Eto nanaman ako upang magbigay nanaman ng konting paliwanag tungkol sa usaping.. IBAT-IBANG RELIHIYON. Tulad ng madalas kong sinasabi opinion lang po ito. Hindi ko masasabing tama ako at hindi ko din masasabing mali ako. Basta ang alam ko ibinabahagi ko lang ang kakarampot kong utak sa inyo. (lol)
Hindi kaila sa ating lahat na ang pilipinas ang isa sa pinakamaraming relihiyon. Bakit nga ba tayo may kanya-kanyang relihiyon? Ano ba ang pagkakaiba ng bawat relihiyon? Kung magsimba ka ba sa isang grupo ng relihiyon hindi ka ba nila tatangapin? Bakit ka kaya hindi nila tatangapin? Bakit kaya hindi ka pwedeng magsimba sa kanila? Dahil iba ba ang kanilang diyos? Ang diyos ba kaya ay namimili kung anong relihiyon ka kasanib? Di ba ang dahilan naman talaga nating lahat ay ang magsimba at magsisi at humingi ng kapatawaran kung nakagawa ka man ng kasalanan at magbalik loob sa ating panginoon.
Bakit ang bawat relihiyon ay nag sasabing mali ang turo ng ibang relihiyon? Kailangan ba ng relihiyon upang maging mabait ka? Kung hindi na kailangan.. bakit pa natin mamili ng relihiyon? Dahil iyan ba ang nakamulatan natin? Madalas ko nakikita sa isang istasyon ng tv ang walang humpay na siraan ng bawat isang relihiyon. Bakit kailangan pa nilang magsiraan? ano... agawan ba ng kostomer? Para mas marami ang pumunta sa kanila? Para mas marami ang kikitain dahil sa kontribusyon? Ikaw... kung nakapagsimba ka ba sa kanilang relihiyon.. luluwag na ba ang pakiramdam mo? bakit? Ano ba ang sinabi mo doon? Nagdasal ka ba? humingi ka ba ng tawad? Naglakad ka ba ng paluhod? Umiyak ka ba habang humihingi ng tawad? Di ba ang alam nating lahat na... kahit saan ka mang lugar na naroroon pwede kang manalangin, pwede kang humingi ng tawad, dahil ang panginoon ay nandiyan lang sa ating tabi. Tama po ba?
Hindi po ba natin napapansin ang sinasabi ng mga pastor o pari ay.. magsimba po kayo sa ating simbahan. Bakit? Bakit kailangang pumunta pa tayo doon sa simbahan? diyan lang ba pwedeng manalangin? Bakit diyan tayo laging pinapupunta? dahil.. andiyan po yung tinatawag na ''SALOK'' ng mga barya.
Hindi po kaya natin naiisip na tayo ay ginagawang kasangkapan lamang ng mga grupo ng relihiyon? Dahil kumikita sila sa atin? at ang instrumento o ang paraan nila para kumita ay ang gamitin nila ang panginoon. Sino at anong grupo ba ang sikat? Anong relihiyon ba ang maraming sinasabi nilang kapanalig? yan yung relihiyon na naglalakihang mga tahanan at naglalakihang mga paaralan. Meron na ba kayong nabalitaan na... simbahan nag donate ng pera sa mga mahihirap? Para kasi sa akin wala pa akong nabalitaan na simbahan nagdonate ng pera sa mga nasalanta ng kalamidad.
Kung tama ako o mali... Binahagi ko lang kung ano ang nalalaman ko.
Opinion lang po ito.. kayo parin ang masusunod saan man ninyo naisin. Kayo ang hari ng sarili ninyong desisyon.
Salamat sa pagbabasa.
5 comments:
oh well i think its because they are trying to look for the inner peace that they are looking for and in the end.... they end up following certain beliefs and religion .. its not wrong as long as it come out that it shows in their life what they beliefs in but if they use the religion to divide people that's were the line need to draw .. cuz its not for the good purpose its obvious that's a selfishness objective...for individual or a group which create partition to other believers...
SALAMAT PO MR/MISS ANONIMOUS SA COMMENT.. GOD BLESS PO SA INYO.
