lalo nat wala namang trabaho yung babae mahirap mag desisyon ang babae.

Anonymous said...

Pero pwede ka nmang maawa na walng pagmamahal dba?

Anonymous said...

May tanong oo ako bakit kailangan pagawayan ang pag-ibig?

ROM CALPITO said...

Kung likas talaga sa iyo ang mapagmahal likas rin sa iyo ang maawa.. ang point ko dito ay kung ano ang nararamdaman mo hindi yung kung ano ang ibinibigay mo sa isang tao.. kaya nga yung pagmamahal na nararamdaman ng isang tao andon yung awa KUNG ANO ANG NASA DAMDAMIN NG ISANG TAO HINDI YUNG KUNG ANO ANG IBIBIGAY SA ISANG TAO NASA DAMDAMIN NG ISANG TAO ANG PAGMAMAHAL ANDON DIN ANG AWA. nawa ka sa isang tao dahil likas sa iyo ang magmahal sa kapwa. yan ang LOVE.

ROM CALPITO said...

tao po ang pinag aawayan hindi pag ibig .. parehas kayong umibig sa iisang tao pilit lang ninyong pinag aagawan ang pag ibig ng isang tao. ang pagmamahal ay nawawala kasabay ng awa pag sinaktan mo ang isang tao imposibleng masasabi mo na may pagmamahal ka sa kanya.

Anonymous said...

Naniniwala ka po ba na may utak ka?

Anonymous said...

Minahal nya tyu kahit tayo ay sakim na tao. Hindi nya tayo iniwan. Kung ang pagibig ng diyos ay parang langka, ito ay LANGKAtapusan

ROM CALPITO said...

kabayan anonymous salamat sa pagbabasa at sa pagbisita.. nakukuha ko meaning ng tanong mo.. ""NANINIWALA KA BA NA MAY UTAK KA?"" alam ko usapang relihiyon nanaman ito.. alam ko naitanong mo siguro yan dahil hinahanapan mo ako ng patunay o pagpapatunay ang sagot ko po ""OO"" naniniwala ako na may utak ako at ang pagpapatunay kaya ako naniniwalang may utak ako dahil "nakakakilos ako" , "nakakapag-isip ako" yan ang pagpapatunay kaya ako naniniwalang may utak ako..

Anonymous said...

For your information po, hindi niyo yan magagawa without God giving or sacrifice his only begotten son. Ang love at ang awa po ay magkaiba. Si God ang love at ang awa ay nasa sariling karunungan ng tao. look, no one can ever have the accurate meaning of love while ang awa or pity ay may saktong kahulugan sapagkat itong pakiramdam na ito ay mararamdaman mo sa nakikita mo. how can you react about it. ang awa, gaya ng sabi ko ho ay nasa karunungan ng tao dahil malalim niyang nauunawaan ang mga bagay bagay, kung KAALAMAN lang ang pinapairal sa mundo, do you think na kung sa definition lang ang PITY at LOVE ay magagawa na ng tao yun dahil nalaman niya with the sense of education? hindi naman natin yun tinuturo, isa yung pakiramdam/feeling towards the people around you. BINIGAY yun ng DIYOS sa atin para magkaroon ng peace. naaasar ako sa part ng debate niyo tungkol sa sinasaktan na asawa. bakit mo sasaktan yun ng dahil lang sa di mo maal, ang tunay na hindi nagmamahal ay umaalis hindi nananakit, ang awa ay nandiyan kahit saan at kung ano ang ginagawa mo. STOP acting LIKE you know their PAIN, pag aalipusta na yun. sagrado ang pag iibigan kung sila ay kasal na, at sa harap pa ng diyos nag sumpaan, baliw lang ang gagawa nun towards his wife. karapatan ng isang taong nagmamahal ng kapayapaan not because he didn't love her eh wala ng awang natitira kaya niya sinaktan. Another one, you believe love is synonyms of PITY? you're ruining the dictionary and most of all the BIBLE. kung awa ang pagmamahal, ibig sabihin labag yun sa kalooban niyang mahalin siya? ANG GULO PO! kung awa lang ang pinakita niya sa asawa niya bakit siya magco-commit para pakasalan siya? ang naaawa ay marunong lumugar. pag naAAWA ibig sabihin ay palalayain niya ang taong nagmamahal sakaniya dahil nga may AWA. ang love, happiness ang feelings not Pity na isang malungkot na pagapakita ng love. AWEEE, mas naguluhan tuloy ako kasi nga magkalayo ang love and pity.

really useless blog of yours.

ROM CALPITO said...

ok cge kabayan anonimous salamat sa pag bisita at sa magandang paliwanag mo nauubusan narin ako ng paliwanag salamat sa comment at pagbabasa kabayan anonmous

Photobucket