Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Wednesday, 5 September 2012

NAUUPOS NA KANDILA

May pamilya ako may apat na anak na nag aaral sa elementarya, sa high school at sa colledge. High school lang natapos ko, isa rin akong katulad ninyong may pangarap.. pangarap sa sarili, pangarap sa pamilya, pangarap sa mga anak, pangarap sa asawa, pangarap sa mga magulang at mga kapatid. Isa rin akong pilipino na naninirahan at nagmamahal sa ating bayan.

Naka upo ako sa harap ng aming barong - barong nag iisip nangangarap. Bilang ama nangangarap din ako ng maayos na pamumuhay, nangangarap din ako ng maayos na hanapbuhay. Sa paghahanap ko ng mapapasukan kailangan ko ng sedula, barangay clearance, police clearance, NBI clearance, sss number at hinanapan ako ng birth certificate doon pa sa NSO kukunin. Nagkatinginan lang kami ng asawa ko, pamasahe palang wala ng maiaabot sa akin ang aking asawa paano pa kaya yung mga babayaran sa requirements. Sinubukan ko rin maging kargador, sinubukan ko ring mamulot ng basura, lata.. oo maraming mapapasukan kung kaya din lang ng katawan ko papasukan ko ngunit hindi ganon kadali na pilitin mong kayanin ang hindi kaya ng katawan mo lalo kung ako nalang inaasahan ng pamilya ko. Habang lumilipas ang araw lalong sumisikip ang mundo ko at mundo ng aking pamilya dahil sa edad kong ito sino pa ang lalong tatangap sa akin. Paano na ang aking pamilya, ang aking asawa, ang aking mga anak, ang aking mga magulang, paano na ang aking mga pangarap, paano na ang mga pangarap ng aking mga anak, paano na ang kanilang pag aaral.

Ang buhay dito sa ating bayan ay punong-puno ng problema, punong-puno ng pasakit, punong - puno ng hirap, punong - puno ng luha. Tumayo ako sa aking pagkakaupo, humakbang ng isa, dalawa, tatlo at muli akong napa upo hindi ko na kaya.. wala na akong lakas upang lumakad, wala na akong lakas para buhayin ang aking pamilya, ang aking mga anak, wala na akong lakas para ipagpatuloy ang aming pamumuhay at wala na rin akong lakas para lumaban sa gutom na nararanasan wala na rin akong lakas na lumaban sa mga taong nais na muling sumakop sa ating inang bayan. Tulad ninyo pilipino rin ako na nagmamalasakit at lubos na nagmamahal sa ating inang bayan.

Pilipino rin ako na nagmamalaki at taas noo na nagsasabing "im proud to be a pilipino". Pero sa pagiging pilipino ko.. para akong nauupos na kandila unti-unting hinahatak ng lupa.


Sa aming mahal na pangulo sana.. mawala na ang lahat ng gastusin na isang bumabalakid at nagpapahirap sa mga abang mangagawa.



Sunday, 26 August 2012

TAO MUNA BAGO ANG BAYAN

Kailangan mahalin muna natin ang bayan para umasenso?

Bakit ang inuuna nating mahalin ang bayan? Tanong ko sa aking kausap.. Hindi ba ang dapat tao muna bago ang bayan?


Bayan muna dahil tao rin ang unang makikinabang. Kung gumanda at umasenso ang bayan sabay naring aasenso ang tao. Kung bayan muna ang uunahing pagandahin, bayan muna ang kailangang unang ayusin kasama nang pagyabungin ang ating mga kabundukan punuin ng puno , linisin ang kapaligiran itama ang pagtatapon ng mga basura dahil yan ang mga pangunahing dahilan ng pagbaha hanggang sa maging dahilan ng kamatayan ng tao. Sabi nga ng iba kailangang mahalin muna natin ang bayan para umasenso na ang pilipinas.
Mukhang may katwiran siya dahil iyan naman talaga ang kailangan ng ating bayan, iyan ang isinisigaw ng ating bayan bihisan ninyo ako ng hindi tayo kahiya - hiya sa mga karatig nating bansa.


Tama! kailangan din naman talaga at obligasyon naman talaga ng gobyerno ang mga bagay na iyan. Gobyerno ang kailangang kumilos kung tungkol sa bayan ang pag uusapan.

Matalino din naman itong kausap ko.. kaya lang walang puso.

Paano naman ang tao?
Di baleng may mamatay muna sa gutom? Unahin muna ang pagyabong ng mga puno kaysa pagyabong ng mga batang may pinag aralan? Unahin muna ang pagtangap ng papuri mula sa karatig bansa kaysa bigyan ng tahanan ang mga walang tahanan?

Kailangan ba mahalin muna ang bayan bago ang tao? Sino ba ang dapat unahing mahalin? Kung mahalin ko ba ang bayan may makakain na si juan? Kung mahalin ko ba ang bayan magkakaroon na ng trabaho ang libo - libong ama na nangangailangan ng trabaho? Kung mahalin ko ba ang bayan mawawala na ang mga magbabasura, magkakaroon na ng maayos na tulugan ang pamilyang natutulog sa lansangan?
Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran.. Pagmasdan mo ang mga taong natutulog sa lansangan, pagmasdan mo ang mga batang natutulog sa mga lansangan, pagmasdan mo ang mga taong namumulot ng basura, pagmasdan mo ang mga batang nagiging mang - mang dahil sa wala ng kakayahang pagaralin pa ng kanyang mga magulang. habang lumalakad ang araw at patuloy sa paglubog at paglitaw ng haring araw dumarami lalo ang mga pilipinong nagiging mang - mang, mga pilipinong tumatanda na hindi na nabibigyan ng pagkakataong makapag aral na ang tanging ipapamana nalang nila sa kanilang mga anak kundi ang kahirapang kanilang nasimulan. Dahil habang patuloy sa pag ikot ang mundo patuloy silang lumalaban sa hamon ng buhay nakikipag agawan sa gutom at kamatayan ang mga tao. Aanhin ng tao ang maraming puno kung kumakalam na ang kanilang sikmura, aanhin ng tao ang magandang nilalakaran nila kung kailangang ibili ng gamot ang kanilang anak, aanhin ng mga tao ang ganda ng kapaligiran kung wala naman silang makain, makakain ba ng anak ko ang papuri ng mga banyaga dahil sa kagandahan ng ating bayan, matitigil na ba sa pagbabasura ang tao kung gumanda ang ating bayan? May makakain na ba ang mga magbabasura kung gumanda ang ating bayan kahit wala silang mahanap na magandang hanapbuhay? May matutulugan na bang maayos na tahanan kung wala na ang mga pagbaha?

Ngayon sino ba ang dapat na unahing mahalin.. ang tao ba o ang bayan? Sino ang dapat na unahing ayusin ang bayan ba o ang buhay ng mga tao? Sino ang dapat unahing pagyamanin ang mga puno sa kabundukan o ang buhay ng bawat pilipino?

Lumingon ka sa iyong paligid makikita mo.. Ang tao umiiyak unti - unting nauupos.. di tulad ng ating watawat ano mang unos ang dumating mananatiling nakatayo.

Ikaw kaya ang mamulot ng basura, ikaw kaya ang matulog sa lansangan kasama ng mga bata, ikaw kaya ang walang makain at subukang kumain ng mga tira - tira ng jollibee, saka mo sabihing ang bayan muna bago kami saka nalang kami kung mayaman na ang bayan.




Saturday, 25 August 2012

KAHULUGAN NG PANGHUHUSGA

Sabi nila..

