Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Thursday, 13 August 2009

PAG AARAL


Noong nasa high school pa lang ako, kapag kasama ko
ang mga kaibigan ko, kabarkada nakakalimutan ko ang
lahat dahil minsan ang sarap sa pakiramdam kapag
kasa-kasama mo na ang mga kaibigan mo, kabarkada mo.
Hindi mo na naiisip kung ano ang bukas, basta ang mahalaga
yung ngayon na kasama mo sila.
Madalas yan din ang isang dahilan kaya naliligaw tayo
ng landas. Nawawala ang konsentrasyon natin sa pag-aaral
dulot ng impluwensya ng kabarkada.
!
Noong bata palang ako at kapiling ko pa ang aking ina
madalas niyang sinasabi sa akin.. "Anak mag aral kang mabuti
para pag nakatapos ka madali kang makahanapng trabaho."
"Mawala man kami kaya mong buhayin ang sarili mo
Noon... dahil dala ng ating kabataan hindi
ko masyadong inintindi ang bilin sa akin ng aking ina.
Hangang sa nawala ang aking mga magulang, unti-unti
nakakaramdam ako ng hirap mabuhay, hangang sa bumalik
sa aking ala-ala ang bilin sa akin ng aking ina, Totoo
ang kanyang sinabi, kailangan natin ang may natapos dahil
ito ang magiging sandata natin pagdating ng panahon.
Bagamat maraming hadlang, maraming balakid, maraming
pagsubok ang dadanasin bago mo makamit ang makapagtapos
ng pag-aaral. Dahil dala ng aking determinasyong makapagtapos
lahat ng paraan ginawa ko hangad ko lang na makapagtapos
kahit mababang kurso lamang. Kumuha ako ng
mga mababang kurso na kailangan sa paghahanap buhay.
Kumuha ako ng BASIC SEAMAN COURSE, HEAVY EQUIPMENT
OPERATOR, MACHINE SHOP, AUTO MECHANIC,
AUTO ELECTRICITY, GMAW/SMAW WELDING
BUILDING ELECTRICITY W/ APPLIANCE SERVICING
!
Sa tulong ng aking determinasyon na makapag tapos,
Sa tulong ng pag aalala dulot ng kahirapan,
Sa tulong ng pagdarasal,
At sa tulong ng payo ng aking ina na ang pag aaral
ang siyang gabay natin tungo sa kaginhawaan.
Narating ko ang kinalalagyan ko ngayon
Dalawa sa natapos ko ang nagamit ko sa paghahanap buhay
!
Hindi hadlang ang kahirapan para makamit
mo ang iyong minimithi.
Walang hadlang kung nanaisin mo talagang makamit
ang isang bagay na nais mong marating.
Ikaw din ang makikinabang sa bandang huli.
!
Tandaan mo...
KUNG MAY NATAPOS KA... LAMANG KA SA ILANG
LIBONG APLIKANTE NA HINDI NAKATAPOS.

24 comments:

Eli said...

So true kaya super excited na ako pumasok sa skul sa oct. Nung hayskul ako ganun din kahit may exam kinabukasan super jamming parin with friends tapus magrereview a few minutes before the actual exam ayun bagsak. share ko lng.

Superjaid said...

tama ka dyan kuya, kaya nga nagpapasalamat ako dahil ung mga nakasama ko nung high school ay di lang mabubuting kaibigan, mabubuti at masisipag pang estudyante, kaya di ako napariwara..Ü

ROM CALPITO said...

kaya tandaan nyo mga ate kung hindi man ninyo mapagtagumpayan yang unang pinili ninyo na kurso huwag kayo titigil hangat wala kayong natapos kahit vocational course. yang mga kinuha ko 6 moths, 3 months, 2 moths meron pang one month.

salamat elay and superjaid sa pagbisita at sa comment.
ate jaid salamat sa award ilagay ko pag may time na.

Hari ng sablay said...

pare andami mo palang natapos,teka mga kaklasi mo ba mga yan?hehe

tama lahat ng mga sinabi mo pare,nanggaling din kami sa wala pero ngayon npatapos ako ng mga magulang ko,mrami na akong utang sa kanila kailangan ng bayaran,hehe

ROM CALPITO said...