Ibat ibang relihiyon,kung tutuusin maganda rin sana kung marami dahil marami tayong pagpipilian at pakikinggan na mga salita ng Diyos ayon sa magandang balita ng Biblia(o aral ng Diyos).ang sumisira minsan sa atin ay yung sobra na tayong nagiging panatico sa iisang paniniwala,(kahit katoliko ako nakikinig din ako sa aral ng ibat ibang Christian denomination ADD, INC,JIL naattend din ako sa mga Prayer Meeting ng iba iba pang grupo pero hindi ko tinatalikuran ang pagiging Katoliko ko dinadagdagan ko yung mga aral tungkol sa Diyos na hindi ko natutunan sa pagiging Katoliko.)nakakalimutan na natin minsan na ang magliligtas satin ay hindi si POPE, ELI SORIANO, FELIX MANALO, EDDIE VILLANUEVA, VELARDE, tayo ay naliligtas sa araw araw at pinagpapala dahil sa sarili nating pananampalataya sa Panginoon Diyos sarili nating relasyon sa Kanya hindi sa kung sino sinong leader na kibibilangan nating denomination...(YUNG MGA KINIKILALA NATING LAHAT NA MGA PASTOR NATIN O POPE LAHAT SILA MAYAMAN NA, YUMAMAN DAHIL SA PAGGAMIT NG SALITA NG "DIYOS".IBANG IBA SILA KAY JESUS CHRIST, NANGARAL "SIYA" NG SALITA NG DIYOS, PARA MAILAPIT ANG MGA TAO SA DIYOS AMA, AT NAGING KAPALIT NITO AY "BUHAY NIYA" HINDI NG KARANGYAAN SA BUHAY GAYA NG MGA KINILALA NATING MGA LIDER NA MGA NAGSASABING "SILA ANG DAAN"...KAYA PAKATANDAAN NATIN LAGI NA ANG NAGLILIGTAS AT NAGBIBIGAY NG GRASYA SA ATIN AY ANG SARILI NATING PANANAMPALATAYA AT PAGSUNOD SA KALOOBAN NG DIYOS...
oo pre! bakit ba kailangan ng relihiyon?. pareparehas nmn tau na nagkakasala nag darasal humihiling.. pare parehas nmn tau naniniwala... daming aral na pinag kakaiba satin... akoy katoliko mga pre pero hindi lhat ng gingwa ng katoliko ay ginagawa ko rin... yung ibang labis na o sumosobra na na dahilan upang mapamali ang paniniwala ay hindi ko na sinusunod kahit katoliko ako. welcome din nmn ako matuto ng aral na cnsabi ng bibliya. pinapakinggan ko nmn kung tama ang cnasabi o tinuturo ng ibang relihiyon... oo meron kaming pag kakamali.. na nasa kanila ay tama... meron silang pagkakamali n nsa iba nmn ay tama.. pero bakit hindi na lang makuntento na sundin mu ang paniniwala mu... bkt kailangan pang sumanib sumapi mag paconvert papunta sa kanla?... bkt karamihan ng relihiyon dito ay nagsasabing maconver o sumanib sa kanila?... dahil ba kung hindi tao kauri nila ay di tayo maliligtas?... bkt ba? anu ba meron sa relihiyon na kailangna pang magagawan kung saan ka aanib. . . hindi ba pwede na gumawa ka ayon sa yong paniniwala... bsta gumawa ka ng tama, manalangin maniwala ka at iwasan mung gumwa ng kasalanan... hindi k p rin ba maliligtas kung khit na ganun ka kabuti... gat di ka kaanib sa kanila... di p ba sapat yun????
agree ako sa mga sinabi ninyo mga kabayan raymal and brother anonymous tama yung sabi mo eto i-quote ko...
''bsta gumawa ka ng tama, manalangin maniwala ka at iwasan mung gumwa ng kasalanan... hindi k p rin ba maliligtas kung khit na ganun ka kabuti... gat di ka kaanib sa kanila... di p ba sapat yun????
tama yan basta gumawa tayo ng tama at iwasan ang kasalanan sapat yan upang maging mabuti tayo sa paningin ng panginoon yaman lang at hindi pa kontento ang mga relihiyon sa ganyang sistema dahil ang gusto nila sasanib tayo sa kanila upang makalikom ng barya mula sa atin. kahit ako brother katoliko ako pero marami akong hindi sang ayon sa paniniwala ng katoliko khit ng alin mang relihiyon basta ako hindi gagawa ng kasalanan sa kapwa at manakit ng damdamin ng kapwa sapat na sa akin yan. hindi ko na kailangang makinig or magbasa ng bibliya. kahit mismo sa bibliya hindi ko makuhang maniwalang salita ng diyos iyan asan ang pagpapatunay na salita nga ng diyos iyan di ba brother. kung salita ng diyos iyan bakit iba-ibang version ang mga bibliya ng bawat relihiyon alin ang totoo? ang totoo niyan ang bibliya ay gawa nalang ng tao. minsan kc may mga kbabayan tayo na naniniwala sa mga bagay na hindi napapatunayan. nakasarado ang isip sa maling paniniwala nakasunod sila sa paniniwala ng ibang tao. sabi nila ang bibliya ay salita ng diyos naniwala na sila. asan ang pagpapatunay di ba? tinubos daw ni kristo ang kasalanan ng sanlibutan paano niya tinubos? pinako lang nman siya sa krus dahil siya ang itinuro ni hudas ayon sa storya ng pelikula. paano tayo tinubos?
salamat brother anonymous sa mganda mong paliwanag sang ayon ako sa mga sinabi mo. salamat sa pagbisita at pagbabasa tc/gb
Post a Comment