Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Saturday, 26 September 2009

TIBAY NG RELASYON

Sa isang relasyon, mahalaga ang respeto, unawa
malasakit at awa. Mga importanteng bahagi ng pagmamahal.
Hindi narin siguro lingid sa atin ang mga bagay na yan, alam
kong alam na nating lahat, basta sinabing pagmamahal andiyan
na ang lahat ng sangkap, ngunit... bakit marami parin ang
hindi nakakagawa ng mga bagay na yan?
Alam lang ba nating sabihin pero hindi natin kayang gawin?
!
Paano nga ba titibay ang isang relasyon?
!
Sa tagal na ng pagsasama namin ng aking may bahay ni minsan
hindi pa kami nag away, ni minsan hindi pa kami nagsigawan
at ni minsan hindi pa kami nagkasakitan, sa salita man o sa gawa.
Pero yung tampuhan hindi maiiwasan natural na sa bawat tao yan.
Unang lingo o buwan naming nagsama ng aking may bahay tinanong ako
ng aking may bahay kung paano ba titibay ang aming pagsasama
yun bang hindi kami magkakagalit o mag aaway. Alam naman natin
na ang isang ugat ng paghihiwalay ay ang "KASALANAN". Iyan ang
dahilan ng pag aaway ng magkasintahan o ng mag asawa. Iyan din ang
magiging dahilan para mawala ang tiwala, paggalang, hanggang mawala
na ng lubusan ang pagmamahalan.
!
Isang bagay lang ang sinabi ko sa kanya para tumibay ang
pagmamahal ko sa kanya at titibay din ang pagmamahal niya
sa akin.
"LAHAT NG AYAW KO HUWAG MONG GAGAWIN"
"LAHAT NG AYAW MO HINDI KO GAGAWIN"
Hangang ngayon, sa tagal ng aming pagsasama
sa bawat naisin naming gawin ipapaalam namin sa isat-isa.
!
Sa pagmamahal...
Huwag mong gawin ang isang bagay na ikagagalit niya.
Ikaw ang unang rumespeto sa kanya
Ikaw ang unang umunawa sa kanya
Ikaw ang unang magmalasakit sa kanya
Ikaw ang unang mag pakita ng awa sa kanya
Huwag mong hintaying ibigay niya ang mga bagay na kaya
mong ibigay sa kanya. Yang mga bagay na yan ang mahirap
niyang makita sa iba asahan mo hindi ka niya ipagpapalit.
Minsan nagtampo siya sa akin, sinabi ko lang sa kanya na
ayaw ko ng nagtatampuhan tayo ng matagal, yon lang hindi
na muling naulit.
!
Isang bagay lang ang kahit ayaw ko pero wala akong
magawa, pag kumalabit, kahit ayaw ko wala akong magawa.
Sigurado wala akong almusal, walang sinangag,
''MAGSANGAG KA MAG ISA MO!!''
!
Pero.. pag napagbigyan mo naman pati mga manok maaga
pa krooookotokotok may almusal agad.
!
Yan din ang kabilin-bilinan ko sa tatlo kong anak
dala-dala nila sa kanilang isipan ang mga bagay na ayaw ko
kaya lumaki silang dala nila kung anong pagkatao meron
kaming mag asawa.
!
Ang panganay kong anak na babae na ngayoy
Assistant Manager sa isang pwesto sa aming bayan,
at ang pangalawa kong anak na lalaki na magtatapos
na sa darating na marso ng kursong Criminology
at ang bunso kong anak na nagmana sa akin ng
mga katarantaduhan at nasa kanya na lahat ng katigasan
ng ulo at kapilyuhan buwisit!

7 comments:

Arvin U. de la Peña said...

hanga ako sa tatag ng relasyon niyo..pinanindigan niyo talaga ang sumpaan niyo ng kayo ay ikinasal na habang buhay ay magsasama..madami na ring kasi ang ikinasal tapos ay naghiwalay pagtagal..

Joel said...

huwaw! salamat sa payo jettro, paniguradong magagamit ko to para tumatag pa ang relasyon namin ng gf ko.. salamat ulit

Cryptomillions said...

sana ganito kami.dati oo, walong taon din na ganito.pero ngayon may pinagdadaanan na...may nakasira ng tiwala... haaayy.

roshane said...

Thanks for this meaningful advice kuya..how nice to read na ang inyong relasyon ni ate eh almost perfect...at least now i have an idea kung pano nga ba maging successful ang isang relasyon....ipapabasa ko ito sa mga nakakarami..

ROM CALPITO said...

salamat sa inyo sa pagbisita at sa pag comment god bless sa inyong lahat.

@roshane salamat din ha balik ka uli dito.

cha said...

naka relate ako sa sulat na ito dahil kaming mag asawa malayo sa isat isa, pero may tiwala at respeto sa isat-isa.mahal na mahal namin ang isat-isa may dalawa kaming anak.mabuhay ang bawat familya!na may paninindigan sa buhay.

ROM CALPITO said...

hi cha salamat sa pagbisita at sa pag comment mo tc/gb cha

whew nahirapan akong hanapin itong comment mo hihihi buti nakita ko dito thanks cha.

Photobucket