"Diyos lang ang may karapatang humusga sa akin" walang karapatan ang sinuman na husgahan ako". Ito ang madalas kong naririnig at nababasa lalong - lalo na dito sa net. Kung may naririnig akong nagpapahayag ng ganito gustong - gusto kong kontrahin ang mga ganitong tao. Mga taong nagpapahayag ng mga salita na parang hindi naman nila alam ang kahulugan ng kanilang sinasabi.

Ikaw.. alam mo ba ang kahulugan ng panghuhusga? Alam mo ba kung paano mo ito nagagawa sa reyalidad ng buhay? Bakit may mga taong ayaw na ayaw silang huhusgahan? Bakit parang napakalaking kasalanan sa tao at sa diyos ang manghusga ayon sa kanilang mga sinasabi at paniniwala. May mga naririnig pa ako na huwag kang manghusga baka ka karmahin bakit naman sila kakarmahin? Ano ang ginawa nilang kasalanan at silay kakarmahin? Diyos lang ba ang may karapatang humusga? Paano ka mahuhusgahan ng diyos? Malalaman mo ba kung huhusgahan ka ng diyos? Sasabihin ba sa iyo? Ang diyos ba ay nanghuhusga ng tao? Ang tao ba ay wala ng karapatang manghusga? Inaalisan mo ba ng karapatan ang isang tao sa mga nais niyang gawin at sabihin dito sa mundo? Anong karapatan mo rin na pagbawalan mo ang isang tao sa nais niyang gawin at sabihin? Tulad mo.. hawak mo ang lahat ng kalayaan at karapatang mag desisyon ano man ang nais mong gawin dito sa mundo ganon din ang ibang tao katulad mo ring may sariling kalayaan at karapatang sabihin ang lahat ng iniisip mong gawin at sabihin. Kaya huwag mong alisan ng karapatan ang tao manghusga man siya sa iyo ng tama o mali nasa kanya na iyon. Kahit sa isip lang karapatan parin ng taong manghusga. Hindi masama ang manghusga sa isang tao dahil ang panghuhusga ay nakabatay sa kung ano ang nakikita sa ginagawa mo, kung ano ang magiging resulta sa mga ginagawa mo sa kapwa at sa sarili mo. Ang panghuhusga ay hindi pagbibintang. Ang inaakala ng iba kaya galit na galit sila na hinuhusgahan sila ay dahil pinagbibintangan sila iyon ang inaakala nilang hinuhusgahan sila kaya ganon nalang ang galit nila sa mga taong humuhusga sa kanila. Kung halimbawang pinagbibintangan ka ng isang tao iyon ang masama pero hindi nangangahulugan na hinuhusgahan ka kaya minsan nagagalit tayo sa isang tao kaya tumatanim sa isipan natin na ang panghuhusga ay masama. Nais kung ipaalam sa inyo na ang panghuhusga ay hindi masama ang masama ay yung pambibintang. Ang pagbibintang ay ipinapataw sa iyo ang isang bagay na hindi mo ginagawa at ang panghuhusga naman ay hinuhusgahan ka ng ayon sa nakikita sa iyong ginagawa iyan ang pagkakaiba ng dalawa. Ang pang huhusga ay hinahalimbawa ko sa isang palikula na kung nakukuha mo na ang tema ng takbo ng istorya ng pelikula ay nakikinita mo na ang mangyayari sa huling yugto na pelikula ng ayon sa tinatakbo ng istorya yan ang panghuhusga ayon sa nakikita nilang ginagawa sa buhay ng isang tao malayong - malayo sa kahulugan ng salitang pagbibintang. Kaya kung ganyan ang nakikitang ginagawa mo sa pang araw - araw mong pamumuhay hindi maiiwasang huhusgahan ka ng ibang tao ayon sa ginagawa mo sa buhay mo at sa ibang tao. Wala akong nakikitang masama sa kanilang panghuhusga kalayaan at karapatan nilang gawin iyon. Patunayan mo nalang sa kanila na mali sila ng paghuhusga at mali sila ng inaakala sa mangyayari sa ginagawa mo sa iyo iyan lang ang tanging magagawa mo sa mga taong nanghuhusga sa iyo. Mas makabubuting alamin mo muna ang tunay na kahulugan ng paghuhusga at paano ba ito nakikita sa isang tao para husgahan. Ayon sa paniniwala ng ibang tao ang panghuhusga ay kasingkahulugan ng pagbibintang kaya karamihan sa tao ay parang napapaso sa salitang paghuhusga dahil umiiwas sila na pagbintangan ng mali sa kanilang mga ginagawa.

Magkaiba ang kahulugan ng pagbibintang sa paghuhusga pero kung titingnan mo para lang silang magkasingkahulugan. Para sa dagdag na kaalaman ninyo basahin ninyo ang isang post ko dito sa blog na nilagyan ko ng titulo na "Dont judge a book by its cover". Para malaman natin ang tunay na kahulugan ng panghuhusga.

ANO BA ANG PLASTIK

    Sigurado alam nyo na ang salitang yan.. Sino ba ang hindi nakakaalam nyan lalo na dito sa net lalong - lalo na sa facebook at tweeter ito ang bukang bibig ng mga pilipino lalong lalo na ng mga kababaihan walang sawang bukang bibig at nakatutulig na paulit - ulit na binabangit ng mga pilipina. para bang bisyo na ng mga kababaihan ang bangitin lagi ang salitang plastik.

Pero sa totoo lang hindi ko pa narinig na nag da-dialog ng ganito ang mga lalaki karamihan sa babae ko naririnig ito at nababasa. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng plastik? Kahit ako naguguluhan sa kahulugan ng salitang plastik. Kung ikaw naiisip mo ang tunay na kahulugan ng salitang plastik tanungin mo ang sarili mo kung hindi karin kaya plastik? Di ba magaling karin sa harapan? Kung ako ang tatanungin mo oo magaling din ako sa harapan pero hindi ako kaaway sa talikuran eh kahit ikaw naman or kahit sino naman hindi tayo kaaway sa talikuran. Bakit naman tayo magiging kaaway ng talikuran kung wala namang ginagawang masama ang ibang tao sa atin? Siguro nagagalit tayo kung may nababalitaan tayong sinasabi ng iba tungkol sa atin. Kung wala naman sigurong katotohanan bakit naman tayo ikukuwento ng masama sa ibang tao minsan kasi tayo rin gumagawa ng ikasisira natin tapos kung mapag usapan ka nagagalit ka. Di ba natural lang naman na mag usap ang mga tao at natural din ang kalayaan ng bawat tao na piliin kung sino ang gusto nilang mapag usapan. Bakit nagagalit tayo at tinatawag nating plastik dahil pag kaharap ka magaling silang kausap eh anong gusto mo pangit silang kausap? Gusto mo yung inaaway ka pag kaharap ka kahit wala kang kasalanan? Dahil iyon ang gusto mo iyon ang inaakala mong totoo? iyon ba ang hindi plastik? Nakasanayan na kasi ng tao ang pangit na kahulugan ng plastik kaya iyan ang ibinabato natin sa mga taong kaaway natin. Iyon lang naman ang pantira natin sa mga kaaway natin eh yung salitang plastik. Yung mga kaaway or kagalit lang naman ang pwedeng tumira sa atin ng talikuran at sila lang naman ang nakagagawang manira sa atin.

Pero sa totoo lang hindi naman sila plastik dahil hindi naman sila nakikipag usap ng matino sa ating harapan dahil nga sa silay kaaway natin.  Sigurado sa talikuran sila titira sa atin dahil maaring may kinikimkim silang galit sa atin pero hindi nangangahulugang silay plastik. Sino naman ang masasabi mong plastik sa mga taong pinatutunguhan mo ng maganda iyon ba ang inaakala mong sisira sa iyo ng talikuran palagay ko imposibleng mangyari iyon. Kaya sa totoo lang wala naman talagang plastik na tao.


Thursday, 23 August 2012

MAKITID ANG UTAK

Palagay ko alam na ninyo ang kahulugan ng titulo ko sa itaas.. Salitang pabalbal na ang tunay na kahulugan ay mga taong mahina ang isip or sabihin na nating hindi nag iisip ng mga bagay bagay dito sa mundo. Minsan kailangan mo talagang paganahin ang iyong isip sa lahat ng bagay o sa lahat ng oras. Kailangan marunong kang mag isip para malaman mo ang tama at mali, malaman mo ang katotohanan at hindi makatotohanan.

Siguro mas maganda pang pakingan ang makitid ang utak kaysa naman sabihan ka ng walang utak. Walang utak dahil hindi mo ginagamit ang iyong utak para mag isip.

Makitid ang utak

      Minsan masakit pakingan ang salitang makitid ang utak. Masakit tangapin ang pagsabihan ka na makitid ang utak mo dahil ayaw mong tangapin ang katotohanan na makitid ang utak natin dahil ang alam mo sa sarili mo ikaw ang tama sa lahat ng ginagawa mo kahit nakikita ng ibang tao na mali ka sa iyong ginagawa at sinasabi. Makitid ang utak mo dahil kadalasan hindi ka nag iisip kung tama ang ginagawa mo at sinasabi. Makitid ang utak mo dahil kadalasan naniniwala ka sa mga bagay na hindi mo naman napapatunayan pero naniniwala kang totoo. Makitid ang utak mo dahil hindi ka nag iisip, hindi mo ginagamit ang isip mo sa mga bagay - bagay dito sa mundo.

Masakit talaga pakingan ang salitang makitid ang utak.. masakit dahil maaring iisipin mo na paninira lang sa iyo ang salitang iyan pero kitang - kita sa iyong mga sinasabi kung gaano kakitid ang utak mo ayaw mo lang tangapin ang katotohanan.
Ano nga ba ang batayan ko kung bakit ko sinasabing makitid ang utak ng isang tao? makitid ibig sabihin mababaw ang isip mo, ibig sabihin kulang kang mag isip, ibig sabihin alam mo ng hindi tama ginagawa mo parin dahil sa kakitidan ng isip mo pati ginagawa mo hindi mo alam kung mali or tama, alam mo ng mali pinipilit mo paring tama, hindi mo pa nga napapatunayan naniniwala ka ng totoo.
Marami akong nakakasalamuhang ganyang tao.. Minsan napapailing nalang ako kung may nakakaharap akong taong ganyan.. Alam nyo ba dahil sa kakitidan ng isip ng tao pati buong pagkatao at ugali niya ay nadadala ng kakitidan ng utak ng isang tao? nagiging pangit ang pagkatao ng isang tao or nagiging pangit ang ugali ng isang tao dahil sa kakulangan niyang mag isip.
Alam nyo ba na kahit ang mga tituladong tao ay may pagkakitid din ang utak? Kahit ang mga valedictorian ay may kakitidan din ang utak? Kahit na ang mga taong nakapagtapos sa mga sikat na paaralan ay may kakitidan din ang utak?
Isa pang masasabi kong may kakitidan ang utak ng isang tao ay yung mga paniniwala na hindi nila alam kung may mali sa kanilang paniniwala na kahit anong gawin mong paliwanag sarado na ang isip nila sa ganon paring paniniwala. Eto ang isang halimbawa ko.. Ang tao ay naniniwala na.. "Nasa sinapupunan palang daw ang tao ay may kasalanan na" at "Ang tao daw ay ipinanganank ng makasalanan". Tingnan mo ang kakitidan ng tao.. Paano magkakaroong kasalanan ang sangol na wala pang isip? Paano nakagawa ng kasalanan ang sangol na nasa sinapupunan pa lang? Subukan mong paliwanagan ng katotohanan ang mga taong sarado ang isip sa ganyang paniniwala hindi mo sila mahihikayat na maniwala sa sinasabi mong katotohanan.


Hindi ako nagmamarunong ang lahat ng sinusulat ko dito na taliwas sa inyong paniniwala ay mga paniniwalang mas makatotohanan. Maaring ayaw lang tangapin ng iba na mas malawak at mas malalim lang ang aking isipan kaysa sa mga taong makikitid ang utak.

Sunday, 19 August 2012

PILIPINO STYLE

Minsan sa paglalakad ko dito sa aming pamilihang bayan.. Ibat - ibang mga produkto na ating nakikita, andito na lahat ng klase ng mga paninda na kakailanganin natin sa buhay. Dito mo rin makikita ang mga taong lumalaban sa hamon ng buhay. kanya - kanyang diskarte ang mga tao para mabuhay or kanya - kanyang diskarte ang tao kung paano kikita.

Minsan sa aking paglalakad napasulyap ako sa isang bendor na nagtitinda ng mga gulay, mga ibat - ibang gulay tulad ng kamatis , sibuyas , mga pangkaraniwang ginagamit natin sa pagluluto. isang matanda ang nagtitinda. Habang tinitingnan ko ang gulay na nais kong bilhin at abala ako sa pagpili ng gulay na nais kung bilhin para isahog ko sa iluluto kong ulam. Isang babae ang lumapit din upang bumili ng rekadong isasahog din sa kanyang iluluto. Pero hindi ko masyadong binibigyang pansin ang babaeng lumapit patuloy lang akong namimili ng nais kong bilhin.

Nagtanong ang babaeng mamimili sa matandang nagtitinda "manang magkano itong kamatis at kangkong ninyo?"

Sumagot ang matanda at sinabi ang halaga ng isang supot ng kamatis at isang tali ng kangkong.
Patuloy lang akong nakikinig sa kanila hindi muna ako sumisingit sa pag uusap nila nais kong patapusin muna ang babae sa kanyang pamimili.

Matapos na masabi ang halaga ng kamatis at kangkong sumagot muli ang babae.. ang mahal naman manang pwede bang kinse pesos nalang itong kamatis at kangkong. Napatingin ako sa babae sa halagang sinabi niya nakatawad na siya sa kamatis nakatawad pa siya sa kangkong na binibili.. napatingin ako sa babae malinis ang kasuotan maputi sa dating ng kanyang pigura hindi mo maaaninag sa itsura ng babae na naghihirap.

Ibinigay ng matanda ang kanyang paninda sa halagang gusto ng babae siguro.. para lang maka ubos yung matanda at ng maka uwi na baka naghihintay na ang kanyang mga anak na nagugutom or baka mag sasaing pa at bibili pa siguro siya ng kanyang iluluto sa kanyang mga anak.

Napa - iling nalang ako sa aking nakita sa klase ng ugali ng mga pilipino.. Sa konting tubo ng mga bendor na naglalako sa tabi ng kalsada maaring pambili nila ng kanilang makakain, sa konting tubo na kanilang kinikita maaring pambili ng gatas ng kanilang mga sangol , sa konting tubo na kanilang kinikita maaring pambili ng isang kilong bigas para sa pagpapatuloy ng kanilang pamumuhay.

Samantalang kadalasan tayong mga pilipino kung namimili tayo sa mga groseries sa mga malls kahit mahal tangap natin hindi tayo nariringan ng pagrereklamo , kahit mahal tangap natin kahit may 12% na vat tayong binabayaran sa pinamimili natin sa mga groceries samantalang ang tubong kinikita ng mga may ari ng mga groceries ay pang shopping ng kanilang pamilya , pang bili ng mga mamahaling kotse nila , pang gamit nila sa pamamasyal sa ibang bansa. Pero ang konting tubo ng mga maliliit na bendor binabawasan pa natin. Samantalang kitang - kita natin sa kanilang itsura na sa konting tubong kinikita nila buhat sa iyo ay malaking tulong na para sa kanila upang silay mabuhay.





Wednesday, 18 January 2012

SAAN KA MAGALING?

Sa loob ng anim na taon kong pag tatrabaho ko sa south korea natapos ang kontrata ko na hindi man lang nagtalo ang isip ko kung mag TNT ako o uuwi at gamitin ko nalang sa negosyo ang resulta ng pagkakalayo ko at pagtitiis na malayo sa pamilya. Nag deside ako na uuwi nalang pero.. kung sa iba kadalasan kahit may kalakihan ang sweldo takot paring umuwi kahit sa kabila ng nararamdamang kalungkutan. Pero kung kaka-usapin mo ng harapan ang dami niyang salita na maiisip mong ang galing niya.

SAAN KA NGA BA MAGALING?
Magaling ka nga ba? bakit hanggang ngayon andiyan ka parin sa malayo na nagtitiis na hindi makita ang pamilya.

Magaling ka nga ba? dahil marami kang kaibigan dahil wala ding oras para tangihan mo sila.

Magaling ka nga ba? bakit nakuha mo paring mag TNT.

Magaling ka nga ba? Sa tingin mo ba kahit hindi ka magtrabaho mabubuhay mo na ang pamilya mo.

Saan ka nga ba magaling?
Sa pagtaguyod ba ng pamilya? Sa paghawak ng pera ba o sa kayabangan lang?

Anim na taon ako dito sa south korea natapos ang kontrata ko ng 2011 pinili kong umuwi nalang at huwag ng mag TNT dahil alam ko na sapat na ang naipon ko para makapagpatayo ng negosyo.

JANUARY 28
Opening ng dalawa kong negosyo na naka-pwesto sa 168 mall building urdaneta city pangasinan. Ang isa ay sa food court at yung isa ko na negosyo ay SCHOOL SUPPLIES & MERCHANDIZE / BOUTIQUE DRESS FOR MEN AND WOMEN.

Hindi biro ang mag umpisa at magplano ng negosyo lalo at ito palang ang kauna-unahan mong negosyo at hindi lang basta negosyo ng sari-sari store sa harap ng inyong tindahan. Dahil sa masasabi ko na ring angking kagalingan ko sa maraming bagay kaya naka-ipon ako at naitayo ko ang isang bahagi ng pangarap ko ang pagnenegosyo. Depende iyan kung saan ka magaling.. sa paghawak ba ng pera? sa pagtupad ba ng pangarap? Saan pa?

Kung ang negosyo mo ay sari - sari store napakadaling pasukin dahil wala ng cheche buretse sa konting pera meron ka agad sari sari store.. Pero paano kaya kung sa mga malls ka magnenegosyo? Alam nyo ba kailangan legal ang lahat, kailangan meron kang puhunan dahil ang upa ko sa isa kong pwesto na food court ay umabot lahat sa isang buwan ay 10,000 pesos/month. Ang upa ko naman sa pangalawa kong negosyo na school supplies & merchandize/Boutique dress for men and women 15,000 pesos/month. plus.. 2 months na advance sa bawat pwesto at 2 months na advance sa security ng kontrata sa bawat pwesto ko. plus... lahat ng kagamitan sa isang pwesto na merchandise at school supplies lahat lahat mula sa pagpapaganda ng pwesto hanggang sa mga gagamiting mga stante, hanger , maniquin bukod pa lahat din ng gamit sa isang kainan mula sa toothpick, basahan hangang sa lahat - lahat na gamit ipo-provide mo lahat. kasama na yung gastos sa gasolina at pag upa sa karpentero at labor. Kung susumahin lahat ang gagastusin bago mo maitayo ang isang pwesto sa isang mall aabot na sa 250,000 pesos bukod pa ang 100,000 na starting mo pambili ng mga items. Kilangan punuin mo ng items ang iyong pwesto nakakahiya sa mga katabing pwesto rin. Napakahirap.. Pero nakaya ko.

Kung marating mo lahat iyan.. alam mo na kung saan ka magaling.

Ikaw.. tingnan mo katayuan mo, dinala ka diyan ng kagalingan mo.



Saturday, 17 December 2011

RAINBOW

Halos lahat ng tao nakakakita ng rainbow ngunit sa aking obserbasyon iisa ang paniniwala ng tao. ''There's a rainbow after the rain''.

Sino ba hindi nakakakita ng rainbow?
Ano nga ba ang rainbow?
Saan ba ito nagmumula at paano ba ito lumilitaw?
Saan ba nagmumula ang pitong kulay ng rainbow?
Bakit ito ay hugis pabilog pero hindi buo ang pagkakabilog?
Bakit hindi buo ang pagkakabilog ng rainbow?
Umuulan nga ba sa tuwing lumilitaw ang raibow?

Kadalasan at bukang bibig ng mga tao.. ''There's a rainbow after the rain". Ano ba ang ibig sabihin ng salitang iyan? Maliwanag na ang paniniwala ng tao ay magkakaroon or lumilitaw ang rainbow kung tapos na ang ulan. Meron din minsan akong naririnig na sa tuwing lumilitaw ang raibow uulan daw.

Ayon sa aking obserbasyon at ayon ito sa aking paniniwala.. Ang rainbow na ating nakikita ay hindi lumilitaw kung umuulan ''mismo sa kinatatayuan mo''. Ang ulan ay nasa bandang medyo malayo sa kinaroroonan mo ngunit abot ng iyong tanaw ang ulan at sa bandang bahagi kung saan lumulubog ang araw. Kung lumulubog ang araw at walang ulan sa bandang kinalulubugan hindi po lumilitaw ang rainbow dahil wala ang tubig ulan na magiging dahilan para makita mo ang kulay ng apoy ng haring araw dahil wala ang porselanang tubig ng ulan para mag reflect sa iyong mata.

Ang rainbow ay lumilitaw at nakikita natin kung saan lumulubog ang haring araw at ang kulay na nakikita natin na nagsisilbing kulay ng rainbow ay iyon ang mga kulay ng apoy ng haring araw. Ang apoy ng haring araw ay binubuo ng pitong kulay. Ang kulay ng apoy ng haring araw ay nagre-reflect sa tuwing umuulan or umaambon sa bahagi ng kung saan palubog ang araw. Ang rainbow ay lumilitaw lagi kung saan palubog ang araw. Kapag ang ulan naman ay bumuhos sa mismong kinatatayuan natin hindi natin makikita ang rainbow Bakit? Dahil ang ulan sa kinatatayuan natin ay malayo na sa lugar na kinalubugan ng araw samakatuwid ang sinag ng apoy ng araw ay hindi na tumatama sa tubig ng ulan kung saan bumabagsak ang ulan. Ang rainbow ay makikita sa pamamagitan ng reflect ng apoy sa tubig ng ulan na siya namang tatama sa ating mga mata. Ang kulay ng apoy ng haring araw ay mag re-reflect sa pamamagitan ng tubig ng ulan at ang laki ng pagkakabilog ng rainbow ay siya ring laki ng pagkakabilog ng araw. Ang pagkakabilog ng rainbow ay konting bahagi ng bilog ng araw kung saan ang konting bilog ng araw ay siyang bahagi lang ng tinatamaan ng ulan para mag re-flect sa ating paningin. Kung halimbawang nasa manila ka at sa bandang kinalulubugan ng araw ay kasalukuyang umuulan or umaambon doon magre-reflect ang kulay ng apoy ng haring araw at tatama sa iyong mata dahil sa iyo tumatama ang reflection ng kulay ng apoy ng araw ibig sabihin sa bandang lugar mo lang ang pwedeng makakita ng rainbow dahil sa iyo tumatama ang reflection ng kulay ng apoy ng araw na siyang tinatawag na nating rainbow pero... ang ibang tao na nasa lugar na malalayo tulad halimbawa ng pangasinan hindi nila nakikita ang rainbow sa ganong oras kung saan eksaktong nakikita mo ang rainbow dahil walang ulan sa bahagi ng pinaglulubugan ng araw hindi nila abot tanaw ang ulan. Ang rainbow ay lumilitaw sa tuwing umuulan or umaambon sa lugar ng pinaglulubugan ng araw depende kung saan ka naroroon na siyang makakakita ng reflection ng kulay ng apoy ng araw buhat sa bawat patak or bawat butil ng tubig ulan. Ibig sabihin ang rainbow ay lumilitaw sa tuwing umuulan or umaambon na nagiging sanhi ng reflection. Hindi sa tulad ng paniniwala ng karamihan na ang rainbow ay lumilitaw pagkatapos ng ulan. Kung walang ulan or wala ang tubig na magmumula sa ulan walang dahilan para mag-reflect ang kulay na tatama sa iyong mata or paningin ibig sabihin hindi mabubuo ang rainbow at ang pagkakabilog ng rainbow ang siyang laki ng pagkakabilog ng haring araw. malalaman natin kung gaano kalaki ang pagkakabilog ng araw sa pamamagitan ng pagkakabilog ng rainbow.

Pagmasdan mo ang larawan sa itaas.. ang ang lugar ng rainbow ay siyang lugar na umuulan or umaambon bagamat hindi mo maaninag ang mismong tubig ulan dahil sa may kalayuan pero.. ang totoo, diyan din sa parteng lugar ng rainbow ang lugar ng ulan dahil sa reflection ng kulay ng apoy ng haring araw at.. ang ibang parte ng apoy ng araw sa bandang gitna ay hindi na magre-reflect sa iyong mata dahil wala na ang angle para tumama sa iyong mata.

Merong nagtanong sa akin..
Bakit iyon lang ang nakikita natin hugis pabilog samantalang ang araw ay buong bilog na may apoy?

Ang nakikita nating kulay ng rainbow ay ang parteng nasa paikot or gilid lang ng pagkakabilog ng araw at yung apoy na nasa parteng gitna ng araw ay hindi na natin nakikita or hindi na nagre-reflect sa ating mata. Ang nagre-reflect lang na tumatama sa ating mata ay ang nasa bandang tabi lang ng bahagi ng pagkakabilog ng araw at ang mga apoy na nasa bandang gitna ng araw ay sa ibang lugar naman tumatama ang reflection hindi sa iyong mata. Depende iyon kung umuulan naman sa kanila lugar na abot tanaw din nila ang ulan kung saan lumulubog ang araw.

Kung minsan mahirap maniwala na lang basta - basta tayo sa ating mga naririnig or nababasa dahil palagi nalang tayong nakasunod sa maling paniniwala ng iba at maaring iyon narin ang maituturo mo sa iyong mga anak ang maling paniniwala na nakuha mo sa iba. Kailangan at mahalaga na meron tayong sariling obserbasyon or sariling pag aaral ukol sa mga bagay bagay dito sa mundo dahil sa iyo din nakasalalay ang katotohanan para maipasa mo rin sa iyong mga anak ang katotohanan. Dahil kung mangyayaring wala tayong sariling pag aaral habang buhay nalang tayong nakatanikala sa paniniwala ng iba kahit malayo sa tunay na katotohanan.



Monday, 31 October 2011

DIVORCE

Nais kong ibahagi ang kakarampot kong nalalaman ukol dito sa matagal ng pinag uusapan nating mga pilipino ang diborsyo. Kung ako ang tatanungin.. Ayokong isabatas ang diborsyo dito sa pilipinas? Hindi ako pabor dito.

Bakit?

Dahil ang unang - unang maaapektuhan nito ay mga kababaihan, mga kababa ihan dahil mahihirapan na silang buhayin ang kanyang anak. Ang pangalawang maapektuhan nito ay ang mga bata dahil mapipilitan na silang iwanan ng kanilang ina dahil obligado na ang mga kababaihan na humanap ng hanapbuhay upang meron siyang ibubuhay at ipapaaral sa kaniyang mga anak. Kahit sabihin pa nating magbibigay ng sustento ang kanilang ama gasino na lang ang kayang isustento ng isang ama. Baka pagdating pa ng araw matigil narin ang binibigay na sustento lalo't kung wala narin siyang trabaho. May mga nagsasabi bakit sa ibang bansa pinatutupad ito.. kung ihahalimbawa ko sa bansang korea hindi problema sa korea ang humanap ng mapapasukan dahil dito sa korea ay gobyerno ang nagbibigay ng trabaho sa tao. Kahit wala kang pinag aralan bibigyan ka ng trabaho, kahit nasa edad 35 or 60 ka bibigyan ka pa rin ng trabaho hanggat kaya mong mag trabaho. Paano kung sa pinas ito ipatupad ang diborsyo.. Paano na ang mga babaeng nasa edad 35 pataas? Sino pa ang kompanyang tatangap sa kanila? Ang katwiran ng ibang pabor sa diborsyo pwede naman daw mag abroad ang babae.. Paano kung walang yaman ang pamilya ng babae paano siya makapag abroad? Paano kung nasa edad 40 na iyong babae? sino pa tatangap sa kanila eh samantalang ultimong POEA halos ayaw mag paalis ng nasa edad 35 pataas. Kung halimbawang pinalad na makaalis ang babae papuntang abroad para mag trabaho.. saan niya iiwan ang kanyang mga anak? Sa mga magulang ba niya? Paano kung matatanda na ang mga magulang ng babae? Makakaya pa kaya nilang alagaan or subaybayan ang mga bata? Mapipilitan dahil kailangan ng ina ng mga bata na maghanapbuhay kahit mapariwara ang mga bata wala na siyang magagawa.

Kung sa mga mayayaman.. ok lang kahit magkaroon ng diborsyo dahil meron silang yaman para ibuhay sa kanyang mga anak, kahit hindi mag trabaho yung babae kaya niyang buhayin ang kanyang anak. Paano yung wala?

Kung ngayon na libo - libo ang mga kababayan nating mga lalaki ang walang trabaho at halos walang mahanap na trabaho.. kung maisasabatas pa iyang diborsyo magiging doble na ang mga pilipinong walang trabaho. Kung iyong isang libo nga na hindi kayang bigyan ng trabaho ng gobyerno paano kung doble pa sa isang libo. lalong dadami ang mga batang hindi makakapag aral ng maayos, hindi maalagaan ng maayos, dadami ang mga kabataang mapapariwara dahil wala ang kanilang ina na magsusubaybay sa kanilang paglaki.

Kung yung iba ay hindi na magkasundo sa kanilang pagsasama at wala ng ibang paraan kundi ang maghiwalay.. kayo nalang ang maghiwalay kung hindi kayo magkasundo huwag na ninyong idamay ang ibang maapektuhan ng diborsyo. Sa aking pananaw.. iba na kasi kung legal ang diborsyo mas madaling magdesisyon na hiwalay lalo na ang mga kalalakihan na sa konting diperensya hiwalay agad ang solusyon. Hindi katulad ng wala ang batas na diborsyo hindi agad - agad na makakapag isip na hiwalayan agad.

Kung sa akin bilang lalaki.. mas pabor sa akin dahil may paraan na para mag iba - iba ako ng asawa.. Pero hindi ako sumasang ayon dahil iniisip ko rin ang kahihinatnan ng kapwa ko lalo na mga kababaihan.

Doon sa mga pumapabor sa diborsyo huwag sana dumating sa buhay mo na balang araw na magkaroon ka ng 4 na anak na babae at hiwalayan silang lahat ng kani - kanilang mga asawa sa iba't - ibang dahilan upang maramdaman mo kung paano mag alaga ng lahat ng apo mo lalo na kung matanda ka na. Wala kang ibang sisisihin kundi sarili mo dahil isa ka sa pumirma para maisabatas ang diborsyo sa pilipinas.

Sunday, 30 October 2011

BIBLE OR BIBLIYA


Simula ng akoy nag kaisip hanggang sa mga sumasandaling ito wala pa akong naka - usap na tao lalo na mga pilipino na magtatanong sa akin kung may ''katotohanan'' ba talaga ang bibliya na salita ng diyos?

Ang bibliya nga ba ay tunay na salita ng diyos?
Ang bibliya nga ba ay siyang tunay na pag papatotoo?
Ang lahat ba ng nakasulat sa bibliya ay tunay nga bang mga salitang binitiwan ng diyos?

Kung ating tititigang mabuti at ating babasahin ang isang bibliya.. ano ang mapapansin mo? ''Makapal'' di ba? Makapal dahil sa dami ng nakasulat. Kung ating iisipin.. ganyan ba karami ang salitang binitiwan ng diyos? Ganyan ba siya karami magsalita? Ano ang kadalasang mababasa mong nakasulat sa bibliya? Karamihan ay history ng mga nakaraang tao ang nilalaman ng mga nakasulat sa bibliya. kung ganon.. ang diyos ba ay nag kuwento ng ganon kahaba?

Kung ang bibliya ay pinaniniwalaan mong salita nga ng diyos.. Paano mo ito patutunayan at naniwala ka na ang bibliya ay tunay ngang salita ng diyos? Halos ninety nine porsiyento na mga pilipino ay naniniwala na ang bibliya ay salita ng diyos at isang porsiyento lang siguro ang hindi naniniwala at ako na iyon hehehe. Bakit ako maniniwala na ang bibliya ay salita ng diyos gayong hindi ko naman tuwirang natunghayan at napatunayan na nagsalita or nagsasalita ang diyos. Kung maniniwala ako sa sinasabi ng mga pari at sinasabi ng mga pilipino na ang bibliya ay totoong salita nga ng diyos para ko ng inamin sa sarili ko na mahilig akong maniwala sa sabi - sabi, Para ko ng inamin na wala akong sariling pag iisip, para ko ng inamin na hindi ako marunong mag obserba ng mga bagay - bagay dito sa mundo, para ko ng inamin na mahilig akong sumunod sa paniniwala ng ibang tao, para ko ng inaming mahilig akong maniwala kahit hindi ko napapatunayan, para ko ng inaming hindi ako marunong tumangap ng pagkakamali, para ko ng sinabing habang buhay nalang akong nakakulong sa paniniwala ng iba, para ko ng inaming nakakulong ako sa maling paniniwala, para ko ng inaming hindi ako marunong magbago ng pananaw at para ko ng inaming hindi ako marunong mag isip ng tama at mali. Tama at mali dahil tama ba maniwala ka na totoo kahit hindi mo napapatunayan.

Ang katotohanan.. Ang mga nakasulat po sa bibliya ay hindi totoong salita ng diyos ito ay gawa - gawa lang ng grupong gumagamit sa pangalan ng salita ng diyos para sa pagpapayaman at ang mga pari ang siyang instrumento nila upang magpalaganap ng magpalaganap ng maling paniniwala sa libo - libong madaling maniwala sa sabi - sabi. Kahit ang mga mismong mga pari ay walang maapuhap ng pagpapatotoo na ang bibliya nga ay tunay na salita ng diyos. Nakakalungkot lang at napakaraming mga pilipino ang madali nilang mapaniwala, mga pilipinong nakatali na sa maling paniniwala.

Ikaw ganyan ka ba?
Patuloy ka parin bang maniniwala kahit hindi mo napapatunayan?
Patuloy ka parin bang magbubulag - bulagan sa katotohan?
At
Patuloy ka parin bang magpapatali sa paniniwala ng iba?

Gumising ka kaibigan!

Bukas po ang aking comment box sa mga mambabasa na nais mag share ng inyong nalalaman ukol sa inyong paniniwala pero.. hindi po ako tumatangap ng gumagamit ng ''anonymous''.




Thursday, 20 October 2011

ANONYMOUS AVATAR

Ano ang pagkakaintindi natin sa mga avatar? or sa tinatawag nating profile picture?
Lalo dito sa mga kani - kanilang page or website or blogsite?

Meron akong sariling pananaw or sariling pagkakaintindi dito.. Kadalasan may mga author ng blog or website na nakatago ang mga picture sa pamamagitan ng annonimous or sa mga avatar na nakatago sa mga larawang hindi ang tunay na mukha nila ang nakalagay. Karamihan ang nakalagay sa kanilang mga profile picture lalo na dito sa bloggosphere ay mga annime or mga iba't - ibang imahe at hindi ang tunay nilang larawan ang nakalagay. Bakit nga ba?

Ito ay sarili kong pananaw, sariling oberbasyon kung ano ang nakikita kong dahilan kung bakit may mga taong ayaw nilang ilantad ang tunay nilang mukha.

Una - una ayaw nilang ilantad ang sarili nila sa mga taong nakakakilala sa kanila upang malaya nilang maisulat ang lahat ng nais nilang isulat kahit taliwas sa tunay nilang ugali or pagkatao. Maaring totoo.. dahil kung ilalantad nila ang mukha nila at magsusulat sila ng puro kasinungalingan maaring may pagkakataon na prangkahin sila sa comment box ng mga taong nakakakilala sa tunay nilang pagkatao. Dahil sa annonimous na avatar maari silang magpakitang mabuti sa tao sa kanilang pagsusulat pero sa realidad hindi iyon ang kanilang ugali. Ayaw ng mga taong ito na maaring sabihan sila sa comment box nila na ''Magaling ka lang sa salita''.

Sa annonimous na avatar malaya silang ilabas ang tunay na ugali nila, maari at malaya silang magsalita ng hindi magagandang mga salita at malaya silang makipag away kahit kangino hanggat gusto nila dahil katwiran nila nakatago naman ang mukha nila.

Sa annonimous na avatar itinatago nila ang mga mukha nila sa mga taong kagalit nila or kaaway nila. Alam nila sa sarili nila na maraming mga tao silang nakakaaway ayaw nilang lilitaw ang mga taong kagalit nila sa comment box nila. Ito rin ang isa sa pangunahing dahilan.

Ilan lang iyan sa nakikita kong dahilan kung bakit nagtatago ang ilan sa mga annonimous, maaring sabihin ninyo na hindi totoo itong mga sinulat ko.. hindi totoo dahil wala naman talagang aamin sa katotohanan lalo't makasisira sa pagkatao. Kung maaring mali nga ako sa mga obserbasyon ko.. Ano ang maibibigay nating magandang dahilan kung bakit ka nagtatago sa annonimous? Dahil.. gusto nyo lang ba?

Minsan.. may mga taong nakalitaw ang tunay na mukha nila pero.. bilang na ang kanilang hakbang, minsan.. nagkakaroon na sila ng limitasyon sa kanilang pagsusulat kaya minsan yung iba napipilitang magtago sa annonimous.



KUYA

PAANO MAGING "KUYA"?

Itong pag uusapan natin ngayon ay nauukol ito sa mga nakakatandang kapatid. Kay "KUYA".
Kadalasan nakikita ko sa kaugalian nating mga pilipino at karamihan sa mga pilipino ito ang kadalasang nakikita ko sa pamilyang pilipino.

Kadalasan karamihan sa mga kuya.. inaabuso ang kanilang pagiging matanda sa kanyang mga kapatid. Kadalasan lagi niyang pinanghahawakan ang pagiging matanda niya sa kanyang mga kapatid. Kadalasan ang laging inaakala ng mga kuya nasa kanya na ang lahat ng tama, nasa kanya na lahat ang kapangyarihan kahit minsan nasa kanya ang pagkukulang at kasalanan kaya may mga magkakapatid na hindi nagkakaunawaan. Kahit ako ang pinaka-bunso sa aming magkakapatid kitang - kita ko ang mga pagkukulang at kasalanan ng mga nakakatanda kong kapatid. Kadalasan.. maraming mga kuya ang umaabuso sa kanilang kapangyarihan bilang nakakatandang kapatid na nagiging sanhi ng pag aaway at paglaho ng pag galang sa isa't - isa.

Tatlo ang mga nakakatanda kong kapatid na lalaki at ang isa sa kanila ay iba ang ugali sa dalawa kong kuya. Ang dalawa kong kuya ang hindi ko maka sundo at kahit kaylan hinding hindi na mapapalapit ang kalooban ko sa dalawa dahil sa pagiging abusado nila sa kanilang kapangyarihan sa akin. Kahit ngayong may kanya - kanya na kaming buhay at may kanya - kanya na kaming pamilya pero hanggang ngayon pina iiral parin nila ang kanilang kapangyarihan bilang nakakatandang kapatid kahit hindi naman sila ang bumubuhay sa akin at sa aking pamilya ito ang mga kuyang abusado. Mga kuyang walang galang at hindi rin marunong gumalang sa nakababatang kapatid.

Ang isa kong kuya ang abot - abot ang pag galang ko sa kanya dahil marunong din siyang gumalang sa akin bilang nakababata niyang kapatid. Mas marami ang pinagsamahan namin ng isa kong kuya dahil malapit ang kalooban namin sa isat - isa. Ang kuya kong ito ay marunong gumalang sa akin at tinutumbasan ko rin naman ng pag galang. Kung minsan ako pa ang nagagalit sa kanya kung siya ang nakakagawa ng mali sa ibang tao. Alam ninyo kahit kaylan hindi nawawala ang pag galang ng mga nakababatang kapatid na dapat tinutumbasan din ng pag galang ng mga nakakatanda upang mabuo ang respeto sa isat - isa at mabuo ng maganda ang pagsasamahan. Hindi komo nakakatanda kang kapatid habang buhay mo ng mamanduhan ang nakababata mong kapatid, habang buhay mo nalang pagagalitan ang nakababata mong kapatid , habang buhay mo nalang na pagsasabihan ng hindi magagandang salita ang nakababata mong kapatid , habang buhay mo nalang pasusunurin sa utos ang nakababata mong kapatid hindi na uubra iyan lalo't hindi naman ikaw ang bumubuhay at nagpapakain sa nakababata mong kapatid. Kung pare - parehas na kayong may pamilya at hindi naman ikaw ang bumubuhay sa nakababata mong kapatid hindi na dapat na pangibabawin mo parin ang pagiging matanda mo or pagiging kuya mo lalo't hindi ikaw ang bumubuhay sa kanya. Kung may kanya - kanya na kayong buhay ituring mo nalang na matalik mong kaibigan ang nakababata mong kapatid at hayaan mong ang nakababata mong kapatid ang magturing sa iyo bilang kuya at irespeto mo nalang siya bilang kapatid hindi bilang nakatatanda ka sa kanya upang suklian ka rin niya ng kung ano ang pagtrato mo rin sa kanya. Itatak mo sa iyong isipan na ang bisa ng iyong pagiging kuya ay kung nasa panahong nasa iisa pa kayong bubong at nasa poder pa kayo ng inyong mga magulang. Pero kung dumating ang araw na may kanya - kanya na kayong buhay at pamilya huwag mo ng pairalin ang pagiging kuya mo kundi ang pairalin mo nalang ay pagiging magkapatid at pantay na katauhan ninyong dalawa, walang bata walang matanda, ituring mo nalang siya bilang matalik mong kaibigan upang ituring ka niya na matalik rin niyang kaibigan na may respeto sa isa't - isa.

Kung habang buhay mo siyang ilalagay sa ilalim ng iyong kapangyarihan bilang kuya na nakakatandang kapatid.. Hindi malayong lalayo ang loob niya sa iyo at tuluyang mawawala ang respeto niya sa iyo na magiging dahilan pa ng pag hantong sa hindi magandang pagkakaunawaan. Iisa ang magiging dahilan ng nakababata.. hindi ikaw ang bumubuhay sa kanya kaya wala ka naring karapatang manduhan siya.

Kung gusto mong tumibay ang samahan ninyong magkapatid.. ikaw muna ang magbigay ng respeto at ituring mo siyang matalik mong kaibigan.. asahan mo susuklian ka rin niya ng respeto at ituturing ka rin niyang matalik na kaibigan.



Sunday, 16 October 2011

KILALANIN MO MUNA SARILI MO

Kadalasan madali nating makilala ang buong pagkatao ng ibang tao... pero ang mismong sarili 65% hindi mo kilala. Di ba totoo yan?
Kaya kadalasan ang tao mahirap magbago. Bakit?

Dahil ayaw mong kilalanin mismo ang sarili mong pagkatao pero.. ang ibang tao pinipilit mong kilalanin ang kanilang pagkatao. Kadalasan may mga taong ubod ng sinungaling pero ayaw mong tangaping sinungaling. Bakit?
Dahil ang alam mo sa sarili mo hindi ka sinungaling kaya ayaw mong matatawag na sinungaling. Minsan hindi morin alam na pangit ang ugali mo kung ikukumpara sa ibang tao pero ikaw mismo sa sarili mo hindi mo matangap na pangit ang iyong ugali kaya walang puwang upang ikaw ay magbago. Minsan pinipilit mong magbago ng ugali ang ibang tao dahil iyon ang nakikita mo sa kanilang pagkatao pero.. ang mismong sarili mo o pagkatao hindi mo kayang baguhin dahil ayaw mong kilalanin mismo ang iyong sarili. Napakaraming mga pilipinong ganyan, kaya kadalasan nagkakaroon tayo ng iba't - ibang kasabihan. Andiyan yung.. "Bago mo punahin ang uling ng ibang tao.. punahin mo muna ang sarili mong uling". Nakikita mo ang uling ng ibang tao, pero sarili mong uling hindi mo nakikita. Andiyan yung.. "Nakikita mo kapintasan ng ibang tao pero.. ang sarili mong kapintasan hindi mo nakikita". Andiyan yung.. "Bago mo baguhin ang ibang tao.. sarili mo muna ang unahin mong baguhin", "Nakikita mo ang mali ng iba pero ang sarili mong kamalian hindi mo nakikita" at marami pang iba.

Bakit nga ba?
Bakit kadalasan mas madali nating nakikilala ang pagkatao ng ibang tao pero.. ang sariling pagkatao hindi mo makilala? Hanggang ngayon ba sa edad mong iyan hindi mo kayang kilalanin ang sarili mo?

Pare - parehas naman tayong may isip, pare - parehas naman tayong may mata. Kadalasan iyan ang nakikita ko sa napakaraming mga pilipino. Kung ating iisiping mabuti kung talagang nakikita ng tao ang sarili niyang kamalian sigurado hindi ka makakagawa ng isang bagay na makakasama sa iyong kapwa, kung talagang kilala mo ang iyong sarili sigurado madali kang magbago. Minsan.. napakaraming bagay sa ating sarili ang dapat nating baguhin na hindi natin nakikita mismo sa ating sarili, hindi nakikita dahil hindi mo kilala ang sarili pero.. kadalasan nakikita natin sa ibang tao.

Hindi mo ba talaga kayang kilalanin ang sarili mo? or Ayaw mo lang talagang kilalanin?
Hindi mo ba talaga kayang magbago? or talagang ayaw mo lang magbago? or talagang hindi mo lang kayang baguhin?

Hindi mo kayang kilalanin ang sarili mo or talagang makitid lang talaga ang utak mo? Dahilan para hindi mo makilala ang sarili mo. Kung kilala mo sarili mo.. may dahilan ka para ikaw ay magbago.

Saturday, 15 October 2011

SOBRANG KALAYAAN

ALAM NYO BA ANG SOBRANG KALAYAAN?

Sa tagal kong pagtatrabaho dito sa abroad iisa ang nakikita kong dahilan kung bakit karamihan sa mga pilipino lalo na ang mga OFW na umuuwing bigo. Ito ay ayon sa pansarili kong obserbasyon. Dito sa abroad ang pangunahing nagpapahirap sa mga pilipino bukod sa mga ugali at kayabangan ay ang "SOBRANG KALAYAAN".

Hindi ko na babangitin dito kung anong ugali meron tayo, lahat ng ginagawa natin ay nakabatay talaga sa ugali ng tao. Andyan yung kayabangan, yun bang mahilig tayong magyabang bibili ka ng mga mamahaling gamit kahit meron ka ng mumurahing gamit pilit mo paring bibilhin ang mamahaling gamit para lang maipakita mo or maipagmalaki mo na meron kang ganong gamit. May CPU kana bibili ka pa ng laptop para maipakita mo sa iba na meron kang laptop na gamit parte yan ng kayabangan. Meron ka ng cellphone bibili ka pa ng mas hightech sa sellphone na gamit mo para maipakita mo na meron karing mamahaling cellphone, parte din yan ng kayabangan. Sa madaling salita.. sayang ang mga pera.

Bukod diyan ang pinaka dahilan kung bakit nagiging bigo ang isang ofw ay ang sobrang kalayaan.

Dito sa abroad.. nandito na ang lahat ng kalayaan nating mga pilipino. Malaya tayo sa lahat ng bagay kung ikukumpara natin nang nasa pinas tayo at katabi natin ang ating mga asawa't mga anak. Sa pilipinas kahit papaano merong magbabawal sa iyo. Kadalasan.. marami tayong hindi natin nagagawa kung nasa pinas tayo na malayang nagagawa natin dito sa abroad. Malaya tayong gumasta ng gumasta, malaya tayong uminom ng uminom, malaya tayong makipag jamming at makipag inuman kahit kangino ng magdamagan at makipagpartihan kung saan - saan ng walang nagbabawal or walang pumipigil at malaya tayong mamasyal ng mamasyal kung saan saan at malaya tayong makipagligawan kahit kangino. Sa madaling salita malaya nating gamitin kung saan - saan ang perang hinahawakan natin na sa bandang huli wala na palang nangyayari sa pagiging ofw natin, wala na palang natitira sa perang pinaghirapan natin, wala na pala tayong naiipon.

Sa huli saka natin maiisip na ang laki pala ng nalustay mong pera, sa huli saka mo idadahilan sa misis mo or sa mga magulang mo.. ang baba kasi ng sahod namin, idadahilan mo pa.. hindi nasunod ang talagang suweldo ko. pero.. nakatago sa isipan mo na hindi mo kayang isiwalat sa misis mo na ang dami mong nilulustay na pera kaysa pinapadala mo sa pamilya mo.

Yan kadalasang dahilan kaya maraming mga ofw ang umuuwing bigo.. ''ANG SOBRANG KALAYAAN".


Friday, 14 October 2011

OFW -- PAANO KA NAGING BAYANI?

PAANO KA BA NAGING BAYANI?

Mula pa noon hanggang ngayon madalas nating naririnig sa mga kababayan natin na tayong mga nagtatrabaho dito sa ibayong dagat ay mga bayani ng bansang pilipinas. Eto ang paniniwalang tumatak sa ating mga pilipino. Halos lahat na mga pilipino ito ang kanilang paniniwala, kahit siguro ikaw na nagbabasa ngayon kung OFW ka maaring iyan ang iyong paniniwala na bayani ka ng bansang pilipinas dahil sa perang ibinabahagi mo sa kaban ng bayan.

Bilang OFW.. Paano ka nga ba naging bayani ng pilipinas?
Dahil ba sa perang ibinahagi mo sa kaban ng bayan bilang manggagawa dito sa ibang bansa?
Paano? Dahil ba kundi dahil sa perang nakukuha sa atin kaya tumitibay ang ekonomiya ng bansang pilipinas? Maaring isasagot mo "OO".

Malaking "OO". Taas noo ka pa ngang ipagsisigawan na dahil isa kang OFW na malaking naiaambag sa ekonomiya ng pilipinas.

Tatanungin kita..
Ang pera bang napupunta sa gobyerno mula sa iyo bilang OFW ay kusa at buong puso mo bang ibinibigay sa gobyerno? (sagutin mo ito) "IMPOSIBLE!"

Kung halimbawang dumaan sa palad mo ang salaping napupunta sa gobyerno at pagkatapos mong mahawakan ang perang napupunta sa gobyerno.. Ibibigay mo kaya ng kusa ang perang pinaghirapan mo sa gobyerno?

Palagay ko.. "HINDI" Imposibleng ibibigay mo ang perang pinaghirapan mo sa gobyerno.
Tapos... Aakuin mo na ikaw na isang OFW ay bayani ng bansang pilipinas.

Isang halimbawa ko.. Ang mga pilipinong manggawa dito sa bansang south korea ay nag rally noon dahil tinangkang kunin ng gobyernong arroyo ang pera ng mga pilipino dito sa korea at ang makukuhang pera ng gobyernong arroyo sa bawat pilipinong manggagawa dito sa korea ay mahigit sa 200,000 pesos ang bawat isang ulo. Napakalaking halaga na pinaghirapan ng mga pilipino kukunin lang ng gobyerno. Isang halimbawa ito na ayaw nating ang gobyerno ang makinabang sa perang pinaghirapan natin. Dapat lang! Dapat lang na ang pamilya natin ang makinabang sa perang pinaghirapan natin hindi gobyerno.

Tapos aakuin natin na bayani ka ng bansang pilipinas.

Minsan kasi may mga pilipino na narinig lang nila sa ibang tao na bayani tayo.. iyon narin ang kanyang paniniwala. Hindi na nag iisip.. hindi muna inaalam kung bakit nga ba tayo naging bayani ng bansang pilipinas. Minsan.. ipinagsisigawan pa "OFW ako.. bayani ako ng bansang pilipinas!".

Aminin mo man o hindi ikaw na ofw nagpunta ka dito sa abroad para mabigyan mo ng kinabukasan ang pamilya mo.. hindi kinabukasan ng gobyerno, nagpunta ka dito para bigyan mo ng kaligayahan ang pamilya mo.. hindi para bigyan mo ng kaligayahan ang gobyerno, nagpunta ka dito sa abroad para magtrabaho alang - alang sa pamilya mo.. hindi alang - alang sa gobyerno at sa panahon ng pamamalagi mo rito sa abroad wala kang iniisip kundi pamilya mo ang dahilan ng pagtitiis mo dito sa abroad. Pero.. ni minsan hindi sumagi sa isip mo na kaya ka nagpunta dito sa abroad ay dahil sa gobyerno.

Tapos.. Ipagsisigawan mo.. ofw ka bayani ka ng bansang pilipinas.

Gumising ka kaibigan sa katotohanan.


Photobucket