Thursday, 21 May 2009
TAKBO
Nagkaroon kami ng outing ng mga kaibigan ko sa isang probinsiya.. magkakasama kaming nagtampisaw sa ilog, sama-sama kaming kumain sa gitna ng palayan, ang sarap noh? walang puwang ang kalungkutan sarap ng bonding namin. Hagalpakan ng hagalpakan parang ayaw nyo ng matapos ang araw na iyon dahil minsan lang mangyari ang makapasyal sa malayong lugar. Presko ang hangin, tahimik, nakakawala talaga ng stress sa buhay.
Bandang hapon sama-sama kaming nagkakantahan, may nag gigitara halos lahat kami kumakanta, may umiinom pati mga gurly umiinom narin ng ladies drink. Pagkatapos naming kumain ng hapunan konting kuwentuhan pa uli hangang sa makaramdam na nga kami ng antok. Kanya-kanya na kaming pwesto ng higaan, komo medyo may kaliitan yung bahay na tinutulugan namin.. sala-salabat ang higaan namin. Katabi ko yung lalaki na ngongo, ang hilig pang mag kuwento kung wala lang akong utang dito hindi ako magtsatsagang makinig dito eh. Lasing na nga siya.. ngo ngo pa.. lalong na ngo ngo. jus ko po! galit pa sa akin, hirap ko daw umintindi.
Alam nyo ba? sabi nitong si ngo ngo pag si susan daw ang kumandidato ng pagka presidente ''kantutan daw kami''. Ha!!! Nagulat ako.. kantutan daw kami... yon pala kay susan kami. Sus!!
Sabay-sabay na kaming natulog, dahil nga masikip ang higaan halos magkadikit na yung mukha namin ni ngo ngo. Alas tres ng madaling araw pagtagilid ko humarap ako sa mukha ni ngo ngo nakita kong nakatitig siya sa akin, dilat na dilat siya sa akin. Pumikit ako pagdilat ko nakatitig parin sa akin, ang ginawa ko tinampal ko ng bahagya yung mukha niya.. hindi siya gumalaw.. tinampal ko uli.. pakiramdam ko parang tumigas yung mukha ni ngo ngo.. ginalaw ko mukha niya.. patay na pala yung katabi ko at nakadilat pa! ''Susssss koooooooooo! takboooooooooooooooooo nahawakan ko paaaaaaaaaa!!!!
Biro nyo katabi mo patay pala.. nakdilat pa!
Iinom po muna ako ng tubig..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
totoong story ba yan?? wahh!
ha ha ha oo naman po! napangiti mo ako don ah!
Thanks miss chikletz sa comment
nakakapraning naman yan... yikes. haha!
mahirap kalimutan, ikaw kaya.. ano kaya gagawin mo kung sakali miss chikletz? ha ha ha ang lakas cguro ng sigaw mo noh?
burnika_27@yahoo.com
natawa ako sa story nyo ni ngo ngo manong... akala ko pang comedy ito un pala pang horror! hahahaha!
Post a Comment