Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Friday, 6 August 2010

MGA NATUTUNAN KO SA MGA NAKALIPAS

Naglalakad kami ng kaibigan ko nakasalubong namin yung isang kakilala rin namin na pilipino pinansin ng kasama ko ang kasuotan ng lalaking nakasalubong namin. Sa madaling salita sumagot yung lalaki.. ''Anong paki-alam mo sa buhay ko?'' Minsan mahirap kontrolin ang reaction ng isang tao na kung hindi mo kayang kontrolin makakapagsalita ka ng hindi maganda. Salitang hindi katulad ng isang lapis na kung nagkamali ka maari mong burahin sa pamamagitan ng pambura. Sa loob ng ilang segundo mabibitiwan mo ang mga salitang dulot ng reaction mo na hindi na kayang burahin ng panahon.


Ano ang gusto mong ipakitang image mo sa isang tao?
Meron akong nakilalang tao mga ilang araw ayaw na niyang makipag-usap sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Palagay ko kahit sino sa atin sa unang pagkakakilala ninyo hindi ka maaring makagawa ng kasalanan sa isang tao kung bago lang kayong magkakilala. Iisa lang ang sumagi sa isipan ko ang tinatawag nating ''Bad impression'' sa iyo ng isang tao. Napakahalaga ang bawat kilos at pananalita natin sa isang tao kung paano mo makikita ang first impression ng ibang tao sa iyo na kung hindi mo bibigyang halaga baka hanggang sa dulo ng mundo hindi parin maalis sa isang tao ang anumang impression na magiging dahilan ng kanyang paglayo. Sa pamamagitan pa lang ng kilos nagkakaroon na ng bad impression ang isang tao bukod sa salita. Mahirap hadlangan ang hinala ng isang tao na nagiging masama para sa iyo, minsan.. mas masama ang imahinasyon kaysa sa riyalidad, mga maling idea ng tao sa iyo. Pinakamabisang paraan para maiwasan ang bad impression ng isang tao sa iyo panatilihin mong maging tahimik at kumilos lang ng maayos dahil minsan ang tao madaling manghusga.



Photobucket

5 comments:

darklady said...

hi, salamat nga po pala sa pagdalaw sa blog ko.

sabi nga nila kung ano ang first impression nila yun na din ang huli.

Leah said...

Sabi nila.. "Your past makes you fit for the future, so appreciate your past during your present." Ano daw??Ang lalim.. hehe! Nakuha ko lang yan sa quotes anonymous.. ewan.

Anyway, punta rin po kayo sa blog ko. Kapag magustuhan nyo, follow nyo po ko ha.. salamat.. :)

http://neneleah30.blogspot.com

JETTRO said...

hi miss darklady salamat din sa pagbisita at sa comment po tc/gb


Miss leah
salamat sa din sa pagbisita at comment cge papasyal ako sa page mo sunod din ako sa followers mo tc/gb

Anonymous said...

Bok !!!Sa aking palagay Hinde natin makokontrol ang sasabihing or iisipin ng tao satin base sa kung ano man ang nakikita nila satin pero makokontrol natin ang ating kilos at galaw para makapagbigay sila or mag isip sila ng maganda tungkol satin.. so kailangan maging guarded tayo sating salita kilos at gawa sa lahat ng oras ..yun lamang pow salamat Bow!!!!~lol

JETTRO said...

korek anonymous agree ako sa sinabi mo kailangan pino sa lahat ng bagay para makuha ang magandang imprssion ng isang tao. salamat bok naaamoy kita, isa kang seafoods musta na bok pangabi ako.