Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Monday, 31 October 2011

DIVORCE

Nais kong ibahagi ang kakarampot kong nalalaman ukol dito sa matagal ng pinag uusapan nating mga pilipino ang diborsyo. Kung ako ang tatanungin.. Ayokong isabatas ang diborsyo dito sa pilipinas? Hindi ako pabor dito.

Bakit?

Dahil ang unang - unang maaapektuhan nito ay mga kababaihan, mga kababa ihan dahil mahihirapan na silang buhayin ang kanyang anak. Ang pangalawang maapektuhan nito ay ang mga bata dahil mapipilitan na silang iwanan ng kanilang ina dahil obligado na ang mga kababaihan na humanap ng hanapbuhay upang meron siyang ibubuhay at ipapaaral sa kaniyang mga anak. Kahit sabihin pa nating magbibigay ng sustento ang kanilang ama gasino na lang ang kayang isustento ng isang ama. Baka pagdating pa ng araw matigil narin ang binibigay na sustento lalo't kung wala narin siyang trabaho. May mga nagsasabi bakit sa ibang bansa pinatutupad ito.. kung ihahalimbawa ko sa bansang korea hindi problema sa korea ang humanap ng mapapasukan dahil dito sa korea ay gobyerno ang nagbibigay ng trabaho sa tao. Kahit wala kang pinag aralan bibigyan ka ng trabaho, kahit nasa edad 35 or 60 ka bibigyan ka pa rin ng trabaho hanggat kaya mong mag trabaho. Paano kung sa pinas ito ipatupad ang diborsyo.. Paano na ang mga babaeng nasa edad 35 pataas? Sino pa ang kompanyang tatangap sa kanila? Ang katwiran ng ibang pabor sa diborsyo pwede naman daw mag abroad ang babae.. Paano kung walang yaman ang pamilya ng babae paano siya makapag abroad? Paano kung nasa edad 40 na iyong babae? sino pa tatangap sa kanila eh samantalang ultimong POEA halos ayaw mag paalis ng nasa edad 35 pataas. Kung halimbawang pinalad na makaalis ang babae papuntang abroad para mag trabaho.. saan niya iiwan ang kanyang mga anak? Sa mga magulang ba niya? Paano kung matatanda na ang mga magulang ng babae? Makakaya pa kaya nilang alagaan or subaybayan ang mga bata? Mapipilitan dahil kailangan ng ina ng mga bata na maghanapbuhay kahit mapariwara ang mga bata wala na siyang magagawa.

Kung sa mga mayayaman.. ok lang kahit magkaroon ng diborsyo dahil meron silang yaman para ibuhay sa kanyang mga anak, kahit hindi mag trabaho yung babae kaya niyang buhayin ang kanyang anak. Paano yung wala?

Kung ngayon na libo - libo ang mga kababayan nating mga lalaki ang walang trabaho at halos walang mahanap na trabaho.. kung maisasabatas pa iyang diborsyo magiging doble na ang mga pilipinong walang trabaho. Kung iyong isang libo nga na hindi kayang bigyan ng trabaho ng gobyerno paano kung doble pa sa isang libo. lalong dadami ang mga batang hindi makakapag aral ng maayos, hindi maalagaan ng maayos, dadami ang mga kabataang mapapariwara dahil wala ang kanilang ina na magsusubaybay sa kanilang paglaki.

Kung yung iba ay hindi na magkasundo sa kanilang pagsasama at wala ng ibang paraan kundi ang maghiwalay.. kayo nalang ang maghiwalay kung hindi kayo magkasundo huwag na ninyong idamay ang ibang maapektuhan ng diborsyo. Sa aking pananaw.. iba na kasi kung legal ang diborsyo mas madaling magdesisyon na hiwalay lalo na ang mga kalalakihan na sa konting diperensya hiwalay agad ang solusyon. Hindi katulad ng wala ang batas na diborsyo hindi agad - agad na makakapag isip na hiwalayan agad.

Kung sa akin bilang lalaki.. mas pabor sa akin dahil may paraan na para mag iba - iba ako ng asawa.. Pero hindi ako sumasang ayon dahil iniisip ko rin ang kahihinatnan ng kapwa ko lalo na mga kababaihan.

Doon sa mga pumapabor sa diborsyo huwag sana dumating sa buhay mo na balang araw na magkaroon ka ng 4 na anak na babae at hiwalayan silang lahat ng kani - kanilang mga asawa sa iba't - ibang dahilan upang maramdaman mo kung paano mag alaga ng lahat ng apo mo lalo na kung matanda ka na. Wala kang ibang sisisihin kundi sarili mo dahil isa ka sa pumirma para maisabatas ang diborsyo sa pilipinas.

3 comments:

Roy Cortez a.k.a. Otackore said...

Sa aking opinyon:

Sa aking opinyon, di naman na nangangahulugan na maiiwan ang anak sa panig ng kababaihan. Pwede namang iwan sa lalaki ang mga anak. Binabase iyon sa kapasidad ng dalawang panig. Naiiwan lang naman sa kababaihan ang bata dahil natural na mapagmahal ang mga inang katulad nila. Gusto nila sa kanila mapunta ang mga bata.

At di rin naman nangangahulugan na may anak na sila bago pa man iproseso ang diborsyo.

May punto ka rin naman, ngunit iba't-iba ang mga kaso kung bakit humahantong sa paghihiwalay ang mag-asawa, KABILANG lamang ang iyong mga nabanggit. E paano kung binubugbog ang babae ni lalake, tanga lang ng babae kung tiisin n'ya pa ang pangbubugbog nang dahil nakasakal sila sa sagradong sistema ng kasal. Meron naman ginagahasa ng lalake yung anak na babae, yung asawang babae susunod pa rin ba sa sistema?

Tingin ko'y wala namang masama kung ipapatupad sa Pilipinas ang diborsyo, nasa tao iyon kung aabusuhin nila ang "batas ng paghihiwalay". Ang hirap kasi sa mga di-sang-ayon sa diborsyo pinangungunahan nila na ang pag-iisip ng mga tao basta-basta lang ang paghihiwalay. Di ang batas ang may-mali, ang taong gumagamit ng batas ang makapagsasabi kung ito'y naaayon sa kinahinatnan ng kanilang buhay. At kung abusuhin man ito ng mga tao binabasta-basta lang ang paghihiwalay, may their soul rest in hell.

ROM CALPITO said...

salamat sa pagbisita dito kabayan at sa makatotohanan mong komento.. kung mamarapatin mo nais ko rin magbigay ng konting pananaw.. totoo tulad ng sabi mo paano naman yung mga babaeng nabubugbog.. sa kaso ng mga nabubugbog meron naman tayong barangay or sino ang may karapatan para bumoo ng kasunduang kung nais na nilang mag hiwalay pwede naman silang maghiwalay sa bisa ng kanilang mapagkakasunduan. sa madaling salita sa mga babaeng naagrabyado lang ang maaring makaisip ng paghihiwalay hindi ang buong pilipinas apektado sa kanilang paghihiwalay. hindi katulad ng merong batas na devorce na sa konting diperensya divorce na kaagad ang pumapasok sa isipan mas madaling magdesisyon ang tao. mas madali nilang gawan ng malaking problema ang maliit na problema dahil sa inaasahan nilang batas na pagtatagumpayan lalo na ng mga lalaki. sa mga lalaki iyan na ang magiging sandata nila para magkaroon sila ng pagkakataong magpalit ng bago dahil alam nilang may divorce. kahit ano pa ang maging problema ng dalawang mag asawa ang tunay na magiging kawawa parin ay ang mga babae. ano man ang kahihinatnan ng pag uusap oras na mag divorce na maliit man or malaking dahilan iisa ang patutunguhan pahihiwalay kawawa parin ang mga kababaihan. tulad ng sabi ko.. paano na siya makakahanap ng trabaho niya lalo na kung may edad na at may kahinaan. iba parin ang magiging dating sa tao kapag napagtibay na ang divorce. mas madali ng mag isip at mag desisyon ang mga kalalakihan.

www.jettroshangout.blogspot.com said...

tulad ng sabi mo sa mga naging problema ng mag asawa may mga babae mang nakakaranas ng hindi maganda sa lalaki nasa kanila nalang ang desisyon na maghiwalay na kahit barangay captain ay binigyan ng kapangyarihan para ipatupad niya at bigyang bisa ang paghihiwalay ng mag asawa sa madaling sabi sa mga apektadong mag asawa lang mabibigyan ng pagkakataong maghiwalay hindi ang buong pilipinas. Meron akong kaibigan ang madalas niyang sinasabi "kung may devorce lang matagal ko ng dinivorce ang asawa ko" pansinin mo.. Hindi pa naisasabatas may nagplaplano na. Habang umiikot ang mundo bawat oras may pagbabago dahil sa hindi maipatupad ang divorce nagkaroon ng pagbabago ang pananaw ng kakilala ko "ngayon ayaw na niyang hiwalayan ang kanyang asawa dahil nakita na niya ang kahalagahan ng ina ng kanyang mga anak. Paano kaya kung naipatupad na noon pa yang divorce? Baka noon pa sila naghiwalay ng kinakasama niya. Hindi na nagkaroon ng pagkakataong magbago ng pananaw yung lalaki.

Photobucket