Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Tuesday 30 March 2010

PINAY SCANDAL

PINAY SCANDAL

Sa panahon ngayon, halos buong mundo na ang gumagamit ng internet, halos dito sa internet natin makikita o mababalitaan ang ibat-ibang klase ng tinatawag na scandal. Kung pamilyang tao ka lalaki man o babae masasabi kong isang kasalanan sa diyos at sa iyong asawa ang iskandalong ginawa mo, pero kung dalaga or binata ka na nasuong sa tinatawag na iskandalo eto para sa iyo ang isusulat ko.

Ang aking ibabahagi sa inyo ngayon ay ang salitang scandal na naging maugong sa ating mga tenga mula pa noon hanggang sa ngayon. Alam ko, lalo na tayong mga pilipino pag nakarinig o nakakabasa tayo ng mga tinatawag na scandal ay labis tayong naalarma. Minsan masyadong interesado tayo pag nakakarinig tayo o nakakabasa ng mga ganitong kuwento o balita dahil minsan likas sa atin ang pagiging tsismoso at tsismosa ha ha ha pasensiya na sa salita ko pero... ganyan naman talaga tayo minsan di ba?

Kahit ako noon pag nakakarinig ako ng salitang scandal inaamin ko naalarma din ako at nagkakaroon ng interesado sa mga ganitong usapin. Basta scandal ang unang-unang pumapasok sa isipan ko sex agad, maaring ganon din kayo aminin man natin o hindi iisa ang iniisip natin. Ang poste kong ito ay pinamagatan kong pinay scandal hindi para ipakita o magpakita ng mga video o larawang hubad, ginawa ko ito para sa pagpapalawak narin ng ating isipan. Alam ko marami ang masasabi kong sasalungat dito sa aking mga isasalaysay dahil minsan magkakaiba tayo ng pananaw. Maaring hindi ninyo ako maiintindihan sa aking ipapaliwanag dahil minsan ang iba sa atin nakasarado ang isipan sa mga bagay na nakasanayan. Minsan ang iba sa atin masasabi kong hindi pinagagana o hindi pinalalawak ang kaisipan at pang-uunawa. Likas kasi sa tao ang mapanghusga at mapanglait sa kapwa.

Alam ko.. sa ating mga pilipino likas sa atin minsan ang pagpapahalaga sa tinatawag na kahihiyan. Pero kung ating iisipin, bakit mo iisipin ang kahihiyan? Bakit... sila ba nagpapakain sa iyo? Bakit sila ba bumubuhay sa iyo? Ano ba paki-alam nila sa buhay mo di ba? Dito sa mundo sa panahon ngayon kanya-kanya na ang buhay ngayon, kanya-kanya tayo ng diskarte sa buhay, kanya-kanya tayo ng isipan, kanya-kanya tayo ng paraan kung paano magiging masaya. Ang kahihiyan ay nasa tao nalang kung pahahalagahan mo ang kahihiyan.. ikaw ang maapektuhan, pero kung babalewalain mo at iisipin mo ano ba pakialam ninyo sa buhay ko. Pare-parehas lang tayong tao, kung magmalinis kayo gawin nyo huwag na ninyo akong asahan na makikitang katulad ninyo dahil magkakaiba tayo ng buhay, magkaiba tayo ng isipan.

Sa tagal kong pamamalagi dito sa korea marami akong naka usap na mga kaibigan kong koreano, nakita ko at nalaman ko ang ibat iba nilang pananaw tungkol sa sex or tungkol sa mga tinatawag na scandal webcam scandal or kahit na anong scandal, na... sa ating mga pilipino masyadong bentahe. Tinanong ko ang bawat koreano na kaibigan ko tungkol sa nangyaring scandal ng isang singer dito sa korea, halos iisa sila ng pananaw. Ang karamihan na sinagot sa akin ng mga kaibigan kong koreano ''OK LANG LAHAT NAMAN TAYO NAG SE-SEX, LAHAT NAMAN TAYO PARE-PAREHAS SA KAMA, LAHAT TAYO PARE-PAREHAS NA BASTOS PAGDATING SA KAMA, LAHAT TAYO PARE-PAREHAS ANG KATAWAN", ''LAHAT TAYO MASAYA SA GINAGAWA NATIN, BINATA KA OR DALAGA KA ANONG MASAMA SA GINAWA MO?

Pinag isipan kong mabuti ang kanilang sinabi, pinag isipan kong mabuti ang kanilang mga reaction sa mga sinasabi at reaction sa kanilang mga mukha. Nabanaag ko sa mga binibitiwan nilang mga salita at pananaw na hindi masyadong bentahe sa kanila ang mga tinatawag na scandal bagamat masasabi kong naging interesado lang silang panoorin ang nasabing video dahil sa kilalang tao ang apektado sa nasabing scandal pero... hindi ko nabanaag sa kanilang mga mukha ang reaction na inuuri o inaalipusta na nila yung taong naiskandal. Hindi ko maihahalintulad sa ibang pilipino na kung makarinig o makapanood ng scandal ang dami mong maririnig na kesyo ''YAN BUTI NGA SA IYO'' kesyo... ''KUNG KUMILOS NAPAKAHINHIN''. Masyado lang tayong nagmamalinis, pero... makasalanan ka rin.

