Sunday, 4 January 2009
OVERSEAS FILIPINO WORKER / OFW
Pinatutunayan nating mga ofw na kayang pantayan o higitan ang kakayahan ng ibang lahi. At tunay namang nakikilala tayong mga pilipino sa buong mundo. Hindi lang sa galing, talino kungdi dahil narin sa husay na pakikisama or pakikisalamuha sa ibat-ibang tao. Sa pakikipagsapalaran nating mga ofw.. hindi lang mga papeles
ang inihahanda upang makarating o mapaglabanan ang ibat-ibang hamon ng buhay. Kundi kailangan din nating ihanda ang ating mga sarili sa mga pagsubok na kakaharapin. Tibay ng loob, emosyonal, pisikal o spiritual bago matupad ang ating mga
pangarap na makapag trabaho dito sa ibang bansa. Mahalaga ding alalahanin natin ang mga bagay na maaring makatulong upang mapaglabanan ang mga pagsubok upang maipakita
ang kagalingan natin bilang mangagawa. Kailangan din nating mga ofw ang lawak ng pang uunawa at haba ng pasensiya.
Kailangan din nating maging matalino sa paghawak ng salapi. Kailangang isaalang-alang natin sa ating isipan ang apat na bagay tungo sa ikagaganda ng ating pamumuhay. Ang pagtsatsaga, pagtitiis, pakikisama at pag iipon. Yan ang mga bagay na
makakatulong sa ating mga ofw. Sa bawat araw na lumilipas maraming luha ang nawawala sa atin katumbas ng pangungulila natin sa ating mga mahal sa buhay... sa ating asawa, sa ating mga anak, sa mga magulang, at mga kapatid. At sa panahong nauubos.
Hindi biro ang makipagsapalaran sa ibayong dagat. Hindi din biro ang mawalay ka ng mahabang panahon sa iyong pamilya.
Lahat tayong mga ofw... iisa ang ating hangarin kaya tayo nag titiis na lumayo sa ating pamilya at sa ating bayan. Ang hanapin ang kapalaran, mahango at makawala sa tanikala ng kahirapan. Sana... ang lagi nating isipin.. Sa aking pag babalik sa
ating inang bayan at sa ating mga pamilya.. Meron na tayong mga ngiti at maipagmamalaki sa ating mga anak na nag bunga ang lahat ng ating paghihirap at pagtitiis. Mag karoon ng kapalit ang bawat luhang pumatak at mag karoon ng magandang bukas ang ating mga anak. Sa ating pag babalik dala mo ang ang katatagan na maipag mamalaki mo sa iyong pamilya at masasabi mo sa kanila na... ANDITO NA AKO... HINDI KO NA KAYO IIWAN.
Para sa mga kapatid kong ofw...
Wala ng hihigit pa... Sa kaligayahang kapiling na natin ang ating mga mahal sa buhay.
Lagi nating pakaiisipin na... Kay sarap ng umaga lalo nat kung ikaw ay gising.
Tanghali maligaya kung ikaw ay may makakain. Ang gabi ay mapayapa kung mahal sa buhay ay kapiling.
KAY SARAP NG BUHAY.. LALO NAT ALAM MO NA KUNG SAAN PAPUNTA!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment