Go To  Home Page

ANG TALINO NG ISANG TAO
AYON SA DAMI NG KAALAMAN
HINDI SA TAAS NG PINAG-ARALAN
^_^
KUNG NAIS MONG BALIKAN ANG NAKARAAN
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON YAN ANG EPEKTO NG IYONG NAKARAAN
KUNG NAIS MO MALAMAN KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
TINGNAN MO SARILI MO NGAYON
NAKIKINITA MO NA KUNG ANO ANG IYONG MAGIGING BUKAS
^_^
HUWAG MO HUSGAHAN ANG KAPWA NG DAHIL LANG SA
KUNG ANO ANG NARINIG MO SA IBA
^_^
MABABASA MO ANG ISIPAN NG ISANG TAO
SA PAMAMAGITAN NG KILOS AT PAGSASALITA
^_^
DI BALENG WALANG TULOG
WAG LANG WALANG GISING
^_^
ALAM MO BA... ANG TAONG AYAW TUMANGAP NG PAGKATALO
AY ANG TAONG LAGING SUMISILIP NG KAMALIAN MO
^_^
ANG ATTITUDE KO NAKADEPENDE SA KUNG PAANO
MO AKO TRATUHIN
^_^
MINSAN.. ANG SIMPLENG PAYO MO SA IBA
IYON NAMAN ANG HINDI MO MAGAWA SA SARILI
^_^
HUWAG KANG MAKIKIPAGTALO KUNG SA REYALIDAD
HINDI MO MAGAWA SA SARILI ANG
IPINAGLALABAN MO

Tuesday, 22 March 2011

PAGANAHIN MO ANG ISIPAN

Paano nga ba mapapatakbo ang ating isipan?
Paano natin maipapakita kung gaano kalawak ang ating isipan?

Importante sa buhay kung paano nga ba natin pinapatakbo ang ating isipan, natural... lahat naman tayo may isip pero kadalasan may isip nga tayo pero nagagamit lang natin sa natural na paraan yun bang parang tubig lang na umaagos lang ng umaagos, basta may makain lang, basta may isip lang. Importanteng sa buhay kung paano ba natin patatakbuhin ang ating isipan na kailangan meron kang bagong likha ng galing mismo sa katas ng ating isipan yung kaya mong paligayahin ang sarili mo sa pamamagitan ng bago mong likha na maipagmamalaki mo na hindi ginamitan ng daya, hindi pekeng kaligayahan.

Sa talas ng isipan mo nakasalalay ang ikaliligaya mo, ikaliligaya ng pamilya mo at sa talas ng isipan mo nakasalalay ang ikagaganda ng buhay ng pamilya mo. Huwag mong isarado ang isipan kung ano lang ang nakikita mo ngayon. Pilitin mong paunahin ng dalawang taon ang isipan mo sa sarili mo para makita mo kung saan ka dadalhin ng isipan mo. Minsan bigyan mo ng halaga ang pag-iisip para maging reality. Mahalagang ikaw muna ang magpatakbo sa utak mo bago ka patakbuhin ng isipan mo.

Tulad sa pag susulat or sa pagba-blogging hindi mai-aalis na nag umpisa tayo sa grade one kung bago pa lang nag susulat hindi maiiwasan na gumamit ng kodigo sa exam or mangopya sa ka-klase pero... habang panahon ka na lang bang grade one?

Kailangan palagi kang may bagong likha na mabibigyan mo ng magandang impact sa isipan ng mga nagbabasa na mag iiwan sa isipan nila kung gaano ka kalawak mag isip. Sa tagal ko ng pagsusulat dito sa blog isang beses lang ako nag ''repost'' ng poste ko yung bang naisulat ko na isusulat ko uli lalagyan lang ng konting rekado para maiba lang ng konti sa dati pero.. hindi na naulit isang pag papatunay na wala ng maisip, pag papatunay na may hangganan ang aking isipan. Sa aking paniniwala na hanggat maari ayokong ipakita na hindi ko kayang patakbuhin ang aking isipan ayokong ulit-ulitin ang nagawa ko na dahil para ko ng inamin na hindi ko na kayang patakbuhin ang aking isipan ayokong panoorin ang pelikulang napanood ko na. Kitang-kita ko sa ganyang paraan na may hangganan ang kanyang isipan. Nakabase na lang ang ating pagsusulat sa kung ano ang nakasulat na balita sa pahayagan, nakasunod nalang isipan natin sa buntot ng isipan ng ibang tao. Kailangan bigyan mo ng malinaw na pahayag ang bawat ginagawa or sinusulat upang maipakita natin ang kagalingan ng isipan na maaring sila ang sumunod sa buntot ng isipan mo.

Minsan... iniiwasan kong magbasa ng ibang kapwa ko blogger hindi dahil ayaw kong basahin ang blog nila, ayaw ko dahil ayokong makita na yung galing mismo sa isipan ko makikita kong nagawa na ng iba nakakaramdam ako ng kalungkutan at panghihina sa sarili ko, hindi ko na magawa ang produkto ng aking isipan. Hanggat maari ayokong maging fake ang kaligayahan ko or fake ang mga ngiti ko yun bang gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi na ako grade one, hindi na ako grade two, gusto kong iparamdam sa nagbabasa na may bago uli sa sarili ko. Nais kong iparamdam na kaya kong patakbuhin ang isipan ko na masasabi kong nag-i-improve ang isipan ko. Kung may nakaparehas man ako ng naisulat sa kapwa ko blogger hindi ako makakaramdam sa sarili ko na guilty ako sa mga ginagawa ko. Basta meron akong naisip na isulat ginagawa ko hindi ako nag nag aalala kung may katulad man o wala ok lang basta ginagawa ko yung galing sa akin ayokong isabotahe ako mismo ng sarili kong isipan.

Mahalaga para sa akin kung ano magiging impact sa isipan ng nagbabasa or nakakakita sa akin sa personal man kadalasan lahat ng ginagawa ko, lahat ng sinusulat ko at lahat ng sinasabi ko na nagmumula sa isipan ko nasa mabuti kaysa sa masama.

Katulad ng madalas kong iniisip... ''Kaysa mag-isip ka ng hindi mabuti sa kapwa mo... Mag isip ka na lang ng makabubuti sa sarili mo or sa buhay mo.." (Yayaman ka pa).


Monday, 28 February 2011

DECISION

Marami sa atin ang hindi nagpapahalaga sa bawat desisyong kanilang ginagawa, hindi masyadong pinag iisipan kung tama o mali nga ba ang ginagawang desisyon. Maliit man o malaking bagay na dapat pagdesisyunan isang daan na magdadala sa atin kung saan tayo dadalhin ng ating mga paa. Sa desisyon nakasalalay ang ating kinabukasan, lahat ng bagay ng iyong nakaraan ay bunga ng iyong desisyon kung ano man ang kinahinatnat ng buhay mo ngayon yan ang bunga ng mga ginawa mong desisyon sa mga nakalipas. Ang maliit man o malaking bagay na ginawa mo ayon sa iyong desisyon na maaring maging dahilan kaya nabago ang iyong buhay. Kahit sa pag gamit ng salapi mag iiba ang takbo ng buhay mo depende sa paghawak mo ng salapi kung saan mo ba pwedeng gamitin ang kayamanan mo, mula sa trabaho at pang araw-araw mong pamumuhay nakasalalay din sa simpleng desisyon mo na inaakala mong walang magiging epekto sa darating na bukas. Ang lahat ng bagay na pinagdedesisyunan mali man o tama ikaw ang makakatangap ng reward o resulta sa hinaharap. Ang buhay ng tao ay punong-puno ng hamon ng buhay. Maraming pagpipilian kung saan ka dapat lumugar, kung ano ba ang nararapat gawin, kung ano ang tama at maling gawin sa araw-araw at marami pang iba na kailangang mag desisyon. Ang lahat ng bukas ay nakabase sa resulta ng mga desisyon at sa bawat maling desisyon maling daan ang patutunguhan na magiging dahilan ng paglayo sa iyong mga pangarap. Mas madali mapahamak ang taong nagdedesisyon ng hindi nag iisip, kaysa sa taong nag iisip muna bago magdesisyon kung ano ang dapat at hindi dapat at kung ano ang tama at mali mula sa kanyang mga ginagawa or sinasabi.

Ang isipan ko ay laging nakatuon sa aking mga pangarap, laging nakatuon sa kaligayahan ng aking pamilya, laging nakatuon sa aking kaligayahan kaya sa tuwing dumarating ang oras para mag desisyon nakakapag desisyon ako ng tama dahil ang lahat ng nagiging desisyon ko ay nakabase lahat sa daan ng kaligayan namin ng aking pamilya.

Sa desisyon mo nakasalalay ang iyong buhay, kaligayahan at kinabukasan kasama ng mga mahal mo sa buhay.




Thursday, 24 February 2011

PARAAN SA PAGNENEGOSYO


Simula nung akoy bata pa iminulat na sa akin ng nanay ko ang pagnenegosyo, iminulat sa akin kung ano ang mga nakukuhang maganda sa pagnenegosyo bagamat hindi pa nasubukan ng nanay ko ang magnegosyo ng kahit ano pero iminulat niya sa akin ang kahalagahan sa pagnenegosyo. Kahit salat sa kaalaman ang nanay ko sa negosyo hindi naman siya nagsawang nagsuporta sa akin sa pagbibigay ng puhunan hanggang sa nakahiligan ko ng magtinda-tinda sa aming paaralan. Nag umpisa akong magtinda noong nasa grade four ako, puno man ako ng kahihiyan pero sa tulong ng mga paliwanag at tulong pinansyal ng nanay ko naipagpatuloy ko hanggang sa magkaroon na ako ng interesadong magtinda. Isang supot na makapuno ang madalas na tinitinda ko noon kadalasan halos kalahati ng supot ako ang kumakain dahil masarap na matamis pa. Hindi hinahanap ng nanay ko ang mga napagbilhan ko sa araw-araw ang tanging hangad lang niya ay yung kung ano ang makita ko at matutunan sa pagnenegosyo. Alam nating lahat na sa negosyo kailangan unang-una na syempre ang sipag at tiyaga, kailangan din sa negosyo ang diskarte at higit sa lahat ay ang mahabang pisi or malaking capital, dahil minsan mahirap din sa negosyo ang puro cash dahil alam naman natin ang hirap ng buhay sa atin.

Paraan....
Plano kong magpautang ng bigas, fertilizer or abono sa palayan, mga pagkain ng manokan at babuyan. Umpisahan ko sa bigas dahil alam na natin na.. hirap ang buhay ng bawat pilipino hindi ko sila pahihirapan sa pagbabayad. Kung ang isang ama ay isang tricykle driver lang paano siya makakabayad ng isang sakong bigas kung nagkakahalaga ng more or less sa 1,200 ang bawat sako, hirap di ba?