Sa mga tao lalo na sa mga kadalagahan na nakakagawa ng tinatawag na scandal panindigan ninyo ang inyong ginawa, huwag tayong magpadala sa kahihiyan o sa mga sasabihin ng tao, ginawa mo yan ng ayon sa iyong sarili, ayon sa iyong isipan at ayon sa iyong ikakaligaya at pagpapaligaya sa iba. Hindi kasalanan yang ginawa mo mas makasalanan ang mga taong mapang-api sa kapwa, mapang-alipusta, magnanakaw, pintasero at pintasera. Sa ginawa mong scandal wala kang inaping tao, wala kang inalipusta, wala kang sinaktang damdamin ng tao o nag paiyak ng kapwa. Gawin mo ang mga bagay na nagpapaligaya sa sarili mo. Ginawa mo yan ng ayon lang sa iyong kasiyahan, huwag mong kitilin ang buhay mo humarap ka ng nakataas ang noo.



Photobucket

11 comments:

Azumi's Mom ★ said...

sa panahon ngayon, parang nagiging normal na ang scandal. At most if the time, sinasamantala at ginagawang hanapbuhay ang scandal.. may mga tao naman ay naghahanap nito.. wala na talaga privacy ang mga sikat na tao, minsan naaawa ako pero sabi nila, ganun talaga kapag public figure.. ang di ko naman gusto ay yung intentional scandal, para sumikat or mapag-usapan

ROM CALPITO said...

hi bambie totoo yang mga sinabi mo minsan ginagawang hanapbuhay ng iba kaya nga yung ibang tinatawag na scandal peke sinadya talaga ng mga nasa video na mag sex lagyan nalang ng title halimbawa ng mga name ng school para mabenta yung mga cd nila. meron din talagang tunay na scandal para pang blackmail sa mga gurly. kaya nga sa mga kadalagahan kung mangyari yan huwag silang mabahala kung i-pang blackmail so what kung makita nila lahat naman tayo ganyan di ba? lahat tayo parehas ng mga katawan. sa mga may partner na huwag ng gawin at huwag basta-basta magtiwala. hayyy thanks bamz sa pagbisita at sa comment ingat lagi bamz god bless

Unknown said...

hanggat may tumatangkilik sa mga scandal na yan. patuloy pong dadami yan.

Anonymous said...

waw.. ayos! ayos! ang bahay u.. lalo n ang blogroll astig! add u nmn aq hang kyut e! ahihihi..add n din kta ha ;) shalamat shalamat po :)

Ayie Marcos said...

Sa totoo lang, laging lugi ang babae sa ganitong sitwasyon eh. Bakit meron na bang lalaking na scandal? parang wala pa diba (unless lalaki rin yung kasama nya sa video).

Minsan ang problema nandun na rin sa mga nagpapalaganap at sa mga tumatangkilik.

ROM CALPITO said...

Hi kayedee salamat sa comment at sa pagbisita sige add kita sa blogroll ko tc/gb

@Ayie
totoo yan miss ayie lagi gurl ang kawawa pero kung halimbawang nangyari yan sa mga gurly humarap sila na nakataas ang noo sa tao huwag nilang dibdibin ang nagawa nila
hanggat wala silang sinasaktang damdamin ng iba.

ROM CALPITO said...

thanks pala ayie sa pagbisita at sa comment ha add kita sa blogroll ko tc/gb

SEAQUEST said...

Hello Kuya Jett, miss mo na ko noh, hehehehe..Nakibasa lang napadpad at nagawi muli sa iyong site...wish na makabalik muli dito at sa isa pa nating balitataktakang lugar na halos di ko na rin napapasyalan bz-bzhan lang kasi...anyway, muztah na lang Godbless

ROM CALPITO said...

hi ate seaquest susss sinabi mo pa hehehe busi-busyhan ka lagi eh musta na ate seaquest salamat at hindi mo nakakalimutang bumisita dito thanks ha tc/gb always

aldz said...

hay nku buhay tlaga ns isang tao kung minsan di mo akalain na may masama na plang binabalak sau o s lipunan. bastat sex scandal ang nasa icipan tlgang lumilipad at nakakaadik ung isipan nila. dapat kc dyan s nagpapakalat ng mga sex video na iyan ay bitayin para d n mkapag kalat uli cla ng sex video scvandal.

ROM CALPITO said...

hi aldz thanks sa pagbisita at sa comment mo ha tama yung sinabi mo dapat bitay sa mga ganyan wala kc ngipin batas natin puro pulpul ang nka-upo hayyyy tc/gb aldz

Photobucket