@parekong sablay puro vocational lang parekoy para tapos kaagad sariling sikap kc pre pinagsabay ko pa yung iba jan iba sa umaga iba sa hapon. naglalakad pa ako jan walang pamasahe.
salamat parekoy sa pagbisita at sa comment.

Jepoy said...

Nakakainspire ang mga entry mo. Parati talaga ako na tatats. Encouraging at sagad sa buto ang iyong point. Alam mo bang galing din ako sa pamilyang iginapang ang pagaaral ko dito sa Maynila. Nabaon kame sa utang para lang mapag tapos kameng mag kapatid sa magandang paaralan dahil 'yun ang gusto ng magulang ko kasi nga wala naman silang lupain at kayamanan na maipapamana sa amin kung hindi EDUKASYON lamang. At sa awa ni papa Jesus naka graduate naman kameng mag kapatid at nag tratrabaho kahit kakapurit ang kita. Minsan nilalabas ko sa jollibee si Mama at Papa ko para ma feel nila na hindi sayang ang pagod nila sakin.

Ang ganda ng sulatin mo talaga nakaka encourage :-D

Anonymous said...

onga naman. education is the best gift :D well, next to life. hehe..

gege said...

grabe! sobra akong tinamaan nito. sa parteng... MARAMING PAGSUBOK para MAKAPAGTAPOS. graduating student na po ako... psych major po, sa sintang paaralan. (PUP). this coming tuesday may big event kaming pinaghahandaan, ang GROUP seminar. isa po ako sa speaker and about labor union topic ko. by sunday dapat tapos na namin lahat! waaah! what do i mean by lahat? mula sa invitation hanggang sa power point presentation ng talk ko... at hanggang certificates at mirienda sa professors namin. wooOOOh! kakaiyak isipin lahat. pero gagawa na lang ako ng gagawa. para MATAPOS! at tiyak akong MAKAKAPAGTAPOS! bilib po ako sa determinasyon nyu... kaya ako din!!! magsisikap. at sa tulong narin ng pagdadasal! pay for US! :))

kuya jettro, kung may alam po kayung mga links about labor union SHARE nyu naman po. mga links kung san mapapalawak pa ang kaalaman ko about the topic.

SALAMAT!!!

:))

patola said...

tama ka kuya... dapat tiyaga lang para magkaroon ng magandang kinabukasan... maswerte ako kasi pinag aaral ako ng magulang ko sa isang pribadong paaralan kaya naman dapat patunayan ko na karapatdapat ako sa edukasyon na bigay nila...hehehe...


pero kasi,.. ang tanong ko... nandyan ka ba sa picture? sino ba ang mga yan kuya? ahahahahaha

laureen said...

Dudugo ang ilong ko dito.tagalog na tagalog2.Bisaya kase ako.ha!ha!anyway,I totally agree sa lahat nang sinabi mo..

ROM CALPITO said...

salamat ng marami pareng jep nakkatuwa at binibigyan mo din ng kasiyahan mga parents mo salamat sa comment jep

@chikletz salamat letz sa pagbisita

@Gege sumgot na ako sa cbox mo ge salamat sa pagbisita

@patola haha wala ako jan npulot ko lang yang image na yan salamat sa pagbisita

Louie said...

what you say is true pero brod tumingin ka nman sa brite side mahirap maging bitter lalo ka lang ma hihirapan sa buhay even if you have everything. ex-link you like?

Louie said...

brod masyado ka yatang bitter relax enjoy chill! isa lang pupuntahan nating lahat sa ending hehe...

ROM CALPITO said...

brod louie alam ko yan

ang pinararating ng post ko ang mag encourage sa mga kabataan na huwag balewalain ang pag aaral.
sana makuha mo ang mensahe ng post ko brod. salamat sa pagbisita

sure cge xlink tayo

Meryl (proud pinay) said...

i agree..basta may determinasyon tayo na kaya natin ang isang bagay makakamit natin ito...at kailangan maabilidad din tayo. congrats sa iyong narating ngayon. mabuhay ka! ^_^

Arvin U. de la Peña said...

ayos ang sinulat mong ito..ok nga ang pag-aaral..pero kung nakatapos ka nga ng college pero sa pag-apply mo ng trabaho ang mga kasabayan mo ay pawang sa mga sikat na university nag-aral..palagay mo ba ay magagamit pa ang natapos mo..iyan ang hirap dito sa atin kasi karamihan na dapat pagtrabahuan ay mas binibigyan ng priority ang mga galing sa sikat na university..di pantay pantay ang trato sa bawat aplikante..iyon lang ang masabi ko..what if tapos ka nga ng kurso pero ng makagraduate ka ang edad mo ay halimbawa 27 na..eh karamihan na agency hanggang 25 lang ang tinatanggap..may age limit kasi..kaya nga iyon ang reason bakit madami ang walang trabaho kasi di na maka apply dahil lampas na ang edad sa limit..

ok ang post mo na ito..pasensya na nasabi ko iyon..sinabi ko lang ang realidad sa mga ganun na nakapagtatapos nga pero nahihirapan mag apply lalo na kung ang mga nakasabayan ay mula sa isang sikat na paaralan..

ROM CALPITO said...

slamat mher sa pagbisita
god bless you mher

@marvin slmat din sa pagbisita

SEAQUEST said...

yah, totoo yan kuya kaya ako can afford man pag aralin ng mother ko sa sarili kong sikap naging determinadao akong makapagtapos ng pag-aaral hindi man kilala ang unibersidad na pinagtapusan ko pero masasabi kong im proud to be dahil nakakaya kong makipagsabayan at makasma sa trabaho silang mga gradweyt sa mga kilalang unibersidad dito sa pinas para sa akin nasa personalidad lang yan kung gusto mo talagang umasenso at magtagumpay sa buhay...Nice one again kuya Jet..Godbless

bea trisha said...

haha..correct!
kaya dapat mag-aral!

pilitin makapagtapos hanggat kaya!

Meryl (proud pinay) said...

halo jett. bumisita ako ulit

bea trisha said...

hello po..(not in relation with the post..hehe)
di ba po sabi nyo magtaning lang po kung may mga tanong po ako abt blogging, ask ko lang po sana pano po ba ilagay sa side mg blog ur award?para di na maalis..haha..thanks po!

bizjoker-of-the-philippines said...

jettro, pareho rin tayong nagmahal ng sobra sa kaibigan at barkada. Pero nagmahal din ako ng sobra sa utos ng magulang ko..kaya sa pagsisikap niya nagtapos ako sa takdang oras..with flying colors.. ganun din ang mga barkada ko..

Sa pananaw ko, ang struggle ay hindi nagtatapos sa pagtanggap ng diploma, katapusan lang ng isang chapter yun.. ang susunod ang pakikipagsiksikan sa paghanap ng trabaho.

Sa chapter na ito, galing naman sa diskarte at tatag ng loob.. hindi ako naniniwala na kilalang school lang ang priority...nasa diskarte yan. Dito kailangan ang masipag at hindi self-pity.

hanga nga ako sayo..dami mong tinapos.. kasi minsan nakakatamad na mag aral pag nakatapos ka na ng isang course.

Alamin dapat natin ang nais nating maabot - lugar man, position man o materyal na bagay... saka natin diskartehin ang daan kung paano maabot yun gamit ang kung ano mang edukasyon meron tayo o kahit sariling talento.

Malapad ang mundo at mahaba ang panahon kung di natin aaksayin..kund hindi uubra sa isa talon naman sa susunod...kung wala sa Pinas baka nasa abroad.

Ilang araw lang pagpaplano, and the rest gugulin na natin sa implementation ng plano..

Ang ganitong entry dapat nababasa ng high school students kasi buhay na patotoo ito.

kaya ko nandito sa Afghanistan...kakaunti ang may gusto sa gera e...so konti kompetensya...

ROM CALPITO said...

salamat bizjoker totoo yang mga sinabi mo.

salamat seaquest, bea and laureen sa pagbisita

whitepaige said...

tama po kuya jetro kailangan tlagang sumunod sa mga magulang kasi pag nandoon kna sa sitwasyun dun k plang mka2isip n tma pla ung cnbi nila..huhuhu

Last Blog's..Combines Two Faces Into One!

Photobucket