Kung ako ang magnenegosyo... Bibigyan ko ang bawat tricikle driver ng pagkakataong makautang ng bigas at ang paraan ng pagbabayad sa akin 15.00 hanggang 20.00/day ang bawat hulog sa akin araw-araw. Kung ang bawat tricykle driver ay kumikita ng 150.00/day hindi na siya hirap sa 20.00 na hulog araw-araw hanggang sa matapusan niya yung 1,200.00. sabihin na natin na may tubo ka narin 50.00 or 100.00 kada sako kung ang tricykle sa baryo ninyo ay nasa 20 pataas benteng sakong bigas din yan, bigyan mo narin yung mga high school teacher at elementary teacher ilan na silang lahat plus bawat bahay pa, yung susunod na baryo pa ilang tricykle driver din sila doon, ilang teacher din sila doon at bawat bahay kung sa iyo din kukuha, yung mga dalaga at binata na namamasukan din sa trabaho sa iyo narin kukuha, yung susunod na baryo pa, yung susunod uling baryo, yung susunod pa, at yung susunod uli hahaha ang daming baryo yan bigas palang yan, isang bayan palang yan paano kung makarating ka pa sa susunod na bayan, dahil ang bawat baryong pinupuntahan mo boundary na pala ng kadikit na bayan. ilang baryo nanaman yan? eh yung mismong bayan pa na sandamakmak na ang mga tricykle driver diyan, bigas pa lang yan eh yung mga abono or fertilizer pa ng palay puro palayan pa naman sa probinsya. yung mga nagbababoy pa. hayyy naku sa bawat 20 pesos na singil mo magkano kaya aabutin sa isang araw? baka hindi mo na maharap ang mag facebook at mag blogging.

Minsan nakakapagod din pala mangarap



Tuesday, 22 February 2011

BABAE ANO KA SA BUHAY NG LALAKI

Babae ano ka sa buhay ng lalaki

Nais kong isulat ang isang pinaka-importante sa buhay nating lahat ang ina ng tahanan. Pero pinamagatan ko itong ''Babae ano ka sa buhay ng lalaki''.
Sana mabasa din ito ng mga kalalakihan na minsan ang turing natin sa mga kababaihan ay para bang isang laruan, kung minsan tinatrato pa nating parang hayup kung saktan nalang natin ganon-ganon nalang palibhasa alam nating hindi makakabawi ang lakas ng isang babae kung ikukumpara sa ating mga lalaki ang tanging panlaban nalang nila ay ang umiyak. Kung minsan ang turing natin sa kanila ay parang mga bata na kung sigawan mo ganon-ganon nalang na akala mo parang asong susunod sa iyo. Kung minsan kung pagsalitaan mo ng masasakit na salita ganon-ganon nalang na parang inaakala mo na rebulto sila na walang damdamin na tulad mo. Isauli mo nalang siya sa kanyang mga magulang dahil anak siya na pinalaki sa pagmamahal at inaruga ng kanyang amat ina kinuha mo para gawin mong hayup. Tao din sila na tulad mo may damdamin na marunong masaktan, marunong umiyak at nangangailangan din ng pagmamahal na tulad mo. Ang isang babae ay handang ilaan ang buhay para sa iyo sana ilaan mo rin ang buhay mo para sa kanya. Hindi madaling tangapin ng kanyang mga magulang na ang kanilang anak na pinalaki sa pagmamahal tinatrato mo lang na parang hayup. Hindi dahil ikaw ang bumubuhay sa kanya maari mo ng gawin ang lahat ng nais mong gawin sa kanya kahit alam mong nasasaktan na ang kanyang damdamin sa mga ginagawa mo, sa mga salita mo.
Karamihan sa mga lalaki magaling makitungo sa ibang tao, magaling makipag-usap sa ibang tao, mabait sa ibang tao, magaling mag bigay ng advice sa ibang tao.. pero pagdating sa sariling tahanan doon lumalabas ang kabulukan ng ugali, doon lumalabas ang kabulukan ng pag iisip, doon lumalabas ang mga masasakit na salita na hindi niya magawang sabihin sa ibang tao dahil baka isarado ang mukha niya.
Mapalad ka lalaki na kahit gaano kasakit ang ginagawa mo sa babae hindi ka parin iniiwan sa kabila ng lahat ng ginagawa mo sa kanya.

Pero... Huwag mong asahan na habang panahon siyang magtitiis sa ginagawa mo. Idalangin mo lang na wala siyang makilala na mas nakahihigit sa iyo.. hindi siya magdadalawang isip na iwan ka.





Sunday, 13 February 2011

MY PHOTOSHOP PART 2

Ang mga produkto ng aking imahinasyon, mga sariling gawa. Minsan napakasarap sa pakiramdam ang malasap mo ang isang kaligayahang produkto ng sarili mong pag-iisip, sariling idea, napaligaya mo ang sarili mo sa pamamagitan ng sarili mong idea hindi sa ideas ng iba. Isang pagpapatunay sa sarili ko kung gaano kalikot ang imahinasyon ko at kung gaano kalawak ang nararating ng imahinasyon. Itong mga bagay na ganito ang nais kong ipagmalaki sa kapwa ko na maaring gayahin ng sino man, isang bagay na maari mong ipagmalaki na wala kang sinisirang ibang tao.

Klik ninyo yung image para lumaki

















Sunday, 23 January 2011

MY PHOTOSHOP




Para sa nag request.. Eto nilagay ko dito para mai-save niya sa computer niya. Right klik ninyo yung mouse then klik nyo ''SAVE IMAGE AS''.

Nais ko lang na i-share dito sa inyo ang mga unang gawa ko sa photoshop. Ito ang pinagkakaabalahan ko ngayon nakakaadik gumawa sa photoshop lalot may mga taong nagkaka-interesado sa mga ginagawa mo. Marami na akong ginawa pero ilan lang itong ibinahagi ko dito.

Tingnan ninyo kung gaano katindi gamitin ang photoshop kung paano mo ipapasok ang barko sa bunganga ng pating dalawang image po ang pinagdikit ko dito. At makikita ninyo sa ibabang image mapapansin ninyo kung paano naipasok ang papel sa sobre at yung background image parehas ng backgound sa sobre.

Eto pang valentines day pwede nyong kunin gamitin nyo saan man ninyo gusto walang bayad free para sa inyo.. mas maganda kung i-credit nyo dito sa blogsite ko haha.





Eto may nagpagawa sa akin ibigay daw niya sa kanyang butihing maybahay








Changing background color and background blue sky to morning sunset.


Water Drop





Friday, 21 January 2011

ANO ANG KAHULUGAN NG LOVE OR PAGMAMAHAL


Karamihan sa atin ang naniniwala na ang trust ay bahagi ng pag-ibig or pagmamahal. Kung minsan ang salitang trust ay kadalasang ikinakabit sa pag-ibig or pagmamahal
ng isang taong may ibang motibong gawin. Isang guy ang nagsabi sa kanyang kasintahan na... Kung talagang mahal mo ako dapat may tiwala ka ibibigay mo hinihiling ko sa iyo. Ibinigay nung gurl ang kanyang sarili sa lalaki ng dahil ba sa tiwala? or Ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaki ng dahil sa pagmamahal kahit alanganin siyang magtiwala sa lalaki.

Ano nga ba ang love?
Ano - ano ba ang mga kasing-kahulugan ng love?
Saan ba nagmumula ang love or pag-ibig or pagmamahal?
At.. Saan ba nanggagaling ang trust?

Ang love or pag-ibig or pagmamahal ay nangagaling sa isip hindi isang desisyon.
Ang trust ay hindi emotion. Ang trust ay isang bahagi lang ng decision ng isang tao na maari niyang ibigay o hindi sa isang tao. Ang trust para sa akin ay hindi bahagi ng pag-ibig or pagmamahal ang trust ay hindi nangagaling sa damdamin ng isang tao.

Ano ba ang love?
Para sa akin ang love ay ''awa'' wala ng iba.
Ang awa ay isang pagmamahal at hindi desisyon ng isang tao.

Kung likas sa sarili mo ang awa likas din sa iyo ang mapagmahal, magkakaroon ka ng pagkakataong magmalasakit sa isang tao, magkakaroon ka ng pagkakataong umunawa, hindi mo magagawang pagsalitan ng masakit ang isang tao, hindi mo magagawang manakit or manakit ng damdamin ng isang tao, magkakaroon ka ng pagkakataong tumulong, hindi mo magagawang magpaluha ng tao, hindi mo magagawang saktan ang asawa mo, hindi mo magagawang saktan ang mga anak mo, hindi mo magagawang iwan ang asawa mo at hindi mo magagawang pabayaan ang pamilya mo ng dahil sa awa or pag mamahal.

Habang nananatili sa isip mo ang awa kaylan man hindi mawawala sa damdamin mo ang pag-ibig.

Huwag mong hayaang mawala sa isip mo ang awa daan iyan para mawala din sa isip mo ang magmahal.

Kung wala kang awa sa isang tao.. Wala karing puwang para magmamahal.
At.. Kung hindi mo magawang magmahal wala ka ring puwang para maawa.



Friday, 10 December 2010

AMA NG TAHANAN



Kadalasang naririnig natin lalo na sa ating mga may bahay or sa ating mga ina ng tahanan ang ganitong mga pangungusap lalo na kung naaburido minsan or nagagalit lalo na sa atin. "Akala nyo ba.. madali lang ang trabaho dito sa bahay!" "Asikaso namin lahat pati mga bata!"

Para sa mga ina ng tahanan sana mabasa ninyo ito.. Bagamat may katwiran kayo sa ganyang mga binibitiwan ninyong mga salita dahil narin siguro minsan dala narin ng problema sa maraming bagay kaya minsan nakakapagsalita kayo ng ganyan. Pero... eto naman ang panig naming mga ama.

Sa loob ng tahanan hawak ninyo ang inyong mga oras, sa loob ng tahanan wala kayong sinusunod na amo, walang pwedeng magalit sa inyo, walang pwedeng magmura or manakit sa inyo na minsan nararanasan naming mga ama. Sa mga gawaing bahay walang sapilitang maaring mag utos sa inyo ano mang oras pwede ninyong gawin ang mga gawaing bahay walang pwedeng magdikta sa inyo nakadepende lahat sa inyong desisyon kung kaylan ninyo gustong maglaba, magluto, maglinis. Sa tuwing nakakaramdam kayo ng masamang karamdaman maari ninyong ipagpaliban ang lahat ninyong gawain di tulad namin na hanggat kaya naming tiisin ang nararamdaman naming sakit pinipilit parin naming pumasok dahil sa pag aalala naming baka pagalitan or baka tangalin kami at pinipilit namin dahil narin sa nakaatang sa aming balikat ang responsibilidad sa inyo para kayo ay mabuhay kasama ng mga bata. Habang lumalaki ang mga anak natin lalong lumiliit ang hirap ninyo sa mga gawaing bahay dahil maari na ninyong utusan ang ating mga anak na siyang kabaligtaran naman sa panig naming mga ama habang lumalaki ang mga bata lalong lumalaki ang responsibilidad naming mga ama mula sa pagkabata hanggang sa pag aaral ng mga bata.

