Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Wednesday, 5 August 2009

ANO ANG DAPAT BAGUHIN


Panahon nanaman ng botohan, panahon nanaman ng
bigayan ng mga opinion tungkol sa kalidad ng kani-kanilang
mga paboritong pangulo or senador.
Minsan nag-iisip din ako, pero.. hindi ko iniisip kung
sino nga ba ang iboboto ko.
Kadalasan, aminin man natin o hindi ang nangyayari sa atin
meron tayong kanya-kanyang hinahangaan kung sino ang
nararapat na iboto natin. meron tayong kanya-kanyang
manok. Madalas isinisigaw natin ang pagbabago, isinisigaw
natin ang kahirapan ng ating bansa dahil ayaw na natin
sa mga taong naka upo. Madalas bukang bibig natin ang
kailangan naman ngayon ay ang bagong uupo para mabago
na ang takbo ng buhay natin sa pinas.

Kung para sa akin...
ANO BA ANG TUNAY NA MAKAKATULONG
PARA GUMANDA ANG BUHAY NATIN SA PILIPINAS?
Merong nagsasabi na... hindi magaling ang naka upo.
SINO BA ANG MAGALING?
Yun bang bago uling presedente baka sakali merong pagbabago?
YAN BA ANG TUNAY NA MAKAPAGPAPABAGO
NG BUHAY NATIN SA PILIPINAS?
Kailangan ba yung puro nalang tayo pagbabakasakali?
Kapag nakaupo na yung pinili natin... gaganda na ang buhay natin
sa pilipinas? Sa dami na ng umupo sa ating pamahalaan.. Halos lahat
matatalino, wala paring nangyayari sa ating bansa.
Marami paring naghihirap, at lalo lang tayong naghihirap.
!
Para sa aking pananaw.. hindi ang pagpili ng kandidato
ang ''TUNAY'' na mag papaginhawa sa ating pamumuhay.
Ako sa sarili ko... wala akong pinipiling kandidato.
Wala akong pinapaboritong pulitiko. Dahil hindi ako naniniwala
na ang tunay na mag aahon sa atin sa hirap ay yung mag
palit ng mag palit ng mamumuno. Pare-parehas lahat yan!
Ikumpara natin sa sarili natin..
Paano mo ba mailalagay sa ayos ang sarili mo?
Mailalagay natin sa ayos ang sarili natin pag... Nakita mo ang
kakulangan sa buhay mo, Maisasa ayos natin ang sarili natin
pag nakita mo sa sarili mo ang mga maling ginagawa mo.
!
Tulad ng kaibigan ko.. sinasabihan niya ako...
"Pare dapat ganito ang gawin mo para gumanda ang buhay mo."
"Pare ito pa ang mga kakulangan sa buhay mo."
Sa pamamagitan ng mga turo sa akin ng kaibigan ko
naisaayos ko ang buhay ko.
Dito sa korea halos wala kang makitang pulubi,
halos wala kang makita na namamalimos,
lahat sila may pera.. dahil halos lahat sila may trabaho.
!
TRABAHO ANG KAILANGAN!
HINDI ANG PAGBABAGO!
!
Tulad din yan ng pagkapangulo.. kahit anong talino ng isang
tao hindi parin niya nakikita ang ibang bagay na makakatulong
sa pag unlad ng mamamayan. Kailangan pa rin nila ang tulong
natin. Isigaw natin sa kanila ang kakulangan nila
Isigaw din natin sa kanila ang mga kamalian nila.
Ano ba ang isinisigaw ng damdamin mo?
Ano ba ang kailangan mo sa buhay mo?
Ano ba ang gusto mong mabago?
Ang buong pilipinas ba? o Ang buhay mo?
Gusto mo ba maiahon sa hirap ang pilipinas?
o gusto mong maiahon sa hirap ang buhay mo?
Kadalasan ang isinisigaw mo ang magpalit na ng presedente
Kadalasan isinisigaw natin ang pagbabago ng sistema ng gobyerno
Kadalasan isinisigaw natin iahon sa hirap ang pilipinas
Hindi yan ang hingin natin... "TRABAHO" ANG ISIGAW MO
Huwag tayong humingi ng pagbabago... "TRABAHO" ANG HINGIN MO.
Iyon ang isigaw mo sa pangulo para mamulat sila sa pagkukulang nila.
ANG TAO ANG NAGHIHIRAP, HINDI ANG PILIPINAS!
Kaya ka naghihirap dahil wala kang trabaho
Wala kang pambili ng bigas.
Hindi kailangan ng mga naghihirap ang kahit anong
sistema ng gobyerno, ang kailangan nila trabaho.
!
SINO BA ANG GUSTO MONG BAGUHIN?
!
ANG PRESEDENTE BA O ANG BUHAY MO?
!
SINO BA ANG NAGHIHIRAP?
ANG PILIPINAS BA O ANG TAO?
!
HANGANG NGAYON UMAASA KA PA BA NG PAGBABAGO
HANGANG KAYLAN?
TRABAHO ANG HINGIN MO HINDI ANG PAGBABAGO.

15 comments:

2ngaw said...

Nasan ang trabaho brod? Meron bang maibibigay ang gobyerno sa taong di man lang nakapag aral dahil sa kahirapan? meron bang trabaho para sa kanilang pinanganak na mahirap na?

Kung meron, uuwi ako ng Pinas at pipiliting baguhin ang aking sarili para sa ikakaganda ng Pinas..tutulong pa ako sa mga mahihirap para makaya nila ang trabahong ibibigay sa kanila ng gobyerno..

ROM CALPITO said...

korek ka jan parekoy

tulad nga ng sabi ko ang isigaw natin sa pangulo bigyan ang lahat ng trabaho iyon ang pagkaisahan sana nating mga pilipino kahit iyan lang ang unang hilingin natin sa pangulo ang trabaho

kung ang bawat pilipino iisa ang iisisigaw "TRABAHO" MAGBIGAY KAYO NG TRABAHO. palagay ko matatauhan ang kahit sinong naka upo.

cguro nababasa natin madalas sa internet man o sa babasahin iba-iba ang isinisigaw ng mga kababayan natin. meron yung sumisigaw na "bumaba ka na diyan" meron naman yung "baguhin yung sistema ng pulitika" at marami pang iba.

Isa lang nman talaga ang pangunahing kailangan ng mga pilipino para mkaahon sa hirap ang kawalan ng hanapbuhay.

tulad ng sabi mo parekoy lord ASAN YUNG TRABAHO--- KUNG MERON MAN UUWI KA NA SA PINAS.

yan din yung pinupunto ko isa lang sana ang isigaw natin ang MAGBIGAY NG TRABAHO ANG GOBYERNO. kahit ako uuwi narin kung may magandang hanapbuhay sa pinas.

sabi ko nga parekoy.. hindi ang pagpalit ng pagpalit ng namumuno ang kailangan natin kundi ang trabaho. may aral man o wala magbigay sila ng trabaho. hindi ang pagbabago ng pilipinas ang kailangan natin kundi trabaho.
salamat parekoy lord sa comment at sa pagbisita

2ngaw said...

Alam mo kung meron nga lang sa Pinas na trabahong tulad ng nakukuha natin sa abroad na malake ang pasahod...mag-i-stay na lang talaga ako sa Pinas eh, masubukan ko pang makatulong sa iba...

Kaso, wala!!!wala na tayong maasahan sa gobyerno..sana nga meron pa

The Lady in Green Ruffles said...

tama ka. pero minsan kelangan din nating tulungan ang gobyerno..

ROM CALPITO said...

totoo yan parekoy lahat tayo nangangarap ng maka uwi at sa atin nlang magtrabaho.

kaya nga nagtataka ako minsan sa mga kapatid natin. bakit ang kadalasang idinadaing nila ang pagbabago ng sistema ng pilipinas, bakit ang kadalasang isinisigaw nila palitan na ang pangulo, bakit ang isinisigaw nila yung ayaw nila yung klase ng sistema ng pulitika natin.

bakit ayaw nilang isigaw yung BIGYAN NINYO KAMI NG TRABAHO.
Kung para sa akin lang parekoy bago nila baguhin ang pilipinas baguhin muna nila ang buhay nila.
huwag nilang ibuhos ang isip nila kung paano ba mababago ang pinas
kung paano ba papalitan ang presedente.dapat ang isipin nila kung paano ba mababago ang buhay nila para mkaahon sa hirap. para sa akin hindi ko na kailangan kung sinong nka upo ang kailangan natin yung trabaho di ba parekoy.

kahit sinong umupo, kahit anong klase ng sistema gobyerno natin, kahit anong klases ng pulitika natin.
kung hindi sila magbibigay ng trabaho walang asenso sa buhay. yung may pera lang ang mapapalad.

dito sa korea lahat may trabaho kaya wala kang mkikitang magnanakaw,snatcher,akyatbahay,pulubi,namumulot ng basura, lahat sila dito may trabaho basta may trabaho sila hindi n nila iniintindi kahit anong klase ng sistema ng gobyerno nila.

