Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Monday, 29 June 2009

SUGAT


Isang binatilyo ang narinig kong sumisigaw na parang nagagalit,
nilapitan ko siya at tinanong ko kung bakit siya nagagalit
pinagsabihan daw siya ng nanay niya,
dahil pinagsabihan , sumagot din siya ng pabalang.
Sabi ko sa binatilyo..
Sa susunod sa tuwing nagagalit ka kumuha ka ng 10 pako
at ibaon mo yung kalahati sa puno,
sa tuwing nakakaramdam ka ng galit isa-isa mong ibaon yung pako sa puno.
Pag humupa na yung galit mo
isa-isa mo uling bunutin yung mga pako na ibinaon mo sa puno,
pagkatapos balikan mo ako.
Makalipas ang ilang araw pinuntahan ako nung binatilyo
"kuya nabunot ko na yung mga pako na ibinaon ko sa puno"
Ganon ba? Halika puntahan natin,
Nakikita mo ba yung butas na pinagpakuan mo?
oo kuya, Yan yung sugat na iniwan ng galit mo..
Kung ang masakit na salita na bibitiwan mo sana sa iyong mga magulang
maka ilang ulit ka mang mag sorry
pero yung sugat na ibinigay mo sa kanila
mananatiling sugat sa kanilang damdamin.
Sa bawat salita na makakasakit sa damdamin
may katumbas na sugat na maiiwan sa kanila.
Kaya yang galit mo... sa susunod huwag mong itutulad sa pako!
Iniwan ko na yung binata na nakatitig sa sugat na pinagpakuan niya ng pako.
Habang siyay nabubuhay
hindi niya makakalimutan ang isang halimbawang iminulat ko sa kanyang isipan.

13 comments:

poging (ilo)CANO said...

nice post bro!

magbigay galang tayo sa ating magulang dahil malaki ang utang na loob natin sa kanila. sila ang nagpalaki sa atin at nagturo ng magagandang asal.

hanggat maaari, wag nating silang saktan para walang sugat na maiiwan sa kanilang damdamin.

Jepoy said...

Huwaw! Short and sweet at very meaningful ang entry mo Sir. I agree with you.

If we don't have something good to say better shut up and walkout mag hanap ng puno at isaksak ang pako doon :-D

Keep up!

Anonymous said...

ayos yan ah.. hehe.. ako takot ako sa mga magulang ko eh. lalo sa nanay ko kasi lam ko kahit tama ako pag galit sya eh mali pa din ako. haha!

2ngaw said...

Hindi lang para sa ating magulang to pre, para sa lahat ng malapit sa atin o mahal natin, o kahit sa kaaway pa natin...matutong mag kontrol ng galit...

SEAQUEST said...

"Anger is a sort of madness and the noblest causes have been damaged by advocates affected with temporary lunacy,when anger rises think of the consequences."

Joel said...

aray ko po, tinamaan ako dun uh.. hindi naman ako palasagto talaga sa magulang ko pero minsan parang napapataas ang boses ko, tama ka nga na kahit mag sorry ako ay hindi na din mawawala yung sakit na nagawa ko sa kanila.. salamat sa pagbubukas ng mata ko tungkol dito..

jhengrey said...

ouch tinamaan din ako dun.. alam ko nakalikha ako ng malalim na sugat sa aking ama sa mga panahong hindi ko na kayang kimkimin ang mga hinanakit ko sa kanya kaya nailabas ko ang galit ko kanya pero pinagsisihan ko na ang nagawa kong pagsumbat sa kanya sa pagiging iresponsableng ama nya sa amin..Nagsisisi ako sa nagawa ko dahil gaano kalaki ang pagkukulang nya batid kong utang ko parin sa kanya ang buhay ko dhil cya ang aking ama.sa ngaun bumabawi nako sa mga pagkakamaling nagawa ko sa pamamagitan ng pagpapadama ng aking pagmamahal sa kanya.. batid kong hindi man mabubura ng panahon ang sugat na nilikha ko sa kanya ngunit nagpapasalamat parin ako dahil ang sugat na un ang nagsilbing daan upang magbago ang aking ama at narealized nya ang mga pagkukulang nya sa aming mga anak nya..

lenz said...

alam naman natin masama ang sumagot sa magulang..

tama lang na igalang ntin sila, sa tuwing sasagot tayo sa kanila ay sinusugatan natin sila..

ROM CALPITO said...

ang gaganda nman ng mga sinabi ninyo talagang nasa puso prin natin ang pagiging anak natin. totoo hangat maari huwag nating saktan ang damdamin nila. mas mabuti ano man ang galit na nararamdaman natin sa kanila mas mbuting tumahimik nlang wala pang masasaktan. hindi lang sa mga parents natin kahit sino sa mga mahal natin huwag nating sasaktan ang damdamin nila hindi baleng tayo na lang ang masaktan huwag lang tayo ang mananakit. depende lang siguro kung sobra ang kasalanan nila.

naku salamat po sa mga comment ninyo at sa pagbisita dito sa hangout hindi ko na po iisa isahin magpaparamdam na lang ako sa inyong mga hangout. god bless po sa lahat.

Hari ng sablay said...

kala ko nkakatawa,seryoso pala,hehe

naks naman inspiring.galing naman nun pre,susunod gagawin ko ipapako ko nalang sa bumbunan ko mga pako,lols

Hari ng sablay said...

kala ko nkakatawa,seryoso pala,hehe

naks naman inspiring.galing naman nun pre,susunod gagawin ko ipapako ko nalang sa bumbunan ko mga pako,lols

Ching said...

ayossssss ahhh hehehe di na ako magalit.... peace lang lagi..

nice post may aral....

ching

Dhianz said...

ahlab d' post. so true. nakaukit na sa puso 'ung sugat. kaya nemen pag galit eh try na munang hwag ibuka ang bibig kc usually bad ang lalabas dyan... palipasin muna hanggang nasa normal state of mind nah. then that's when u react. kaya we all should be careful on wat we gonna say. ingatz. Godbless! -di

Photobucket