Dugo, pawis, hirap at kung minsan kahit tumutulo na ang luha namin patuloy parin kaming magpapakahirap alang-alang sa inyo ng mga bata pinupunasan nalang namin ng palad ang aming mga luha. Sa aming pagtatrabaho nakabingit ang kalahati ng aming katawan sa kamatayan, hindi namin alintana ano mang taas ng aming ginagawa mga makinang ano mang oras kayang putulin ano mang parte ng aming katawan. Habang mahimbing kayong natutulog sa gabi andito pa kaming nagpapatulo ng pawis alang-alang sa inyo.

Anak...
Kumuha ka ng isang sentimo mula sa bulsa mo.. Isang sentimong pinaghirapan naming kunin upang makarating sa palad mo, ang bawat sentimong ginagastos ninyo siya ding dami ng pawis at hirap ang dinanas ko.

Ang bawat sentimong hawak nyo katumbas ng bawat parte ng katawan ko.. mga sentimong kaligayahan nyo.. sentimong kasing halaga... ng buhay ko anak.

Sa inyong ama nakasalalay ang buhay at kaligayahan ninyo kasama ng inyong mga pangarap.



Friday, 26 November 2010

PAANO BA ANG MAGTIPID

Paano nga ba ang magtipid?

Yan ang madalas kong naririnig at nababasa sa mga kababayan natin. Paano daw ang magtipid?

Sa tanda nating ito hindi pa ba natin alam ang magtipid? Alam mo ang magtipid... Ang itanong natin sa sarili natin ''Kaya mo bang magtipid?'' Kung talagang gugustuhin mong magtipid makakaya nating magtipid kung... talagang desidido kang magtipid kailangan marunong karing tumupad sa pangako at desidido kang tuparin ang mga pangakong binibitiwan mo sa sarili mo at desidido kang makamit ang mga bagay na nais mong makamit at marating. Iwasan mo lang ang lahat ng bagay na bumabalakid sa plano mo at sumisira sa pangakong magtitipid. Kadalasan at pangunahing sumisira sa pangako nating magtipid ay ang mga bagay na masasabi kong mga panandaliang kaligayahan.

Minsan may mga taong gustong magtipid pero hindi naman ginagawa. Minsan binabalewala lang natin ang pagtitipid pero kung ating iisipin napakalaking bagay ito para marating mo ang magandang bukas, makakamit mo ang mga bagay na inaakala mong hindi mo makakamit. Noon iniisip ko kung magtitipid ako magkano lang kaya ang maiipon ko sa loob ng isang taon? May mga bagay din akong nais na makamit mga bagay na magpapasaya sa akin. Pero sumasagi naman sa isipan ko mahalaga kaya sa buhay ko at sa buhay ng pamilya ko ito?

Itinuloy ko ang pag iipon ko... halos malungkot ako sa mga kaibigan ko na nakakabili ng mga bagong computer na mas hightech sa second hand na binili kong computer, nalulungkot ako minsan pag nakikita ko ang mga kaibigan kong nag lalakihan ang mga kuwintas nila sa leeg, nag gagandahang mga MP4 touchscreen pa, nag gagandahang mga nikkon camera na nagkakahalaga ng halos mahigit sa 1000 dollars na kung ating itatapat sa peso halos 42,000 pesos na isang gadget palang yan. Siyempre kapag meron ka ng mga bagay na ganyan dumarating sa isipan natin na kailangang makita ng mga barkada itong mga mamahalin mong gamit tatawagan mo sila sa hightech mong cellphone para imbitahan silang mag inuman upang maipagmalaki mo ang mga mamahalin mong gamit. Minsan dahil wala akong maipakitang mamahaling gamit ko nagkakasya nalang ako dito sa kuwarto ko gustuhin ko mang makisali or makihalubilo sa kanila lalo lang akong nakakaramdam ng kalungkutan dahil wala naman akong gamit ng tulad ng mga mamahalin nilang gamit. Ako lang ang walang maipakitang mga mamahaling gamit na tulad nila. Pero... Hindi nasira ang pangako ko sa aking sarili iniisip ko siguro sa bandang huli ako naman ang liligaya.

Dahil sa pagtupad ko sa aking sariling pangakong pagtitipid nais ko ring ibahagi sa inyo ang naging bunga ng aking pagtitipid. Natupad ko ang pangako ko sa aking mga anak.

Ito ang pangakong natupad...
Ang regalo ko sa tatlo kong anak,
Photobucket
Niregaluhan ko ng tigi-tig isang motor ang tatlo kong anak.
Tatlong unit ng BRAND NEW HONDA TMX 155
70,000 pesos each plus tatlong sidecar 35,000 pesos each.
Photobucket
Photobucket
Garahe ng bahay ko
Ang bunso kong anak ARVIN - Honda Black Color
Ang pangalawa kong anak CHRISTIAN - Honda Red Color
(Graduating ng criminology this coming march 2010)
Ang panganay kong anak JENYLYN - Honda Red Color
(Manugang ko yung naka upo husband ng panganay kong anak)

Nakamit ko ang isang bagay na hindi lang pansarili kong kaligayahan kundi kaligayahan naming lahat ng pamilya ko. Iyan ang bunga ng aking pagtitipid.

Minsan binabalewala natin ang pagtitipid ang hindi natin naiisip na sa pagtitipid ikaw ang unang-unang makikinabang sa pagtitiis mong magtipid. Malaki ang magiging resulta ng iyong pagtitipid at pagpapahalaga sa iyong mga kinikita.

Kadalasan ang madalas nating naririnig kung nakikita kang hindi gaanong bumibili or nagbibitaw ng salapi tatawagin ka ng kuripot. Nais ko pong sabihin sa inyo... "Wala sa mahirap ang kuripot nasa mayaman" at "Wala sa mayaman ang nagtitipid nasa mahirap".