ROM CALPITO said...

salamat sa pagbisita miss lady in green

tama ka kailangan tulungan din natin ang gobyerno
pero sa nakikita ko po
tayo ang dapat na tulungan ng gobyerno. hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong itulong sa gobyerno. di ba tayo ang dapat na tulungan miss lady in green? dahil tayo ang naghihirap?

salamat po sa comment ninyo
iisa lang nman ang hangarin nating lahat ang pagbabago. ang pagbabago ng pamumuhay.

Joco said...

Jettro dapat din talaga tayong mag isip kung pano tayo makakatulong sa gobyerno, kasi kahit ako hindi ko na din maisip kung sino ba talaga ang iboboto ko, parang pare pareho na lang sila na mahilig magpayaman..

ROM CALPITO said...

totoo yan parekoy joco
kung para sa akin wala talaga akong pinipiling presedente basta kahit cno ok lang sa akin.

isa lang ang gusto ko iparating sa kanila bigyan na sana nila ng pansin ang mahihirap bigyan nila ng trabaho.
salamat parekoy joco

Anonymous said...

dati nasabi ko na sa isang entry ko na lagi na lang sigurong hindi magkakasang ayon ang mga tao sa gobyerno at ang mga taong madla. sa palagay ko ay habang walang pagbabago, walang trabaho.

Hari ng sablay said...

wala pa rin akong alam iboto sa eleksyon pero kung kakandidato ka pare iboboto kita totoo yun. pengeng isang libo,lols biro lang

sa korea ka pala,pkikamusta mo nalang ako kay sandara park dyan,hehe

aasenso pa ang pinas maniwala kayo,di lang natin alam kelan,hehe

ROM CALPITO said...

thanks chikletz sa pagbisita

@parekoy hari haha parekoy wala me hilig sa pulitika. si sandara mlayo dito sa amin parang manila cebu.
sana nga umasenso na ang pinas pero sana mga kapatid muna natin ang umasenso parekoy sana magkaroon na ng trabaho ang lahat.

Meryl (proud pinay) said...

Tototo marami sa ating mga kababayan ang walang trabaho kaya minsan nakakapag isip ng gawaing masama o di naman kaya'y nangingibang bansa. Kailangan talaga ng bansa natin ang trabaho. pero kung minsan din naman may ilang mamamayan na kahit na nandyan ang trabaho di pa kunin dahil tamad ...

Kailangan makipagtulungan ang pangulo sa mamayan at vice versa.

gem said...

Napakaganda ng iyong saloobin sa post mo. Kailangan ng Pilipinas ang trabaho, yan ang sagot sa naghihirap nating bansa.

ROM CALPITO said...

salamat meryl sa pagbisita at sa comment totoo yang cnabi mo kailangan ituon ang pansin sa mga mamamayan napakarami na sa atin ang naghihirap.

salamat din sa pagbisita at sa comment kasamang gem akala ko wala ng makakaunawa sa mensahe ng post ko. napakasimple nman talaga
bakit hindi makita kung ano ba talaga ang kailangan natin. di ba trabaho ang kailangan ng lahat. kaya naghihirap dahil walang pera, bakit walang pera dahil walang trabaho, kaya hirap ang ibang kapatid natin. Sana iyan ang isigaw nating lahat.

Salamat muli gem

Yen said...

Me point ka jan jet. Pero kelangan pa din natin ng gobyerno dahil sila ang nagsisilbing pondasyon sa isang bansa,Malaki ang ginagampanan nilang papel sa pagbibigay ng kabuhayan sa atin. Kug maayos ang sistema ng ating gobyerno di mahihirapan ang mga Pilipino makahanap ng trabaho. Kumpara sa ibang bansa na gaya ng nabanggit mo. Di kasi ganun ka talamak ang corruption sa gobyerno nila kya nabibigyan ng wastong atensyon ang mga nasasakupan nila.Dito sa atin sa atin ang mga taong mismong nakaupo sa gobyerno ang unang lumalabag sa batas.(ewan ko ba exempted yata sila sa batas, baka na ratify na ang constitution natin ng di natin nalalaman).Sa kabilang banda, di lang naman dapat ibato lahat ang sisi sa ating gobyerno. Dapat din nating isipin na biling Pilipino meron din tayong mga responsibilidad na dapat gampanan sa ating bayan. Kung gusto tlga natin ng pagbabago umpisahan natin sa ating mga SARILI.

Photobucket