Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Sunday, 4 November 2012

ANG TUNAY NA DAHILAN

Bakit nga ba nag hihiwalay ang dalawang mag asawa? Ano ang pangunahing dahilan ng pag hihiwalay ng mag asawa? Maraming dahilan ng paghihiwalay ng dalawang nagsasama hindi ko na iisa-isahin dahil alam na natin ang mga dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag asawa at ang isa sa mabigat na dahilan ng paghihiwalay ay ang pagkakaroon ng tinatawag na 3rd party. Pero bakit nga ba nagkakaroon ng 3rd party? Lalaki man o babae umaabot sa ganyang sitwasyon pero ano nga ba ang mabigat na dahilan kung bakit nagagawa ng bawat isa ang pagkakaroon ng ibang minamahal? Marami ang nagsasabi at pangkaraniwang dahilan na ng tao ay ang salitang "love" "nagmahal lang kami", "tao lang kami na marunong din magmahal". Ano naman ang dahilan kung bakit nagmamahal tayong muli? Syempre andyan yung idadahilan natin na iresponsable ang asawa ko, andyan naman yung idadahilan na bungangera ang asawa ko maraming pwedeng idahilan na pwedeng itago ang tunay na dahilan na sa isang banda wala naman tayong panahon para imbistigahan pa natin ang tunay na katotohanan sa kanilang mga dahilan at wala naman sa kahit sino ang aamin ng tunay na dahilan. May mga tao pa ngang kumakaliwa kahit wala naman talagang malalim na dahilan kung bakit pa sila kumakaliwa kahit nga ang ibang nagsasama na walang masamang dahilan nagagawa paring kumaliwa, iisa lang naman lagi ang panakip butas na dahilan ng milyong-milyong tao sa ganitong sitwasyon ang bukang bigbig na.. "nagmahal lang kami". "Pagmamahal" ang palaging dahilan at pagmamahal ang pantakip sa tunay na nararamdamang libog. Sa tingin nyo.. bakit pa nagagawang kumaliwa ang mga taong wala naman talagang masamang dahilan para magawa at pagtaksilan parin nila ang kanilang asawa, kahit nga alam na nila ang problemang idudulot ng gagawin nilang pangangaliwa pero patuloy parin nilang nagagawa. Bakit nga ba? Matagal kong pinag aralan ang bagay na iyan tulad ng sinabi ko sa itaas may masamang dahilan man o wala pero nagagawa parin nila ang kumaliwa. Iisa lang naman talaga ang dahilan "sex" o "kalibugan" ito ang tunay na dahilan ito ang katotohanang ikinukubli sa mga pangkaraniwang idinadahilan ng tao ayaw lang kasi nilang pulaan sila ng tao... sex ang pangunahing ugat ng paghihiwalay ng mag asawa. Kung ang asawa mong babae ay nag kulang sa pangangailangan asahan mo hindi ito makakaiwas sa tukso at tawag ng pangangailangan kahit pa sabihin na nating anong bait ng kanyang asawa. Sa panig naman ng lalaki sigurado ito rin ang pangunahing dahilan ng pangangaliwa niya ito ang katotohanang ikinukubli ng kanilang kasinungalingang "nagmahal lang ako", "tao lang akong naghahanap ng tunay na pagmamahal". Alam ko marami ang mag re-react dahil ang tao likas ang kasinungalingan, kahit sang ayon sa sinasabi mo pilit paring mangangatwiran nature na kasi ng tao ang kasinungalingan at nature narin ng tao ang hindi pagtangap sa katotohanan. Sino ba ang taong kayang umiwas sa sex? maari maiiwasan kung hindi niya kursunada yung tao. Kaya nga ang taong nangingibang bansa na nagkakawalay ng maraming taon doon nila malayang nagagawa ang hindi dapat ginagawa at doon natin maririnig ang madalas na dahilan ng tao "umibig lang ako". Kung may pagkakataong gumawa gagawa at gagawa lalot napakaraming pagkakataong pwedeng gawin at malayang gawin.

10 comments:

fatima aquinofatimaa said...

morning alam u po mali naman ung sinasabi ninyo pag nandito sa ibang bansa malaya n ang nagawawa....OFw din po ako...3 years n ko dito...at bout sa sex..kung satingin mo alang nakakaiwas jan..mali ka po>>>ako po un<<tionkzzzz madaling iwasan kng gusto...mahirap tanggagihan kng gusto din nasa isip lng ng tao yan...pding libangin ang sarili..sa ibng bagay hindi lng jan..we're happy here n sa church namin nilalaan ang holiday namin..minsan mas like ko pang mag kulong sa room at matulog kasya gumala sa labas para sa day off hehehehe cenxa n na kikicomment salamat po

ROM CALPITO said...