Saturday, 20 November 2010

SALAMAT SA KALIGAYAHAN

Nakikinig ako ng music dito sa aking hangout madalas napapangiti ako dahil sa tuwing nagpapahinga ako galing sa maghapong pagtatrabaho itong pakikinig ng music ang isang nagpapaalis ng aking pagod. Habang nakikinig ako ng music ang isa pang nagpapasaya sa akin sa araw- araw ay ang mga taong nagbibigay ng pagpapahalaga sa aking mga sinusulat. Mga taong nagbibigay ng dagdag na kaligayahan ko sa araw-araw. Lubos - lubos ang aking kaligayahang nararamdaman sa tuwing nakikita ko sa ibaba ng aking monitor ang mga taong nag ''like'' , nag ''share'' ng mga sinusulat ko. Labis-labis ang akin kaligayahang nararamdaman at buong puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat ng mga nagbabasa at sa lahat ng mga nag-''share'' at nag-''like'' kayo ang nagsisilbing inspiration ko sa araw-araw dahilan upang maipagpatuloy ko ang aking pagsusulat. Sa pamamagitan po ninyo maituturing ko naring malaking tagumpay sa buhay ko dahil napatunayan ko sa aking sarili na nakakapagdulot din ako ng kasiyahan sa aking kapwa kahit man lang sa pamamagitan ng pagsusulat, iyan din minsan ang alituntunin ko sa buhay ang magbigay ako kahit man lang ng konting kasiyahan at napatunayan kong hindi ako bigo sa ginagawa ko dahil sa pagbibigay ninyo ng interesado at pag share ng mga nilikha ng aking isipan.

Sulyapan po ninyo sa ibaba ng inyong monitor may makikita po kayong ''like'', ''share'' at ''recomended'' open po ninyo yung ''RECOMENDED'' upang makita po ninyo ang mga taong nagkaroon ng interesado at nagdulot sa akin ng kaligayahan sa araw-araw mga taong nagiging dahilan upang ipagpatuloy ko ang aking pagsusulat. Sa abot po ng aking makakaya hinding - hindi po kayo mabibigo or mapapahiya sa mga taong nais din ninyong bigyan ng kaligayahan.

OPEN ARMS - Two person shared this (at sa isang taong nag share nito sa isang telesite nakalimutan ko username niya ihabol ko nalang bukas.) At sa mga taong nagbigay ng papuri sa akin sa kabila ng pagpatak ng kanilang mga luha.

THINK GOD - One person shared this.
(Update lang po) Two person shared this.

GAANO BA KASAKIT ANG MALAYO - One person shared this.

PANAGINIP - One person shared this.

KARANASANG HINDI MALILIMUTAN - Three person shared this.
(update lang po) Four person shared this.

SULAT NG ISANG INA - Three person shared this.

KAPALARAN - One person shared this.

SA PAG-IBIG - One person shared this

KALIGAYAHAN KO ANG KANILANG KALIGAYAHA (PEBA ENTRY) - Six person shared this, at mga taong napaluha sa nilikha kong ito.

(update lang po dec. 5, 2010)
SA ARAW NG PASKO - One person shared this

PINAY SCANDAL - One person shared this.

At...
Siyam na tao (9 person)
(update lang po) Eleven person (11 person)
(update lang po uli) Twelve person plus Ms. Nicole Serano & Mr. Arnaldo Basina (14 person)
na po ang nag ''Like'' at nagka-interesado at nasiyahan mismo dito sa buong blog ko.

Napakalaking karangalan po para sa akin tunay na maipagmamalaki po ng inyong lingkod.

Bagamat hindi ko kayo mga kilala walang katumbas na salita at halaga ang ipinagkaloob ninyo sa akin mabuhay po kayo at naway pagpalain kayo ng poong maykapal kasama ng inyong mga mahal sa buhay. Bagamat nakatago po ang inyong mga pangalan at katauhan.. Kayo ang mga taong itinuturing kong nagbibigay ng kaligayahan sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit saludo po ako sa inyo.

Maraming - maraming salamat sa kaligayahang idinulot ninyo sa akin.




Sunday, 31 October 2010

PAANO TUMANGAP NG RESPETO

Minsan may mga bagay na kailangan nating makamit, mga bagay na iniisip nating madali nating makuha mula sa iba ngunit mahirap din natin minsang gawin naman sa iba.

Ano ba ang respeto?
Gusto mo ba itong makamit?
Paano natin makakamit ang respeto?
Paano mo makakamit ang inaasahan mong respeto na magmumula sa ibang tao?

Para sa akin, ang respeto ay magmumula mismo sa ating sarili. Tayo ang dapat magturo sa iba kung paano nila ibibigay ang inaasahan nating respeto. Maraming paraan kung paano nating tuturuan ang taong rumespeto sa atin. Kailangan marunong ka munang rumespeto sa kanila para makamit rin natin ang inaasahan nating respeto sa kanila. Kailangan alamin muna mismo natin sa ating sarili ang magiging kahulugan ng ating mga ginagawa at ng mga sinasabi kung dapat nga ba tayong irespeto. Kung nais mong maibalik ang nawalang respeto sa iyo... Kailangan matutunan din natin minsan ang tumangap ng pagkakamali at kailangan din natin minsan ang tumangap ng katotohanan mula sa sinasabi ng iba at kailangan din natin minsan ang makinig sa sinasabi ng iba. Listening is a skill that can bring a lot of respect to a relationship isang paraan iyan upang maibalik ang nawalang respeto sa iyo. Tangapin mo rin sa iyong sarili na hindi rin lahat ng ginagawa mo ay tama. Kailangan marunong tayong makipag-ugnayan sa tao or kailangan mapanatili natin ang magandang imahe kung paano ang makipagrelasyon sa tao para makamit natin ang respeto ng ibang tao ayon sa mga binibitiwan nating mga salita, kailangan marunong din tayong tumangap ng kapintasan ng isang tao, kahit ano pa siya irespeto natin kapintasan niya, irespeto natin ano man ang ginagawa nila at irespeto rin natin ano man ang nakayanan nila, sa pamamagitan ng magagandang halimbawang pinakikita natin sa kanila matututo silang irespeto ka ayon sa magandang ipinakikita mo sa kanila. Kung may mga taong hindi nagpapakita ng inaasahan nating respeto.. Turuan mo sila kung paano tayo tratuhing karespe-respeto, ikaw ang mag buo ng plano at sila ang gagawa ng respetong inaasahan mo sa kanila.

Minsan may mga taong ayaw alisin ang isipan ang mapang-husga or minsan.. kailangang hanapin mo ang tamang daan na mangagaling mismo sa puso mo ang mga binibitiwan mong mga salita upang hindi magdulot ng hindi magandang impression sa iyo ng ibang tao na nagiging dahilan para ang tao ay mag-react sa ating mga ginagawa or sinasabi na nagiging dahilan narin ng panandaliang pagkawala ng respeto sa atin dahil sa reaction na ikaw mismo ang nagturo para sila ay mag react. Huwag mong asahan ang ibibigay nilang respeto sa lahat ng iyong ginagawa mahalagang malaman mo muna kung deserving kang irespeto o hindi. Mahalagang alamin mo muna ang kahulugan ng mga ginagawa o mga sinasalita mo at mahalaga ding malaman mo ang magiging reaction ng tao kung masama or mabuti para malaman mo ang mali sa ginagawa mo at malaman mo ang tama para malaman mo ang goal tungo sa inaasahan mong respeto at malasap mo ang kaligayahan sa ginagawa mo. Nangangailangan ka ng respeto mula sa iba kailangan matutunan mo ring magbigay muna ng respeto sa iba.

Paano ka irerespeto ng isang tao?
Tulad din iyan ng... Kung paano mo sila irerespeto.



Wednesday, 20 October 2010

AKO AT ANG TATAY KO

Nagluto ako ng 2 balot...
kinain ko isa, yung isa tinawag ko tatay ko...
Tatay!! gusto mo balot?
oo ba!
binalatan ng tatay ko..
walang sabaw, wala na yung dilaw, wala narin yung bato.
sabi ng tatay ko.. ang laki na ng sisiw



Tinawag ko tatay ko..
Tatay paki-abot nyo nga yung hollow blocks
Dinampot ng tatay ko.. eh may tae sa loob
Sabi ng tatay ko... Utos ka ng utos kasi!!


Si ambo nagpunta ng police station....
Sir, nabungo po ako ng kotse
natandaan mo ba yung plate number?
hindi sir eh
natandaan mo ba yung kotse?
hindi rin sir...
eh yung kulay ntandaan mo b?
di rin sir kc madilim
eh yung driver ntndaan mo ba?
hindi rin sir

o.. anong ginagawa mo dito?



Saturday, 18 September 2010

KARUGTONG NG BUHAY MO

Dito sa ibabaw ng mundo ang tao kanya-kanyang kilos, kanya-kanyang diskarte sa buhay, kanya-kanyang takbo ng pamumuhay. Kung minsan iniisip natin ikaw lang ang tao dito sa ibabaw ng lupa dahil bukod sa mga magulang mo at mga kapatid sino pa ang tunay na magmamalasakit sa iyo. Paano kung bawiin na ang buhay ng iyong mga magulang sino pa ang magiging karugtong na ng buhay mo? Sino pa ang masasabi mong karugtong na ng dugo mot laman? Sino pa ang tunay na magmamalasakit sa iyo?

Kung minsan kahit ang mga sarili nating mga kapatid may hangganan ang kanilang pagmamalasakit sa iyo dahil may sarili rin silang buhay. Lalo na ang ibang tao na hindi mo kaano-ano.

Ilang bilyong tao na tayo dito sa ibabaw ng mundo mahigit sa limang bilyon na ang nagsisik-sikan dito sa ibabaw ng lupa.

Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba.




Wala ka bang nakikita?

Sa bilyong-bilyong tao dito sa mundo sino ang mga taong karugtong ng buhay mo?
Sino sa kanila ang handang mag malasakit sa iyo hanggang kamatayan?
Sino ang magiging kasama mo hanggang kamatayan?
Sino ang mag aalaga sa iyo kung ikaw ay nararatay sa banig ng karamdam?
Sino ang handang mag pangiti sa iyo sa tuwing nakakaramdam ka ng kalungkutan?
Sino handang umakay sa iyo sa iyong katandaan?
Sino ang tunay na magmamahal sa iyo ng lubos ng higit sa kanilang buhay?
Sino sa kanila ang tunay mong kaligayahan?
Sino sa kanila ang karugtong buhay mo at karugtong na ng dugo at laman mo?




Ang iyong pamilya
Ang butihin mong may bahay at ang iyong mga anak
Naghihintay sila sa iyong pagbabalik
Dahil karugtong ka rin ng buhay nila



Sila ang tanging umaasa sa iyo


Sila ang karugtong ng buhay mo, sila ang tanging nagbibigay ng kaligayahan mo, sila ang mag sisilbi mong gabay sa iyong katandaan.
Huwag mo silang pabayaan dahil ang kanilang pagmamahal ay hindi kayang tumbasan ng ilang bilyong tao dito sa mundo. Ang kanilang pagmamahal ay walang kapalit, walang katumbas na halaga ano man ang katayuan mo sa buhay nakasunod lang sila sa iyo kahit sa kalungkutan hindi ka nila iiwan. Sila lang ang tanging makagagawa ng hindi kayang gawin ng ibang tao sa iyo. Kung pababayaan mo sila... Sino pa ang hahango sa kanila sa nagsisiksikang tao dito sa mundo. Sino pa ang kanilang hihingan ng tulong, sino pa ang magbibigay ng kaligayahan nila kungdi ikaw lang na kanilang ama, ikaw na karugtong na ng buhay nila, ikaw lang ang tanging magiging takbuhan nila dahil ikaw ang ama, ikaw ang karugtong ng buhay nila.
Sila ang bigyan mo ng kaligayahan dahil ikaw at ang iyong pamilya lang dito sa mundo ang tunay na magmamahalan hanggang kamatayan.

Wala ng iba.
Huwag mo silang pabayaan
Sila ang karugtong ng dugo mo't laman.


Sunday, 5 September 2010

KABAYAN... SAAN KA PATUNGO

Masyadong masalimuot ang buhay ng isang tao, minsan masaya, minsan malungkot minsan naman kabagot-bagot. Minsan nababalisa tayo sa ating buhay laging ganito nalang wala na bang pagbabago sa buhay natin? Saan patungo ang buhay mo? Ang buhay ng iyong pamilya? Saan patungo ang iyong pagsisikap? Anong daan ang tinatahak mo kaibigan?

Marami tayong mga bagay na nais nating makamit, mga lugar na nais nating puntahan ngunit minsan parating na tayo sa nais nating puntahan ngunit tayo na mismo ang lumalayong muli sa nais nating puntahan. Tayo mismo ang lumilihis sa tamang landas magigising ka nalang na umiikot-ikot kalang pala sa lugar na inalisan mo.

Sa pilipinas marami ang nagsisik-sikan at nag aagawan ng pagkakataong makapagtrabaho dito sa ibang bansa, mga kababayan nating nag aagawan ng pagkakataong makahanap ng magandang kapalaran dito sa ibayong dagat. Pinalad ka.. nilisan mo ang iyong pamilya upang makipagsapalaran sa lugar na nais mong puntahan nakarating ka na ba sa iyong nais puntahan? Marami sa atin ang pinalad ngang makapunta dito sa ibayong dagat ngunit bakit parang hindi mo pinapahalagahan ang pagkakataong binigay sa iyo ng maykapal. Bakit... Parang ikaw pa mismo ang sumisira sa magandang pagkakataon mo upang makamit mo ang iyong pinapangarap na magandang pamumuhay, umalis ka ng inyong tahanan upang sa pagbabalik mabigyan mo ng magandang bukas ang iyong pamilya umaasa sa iyo na mararating mo ang nais mong puntahan upang maisama mo sa kaligayahan ang mga mahal mo sa buhay.

Ngayon kaibigan asan ka na?

Ang dami mo ng sinayang na halaga, Ang dami mo ng sinayang na oras, ang dami mo ng sinayang na pawis, ang dami mo ng sinayang na pagkakataon, ang dami mo ng sinayang na lakas, ang dami mo ng sinayang na araw, buwan, taon na ang lumipas ngunit parang umiikot-ikot kalang sa dati mong pinagmulan.

Ngayon... Pabalik ka ng muli

Kabayan... Saan ka ba talaga patungo?



Friday, 6 August 2010

MGA NATUTUNAN KO SA MGA NAKALIPAS

Naglalakad kami ng kaibigan ko nakasalubong namin yung isang kakilala rin namin na pilipino pinansin ng kasama ko ang kasuotan ng lalaking nakasalubong namin. Sa madaling salita sumagot yung lalaki.. ''Anong paki-alam mo sa buhay ko?'' Minsan mahirap kontrolin ang reaction ng isang tao na kung hindi mo kayang kontrolin makakapagsalita ka ng hindi maganda. Salitang hindi katulad ng isang lapis na kung nagkamali ka maari mong burahin sa pamamagitan ng pambura. Sa loob ng ilang segundo mabibitiwan mo ang mga salitang dulot ng reaction mo na hindi na kayang burahin ng panahon.


Ano ang gusto mong ipakitang image mo sa isang tao?
Meron akong nakilalang tao mga ilang araw ayaw na niyang makipag-usap sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Palagay ko kahit sino sa atin sa unang pagkakakilala ninyo hindi ka maaring makagawa ng kasalanan sa isang tao kung bago lang kayong magkakilala. Iisa lang ang sumagi sa isipan ko ang tinatawag nating ''Bad impression'' sa iyo ng isang tao. Napakahalaga ang bawat kilos at pananalita natin sa isang tao kung paano mo makikita ang first impression ng ibang tao sa iyo na kung hindi mo bibigyang halaga baka hanggang sa dulo ng mundo hindi parin maalis sa isang tao ang anumang impression na magiging dahilan ng kanyang paglayo. Sa pamamagitan pa lang ng kilos nagkakaroon na ng bad impression ang isang tao bukod sa salita. Mahirap hadlangan ang hinala ng isang tao na nagiging masama para sa iyo, minsan.. mas masama ang imahinasyon kaysa sa riyalidad, mga maling idea ng tao sa iyo. Pinakamabisang paraan para maiwasan ang bad impression ng isang tao sa iyo panatilihin mong maging tahimik at kumilos lang ng maayos dahil minsan ang tao madaling manghusga.



Photobucket
Photobucket