salamat kabayan fatima sa pagbisita ok lang kung nag share ka ng opinion mo nakikinig nman din ako ng opinion buhat sa iba.. ayon lang nman iyan sa 16 yrs ko na pagtatrabaho sa ibang bansa ayon din iyan sa mga nkikita ko.. kung sinasabi mo na mali ako sa sinabi kong walang nkakaiwas sa sex maaring nasasabi mo iyan dahil sa 3 yrs mo plang nman dyan sa malayo.. may mga araw k pa at taon na haharapin ang tawag ng pag ibig para makontrol mo na hindi k mkakagawa.. sana nga kabayan heheh

ROM CALPITO said...

salamat kabayan fatima sa pagbisita ok lang kung nag share ka ng opinion mo nakikinig nman din ako ng opinion buhat sa iba.. ayon lang nman iyan sa 16 yrs ko na pagtatrabaho sa ibang bansa ayon din iyan sa mga nkikita ko.. kung sinasabi mo na mali ako sa sinabi kong walang nkakaiwas sa sex maaring nasasabi mo iyan dahil sa 3 yrs mo plang nman dyan sa malayo.. may mga araw k pa at taon na haharapin ang tawag ng pag ibig para makontrol mo na hindi k mkakagawa.. sana nga kabayan heheh

Anonymous said...

Hindi ako sang ayon sa dahilang SEX ang pangunahing dahilan ng paghihiwalay ng isang magsing irog.. Kc kung mahal na mahal TALAGA nila ang ISA'T ISA.. hinding hindi sila gagawa ng ikakasama ng loob at ikasisira ng relasyon nila.. May mga point kc sa buhay na nagpapakasal nlang dahil sa bata. Output nun conditional ung love na tinatawag.. Kaya habang lumilipas ang panahon.. Nakakakilala pa rin c boy/girl ng sa tingin nila at pakiramdam nila true love na talaga ung nagiging 3rd party sa kanila.

Anonymous said...

Hindi ako sang ayon sa dahilang SEX ang pangunahing dahilan ng paghihiwalay ng isang magsing irog.. Kc kung mahal na mahal TALAGA nila ang ISA'T ISA.. hinding hindi sila gagawa ng ikakasama ng loob at ikasisira ng relasyon nila.. May mga point kc sa buhay na nagpapakasal nlang dahil sa bata. Output nun conditional ung love na tinatawag.. Kaya habang lumilipas ang panahon.. Nakakakilala pa rin c boy/girl ng sa tingin nila at pakiramdam nila true love na talaga ung nagiging 3rd party sa kanila.

ROM CALPITO said...

salamat po miss or mister anonymous sa inyong pagbabasa at sa pagbibigay ng opinion dito sabagay may katotohanan din naman po ang opinion ninyo maaaring ganyan nga kadalasan o maaring ganon din sa mga sinulat ko... minsan kasi may mga nakikita ako o nababalitaan na lalo na ang mga lalaki na tulad ko haha hindi nakakaiwas sa tukso o sa tawag ng pangangailangan lalo na kung may kagandahan hirap kontrolin ang nararamdaman hanggang sa lumalim na ng lumalim ang pagsasama. salamat po miss or mister anonymous hintayin ko pa po kayo sa ibang post ko

Anonymous said...

Minsan kasi kaya nagkakaroon ng third party, dahil hindi makuntento sa partner, or talagang may pagkukulang si partner na hindi maibigay.

ROM CALPITO said...

salamat kaibigang anonymous sa pagbisita at pagbabasa.. maaring tama ka sa iyong paniniwala.. maaring kadalasan na iyan ang pangkaraniwang dahilan na sinasabi ng iba.. yan lang naman talaga ang pwede nilang idahilan.. may mga tao na kapag nakakakita ng maganda ang kadalasang pumapasok sa isip nila ""ang ganda naman niya - ang sarap siguro tikman haha imposible naman na hindi sila gagawa ng hakbang para ligawan. sa babae kaya pag nakakita ng guwapo ano kaya nasa isip ng iba... ""sana ligawan ako nung guwapong lalaki"" hahaha

llessuR gilidiuQ said...

ang tukso naman po kasi ay naguugat saan? sa mismo nating kabiyak minsan po kasi dahil sa pagiging malamig ng ating kabiyak at madalas na pagtatalo eh nagdudulot ito ng galit sa ating mga puso upang magbigay sa atin ng lakas ng loob upang humanap ng ibang mababalingan/makakaramay sa ating mga dinadala ..

ROM CALPITO said...

ok salamat naman at naii-share din ninyo mga paniniwala ninyo hindi ko naman hinahadlangangan ang paniniwala ng kahit sino alam ko naman na may kanya kanya tayong opinion... para sa akin binabase ko lang naman sa mga nakikita ko na halimbawa kahit anong pagsubok ang dinadanas ng mag asawa o magkasintahan wala talagang makakahadlang sa kanilang pagsasama kung talagang may pagmamahalan... di ba minsan na kadalasan paano kung may naging kaibigan yung lalaki na kasing ganda ni rica paralejo makaya kaya niyang kontrolin ang kanyang sarili na hindi matukso sa ganung kagandang babae? o hindi kaya bumigay yung babae sa ganung ka-guwapong lalake... siguro sasabihin ng ibang nagmamalinis ""oo hindi po ako ganun"". Imposible!